ENGKANTO PALA ANG LALAKENG NAGKAGUSTO SAKIN NANG MAGBAKASYON AKO SA PROBINSYA NG LOLA KO
Pagbaba ko ng bus, agad kong naamoy ang halimuyak ng mga punong hindi ko makita sa siyudad yung amoy na parang pinaghalong lupa, hamog, at alaala ng pagkabata.
Bakasyon ko sa probinsya ng lola ko, at balak ko lang sana magpahinga, matulog, kumain, ulit-ulit. Walang drama, walang kung anu-ano.
Pero hindi pala ako ganun kasuwerte.
Unang gabi ko pa lang, napansin kong may lalaki sa likod-bahay. Nakaupo sa tabi ng balon, nakayuko, parang may hinihintay. Tall, maputi, sobrang linis ng aura… halos kumikinang sa dilim. Akala ko pinsan ng kapitbahay, kaya nag-hi ako.
Ngumiti siya, at doon nagsimula ang lahat.
“Magandang gabi,” sabi niya, sabay tayo.
“Bago ka rito.”
Tumango lang ako, medyo nailang dahil hindi ko siya kilala pero para bang kilalang-kilala niya ako. May kakaiba sa boses niya malamig pero nakakaakit, parang mahina pero malinaw, kahit sa pagitan ng mga huni ng kuliglig.
Simula noon, lagi ko na siyang nakikita.
Sa umaga, nasa ilalim siya ng mangga, nagbabasang parang diyaryo pero wala namang papel. Sa hapon, nakasunod siya sa amin ni Lola papuntang tindahan, pero kapag nilingon ko, bigla siyang naglalaho.
Sa gabi, nasa labas siya ng bintana, naglalakad sa dilim hindi tahimik, hindi maingay, basta parang dumadaan lang ang hangin.
Hanggang sa isang beses, hindi na ako nakatiis.
“Kung sinusundan mo ako, sabihin mo na lang,” sabi ko habang nakatayo sa may balon.
Nagpakita siya. Parang bigla na lang siyang lumitaw mula sa anino.
“Pasensya ka na,” mahinahon niyang sagot.
“Hindi ko mapigilan.”
“Nakakatakot ka kaya.”
“Mas lalong nakakatakot kung hindi kita bantayan.”
Doon ko naramdaman ang kilabot na may halong init. Hindi ko alam kung bakit, pero hindi ako tumakbo. Parang may invisible na tali na nag-uugnay sa amin.
“Ano ka ba talaga?” tanong ko.
Huminga siya nang malalim, sabay tingala sa buwan.
“Isa akong tagapagbantay ng kagubatan. Engkanto, kung tawagin ninyo. At… nagustuhan kita.”
Natuyo ang lalamunan ko. Hindi ko alam kung matatakot ako o kikiligin.
“Bakit ako?”
“Matagal na kitang nakikita. Bata ka pa lang, tumatakbo-takbo ka rito. Ngayon, bumalik ka… at iba ka na. Mas maganda, mas matapang… at mas malungkot.”
Napatigil ako. Paano niya nalaman na tumakas ako sa heartbreak sa Maynila?
Lumapit siya, mabagal, maingat, na para bang baka mabasag ako.
“Hindi ko hinihingi na mahalin mo ako,” bulong niya. “Pero sana… hayaang makita mo kung gaano kita kayang protektahan.”
Nag-init ang tenga ko. Nanginginig ang kamay ko hindi sa takot, kundi sa hindi maipaliwanag na paglapit ng puso ko sa isang nilalang na hindi naman tao.
Pero bago ko pa masagot, biglang dumaan ang malamig na hangin. Lumakas. At sa isang iglap, naglaho siya. Para lang siyang usok na nilunok ng hangin.
Kinabukasan, umalis na ako para bumalik sa Maynila.
Pero bago umandar ang bus, may iniwang bulaklak sa upuan ko hindi ko alam ang pangalan, pero maliwanag ang ilaw nito, parang galing mismo sa buwan.
At may naka-ukit na salita sa tangkay
“Bumalik ka. Hihintayin kita.”
At sa hindi ko maintindihang dahilan… alam kong totoo iyon. At hindi ko alam kung kikiligin va ako o kikilabutan, kung babalik sa probinsya o hindi na.
Pagbalik ko ng Maynila, akala ko tapos na ang kababalaghan. Akala ko normal na ulit ang buhay kong puno ng traffic, overtime, at instant noodles. Pero hindi pala ganun kadaling iwanan ang isang nilalang na hindi naman tao… pero marunong magmahal.
Una kong napansin na hindi nalalanta ang bulaklak.
Ilang araw na sa mesa ko, pero maliwanag pa rin, parang may sariling ilaw. Minsan nga, pag-uwi ko ng gabi, mas maliwanag siya parang pinagsisigawan na
“Uy! Napagod ka ba? Tingnan mo ‘ko!”
Pero isang gabi, habang nanonood ako ng TV,
bigla siyang kumislap.
Parang nagbi-blink.
“Uy, ano ba wag mo nga akong tinatakot ng ganyan.” bulong ko.
Paglapit ko, napansin kong may boses.
Mahina. Parang bulong na galing sa malayo.
“Bumalik ka…”
Nalaglag halos cellphone ko.
At mas malala pa, may boses na lalaking bumubulong sa tenga ko.
“Ligtas ka ba? Masaya ka ba roon?”
Boses niya. Yung engkanto.
Kinabukasan, nagising ako na may hamog sa sahig sa tabi ng kama ko. Hamog. As in parang ambon sa bundok. Sa loob ng apartment. Sa Maynila. Sa third floor.
Doon ko lang natanong ang sarili ko:
Bakit parang sinusundan niya ako kahit malayo siya?
Isang madaling-araw, kumakalabog ang ulan.
Malakas yung bagyo yung tipong may kasamang kidlat na parang sumisigaw. Hindi ako makatulog, lalo na nang biglang may kumatok sa pinto ko.
Tatlong beses.
Tok. Tok. Tok.
“Delivery?” sigaw ko kahit 1AM na.
“Hindi ako nag-order!”
Pero walang sumagot. Pagbukas ko… walang tao. Pero amoy lupa. Amoy kagubatan. Amoy probinsya.
At sa paanan ng pinto ko, may basang dahon na kumikislap parehong liwanag ng bulaklak.
At bago ko maisara ang pinto, may malamig na hangin na biglang pumasok.
Paglingon ko, naroon na siya.Oo. Yung engkanto.
Basang-basa. Parang galing sa gitna ng bagyo, pero ang gwapo pa rin, nakakainis. Yung tipong parang k-dramang may supernatural power.
