Habang pauwi ako ng bahay ay naisipan kong dumaan ng supermarket. Paubos na rin kasi ang stocks namin sa bahay. Gumilid na muna ako sa gilid ng kalsada upang tawagan si Wilson. Pero hindi siya sumasagot kaya tinext ko na lang siya. “Ano’ng gusto mong ulam? Dadaan ako ng palengke ngayon.” text ko sa kaniya. At naghintay ng reply niya. Maya-maya nga lang ay nagreply na siya. “Wala akong maisip eh. Ikaw na ang bahala.” “Sige, Wilson. Ingat ka sa pag-uwi mamaya.” akma ko sanang buburahin ang huling tinype ko pero bigla kong nai-send. “Ikaw din, ingat ka. Sige na, marami pa akong ginagawa.” reply niya. Hindi na nga ako nagreply pa at ibinalik ko na sa bag ang cellphone ko.

Nang makarating na ako sa supermarket ay nagpark lang ako at nag grocery na. Pagkatapos kong mag grocery ay nagpunta naman ako sa wet market para bumili ng mga stock naming manok at karne. Hindi kumakain ng kahit anong isda si Wilson kaya hindi na ako bumili ng isda.

Hanggang sa mag crave ako ng mais na nilaga kaya tumawid ako ng kalsada dahil nandoon ang nagtitinda. Habang pumipili nga ako ay napansin kong may buntis na naglalakad at halatang hirap na hirap na ito. Nakasapo na ng isang kamay niya sa ilalim ng tiyan niya habang ang isang kamay naman niya ay nasa balakang niya.

“Wait lang po ah.” pagpapaalam ko sa tindera ng mais at nilapitan ko ang babaeng buntis. Pawis na pawis na ito. “M-misis? kabuwanan mo na ba?” tumango naman siya. “Tulungan mo po ako, mukhang manganganak na ‘ko. Napakasakit na. Hindi ko na kaya.” Bigla akong nanginig dahil sa sinabi niya. “Sige po, dadalhin po kita sa ospital. Doctor po ako kaso hindi ako OB Doctor.” sabi ko.

Nang bigla siyang kumapit sa braso ko. “L-lalabas na po yata siya. Lalabas na po ang bata.” Sumigaw ako ng tulong pero nagtinginan lang sila sa amin. “Tulong, doc! Lalabas na siya!” Hanggang sa… May umaagos ng panubigan sa mga hita niya. “Malayo pa ang kotse ko dito. Tulong po! Tulong! Tulungan natin siya, manganganak na siya!” “Araaaayyyyy!!!”

Hanggang sa may isang lalaki ang tumulong sa amin para buhatin siya. “Dalhin po natin siya sa kotse ko para maidala ko siya sa ospital.” Tumango nga ang lalaki habang walang tigil sa pagdaing at pagsigaw ang babaeng buntis. Halos patakbo na kami para agad siyang maidala sa kotse ko pero…

“Manganganak na talaga ako! Dito na lang! Nararamdaman ko na siya!” “Paano ‘to, Miss? Manganganak na raw siya. Baka biglang lumabas ang bata!” “Pakibaba na po siya sa gilid. Dito po. Ayun, may karton po! Paki kuha, bilis!” Ibinaba nga niya ang babae at kinuha ang karton kung saan ko ihihiga ang babae. Wala akong alam sa pagpapa anak pero bahala na. Tinulungan ako ng lalaki na ihiga ang babaeng buntis at ako na ang nag alis ng under wear nito. “Hinga po ng malalim! Nakikita ko na ang ulo ng baby!” Matinding pag-iri at malakas na sigaw nga ang pinakawalan niya nang bigla ng lumabas ang napaka cute na sanggol. Naghubad naman ang lalaki para may maibalot sa sanggol. “Maraming salamat po. Pakibuhat na po siya at ako na ang bahala sa bata. Dalhin na po natin sila sa kotse ko.” “Sige po.”

