Itago niyo na lang ako sa pangalang Nanette, 30 anyos, at may dalawang anak. Nakatira kami sa Pagadian City. Isinusulat ko ito ngayong narito na ang asawa ko sa piling ko, pero ang sugat at sikreto ng nakaraan ay tila nakaukit na sa aking pagkatao.
Sana ay huwag niyo akong husgahan. Mahirap intindihin ang nararamdaman ng isang babaeng nasa malayo ang asawa. Sa loob ng limang taon, ang tanging kayakap ko sa gabi ay ang unan at ang malamig na screen ng cellphone ko. Mahal ko si Wil, ang asawa ko. Lahat ng pagtitiis niya sa ibang bansa ay para sa amin. Pero ang hindi niya alam, sa bawat dolyar na ipinapadala niya, may isang bahagi ng pagkatao ko ang dahan-dahang natutuyo.
Hindi niyo ako maiintindihan kung hindi niyo naranasang maging tigang. Iyong tipong pati ang simpleng dampi ng hangin sa balat mo ay binibigyan mo na ng malisya dahil sa sobrang pangungulila.
Meron akong regular na tagahatid ng gasul, sa kanto lang ang tindahan nila. Si Rocky. Hindi siya gwapo,mga 40 na siya—pero may kakaiba siyang dating. Amoy pawis, amoy kalsada, at bakas sa matitigas niyang braso ang bigat ng mga tangke ng gasul na pinapasan niya. Noong una, dedma lang ako. Pero habang tumatagal, nahuhuli ko ang sarili kong nakatingin sa likod niya kapag naglalakad siya palabas ng gate. Iniisip ko, gaano kaya kahigpit ang yakap ng mga brasong iyon?
Isang hapon, naubusan ako ng gas habang nagluluto. Timing na wala ang mga bata dahil nasa eskwela. Dumating si Rocky, dala ang mabigat na tangke. Mainit ang panahon noon, at nakita ko ang butil ng pawis na gumugulong mula sa leeg niya pababa sa dibdib niyang bahagyang nakalantad sa suot na sando.
“Ma’am Nanette, ikakabit ko na ba?” tanong niya.
Ewan ko kung anong pumasok sa isip ko. Siguro dahil sa init, o dahil sa limang taon na akong walang “sabog.” Habang nakayuko siya sa ilalim ng lababo, tinawag ko siya. “Rocky…”
Lumingon siya. Nagtama ang mga mata namin. Sa tingin pa lang niya, alam kong alam na niya. Alam niya ang uhaw ko. Tumayo siya nang dahan-dahan at lumapit sa akin. Noong dumampi ang magaspang niyang palad sa pisngi ko, parang may kuryenteng gumapang sa buong katawan ko. Nawala ang lahat ng pangako ko kay Wil. Sa ibabaw ng lamesa sa kusina, doon nangyari ang lahat, mabilis, panggigigil, at mapusok.
Naging regular ang pagpunta ni Rocky. Isang umaga, dinala ko siya sa loob ng aming kuwarto, ang kuwartong saksi sa lahat ng gabing pag-iyak ko kay Wil. Habang nararamdaman ko ang bigat ni Rocky, biglang tumunog ang cellphone ko sa ibabaw ng nightstand. Si Wil.
Nanginginig ang kamay kong pinindot ang accept.
“Hello, Mahal? Buti sumagot ka,” boses ni Wil sa kabilang linya. Malambing ang boses niya, bagay na nagpabigat sa konsensya ko pero hindi sapat para patigilin si Rocky.
“Ah… wala, Mahal… naglilinis ako ng kuwarto,” pagdadahilan ko habang pilit na pinapatatag ang boses. “Inusog ko kasi ‘yung mabigat na aparador… medyo napagod lang ako.”
“Mahal, may problema ba?” tanong ni Wil. “Bakit parang… iba ang boses mo? Hingal na hingal ka, at parang… parang umuungol ka? May kasama ka ba?”
“Wala! Wala akong kasama, Mahal,” mabilis kong sagot habang hinahabol ang hininga. “S-sige na, mahina ang signal rito. Tawag na lang ako mamaya. I love you.”
Hindi nagtagal, ang hinahanap ko kay Rocky ay naging isang matinding obsesyon para sa kanya. Hindi na siya nakikinig kapag sinasabi kong tama na. Tinititigan niya ako nang may pag-aari, na tila ba hindi na ako asawa ni Wil. Natakot ako. Dahil sa takot na malaman ni Wil ang totoo mula sa mga tsismosang kapitbahay, gumawa ako ng paraan.
Sinabihan ko si Wil na kailangan naming lumipat ng bahay dahil maingay at magulo ang mga kapitbahay. Agad siyang naniwala at nagpadala ng pera. Sa loob ng isang linggo, mabilis akong nag-impake. Umalis kami nang walang pasabi kay Rocky. Akala ko, kapag lumipat kami ng ibang barangay dito sa Pagadian, matatapos na ang lahat.
Ngunit noong araw ng paglipat, nakita ko si Rocky sa kanto, nakatayo sa tabi ng motor niya. Hindi siya kumikilos, pero ang mga mata niya ay nakatitig sa akin. Kinilabutan ako.
Ilang buwan ang lumipas at umuwi na si Wil mula sa abroad. Akala ko ay ligtas na ako. Pero isang hapon, pag-uwi ko galing sa palengke, tumigil ang mundo ko. Sa loob ng bahay, nakita ko si Rocky.
Nagtatawanan sila ni Wil. Nagkakamayan silang dalawa, ang mga kamay na umangkin sa akin sa loob ng mahabang panahon.
“O, Mahal, nandiyan ka na pala!” masayang bati ni Wil. “Mabuti na lang at napadaan itong si Rocky sa tapat. Sabi ko, parang may singaw ang regulator natin. Napakagaling daw niyang mag-ayos ng stove.”
Tumingin sa akin si Rocky. Isang makahulugang tingin. “Ayos na po, Sir. Malinis na ‘yung singaw. Safe na po ang misis niyo rito,” sabi niya, na may diin sa salitang “Safe.”
Hindi na ako nakatulog nang gabing iyon. Alam ni Rocky kung nasaan kami. Alam niya kung paano gamitin ang tiwala ng asawa ko. Hindi ko na hihintayin na maging magkumpare pa sila o ang araw na madulas si Rocky tungkol sa aming nakaraan.
Mahal, bakit hindi na lang tayo umuwi sa probinsya? Pagod na ako rito sa lungsod. Doon sa sarili nating lupa, magtayo tayo ng negosyo.”
Dahil sa pagpupumilit ko, pumayag si Wil. Mabilis kaming lumikas patungo sa mas malayong lugar, malayo sa sentro ng lungsod. Sa aming bagong simula, wala nang Rocky. Wala nang tagahatid ng gasul na may dalang obsesyon.
Dito sa tahimik na lugar, muli akong babawi kay Wil. Ang sikretong iyon ay mananatiling nakabaon sa Pagadian City. Nagsisisi ako; maling-mali ang ginawa ko dahil muntik nang masira ang pamilya ko.
Ngayong kasama ko na si Wil, hinding-hindi ko na hahayaang mauhaw muli ang aking puso at katawan.
Sa ngayon tahimik na kaming namumuhay dito, wala na akong inaalala at sana mapatawad ako ng asawa ko,