“Tinitingnan mo pa rin ako nang ganyan,” nakangiti niyang sabi, bahagyang pagod ang boses.
“Mabuti naman.”
“ANONG—ANONG GINAGAWA MO DITO?” halos pasigaw kong tanong.
“May bagyo!”
“Alam ko, kaya nga ako nandito. ” sagot niya.
Lumapit siya. Hindi ako makagalaw. Hindi ko alam kung matatakot ba ako, magagalit, o… maa-attract. Okay, fine, lahat na.
“Kumulo ang hangin sa kagubatan,” patuloy niya.
“Nararamdaman ko ang takot mo. Kaya sinundan kita.”
“Ay hindi ako takot—”
Tinapik niya ang bulaklak sa mesa ko.
“Ang bulaklak na yan layon na matulungan ka sanang bantayan Pero hindi sapat.”
Umangat ang tingin niya sa akin.
“Mas malakas ang tumatawag sa ‘yo… masama. Kaya ako nandito.”
“Masama? Ano yun? Anong ibig mong sabihin?”
Bago siya sumagot, biglang bumukas ang ilaw, nag-brownout, bumalik ulit, tapos may kumalampag sa bintana ko parang may humahampas na hindi hangin.
Hinila niya ako palapit sa kanya, parang instinct.
“Hindi ka na ligtas sa Maynila,” bulong niya.
“Hindi pala ako ang nag-iisa.”
Napalunok ako.
“Engkanto ka, ‘di ba? Hindi ba dapat ikaw yung nakakatakot?”
Ngumiti siya, pero hindi na yung charming na ngiti niya dati.
Mas seryoso. Mas… protektibo.
“Hindi ako ang dapat mong katakutan. Yung sumunod sa’yo mula sa kagubatan ng probinsya… iba yun.”
“Sumunod? ANO?!”
Lumakas ang hampas sa bintana.
Kumalabog ang pinto at nanginig ang salamin.
Tumingin siya sa akin, hawak ang kamay ko, malamig, pero nakakapagpakalma.
“Babalik ka sa probinsya,” sabi niya. “Kailangan.”
“At bakit ako susunod sa’yo?!”
“Dahil,” bulong niya, habang unti-unting kumikinang ang mga mata niya…
“…ayaw kong maagaw ka ng nilalang na iyon.”
Bumuka ang pinto ko nang kusa.
At pareho kaming natahimik.
“Lumabas na siya,” sabi niya, halos pabulong.
“Lumabas… sino?”
“Tingin mo ba ako lang ang nagkagusto sa ‘yo?”
Parang may gumapang sa batok ko.
“Aalis tayo,” sabi niya.
“Ngayon na.” Dagdan niya pa.
At habang hawak niya ang kamay ko, alam kong nagsisimula na ang gulo.
At hindi ko alam kung sa susunod na araw…
…engkantong umiibig pa rin ba ang haharap sa akin?
O isang nilalang na kayang bawiin ang buhay ko.
Nang hawakan niya ang kamay ko, para akong hinila sa pagitan ng dalawang mundo yung mundo ko na puno ng stress at bills… at yung mundo niya na hindi ko maintindihan pero hindi ko rin maiwasang sundan.
Pinapasok ko muna siya sa loob ng apartment…
“Sandali! Magbibihis lang ako!” sabi ko, nanginginig.
“Wala nang oras huwag ka ng magbihis pa,” sagot niya, mahina pero matigas.
“Teka nga, ni hindi ko nga alam ang pangalan mo tapos gusto mong aalis ako kasama ka.” Inis na sabi ko.
“Ako si Azkael.” Seryosong sabi niya niya.
Azkael pala ang pangalan niya, kasing kisig niya ang kanyang pangalan.
Bigla akong natigilan nang bigla siyang magsalita.
“Nandito na siya.” Saad ng engkantong si Azkael.
At bago pa ako makapagsalita, may isang malalim na garalgal na umalingawngaw mula sa labas ng apartment. Hindi tao at hindi rin hayop.
Parang tunog ng lupa kapag bumubuka.
“Hindi ka niya makukuha,” bulong ng engkanto, hinigpitan pa ang kapit sa kamay ko.
Makukuha? ano? sinong gustong kumuha sakin?
Tumingin ako sa bulaklak sa mesa kumislap ulit. Pero iba na ang kulay. Dati kulay asul. Ngayon… pula. Pula na parang dugo.
“ANONG NANGYAYARI?!” sigaw ko.
Huminga nang malalim ang engkanto.
Pero hindi siya sumagot. Para bang alerto siya sa paligid na nagmamasid.
Biglang may tumama sa pinto, sobrang lakas na akala ko matatanggal yung buong lock.
THUG! THUG! THUG!
“Ano ba yan?! natatakot na ako!!” halos lumundag puso ko.
Isang boses ang sumingit sa gitna ng lakas ng ulan.
At hindi boses ng tao.
“Akin na ang babaeng yan…” rinig kong boses na nakakatakot.
Nanginginig ako, pero tumingin ang engkanto sa akin ng seryoso, galit, at may halong takot na hindi ko pa nakikita sa kanya noon.
“Wag kang mag alala poprotektahan kita.” Ani Azkael.
“SINO BA YAN?! sino bang gustong kumuha sakin?!” hindi ko na alam kung galit ako o hysterical na.
Tumigil yung ingay sa pinto… pero napalitan ng paggasgas. Parang may kuko na humahagod sa kahoy.
Krrrkkkk… krkkk…
“Nilalang siya ng lupa at gusto ka niyang kunin,” paliwanag ng engkanto.
“Isa siyang Nanghihila.”
“Nanghihila? Para saan?”
Tumingin siya diretso sa mata ko.
Parang may gusto siyang sabihin pero di niya masabi.
Hindi ko alam kung ano mas ikakatigok ko yung nilalang na nakakatakot, o yung paraan niyang sabihin na ako ang gusto nitong kunin.
Biglang nag-crack ang kisame ng apartment. May buhangin at lupa na bumagsak mula sa itaas.
“AY TANGIN—!” mabilis kong tinakpan ang ulo ko.
Hinila ako ni Azkael palabas, papunta sa sala, then papunta malapit sa labas ng pinto. Pero bago kami makalabas, may humila sa paa ko.
Para akong hinihila pababa ng sahig mismo. Kumalat ang malamig na hangin sa binti ko parang nakabitin ako sa bangin kahit nasa loob lang ako ng apartment.
“HUY TULUNGAN MO KO!” sigaw ko, halos maiyak.
