” M*ltiple at continues na nil@lab@s@n “
Kuya jay isa akong simpleng housewife. Araw-araw, pareho ang routine, gising nang maaga para sa anak namin, hatid-sundo sa school, luto, laba, linis, at hintayin si Mister na umuwi,
kung uuwi man. Madalas kasi siyang ma-assign sa malayong site, overnight o ilang araw pa ang tinatagal doon. Pagod na pagod siya pagdating, kaya diretso tulog o pahinga na lang siya. Matagal na kaming hindi nagkakaroon ng pagkakataong mag-usap nang masinsinan o magkaroon ng oras para sa isa’t isa.
Hinahanap-hanap ko ang atensyon at kalinga na dati niyang ibinibigay.
Tapos, may kapitbahay kami si Mang edgar, Ang asawa ni ni Mang edgar ay nasa abroad, matagal ng Dh doon, pero hindi raw nauwi, duda ni mang edgar, may asawa na doon, Kaya siya rin ay madalas na nag-iisa sa kanilang bahay. Dahil malalaki na ang anak, mabait si mang edgar, kapag umalis ako, o kami ng pamilya, sa kanya namin binibilin ang bahay, may alaga kasi kaming tatlong aso, siya na lang ang nagpapakain,
Siya ang din tinatawagan ni Mister kapag may sira sa bahay, tulad ng pundidong bumbilya, gasul, o mabigat na galon ng tubig. Minsan pa nga, siya na mismo ang nag-aalok na,
Ako na lang bahala, Julie, huwag kang mag-alala.
Una, casual lang talaga ang lahat Pero nung isang araw, wala si Mister at nasa school ang anak ko, ako lang mag-isa sa bahay. Tumawag si mang edgar, Julie, andito ako sa labas, may dala akong tubig. (Mineral water delivery)
Pinapasok ko siya. Nag-usap kami sa sala, pero parang may kakaiba sa paraan ng pagtingin niya. Ramdam ko na may gusto siyang sabihin pero tila hindi niya masabi.
Có thể là hình ảnh về một hoặc nhiều người và đồ ngủ
Kuya jay Doon nagsimula ang lahat. Ang mga bagay na hindi nagagawa ni mister dahil madalas wala, si mang edgar ang tagapuno,
Sa tuwing wala si Mister, nagkakaroon kami ng pagkakataon na magkasama. Sa loob ng kwarto, doon kami nagtatapat ng aming mga nararamdaman, mga bagay na hindi ko makuha sa aking asawa.
Isang yakap na matagal, mga haplos na puno ng pangungulila, at mga sandaling tila tumitigil ang mundo.
Hindi ako in-love sa kanya, hindi ko rin gustong palitan si Mister. Pero ang atensyon na ligaya na binibigay ni edgar ang nagpapakalma sa stress ko mula sa pag-aalaga sa anak at sa lungkot ng pag-iisa sa bahay.
Ngunit gaya ng lahat ng lihim, hindi ito nagtagal. Isang hapon, biglang dumating si Mister mula sa site nang hindi nagsasabi. Nahuli niya kaming dalawa sa loob ng kwarto. Wala naman syang nakita, dahil tapos na kami noon, nagdahilan na lang ako na may pinaayos,
Pero Walang pagsidlan ang galit ni Mister,
Doon mismo, nagdesisyon siyang makipaghiwalay at lumayas sa bahay dala ang kanyang mga gamit.
Kuya jay Isang linggong naging impyerno ang buhay ko. Punong-puno ako ng pagsisisi at takot na baka tuluyan nang mawasak ang aming pamilya dahil sapag iwan sa amin,
Ngunit matapos ang isang linggo, laking gulat ko nang bumalik si Mister. Sabi niya, mahal niya ako at ang anak namin, at handa siyang magpatawad basta’t magsimula kaming muli.
Pinatawad niya ako at tila nakalimutan na ang nangyari. Pero sa kabilang banda, nandiyan pa rin ang kapitbahay naming na si edgar, . Sa likod ng mga ngiti at tila maayos na pagsasama namin ni Mister, nananatili pa rin ang ugnayan namin , sa tuwing wala ang asawa ko, isang lihim na ligaya na tila mahirap nang wakasan.