Habang papunta nga kami sa kotse ko ay maraming nakatingin sa amin at nagbubulungan. Nang maipasok na namin ang babae sa kotse at maibigay ang anak nito ay hinarap ko naman ang lalaking tumulong sa amin. “Maraming salamat po. Salamat po talaga.” “Ito din po ‘yung karne at manok mo.” aniya. “Maraming salamat po. Napakarami pong tao doon kanina pero walang gustong tumulong.” “Buti nalang po at nadaan ako doon.” “Butu nalang po talaga. Audrey nga po pala.” pagpapakilala ko. Sabay lahad ko ng kamay ko sa kaniya. “W-wala ka na po tuloy pang itaas. “Joshua po.” sabay tanggap niya ng kamay ko. “Ayos lang po yun. Ang importante po, may naibalot tayo sa bata.” “Sana, magkita po tayo ulit.” saad ko. “Aalis na po kami. Maraming salamat po ulit.”

Ngumiti at tumango naman siya kaya pumasok na ako sa kotse para maidala na sa ospital ang mag-ina. “Doc, maraming-maraming salamat po sa ‘yo. Pati na do’n sa lalaking tumulong sa atin.” “Walang anuman po. Siya nga po pala, may puwede po ba tayong tawagan? Asawa mo po?” “Wala po akong asawa.” sagot niya. “Po?” “Wala na rin ang Lola ko. Ang kaisa-isang tao na kasama ko buong-buhay ko. Ibinenta ko ang sarili ko para maipagamot ang lola ko, pero… nawala din siya. At hindi ko akalain na… na mabubuntis ako ng lalaking ‘yon. Kahit isang beses lang namang may nangyari sa amin.” “Mag-isa ka nalang ngayon? Paano ‘yan? Sino’ng mag-aalaga sa inyo?” “Yun ang hindi ko po alam.”

Hindi na nga ako naka imik hanggang sa makarating na kami ng ospital. Agad namang inasikaso ang mag-ina.

Nang biglang tumawag si Wilson. “Akala ko ba pauwi ka na? Bakit nauna pa ‘ko sa ‘yong nakauwi?” tanong niya mula sa kabilang linya. “Bumalik ako sa ospital. May tinulungan akong buntis kanina. Maya-maya, uuwi na rin ako.” “Sige.” sagot lang niya at pinagbabaan na ako.

Napabuntong-hininga na lang ako. Kahit kailan talaga ay napaka-cold ni Wilson. Minsan naiisip ko, mahal pa ba niya ako? O baka naman napipilitan na lang siyang makisama sa akin?

Bago ako umalis ay binalikan ko muna ang mag-ina sa ward. Nakahiga na ang babae at mahimbing na natutulog ang sanggol sa tabi niya. Mukhang maayos na ang kalagayan nila. Kinausap ko ang nurse duty para sabihin na ako na ang bahala sa mga initial expenses nila. Hindi ko matitiis na iwan sila lalo pa’t nalaman ko ang sinapit niya.

Pauwi na ako nang mapansin kong naiwan ko pala ang wallet ko sa kotse kanina nung nagmamadali kaming pumasok sa ospital. Bumalik ako sa parking lot.

Madilim na sa parking area. Binuksan ko ang pinto ng kotse ko at hinanap ang wallet sa driver’s seat. Sa wakas ay nakita ko rin ito sa ilalim ng upuan.

Akma ko nang isasara ang pinto nang mahagip ng mata ko ang isang bagay sa backseat. ‘Yun ‘yung bag ng babaeng napaanak ko. Siguro ay nahulog nung binuhat siya ni Joshua pasok sa kotse.

Kinuha ko ang bag. Luma na ito at kupas. Naisipan kong buksan para tingnan kung may ID siya o kahit anong contact number para matawagan ang sinasabi niyang nakabuntis sa kaniya, kahit pa sinabi niyang isang beses lang may nangyari sa kanila. Baka sakaling magbago ang isip ng lalaki kapag nalamang may anak na siya.

Hinalughog ko ang bag. May iilang barya, lumang resibo, at isang maliit na pitaka. Binuksan ko ang pitaka. Walang ID, pero may isang nakatuping papel.

Binuksan ko ang papel. Isa itong litrato. Isang litrato ng lalaki.

Gumuho ang mundo ko sa nakita ko. Parang tumigil ang pagtibok ng puso ko at nawalan ako ng hangin sa baga.

Ang lalaki sa litrato… ang lalaking tinutukoy niyang nakabuntis sa kaniya…

Walang iba kundi si Wilson. Ang asawa ko.