Niyakap niya ako mula sa likod, buong lakas niya akong hinila. Ang mga mata niya kumikislap ng puting liwanag, halos parang kidlat.
“BITAWAN MO SIYA!” sigaw niya.
Narinig ko yung nilalang tumawa. Pero hindi tao ang tawa. Malalim. Madilim. Parang nanggagaling sa bituka ng lupa.
Pero hindi ko siya nakikita…
“Hindi mo siya kayang ilayo sa akin…” Nagngangalit na sabi ng nilalang. naririnig ko yung boses niya.
“TAKBO!” sigaw ng engkanto. “
’Wag ka nang tumingin!” Utos sakin ni Azkael at tumakbo kami
Hindi na ako nagtanong. Hindi na ako nag-angat ng tingin. Hindi na ako nag-isip.
Binuksan niya ang pinto at sabay kaming lumabas sa gitna ng bagyo.
At doon ko nakita… Sa dulo ng hallway ng building… may nakatayong nilalang.
Hindi ko siya makita ng buo, pero..
Mahaba. Maitim. At ang mga mata… pula. Pula na parang sinusundan ako kahit saan ako lumingon.
Nakakatakot ang hitsura niya hindi siya kawangis ni Azkael…
“Hindi pa tapos ‘to,” sabi ng engkanto na si Azkael, habang papalayo kami.
“Kahit makarating tayo ng probinsya… susunod siya.”
“Bakit ba ako hinahabol?! Ano bang gusto niya sa’kin?!”
Tumingin siya sa akin saglit, basang-basa pareho ang mukha namin.
“Dahil may iniwan ako sa’yo…”
“Huh?! Anong iniwan mo?!”
Ang sagot niya?
”Ang puso ko… dala mo na ito sa pagbalik mo rito sa Maynila.”
Hindi ko alam kung dapat ba akong kiligin o kilabutan…
At bago ko pa ma-proseso yun, tumigil siya bigla sa gitna ng hagdanan.
“May kailangan kang malaman,” sabi niya. “At pag narinig mo ‘to… wala nang balikan.”
“K-k-kung ano man yan, sabihin mo—”
Huminga siya nang malalim.
“Ang nilalang na sumusunod sa’yo…” bumaba ang boses niya.
“…ay hindi lang basta nanghihila.”
“…kapatid ko siya.”
“At ayaw niyang umibig ako ng ibang nilalang na hindi namin ka uri… Kaya gusto ka niyang tapusin.”
“Azkael ibigay mo na sa’kin ang dalagang yan!” Ang sabi ng Engkanto na kapatid ni Azkael.
Ang Anyo niya ay unti unting nagbago mula sa nakakatakot nitong hitsura ay unti unting nagbago.
Biglang may liwanag na bumalot sa kanya. At napatakip ako ng mga mata ko dahil sobrang nasisilaw ako.
Hanggang sa nag fade yung liwanag at pagtingin ko sa kapatid ni Azkael.
Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang pagbabago ng anyo nito.
Naging isa siyang makisig na lalakeng Engkanto. Kung gaano ka kisig at ka gwapo si Azkael ay ganoon rin pala ang anyo ng kanyang kapatid na Engkanto.
Halos nagniningning ito sa kakisigan.
“Ako si Ezekiel. Engkanto na taga hila ng mga mortal sa ilalim ng lupa.” Makisig na pagpapakilala nito.
Hindi ko na tuloy alam kung anong dapat kung maramdaman, kung kilig ba o takot.
Jusko naman kasi napaka gwapo din pala ng kapatid ni Azkael na nagngangalang Ezekiel.
Pahila na lang kaya ako sa ilalim ng lupa? charr lang… mukhang masama siyang Engkanto. Gwapo siya pero napaka sungit ng mukha niya.
“Ezekiel, tumigil ka na… kahit anong mangyari hindi ko ibibigay sayo ang dalagang ito.” Ani Azkael.
Ay wow pinag aagawan jusko… nananaginip ba ako ngayon? bakit parang nasa fantasy romance novel book ako?
Epekto ba ‘to ng break up namin ng bf ko last month, di parin siguro ako nakaka move on kaya nababaliw na ata ako.
Tapos naramdaman ko ang mahigpit na hawak ni Azkael sa pulsuhan ko.
At biglang lumakas ang kulog at kidlat, at nag tumbahan ang mga puno.
Sa takot ko ay napayapos ako kay Azkael.
“Natatakot na ako tumigil na kayo, hindi ako sasama sa inyo.” naiiyak na sabi ko.
At humigpit ang hawak sakin ni Azkael.
“Kailangan mong sumama sakin pauwi sa probinsya Carmela, para maprotektahan kita laban sa kapatid kong si Ezekiel.”
Hindi ko alam pero para bang pakiramdam ko ligtas na ako sa bisig ni Azkael at nang banggitin nito ang pangalan ko.
Hindi ko alam bakit alam niya ang pangalan ko, na para bang kilala nila ako.
“Carmela kumapit ka ng maigi sa’kin at magtiwala ka lang… ako na ang bahala sa’yo.” Hindi pa man ako nakakasagot ay bigla akong binuhat ni Azkael.
At tumakbo siya ng sobrang bilis lahat ng nakaharang sa kanyang paligid ay nawawasak.
“AZKAEL TALAGANG GINAGALIT MO AKO! IBIGAY MO SA’KIN ANG DALAGA!”
Rinig kong nakakasindak na sigaw ni Ezekiel kapatid ni Azkael nag ngangalit ang tono ng boses nito atsaka muling lumakas ang kidlat, kulog at ulan.
At nakita kong hinahabol kami ni Ezekiel. Matulin din ang takbo nito. At lahat ng madaanan ni Ezekiel na puno ay nagtutumbahan.
Marahin ay dahil sa matinding galit nito.
Ano ang kailangan niya sa’kin? talaga bang tatapusin ako nito dahil inibig ako ng kapatid niyang si Azkael?
Saglit na huminto si Azkael ng makarating na kami sa Highway.
Ang kanyang suot na kwintas ay biglang nagliwanag.
“Tinatawag ko ang proteksyon ng liwanag protektahan mo ako at dalagang ito laban sa kadiliman na mga nilalang sa lupa.” Sambit ni Azkael at parang mayroon Aura na bumalot sing dalawa.
At parang lumulutang lutang iyon sa hangin na nakapalibot samin.
Bigla ay napahinto si Ezekiel.
At bigla siyang nasisilaw.
“Walang hiya ka Azkael, huwag mong gamitin ang liwanag, hindi magtatagal matatalo ang liwanag ng kadiliman tandaan mo yan!” Sigaw ni Ezekiel.
