Kakatapos lang iluwal ni Sarah ang kanyang panganay na anak sa isang public hospital. Pagod na pagod siya at nanghihina. Wala ang asawa niyang si Mike sa tabi niya habang nanganganak.

Biglang bumukas ang pinto ng ward. Pumasok si Mike, kasama ang kanyang ina na si Donya Elvira, at isang magandang babae na si Jessica (ang kabit).
“Mike?” mahinang tawag ni Sarah. “Tignan mo ang anak natin…”
Hindi tinignan ni Mike ang sanggol. Sa halip, inabot ni Donya Elvira ang isang envelope kay Sarah.
“Pirmahan mo ‘yan,” mataray na utos ni Donya Elvira.
“A-Ano po ito?” tanong ni Sarah.
“Divorce papers (Annulment),” sagot ni Jessica na nakakapit sa braso ni Mike. “Hiwalayan na kayo ni Mike. Ako na ang pakakasalan niya. Mayaman ako, hindi tulad mong hampaslupa na walang maibibigay sa kanya kundi sakit ng ulo.”
“Sarah, sorry,” sabi ni Mike nang walang emosyon. “Kailangan ko ng asawang makakatulong sa negosyo namin na palugi na. Si Jessica ang sagot. Wala kang pera, Sarah. Pabigat ka lang.”
Tumulo ang luha ni Sarah. “Mike… kakapanganak ko lang sa anak mo… Ito ba ang igaganti mo sa akin?”
“Drama mo!” sigaw ni Donya Elvira. “Pirmahan mo na ‘yan at lumayas ka na! Isama mo ‘yang anak mo! Wala kaming pakialam sa inyo!”
Dahan-dahang pinunasan ni Sarah ang luha niya. Tinitigan niya sila isa-isa.
“Sigurado kayo?” tanong ni Sarah. Ang boses niya ay biglang naging malamig at puno ng kapangyarihan.
“Oo! Pirmahan mo na!”
Kinuha ni Sarah ang ballpen at mabilis na pinirmahan ang papel.
“Salamat,” sabi ni Sarah. “Malaya na ako.”
Biglang bumukas ang pinto. Pumasok ang Dean ng Ospital kasama ang limang bodyguard na naka-suit.
“Ma’am Sarah!” bati ng Dean na yumuko nang malalim. “Handa na po ang Presidential Suite para sa inyo at sa Young Master. At nandito na po ang private helicopter niyo para ilipat kayo sa sarili niyang ospital kung gusto niyo.”
Natigilan sina Mike, Donya Elvira, at Jessica.
“Ma’am Sarah? Young Master? Private Helicopter?” gulat na tanong ni Donya Elvira.
“Ah, hindi niyo pala alam,” ngiti ni Sarah habang bumabangon sa kama nang walang tulong.
“Ako si Sarah Vandel. Ang nag-iisang tagapagmana ng Vandel Group of Companies—ang pinakamayamang korporasyon sa Asya.”
Nalaglag ang panga ni Mike. Ang Vandel Group ang kumpanyang sinusuyo nila para mag-invest sa kanila!
“K-Kaya pala…” utal ni Mike. “Kaya pala pamilyar ang apelyido mo! Akala ko kapangalan lang!”
“Nagpanggap akong mahirap para makahanap ng lalaking mamahalin ako nang totoo,” paliwanag ni Sarah. “Pero, Mike… you failed the test.”
Humarap si Sarah kay Jessica. “At ikaw, Jessica? Ang yaman na ipinagmamalaki mo? Galing ‘yan sa allowance na binibigay ng daddy mo na empleyado ko. Gusto mo bang tanggalin ko siya trabaho ngayon din?”
Namutla si Jessica.
“At Donya Elvira,” baling ni Sarah sa biyenan. “Ang lupa na kinatitirikan ng bahay niyo? Akin ‘yun. At dahil hiwalay na kami ni Mike… Eviction Notice ang susunod na matatanggap niyo, hindi pera.”
“Sarah! Mahal kita! Joke lang ‘to!” lumuhod si Mike at kumapit sa binti ni Sarah.
