NAASAR AKO SA AMING KAPITBAHAY KAY NOONG NANGAILANGAN SIYA NG TULONG AY HINDI KO SYA TINULUNGAN


Masama na bang tumanggi sa pagtulong kasi totoo namang gipit kami at mahal ang gasolina?

Heto ang kwento ko na sana ay huwag nyo akong husgahan kasi iniisip ko lang ang kapakanan ng aking pamilya.

May kaya ang pamilya na aming kapitbahay. Noong manganak ang misis ko sa aming bunso ay sa kanila ako lumapit para humiram ng pera.

Sinabi kong babayaran ko kapag nagkapera na ako. Lumipas ang ilang taon, akala ko ay nabaon na sa limot ang utang namin sa kanila.

Nabigla na lamang ako ng singilin ako ni Anjo, asawa ng babaeng kapitbahay namin na nagpautang sa akin.

Noong una ay napapakiusapan ko pa sya pero habang tumatagal ay naririndi na ako sa kakasingil nya.

Mayaman naman sila bakit hindi nya maintindihan ang katulad kong hikaos sa buhay.

Nangako naman akong magbabayad ako kapag nagkapera na ako. Pero hindi pa rin sya tumigil sa kakasingil.

Isang araw, naisipan kong maglabas ng traysikel kahit na hulugan lang para naman ay maipasada ako at mapagkakitaan.
Không có mô tả ảnh.
Wala pang ilang araw ay biglang kumatok sa pinto ang asawa ni Anjo na humihingi ng tulong. Inaatake daw ng hika ang anak nila at nagkataong wala ang asawa at nasa trabaho.

Gusto nilang magpahatid ng ospital pero naisip kong baka ibawas lang nila ang pamasahe sa utang namin kaya hindi ko sila pinaunlakan.

Masama ang tingin sa akin ng ina ng bata pero wala akong pakialam. Kaysa naman ako ang malugi. Nalaman iyon ni Anjo at simula non ay hindi na nila kami kinikibo.

Naisip ko na pabor sa amin iyon kasi hindi na nila kami kukuliting singilin sa aming utang.

Isang araw, nakaamoy kaming buong pamilya ng masasarap na pagkain.Nagmula iyon sa aming kapitbahay. May okasyon.

Naghintay ako ng paanyaya nila pero wala ni isang nagtawag sa amin kaya ang ginawa ko ay kunwaring tumayo ako sa gate ng bahay nila para mapansin ako subalit walang epekto kaya padabog akong umuwi. Nanalangin na sana ay mabilaukan silang lahat.

Habang tumatagal ay mas nararamdaman namin ang maghirap. Nahila na rin ang trycicle ko kasi hindi ko na ito nahuhulugan.

Nataon pang buntis ulit ang asawa ko at malapit na namang manganak. Sinubukan kong lumapit sa mayamang kapitbahay namin pero hindi na nya kami pinautang.

Napakadamot nila sa mga nangangailangan. Mapagtanim sila ng galit sa kapwa nila.

“Mauubos din ang kayamanan nyo mga madadamot at masasamang ugali!” nasabi ko na lamang habang pinupukulan ng masamang tingin ang mansyon nila.
Không có mô tả ảnh.
Mabuti na lamang at sinagot ng kapatid ng asawa ko ang bayaran sa ospital. Hanggang ngayon ay kahig isang tuka pa din kami.

Umaasa ako na balang araw ay makakaahon kami sa hirap kasi ang mga kagaya naming inaapi ay pinagpapala