At unti unting nagkaroon ng Uka ang lupa at parang unti unti siyang lumubog sa ilalim ng lupa hanggang sa tuluyan siyang maglaho.
Sobrang shock ko sa nangyayari, gusto ko ng magising sa bangungot na ‘to, tingin ko isa itong panaginip. Baka sa sobrang pagod ko sa office pagdating ko siguro kanina sa bahay nakatulog ako.
Ibinaba ako ni Azkael mula sa pagkalabuhat niya sakin…
“Kailangan ko ng gumising!!! gising! gising! Carmela!!” sigaw ko sa sarili ko habang mahina kong sina sampal sampal ang magkabilang pisngi ko baka sakaling magising na ako sa bangungot na ‘to.
Habang sinasampal sampal ko ang pisngi ko ng mahina.
Biglang hinawakan ni Azkael ang kamay kong pinangsasampal ko sa pisngi ko.
“Carmela, totoo ang lahat ng Ito, Ako si Azkael isang Engkanto na totoong umiibig sa’yo.” Ani Azkael sa seryosong tono habang nakatitig sakin hawak hawak parin ang kamay ko.
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya…
Jusko, Lord… kelan pa naging mabenta ang beauty ko sa mga Gwapong Engkanto?
“Bumalik ka na sa probinsya Carmela, hindi ka na pwedeng manatili ritong mag isa, dahil ano mang oras baka bumalik si Ezekiel para kunin ka.” Ani Azkael.
Kaya sumakay kami ng Bus…
Nakikita si Azkael ng mga tao… akala ko ako lang ang nakakakita sa kanya. Pero sabi niya mayroon daw silang kapangyarihan na pwede silang makita ng mga tao, at iisipin lang ng mga tao na ordinaryong tao lang sila.
dahil kawangis sila ng tao.
Nang makapasok kami sa Bus… nagtinginan ang mga tao. Hindi dahil basang basa kami sa ulan, kundi dahil sa kasuotan ni Azkael ns parang pang sinaunang Pilipino na Engkanto.
Para siyang si Makisig.. yung sa alamat.
At dahil na rin sa taglay niyang kagwapuhan, tikas, at kakisigan ng pangangatawan.
“Grabe ang gwapo ng lalake.”
“Cosplayer siguro ng Filipino folklore.”
“Swerte naman ng girlfriend niya, so yummy nf bf niya, panalo sa facecard at sa katawan.” Rinig kong sabi naman ng matanda.
Jusko po pati matanda hindi nagpapa awat…
Kung alam kaya nilang Engkanto ang gwapo at makisig na lalakeng si Azkael kikiligin pa kaya sila o kikilabutan?
“Maupo ka.” Ma awtoridad na sabi ni Azkael kasi isa na lang ang bakanteng upuan. Nakatayo lang siya.
At mas lalo ngang humanga sa kanya ang mga kababaihan sa bus dahil napaka gentleman niya. At kahit nag pi preno yung bus, hindi kumakapit si Azkael na para bang ang lakas lakas niya. Hindi siya natutumba
“Jusko Iha, dis oras na ng gabi at basang basa ka… anong ginagawa mo rito sa probinsya?” Gulat na sabi ni Lola nang pagbuksan niya ako ng gate na gawa sa kahoy sa may bakod.
“Mahabang istorya po lola, pero ‘wag po kayong mag alala lola kasama ko naman po si Az–” napatigil ako sa pagsasalita dahil paglingon ko sa likod ko wala na si Azkael.
Bigla siyang naglaho. Kanina lang nasa likuran ko siya.
“Anong pinagsasabi mo?” Takang tanong ni Lola.
“Si Azkael po, yung lalake na madalas nagbabasa ng diyaryo sa lilim ng puno ng mangga, at kung minsan ay nakatambay doon sa balon.” paliwanag ko.
Tapos biglang namutla si Lola. Hinawakan niya ang kamay ko atsaka pinapasok sa loob.
Inabutan ako ni lola ng tuwalya at inihanda ang ilang mga damit na iniwan ko rito sa bahay sa probinsya.
“Oh Carmela, magbanlaw ka at magbihis, saka tayo muling mag usap. Ipaghahanda lang muna kita ng kape.” Saad niya.
At sinunod ko na lang si Lola para bang nag aaligaga at hindi mapakali itong si Lola.
Kaagad akong nagbanlaw at nagpalit ng damit.
Paglabas ko ng banyo ay naabutan ko si lola na naglalagay ng asin sa paligid ng bahay, sa bawat pader at sulok. Pati na rin ng bawang.
“Lola ano pong ginagawa ninyo?” Takang tanong ko habang pinapatuyo ko ng tuwalya ang mahaba kong buhok.
“Maupo ka lang diyan Carmela… gumagawa ako ng pangontra laban sa mga Engkanto, mga elemento at laman lupa.” Seryosong sabi ni Lola habang patuloy siyang naglalagay ng mga bawang at asin sa paligid ng bahay.
Hinayaan ko na lamang siya… tingin ko alam na ni lola na ang lalakeng si Azkael ay isang Engkanto.
Matapos niyang maglagay ng bawang at asin ay lumapit siya sakin. pinapikit niya ako na agad ko namang sinunod.
Atsaka nag usal siya ng dasal at orasyon. Ang sabi ni Lola pangontra din daw ang Dasal na iyon laban sa mga Elemento katulad ng mga Engkanto.
“Carmela hindi ka na dapat umuwi dito sa probinsya. Yung gubat nagbago na ang Anyo, tingin ko’y may kakaibang nangyayari. Dapat talaga ay pinigilan kitang mag bakasyon dito.” Naiiling na sabi ni Lola.
“La… bakit po? ano namang kinalaman ko sa pagbabago sa kagubatan ngayon?” takang tanong ko.
“Tingin ko nagustuhan ka ng Engkanto na nakatira sa gubat na iyon.” Ani Lola.
Kaya bigla akong kinabahan, tama si Lola dahil ang Engkanto na si Azkael ay nagtapat sa’kin ng pag ibig.
Atsaka ikinuwento ko kay Lola ang nangyari sa pagbalik ko sa Maynila. Ang pagsunod ni Azkael sa’kin sa Maynila at ang Kapatid nitong si Ezekiel na gusto akong kunin.
Pati na rin ang pagtatapat ng pag ibig ng Engkanto na si Azkael sa akin.
“Carmela bukas ay pupunta tayo sa albularyo… papagawan kita ng proteksyon laban sa mga Engkant at Elementong nagkaka interes sa’yo.” Sabi ni Lola.
tumango tango na lang ako.