Lumipas ang mga buwan matapos ang gabing halos magwasak sa aming pamilya. Naging masigasig si Ryan sa pagpapakita ng pagbabago, hindi na siya masyadong tumatanggap ng malalayong assignment at mas naging maasikaso sa amin ng anak namin. Kaya hindi na rin kami nagkakaroon ng pagkakataon ni edgar, bumabawi din si mister sa akin, pero kahit anong gawin ni ryan, iba parin may edad na bihasa, mahirap aminin,
Dahil kuya jay, m*ltiple at continues @ko na nil@lab@s@n kay edgar, yan ang katotohahan, pero sa asawa ko, minsan wala pa, nakakainit lang ng ulo,
Isang hapon, habang nagdidilig ako ng halaman sa bakuran, narinig ko ang pamilyar na boses mula sa kabilang bakod.
“Julie, kumusta?” bungad ni edgar,.
Có thể là hình ảnh về một hoặc nhiều người và đồ ngủ
“Ayos lang, . Maayos na kami ni Ryan,” sagot ko nang hindi tumitingin nang diretso.
“Mabuti naman kung ganun,” sabi niya, sabay lapit sa bakod. “Pero alam mo, mahirap kalimutan ang mga sandaling tayo lang ang magkasama. Hindi ko rin alam kung bakit, pero parang may magnet na humihila sa akin pabalik sa iyo.”
Doon ako natitigilan. Iyon mismo ang nararamdaman ko. Hindi ko alam kung bakit, kahit alam kong maaari akong mawalan ng lahat sa pangalawang pagkakataon, ay tila hindi ako natatakot. Parang isang bisyo na kahit alam mong nakakasama, ay hinahanap-hanap mo pa rin ang tama.
Kaya isang gabi, habang nasa banyo si Ryan at naghahanda para matulog, mabilis akong nag-send ng message kay edgar,
“Gising ka pa ba?”
Agad ang sagot: “Lagi akong naghihintay.”
Doon muli na naman kaming nag umpisa, Sa tuwing aalis si Ryan para sa kanyang trabaho, o kahit sa mga sandaling abala siya sa panonood ng TV, nakakahanap kami ni edgar ng paraan. Minsan sa likod ng bahay, minsan sa garahe, o sa mga sandaling nagkaka-aberya kunwari ang gripo o kuryente sa amin.
Ang totoo, pagod na ako sa pagtatago. Pagod na ako sa konsensya sa tuwing titingnan ko si Ryan sa mga mata. Pero sa tuwing maglalapit kami ni edgar, ,. Nawawala ang takot ko,
“Julie, bakit ka ba ganito?” tanong ko sa sarili ko habang nakatingin sa salamin matapos ang isang lihim na pagkikita. “Pinatawad ka na, binigyan ka na ng pagkakataon, pero bakit bumabalik ka pa rin,
Wala akong sagot. Ang tanging alam ko lang, hanggang sa mga sandaling iyon, ay mas pinipili ko ang pansamantalang lig@ya kaysa sa permanenteng pamilya,..
Isang gabi, muling kaming nagkita ni edgar, kapag tulog na ang mga bata, pumunta ako kay edgar, ang Akala ko ay nasa malayong site si Ryan para sa isang emergency repair. Gaya ng dati,. Pero Sa gitna ng aming pagtatampisaw, biglang bumukas ang pintuan,
Napatigil ako, dumating si ryan, hinahanap ako at parang alam nya na nasa kapitbahay ako, Doon, sa isang silya sa, nakaupo si Ryan. Hindi siya sumisigaw. Hindi siya nagwawala. Tahimik lang siyang nakatingin sa amin, hawak ang isang baso ng tubig. Ang kanyang mga mata ay walang galit, pinapanood nya lang ako at si edgar,
Sige na, tapusin nyo, uwi na tayo, sabi ni ryan,
sino ba naman tao ang magtatapos ng ganun, sempre tumigil kami,
At Inasahan ko ang sampal, ang mura, o ang pagpapalayas sa akin. Pero walang nangyari.
Agad kong pinulot ang damit ko, at lumapit sa akin ang asawa ko, dahan-dahang inayos ang gusot kong damit.
