NILIGTAS KO ANG ASONG NAKATALI AT INIWAN NG MAY ARI SA BAKOD NILA AT N4LULUN0D NA SA BAHA

Malakas ang bagyo ng araw na yun signal number 4 sa lugar namin, umaabot na hanggang dibdib ang baha.

Kaya maraming kapitbahay namin nagsilikas na.
Nag pasya na rin akong lumikas, dahil hanggang dibdib na yung baha at malakas parin yung ulan baka mas lalo pang tumaas ang baha.

sinuong ko ang hanggang dibdib na baha.

Wala akong dalang kahit ano..

Habang naglalakad ako sa baha ay may naririnig akong alulonh ng aso, parang panaghoy yun sa tenga ko.

Para bang humihingi ng tulong…

Kaagad kong sinundan kung saan nanggagaling yung tunog.

At nagulat ako at naantig ang puso ko nang makita ko yung asong nakatali sa bakuran ng kapitbahay namin.

Nalulunod na ito sa baha, tinataas niya na lang yung ulo niya para umalulong na para bang nanghihingi siya ng tulong.

Akmang lalapitan ko na yung aso, pero biglang lumakas ang ragasa ng tubig.

May sumigaw na kapitbahay umapaw na daw yung ilog.

Kaya nagtatakbuhan na yung mga tao, at mabilis na nagsipaglangoy sa rumaragasang tubig baha.
Nakatitig ako sa aso, delikado na kapag pinilit ko pa siyang iligtas baka tangayin na rin ako ng baha.

Pero may kurot sa dibdib habang pinagmamasdan ko ang asong pilit na nakikilag laban para mabuhay.

Hindi ko kayang iwanan na lang yung aso, kaya sa gitna ng rumaragasang baha ay pinilit kong makarating at malapitan siya.

Kumapit ako sa mga puno para hindi ako tangayin.

Hanggang sa nakalapit ako sa kanya.

Nagsusumamo ang mga mata ng aso… na para bang sinasabi niyang tulungan mo ako…

At mas lalong lumakas ang alulong nito nang makalapit na ako sa kanya.

Kaagad kong kinalagan siya ng tali.. at agad kong niyapos yung aso habang kumakapit ako sa poste at puno palayo sa lugar na yun.

Ramdam ko ang panginginig ng katawan ng aso dahil sa lamig.

Mabuti na lang may rescuer na naka kita samin, dahil kung wala naka pareho na kaming tinangay ng baha.

Nakaligtas kaming pareho sa rumaragasang baha.

At yung may ari sa aso hindi na bumalik. Iniwan na yung lugar, kaya kinupkop ko na siya.

pinangalan ko ang aso na “Saviour” hindi dahil sa niligtas ko siya… kundi dahil sa kadahilanang siya ang nagligtas sa akin…

Dahil simula nang makasama at kinupkop ko na ang aso kong si Saviour…

Nailigtas niya ako sa matinding kalungkutan. Binigyan niya ng saysay yung buhay ko.

Mag isa na lang kasi ako sa buhay, at ngayon nagkaroon na ako ng dahilan para gumising araw araw ng masaya kasama ng aso kong si Saviour.