“Sa ngayon matulog ka na at magpahinga dahil maaga tayong aalis bukas.” Sabi naman ni Lola.
Kinabukasan ay maaga akong nagising dahil sa mga tilaok ng manok at ingay ng mga kuliglig sa kakahuyan, naaamoy ko rin ang usok ng mga dahon na sinindihan ata ni lola sa bakuran.
Ito ang gusto kong balik balikan sa probinsya ang simpleng buhay, slow living lang… hindi kailangang magmadali hindi katulad ng buhay sa maynila.
Na bawat minuto at oras ay parang may humahabol sayo na kung ano, at para bang nakaka konsensyang magpahinga.
Walang pahinga at pagre relax sa Maynila.
Agad akong bumangon wala si Lola sa sala. Siguro ay nagwawalis na siya ngayon sa bakuran.
kaya agad akong lumabas para hanapin siya. At naroon nga si Lola iniipon ang mga tuyong dahon at binubuhos doon sa mga dahon na mayroon ng siga at apoy.
Lalapitan ko na sana si Lola nang biglang matigilan ako…
Dahil napalingon ako sa malaking puno ng manga sa labas ng bakuran. Naroon si Azkael.
Nakatingin siya sakin… seryoso ang mga tingin niya na parang halos ikatunaw ko.
Anong ginagawa niya rito? akala ko ba pangtaboy yung mga asin at bawang na nilagay ni Lola? bat nandito si Azkael sa tapat ng bahay sa lilim ng puno ng manga.
Mayroon siyang kasamang itim na uwak sa kanyang balikat na nakadapo.
Nakakakilabot kung tutuusin pero, dahil sa taglay nitong kakisigan, tikas ng pangangatawan at kagwapuhan ay parang nalilito na itong puso ko kung anong dapat kung maramdaman.
Takot, kilabot ba o kilig?
Hindi ko namalayang nakikipag titigan na pala ako sa kanya, na para bang ina admire ko ang kanyang taglay na kagwapuhan at kakisigan.
“CARMELA!” Malakas na sigaw ni Lola kaya napalundag ako sa gulat.
“Ay kabayong bundat!” gulat na sabi ko pagkalundag ko at napalingon ako kay Lola.
Nakasimangot si Lola at masama ang tingin.
“Lumapit ka rito sa’kin at huwag mong titingnam ang Engkanto!” Sigaw niya pa kaya agad akong nagmadali na lumapit sa kanya.
Bakit kaya ayaw ni Lola tingnan ko ang Engkanto na sk Azkael?
Kaagad akong lumapit kay lola.
“Nakikipag titigan ka pa sa Engkanto, eh kung kurutin ko ang singit mo Carmela, huwag mong kakalimutan hindi siya tao. Kaya pigilan mo iyang damdamin mo.” Saway sa’kin ni Lola.
“La, naman ang OA mo… tiningnan ko lang. Wala naman akong gusto dun.” Sabi ko na lang.
“Baka mahulog ka sa Engkanto na iyan, kaya mabuti pang wag mo siyang tingnan.” Sabi naman ni Lola.
“Kala ko ba effective yung bawang at asin? eh Bakit andito si Azkael?” tanong ko.
“Hanggang diyan lamang siya, hindi siya makakalapit dito sa bahay.”
At tumango tango na lang ako.
Hinila na ako ni lola sa loob ng bahay para mag almusal. Pagkatapos mag almusal at mag asikaso lumabas kami ng pinto.
Hanggang ngayon nandon parin si Azkael sa lilim ng puno ng manga at ang uwak sa balikat niya. Parang hindi siya gumagalaw doon, ganon parin ang tindig niya at postura habang nakatingin parin siya sa’kin.
Dumaan kami ni Lola sa gate ng bakod.
“Iho, maaari bang umalis ka na diyan, eh tinatakot mo itong apo ko. Nakakatakot ka hindi mo ba alam yun?” Ani Lola kay Azkael.
“Walang dapat ikatakot sa’kin ang dalagang si Carmela dahil nandito ako para protektahan siya, hindi ang maghatid sa kanya ng takot.” Seryosong seryoso at matikas na sagot ni Azkael.
Jusko… ang puso ko parang biglang nagwala.
Pakiramdam ko para akong isang bidang babaeng pinoprotektahan ng isang prinsipe ang pinagkaiba nga lang, Engkanto si Azkael kaya hindi dapat ako kiligin.
Ano ba Carmela kilabutan ka nga. (>___<)
Kumbinsi ko sa sarili ko sa loob loob ko
“Tigilan mo ang Apo ko, hindi mo siya ka uri.” Sabi ni Lola at meron siyang dinukot sa sling bag niyang nakasukbit sa braso niya.
At nagulat ako nang sinabuyan niya ng asin si Azkael.
“Layuan mo ang Apo ko!” Malakas na sabi ni Lola habang patuloy ang pagsasaboy niya ng asin kay Azkael.
Sa pagtama ng asin sa katawan ni Azkael ay umuusok ito sa pagdampi sa kanyang balat at damit.
Kaya bigla akong namangha parang isang mahika. Pero para bang wala itong epekto sa Engkantong si Azkael, nanatili itong nakatindig ni hindi man lang siya napapa atras sa kinatatayuan niya.
Pero si Lola patuloy sa pagsasaboy ng asin. Si Azkael naman walang emosyon ang kanyang mukha, mukhang wala nga siyang nararamdaman sa asin na sinasaboy sa kanya.
“La, tama na yan… hayaan na lang natin siya diyan. Umalis na tayo, sinasayang niyo lang yung asin eh mamaya magluluto pa ako ng tinola.” Sabi ko naman.
Kaya natigilan si Lola sa pagsasaboy ng asin.
“Huwag kang sumunod sa amin!” Banta ni Lola.
Nakatingin lang samin si Azkael kay lola at walang maaaninag na emosyon sa kanyang mukha.
Napaka nonchalant ng engkanto na si Azkael, parang wala naman siyang emosyon. Paano niya nasabing may gusto siya sa akin at iniibig niya ako, eh mukhang wala naman siyang emosyon.
“Halika na Carmela, sabing ‘wag mo na siyang tingnan.” Saway ni Lola sa’kin kaya iniwas ko na ang tingin ko kay Azkael.
Sinunod ni Azkael ang bilin ni Lola. Nanatili parin siyang nakatayo doon sa lilim ng puno ng mangga at hindi siya sumunod hanggang sa makaalis kami.
Lakad kami ng lakad ni Lola sa gubat.
“La, Kanina pa tayo naglalakad… bat di tayo mag tricycle para hindi na tayo mapagod.” Saad ko kay Lola.