“Guard, ilabas ang mga basurang ‘to,” utos ni Sarah.
Kinaladkad ng mga bodyguard sina Mike, Jessica, at Donya Elvira palabas ng ward habang nagmamakaawa.
Sumakay si Sarah sa wheelchair, karga ang kanyang anak, at lumabas papunta sa kanyang helicopter—iniwan ang nakaraan at ang mga taong hindi marunong magmahal nang tunay.
WAKAS.
News
Noong ikasampung anibersaryo namin, iniabot niya sa akin ang mga papeles ng diborsyo doon mismo sa sala at kinutya ako: “Kung wala ako, wala ka nang kwenta.” Ang hindi niya alam ay may patunay ako, at ang gabing iyon ang simula ng kanyang pagbagsak/th
Dati, iniisip ni Isabella Mendoza na ang kapangyarihan ay parang isang higanteng payong: hangga’t nasa ilalim ka nito, walang masamang makakahawak sa iyo. At, para maging patas, sa loob ng maraming taon ay gumana ito para sa kanya. Nakatira siya…
Isang batang babae ang bumulong sa 911: “Nagtatago ako sa banyo ng paaralan… may sumusunod sa akin.” Ano ang katotohanan?/th
Isang batang babae ang bumulong sa 911: “Nakatago ako sa banyo ng eskuwelahan… may sumusunod sa akin.” Agad na pinuntahan ng pulis ang lugar at kinilabutan nang matuklasan ang nakakapanindig-balahibong katotohanan… —“911, ano ang inyong emergency?”— Kalmado at propesyonal ang…
Dahil nakatira ako kasama ang isang mapang-abusong asawa, ipinagtanggol ko ang aking sarili/th
Buntis ako noon. Ilang buwan ko nang dinadala sa sinapupunan ang batang pinapangarap naming dalawa. Sa tuwing hinihimas ko ang tiyan ko, kinakausap ko ang anak ko. Anak, kakayanin natin ito. Magiging maayos din ang lahat. Pero habang lumilipas ang…
Akala ng lahat ay patay na siya—habang ang bilyonaryo ay lihim na nabubuhay, nagtatago sa piling ng isang hamak na babae at ng kanyang mga anak/th
Tahimik ngunit walang tigil ang pagbuhos ng ulan sa daang lupa, ginagawang makapal na halo ng putik at nabubulok na mga dahon ang paligid. Isang lalaki ang pasuray-suray na naglalakad—punit-punit ang damit, marumi ang mukha, at ligaw ang tingin. Walang…
NAG-ASAWA MULI ANG AMA KO SA EDAD NA 60 — BUONG PAMILYA AY NAGDIWANG NGUNIT ISANG SIGAW SA GABI NG KASAL ANG NAGPABANGON SA AMIN AT NANG BUMUKAS ANG PINTO, MAY ISANG KATOTOHANANG WALANG NANGAHAS BANGGITIN…/th
Sumilip ang dilaw na ilaw mula sa silid-tulugan papunta sa pasilyo—mahina, ngunit sapat para makita ko ang lahat, at sapat para ukitin ang sandaling iyon sa alaala ko habambuhay. Nakatayo ang ama ko sa gitna ng silid, nakatalikod sa pinto….
PUMASOK AKO SA HUKUMAN NA WALONG BUWAN ANG AKONG BUNTIS, NANINIWALA PANG ANG PAPEL NG DIBORSYO LANG ANG PIPIRMAHAN KO… HANGGANG SA SINASAmpal AKO NG KANYANG KASAMBAHAY AT BUMULONG ANG ASAWA KO, “WALA KA LANG”; PAGKATAPOS AY INIUTOS NG HUKOM, “ISARA ANG MGA PINTO,” AT NAGBAGO ANG LAHAT/th
Pumasok ako sa Family Court sa Mexico City na walong buwang buntis, naniniwalang ang pinakamasamang maaaring mangyari ay ang pagpirma sa isang nakakahiyang papeles ng diborsyo. Handa akong makarinig ng mga kasinungalingan, tiisin ang mga titig, lunukin ang aking pride…
End of content
No more pages to load