“Nag gigitata ang pante ng asawa”
Itago mo na lang ako sa alyas na Ronald, 40 na ako nung nagkaroon ako ng first girlfriend. Siya din ang naging asawa ko, si rona, naging Mabilis ang lahat, dahil iniisip ko na matanda na ako, gusto ko na rin magkapamilya, 5 months lang kaming magkarelasyon, nagpakasal na agad.
Hindi ko ikakaila, sobrang ganda ni rona, maputi at mapapalingon ka pagdumaan sayo, kumbaga. Kahit saan kami magpunta, bagay sya, magaling sya magdala ng damit, Samantalang ako, ordinaryong moreno lang na ilang beses na ring nareject noon. Pero ngayon succesfull na ako sa buhay, madali lang lumapit sa akin ang babae,
Không có mô tả ảnh.
Siguro kaya ako nagmadali magpakasal, dahil sa wakas, may babaeng sumagot sa akin.
Pero ngayon, 3 years pa lang kaming kasal, at parang nagsisisi na ako at may isa ng anak,
Dahil abala ako sa work at habang nandito naman siya muna ang bahala sa bahay. Para makatipid na hindi na kami magbayad ng labandera, sabi ko sya na mula sa gawin bahay, kapag day off ako na lang ang maglaba,
Sa unang buwan ng pagsasama naming bilang mag asawa, doon ko nakita ang ugali nya,
Ang tanging expectation ko lang, pag-uwi ko galing trabaho, sana man lang may handang pagkain o kahit maayos ang bahay, ang damit na nilabhan ko ng sabado, san naman natupi na, eh Friday na nasa sampayan pa,
Kaso madalas, pagod na pagod akong uuwi tapos wala pa ring lutong ulam. Sinasabi niya na natatakot daw siyang magbukas ng kalan, pati raw magsaing, hindi niya alam kahit may takalan naman. Hindi man lang niya maisip na bumili na lang sa karinderya o magpadeliver para lang may makain kami. Kaya ako pa rin ang nagluluto pag-uwi ko.
Pinagbigyan ko noong una. Akala ko, naninibago lang siya kasi hindi siya sanay sa gawaing-bahay na walang katulong. Pero habang tumatagal, wala pa ring pagbabago. Uuwi akong pagod at wala pa ring nagagawa sa bahay.
Nagiging routine na lang. Ang daming hugasin, ang dumi ng sahig. Pati ang pante niya, kapag hinubad, naiiwan lang doon na naggigitata.
Halos lahat ng gawaing-bahay, ako pa rin ang gumagawa. Sa pag-aalaga sa anak namin, wala rin. Maghapon siyang nakahilata, parang walang pakialam sa paligid.
Có thể là hình ảnh về một hoặc nhiều người
Nung sinubukan ko na siyang kausapin, sinabi ko na kahit pagluluto na lang sana ang itulong niya para makatipid kami, o kahit pag-aalaga sa anak.
Ang sagot lang niya sa akin, Pasalamat ka nga may nagpakasal sa iyo na magandang babae na lagi mong pinagmamalaki sa iba.
Yun lagi ang linyahan niya, na dapat daw akong matuwa dahil may nagkagusto sa akin kahit hindi ako gwapo, ganun lang ba ang ambag nya ganda lang,
Kahit naman gaano sya kaganda, kapag naamoy ko ang ulo nya na amoy unan at hindi pa nagsipilyo nawawala ang gana ko,
Nagkamali ba ako ng pinili, Hindi pala sapat na ganda lang ang ambag sa pagsasama kung wala namang partnership sa araw-araw na buhay mag-asawa.
Paano ko ba ipaparealize sa kanya na hindi ko kailangan ng ganda lang sa buhay mag-asawa?
Pero deep inside me kasi, kapag nasasabi niya ‘yun, napapaisip ako na, ‘oo nga, ‘no? Sa dami ng niligawan ko noon, siya lang ang nag-yes. Kung hindi siya nag-yes, wala akong asawa ngayon kaya magtiis ka Ronald,
Paano ko ba siya mapapamature?
Paano ko ba siya maiintindihan na kailangan naming magtulungan, lalo na ngayong may anak na kami at kailangan ng matinding responsibilidad?
Nakakapagod din pala maging panget at may magandang asawa