“Sa dulo ng gubat nakatira yung albularyo. Hindi naman makakadaan ang tricycle dito sa gubat kaya kailangan nating maglakad.”
Kaya wala akong nagawa kundi sumunod kay Lola. Sanay na sanay si Lola sa lakaran na malalayo dito sa probinsya, ni hindi ko naaaninag sa kanya ang pagka pagod.
samantalang ako eh halos gusto ko na lang gumapang sa sobrang sakit na nitong mga binti at paa ko sa kakalakad.
Kapansin pansin ang medyo makapal na hamog ng gubat at para bang may kakaibang ambiance. Parang hindi payapa ang kagubatan.
“La, mabuti pa umuwi na lang kayo tayo… parang nakakatakot dito sa gubat.”
“Sinabi ko naman sa’yo mayroong nagbago dito sa gubat… Pero ‘wag kang mag alala may pangontra tayong bawang at asin, hindi makakalapit sa’tin ang mga elemento katulad ng mga engkanto.” Ani Lola na para bang siguradong sigurado talaga siya.
Pero ako duda ako sa bawang at asin na pangontra ni Lola. Eh kanina nga kay Azkael walang talab yung asin na sinasaboy niya.
Hindi na lang ako nagsalita at hinayaan ko na lamang siya.
Halos isang oras pa kaming naglakad, kulang na lang lumawit na itong dila ko matinding pagod.
Hanggang sa may natanaw kami ni Lola na isang baha kubo katabi ng malaking puno ng akasya at ang bakuran nito ay puno ng ibat ibang klase ng halaman.
“Ayan na po ba ang bahay ng Albularyo?” Tanong ko.
“Oo iha ayan na nga, halika.” Saad ni Lola at nagpati una siyang maglakad sa gate ng bakod na gawa sa kawayan.
“Pilo lumabas ka riyan, bigyan mo ng pangontra itong apo ko!” sigaw ni lola.
Pero parang wala namang tao…
At mukhang medyo madilim yung bahay ng Albularyo, nakakatakot.
Maya maya ay kusang bumukas yung pinto, at isang matandang lalake na may tungkod ang lumabas.
“Avelina, anong ginagawa mo rito, kay aga pa.” Sabi ni Mang Pilo ang Albularyo.
“Ito ngang apo ko, eh bigyan mo ng pangontra… ayaw siyang lubayan ng Engkanto.” Diretsahang sabi ni Lola.
At pinapasok naman kami ni Mang Pilo sa munting bahay niya. Sa loob ay napakaraming mga pinatuyong halaman, mga kandila, at mga garapon na may laman na ibat ibang gamot at mga langis.
Pinaupo niya kami sa kawayang kahoy. Atsaka naghanda siya ng batyang may tubig, kandila at gasera.
Umusal ng dasal at orasyon si Mang Pilo habang nakahawak siya sa ulo ko. At matapos siyang mag dasal at mag orasyon ay ipinatak niya ang tumutulong kandila sa batya na may tubig.
“Masama ito… Hindi lang Isa… kundi dalawa ang Engkanto na umaaligid sa Apo mo.” Naiiling na sabi ng Albularyo.
“At hindi lang ito basta bastang Engkanto… napakalakas ng dalawang nilalang na ito. Hindi ko alam kung kakayanin ng mga pangontra ko ang dalawang malakas na Engkanto.” Dagdag pa ni Mang Pilo.
“Nako, paano na yan? anong pupwedeng gawin?” Kinakabahang sabi ni Lola.
“Bibigyan ko parin siya ng pangontra, pero hindi ko alam kung tatalab ito laban sa dalawang malakas na Engkanto.” Ang sabi naman ni Mang Pilo.
Atsaka kumuha siya sa cabinet niya ng isang kwintas na may pendat na parang pangil.
“Isuot mo iyan.” Sabi nito at inabot sakin yung kwintas.
Nag aalangan pa ako, parang ayaw kong maniwala sa mga ganito, Pero si Lola na mismo yung nagsuot sa’kin ng kwintas.
At maya maya ay biglang namatay lahat ng sindi ng mga kandila sa bahay ni Mang Pilo…
At kasabay ang malakas na ihio ng hangin… nagtumbahan yung mga garapon na may mga gamot.
Yung bintana niyang gawa sa kahoy ay nagsara at bukas pati pinti ay sumara at bumukas at muking sumasara ulit.
“A—ano pong nangyayari lola… Mang Pilo?!!” Natatakot na sabi ko habang humihigpit ang hawak ko kay lola.
“Mukhang nagalit yung isang masamang Engkanto na umaaligid sa iyo. Kailangan nating maghanda ano mang oras baka hilahin ka ng Engkanto papunta sa mundo nila.” Ani Mang pilo habang hinahanda yung kanyang mga pangontra.
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Mang pilo…
At Maya maya ay may naririnig kaming tunog na lumalagitik at hanggang sa biglang nawasak yung sahig sa kubo.
Nagkaroon ng Uka hanggang sa mabutas ito ng napakalalim.
Kaya napasigaw ako..
“Dito! tumakas tayo! dumaan tayo sa likod ng kubo.!” Sigaw ni Mang Pilo.
Tumakbo kami ni Lola at sinundan si Mang Pilo papunta sa likod ng bakod. Pero dahil sa katandaan ni Lola ay hindi na siya makatakbo ng mabilis.
“Apo, sige na tumakbo ka na at dalhin mo itong bawang at asin, sumunod ka kay Pilo.” Utos ni Lola habang nakahawak siya sa magkabilang tuhod niya.
Hapong hapo na ang kanyang hitsura. May naririnig akong kumakalansing na parang bakal mula doon sa malaking butas ng sahig.
Iyong sahig na bigla na lang nawasak…
“Pero La, hindi ko kayang iwan kayo dito.” Saad ko na hindi na maintindihan ang nararamdaman sa sobrang takot.
“Hoy bakit ba napakatagal ninyo diyan!” Ani Mang pilo at lumapit.
At saka niya napagtanto ang sitwasyon, hirap si lolang tumakbo.
kaya naman nagdesisyon si Mang Pilo na ipasan si Lola sa likod niya. Atsaka kami tumakbo palabas mula sa likod ng kubo.
Pagkalabas namin ng kubo ay gumuho at nawasak ang kabuuan ng kubo ni Mang pilo at para itong nilamon at hinila ng lupa.
Nanlalaki ang mga mata kong nakatingin sa bahay kubo na nilamon ng lupa.
“Huwag mo ng tingnan! tara na!” Sigaw ni Mang Pilo atsaka tumakbo kami ulit.