Gabi na, Julie. Matulog na tayo, mahinahong sabi niya.
Ang boses niya ay walang emosyon, na tila ba ang nakita niya ay isang ordinaryong bagay lamang.
Hinintay nya ako at sabay kaming umuwi sa bahay na katabi lang, tulog ang mga bata at walang alam sa nangyari,
Sa buong gabi, hindi ako nakatulog. Mas masakit pala ang katahimikan kaysa sa sigaw. Mas nakakatakot ang asawang hindi na nagagalit dahil baka wala na itong pakialam.
Doon ako dinapuan ng matinding konsensya kuya jay, awa sa asawa ko ang naramdaman ko, parang naging manhid na sya sa pagloloko ko sa kanya,
Ang bawat mahinahong kilos ni Ryan, ang pagtimpla ng kape sa umaga, ang paghalik sa noo ko bago pumasok sa trabaho na tila walang nangyari, yun pala ang masakit, parang dahan-dahang humahati sa puso ko,
Isang araw, habang papa alis ang mga anak namin, nag paalam sa kanya papasok sa school, pagtalikod ng bata, nakita ko na sinundan niya ng tingin, matagal hanggang sa makalayo, doon nakita ko syang nagpunas ng mata,
Umiiyak sya na walang tunog, hindi ko alam kung ano ang nasa isip nya, pagharap sa akin, umayos lang sya at parang wala lang, pinakita lang sya na normal ang lahat,
Kuya jay Hindi ko na kinaya ang konsensya. lumuhod ako sa harap ni Ryan at humagulgol ako ng iyak,
“Ryan, bakit? Bakit hindi mo ako saktan? Bakit hindi mo ako iwan? Mas mamatay ako sa katahimikan mo,
ang sakit ng ginagawa nya kuya jay, yung parang wala syang nakita, normal lang, iba kuya jay, doon ako natatakot, hindi ko alam kung ano ang binabalak, baka kapag tulog ako, bigla na lang akong tapyasin, yung mga ganun naiisip ko,
Kaya kinausap ko talaga sya,
Có thể là hình ảnh về một hoặc nhiều người và phòng ngủ
Dahil mahal kita, Julie.mahal ko ang mga anak ko, At dahil alam kong ang pagpapatawad ay hindi lang sa salita, kundi sa pagtitiis. Maghihintay ako kung kailan ka titigil, nandito lang ako, nandito ako para sa mga anak natin, mahal kita alam ko na darating ang araw na magbabago ka at iyon na lang ang inaasahan ko,
Kuya jay, grabe ang iyak ko, grabe ang pagmamahal sa akin ng asawa ko, napaka makasalanan ko, pero kahit na ganun ang ginawa ko, hindi nya ako binitawan,
Doon nagdesisyon kaming lumipat ng tirahan. iniwan ko ang mga alaala doon, at lumipat sa isang malayong bayan kung saan walang nakakakilala sa amin. Doon, nagsimula akong muli.
ibinuhos ang lahat ng aking oras sa aking pamilya. Ipinakita ko sa asawa ko na hindi na kailanman ako uulit pa,
Makalipas ang ilang buwan, nabiyayaan kami ng isa pang anak. Isang malusog na sanggol na naging simbolo ng aming bagong simula.
Bagama’t alam ko sa aking puso ang katotohanan ng pinagmulan ng bata mula sa nakaraan kong pagkakamali kay edgar, tinanggap ito ni Ryan nang buong-puso. Itinuring ni Ryan ang bata na parang sarili niyang dugo, at doon ko nakita ang tunay na kahulugan ng sakripisyo,
Kuya jay napakaswerte ko sa asawa ko, hanggang ngayon, ilang taon na ang lumipas, kapag naalala ko iyon, nagsosorry parin ako kay ryan, pero sasabihin lang nya, matagal na natin iyon nakalimutan, huwag mo ng ibalik,
Kuya Jay ito po ang naging buhay ko, marami akong pagkakamali sa buhay, pero hindi parin ako pinabayaan, at sana po sa tulad ko na mga naligaw din, nagloko, hanggat maaga, tigilan na, dahil hindi natin alam kung gaano kasakit sa mga asawa natin ang lokohin