“Takbo bilis!” Sigaw niya.
Parang lalabas na sa dibdib ko yung puso ko dahil sa matinding pagkalabog nito dala ng matinding takot at pagka gulat sa nangyari.
“Pupunta tayo sa mahiwagang balon, may sabi sabi na hindi nakakalapit roon ang mga masasamang elemento dahil nababalutan raw iyon ng kapangyarihan ng diwatang nangangalaga sa parteng iyon ng gubat.” Ani Mang Pilo.
“Apo, kunin mo itong asin at bawang. Isaboy mo sa Elemento kapag nakalapit siya sa’tin.” Halos nanginginig na sabi ni Lola habang inaabot niya sakin yung supot ng bawang at asin.
Naaawa tuloy ako kay Lola, imbes na magpahinga na lang siya sa bahay ay nalagay pa siya sa ganitong sitwasyon.
Kinuha ko na lang ang inabot niya sakin na supot ng asin at bawang kahit na tingin ko parang wala itong talab sa mga Engkanto.
Habang tumatakbo kami ay bigla akong sumubsob sa lupa parang may pumigil sa isang paa ko.
“ARAY KO!” Malakas na sigaw ko sa pagsubsob ko sa lupa.
Kaya napahinto rin si Mang Pilo sa pagtakbo habang pasan pasan niya parin si Lola.
Tiningnan ko ang Paa ko… at nagulat ako nang makita ko ang kadinang nakatali sa kaliwang paa ko. At may Aurang itim at pula ang bumabalot sa kadena.
Napakahaba ng kadena… sinundan ko ito ng tingin at doon nagmumula sa ilalim ng lupa…
“M–may kadenang nakapulupot sa Paa ko!” Gulat na sabi ko. at kahit anong gawin kong tanggal sa kadena ay hindi ito maalis alis.
Nakapahigpit ng pagpulupot nito sa paa ko.
“Ano? anong kadena ang pinagsasabi mo iha? wala kaming nakikitang kadenang nakapulupot sa paa mo.” Ani Mang Pilo.
Sa sinabi ni Mang Pilo ay mas lalo akong nasindak… Ibig sabihin ako lang ang nakakakita sa Kadenang nakapulupot sa paa ko.
“M–meron… may kadena sa paa ko kaya ako nadapa.”
“Hindi maganda ‘to… mukhang kagagawan ito ng Engkanto.” Ani Mang Pilo.
“Jusko… ang apo ko, baka kunin na nila ang Apo ko.” Halos mangiyak ngiyak na sabi ni Lola.
At maya maya ay gumalaw ang kadena at parang hinihila ito mula roon sa lupa kaya naman napakapit ako sa ugat ng puno pero sa lakas ng pagkakahila sa kadenang nakapulupot sa paa ko ay dumire diretso ako kung nasaan nanggagaling ang kadena.
“AAHHH LOLA TULUNGAN NIYO KO!” Sigaw ko.
“Apo!” sigaw din ni Lola pero pinigilan siya ni Mang Pilo.
Para bang sumuko na ito at tinanggap na ng albularyo na wala na siyang magagawa para pigilan ang Engkanto.
“Bitawan mo ako Pilo… kailangan ako ng Apo ko.”
“Wala na tayong magagawa, kapag pinigilan mo ang Engkanto ikakapahamak mo. Lubhang malakas ang Engkanto na nagmumula sa lupa, at wala ring nagagawa ang mga pangontra ko Avelina” Ani Mang Pilo.
Maya maya ay biglang yumanig ang lupa at nagkabitak bitak ito, atsaka biglang nawasak ang isang parte ng lupa kung saan nagmumula yung kadenag nakapulupot sa paa ko.
At mula doon sa wasak na lup ay nakita ko ang mas lalo pang kumakapal na Itim at pulang Aura na lumalabas mula roon.
At mas lalo akong nahintakutan nang makaranig ako mula roon ng mabibigat na yabag at dagundong ng mga paa.
Na para bang mayroong halimaw na may mabibigat na hakbang.
Hanggang sa lumabas ang isang nilalang…
Oo isang halimaw…. halimaw sa kagwapuhan ang nilalang na lumabas mula sa ilalim ng wasak na lupa.
May tikas at tindig ito na katulad ni Azkael. Matipuno at makisig din ang kanyang pangangatawan…
Ngunit Itim at pula ang kulay ng Aura na bumabalot sa kanyang katawan.
Natatandaan ko siya… siya ang Engkanto na kapatid ni Azkael na nagngangalang Ezekiel…
Kaya pala ganun na lamang ang pagkakahalintulad nila ni Azkael…
Pero magkaiba sila ng dating…
Hindi maamo ang mukha ni Ezekiel, ang kanyang kilay ay palaging salubong na parang palaging galit… at ang kanyang panga ay nag iigting sa galit. Makikita rin sa kanyang mga mata ang poot at kadiliman.
“Ang dalagang si Carmela ay sa akin! kaya hindi niyo siya pwedeng pakialaman at bakuran!!!” Malakas na sigaw nito na umalingawngaw sa buong kapaligiran…
Habang mahigpit niyang hawak hawak ang dulo ng kadenang nakapulupot sa paa ko.
Nagliparan ang mga ibon na para bang natuliro sila sa sigaw ni Ezekiel.
At nagkaroon ng bitak bitak at pagyanig sa lupang kinatatayuan ni Mang Pilo at Lola.
“Tumigil ka ‘wag mo silang saktan!” Sigaw ko sa kanya.
Pero para bang bingi ito at walang naririnig.
“Kumapit ka Avelina!” sigaw ni Mang Pilo kay Lola habang nakahawak sila sa katawan ng puno.
Pilit akong lumalapit kela lola pero napipigilan akong makalapit sa kanila dahil sa kadenang naka pulupot sa paa ko.
Hanggang sa maramdaman kong hinila ng Engkantong si Azkael ang kadena papalapit sa kanya. kumapit ako sa lupa at damo.
pero unti unti niya parin akong nahihila.
“Isasama na kita Carmela sa mundo namin!” Sigaw niya sa nakakatakot na tono at boses.
Maya maya ay naramdaman ko ang malakas na Ihip ng hangin.
Hanggang sa may bumagsak mula sa itaas… at nang tingnan ko ay ang Engkantong si Azkael hinila niya yung kadena palayo kay Ezekiel.
“Hindi mo maaaring isama sa mundo natin ang dalagang si Carmela!” Sigaw niya at mula sa kanyang kamay ay parang nakalikha siya ng isang bagay… isang Maso yung parang malaking martilyo.
Atsaka pinukpok niya ng buong lakas ang kadena upang maputol ito.
Sinugod naman siya ni Ezekiel. Pero hindi siya nagpatinag… hanggang sa maputol ang kadena at saka nagharap ang dalawang magkapatid na Engkanto.
“Talagang sinusubukan mo ako Azkael… sige tama tingnan natin kung sinong mas malakas satin ngayon na mas karapat dapat mag may ari kay Carmela, oras na para magsukatan ng lakas at kapangyarihan!” Nagngangalit na sabi ni Ezekiel habang nanlilisik ang kanyang mga mata at nag iigting ang kanyang panga sa sobrang galit.
Biglang bumuhos ang malaks na ulan…. Kumidlat at kumulog, nagdilim ang kalangitan at umihip ang napakalakas na hangin…
Agad akong tumakbo sa kinaroroonan ni Lola at Mang Pilo. Wala akong ibang nagawa kundi yakapin si Lola.
Jusko ano na ang mangyayari sa amin? ngayon ay maghaharap ang magkapatid na Engkanto… maglalaban ng dahil sa’kin… sa hindi ko mawaring dahilan…
Hindi ko na maintindihan ang nararamdaman ko.. halo halong emosyon habang nakatingin ako sa papasimulang laban sa pagitan ng dalawang magkapatid na Engkanto na sina Azkael at Ezekiel
Magkayakap kami ni Lola at nakaalalay naman samin si Mang Pilo. Sobrang lakas na ng buhos ng ulan at Ihip ng hangin, sinasabayan pa ng dagundong ng kalangitan dahil sa malakas na kidlat at kulog.
Ramdam ko rin ang mabilis na tibok ng puso ko sa dibdib ko dahil sa sobrang takot sa nangyayari ngayon.
“Ezekiel, itigil mo na ito… bago pa humantong sa matinding labanan. Tigilan mo si Carmela.” Ani Azkael na parang nakikipag ayos pa sa kapatid niya at parang nakiki usap.
“Hindi mo ako mapapasuko Azkael, Kung kailangang daanin sa dahas, makuha ko lang ang dalagang si Carmela ay hindi kita Aatrasan.”
Nag iigting ang panga na sabi ni Ezekiel habang mas lalong humigpit ang hawak niya sa kadenang may Aura na Itim at pula. At ang kanyang mga mata ay nagngangalit.
Kumakalansing ito… ang tunog ng kalansing ng kadenang hawak niya ay parang mas lalong nakadagdag ng takot sa dibdib ko.
“Sige kung yan ang gusto mo Ezekiel… Ilalaban ko si Carmela kahit hanggang sa kabilang mundo!”
Mariing sabi ni Azkael, punong puno ng emosyon. Habang humihigpit rin ang hawak niya sa Maso na hawak niya.
Nang marinig ko ang mga salitang iyon, para bang hindi ako makapaniwala… sino ba ako para pag agawan ng dalawang nilalang na Engkanto at handa silang maglaban ng dahil lang sa’kin?
At parang tumigil ang mundo ko nang magbanggan ang dalawang magkapatid na Engkanto.
Umalingawngaw sa buong gubat ang unang salpukan nila… isang malakas na tunog na parang kidlat ang pumutok sa ilalim ng lupa.
Sa lakas ng impact, ay naramdaman namin ang pagyanig ng lupa na halos mawalan kami ng balanse. Kaya napaupo kami ni Lola at Mang pilo sa lupa habang yakap ko ng mahigpit si Lola.
“Kumapit kayo sa ugat ng puno mukhang magiging matindi ang labanan ng magkapatid na Engkanto!” Sigaw ni Mang Pilo.
Kaya yung isang kamay ko ang ikinapit ko sa ugat ng puno habang sa kabilang kamay ko ay yakap ko naman si Lola.
“Diyos ko iligtas mo kami! Ama naming bathala huwag mo kaming pababayaan.” Nakapikit na usal nila Lola ng dasal.
Nagsimula silang mag laban…
Si Ezekiel ay mas lalong nabalutan ng itim at pulang aura sa kanyang buong katawan. Para itong apoy na galit na galit… At parang umikislap kasabay ng paghinga niya.
Samantalang si Azkael naman ay babalutan ng parang malamig na kulay asul at puting Aura sa kanyang buong katawan.
Magkaiba ng Aura sa katawan ang magkapatid.
At nang magsalubong muli ang mga kamao nila ay parang may sumabog sa lakas ng Impact. Na halos magpadagundong rin sa puso ko.
Atsaka sumabog naman ang lupa.
At biglang Umiikot ikot ang alikabok at mga dahong naglaglagan sa mag puno, halos magtumabahan rin ang mga maliliit na puno.
Parang sumasakit ang tenga ko sa lakas ng tunog ng hampas ng hangin… para itong pumapasok sa tenga ko.
“Lola kumapit ka sa akin ng mahigpit” sigaw ko habang humahampas ang hangin sa paligid namin ng sobrang lakas natatakot akong baka matangay si Lola ng malakas na hangin.
Wala na ring nagawa ang Albularyong si Mang Pilo kundi kumapit na lang din ng mahigpit sa ugat ng Puno.
Sana lang ay hindi mabuwal itong puno na kinakapitan namin
“Diyos ko… ang mag Engkanto ng kagubatan… Patigilin mo na sila Aming Bathala.” bulong ni Lola habang palapit nang palapit ang alon ng enerhiya na dulot ng laban ng magkapatid na Engkanto.
Muling sumugod si Ezekiel kay Azkael isang mabilis na paggalaw na halos hindi makita makita ng mga mata ko sa sobrang bilis nito, na parang sumabay lang sa hangin.
Napapahigpit lalo ang kapit namin sa ugat ng puno dahil umangat ang lupa sa bawat yapak at hakbang ni Ezekiel at parang nagkakaroon ng mga bitak bitak ang lupa sa paligid sa sobrang bigat at lakas ng kapangyarihan ni Ezekiel.
“Akin ang dalagang si Carmela!”Umalingawngaw ang boses ni Ezekiel sa buong paligid ng gubat.
Nang hampasin niya si Azkael gamit ang kanyang Kadenang kumakalansing ay pabulusok na sumalpok si Azkael sa puno.
At nagliyab ang balat ng puno tingin ko ay dahil sa itim at pulang enerhiya ni Ezekiel, ang lakas niya talaga.
“A–Azkael!” sigaw ko, Ewan ko pero nabalot ako ng pag alala para sa kanya. pero hindi siya lumingon sa’kin.
Bigla siyang tumayo na para bang balewala lang sa kanya yung malakas na pagsalpok niya sa puno.
Buhat buuhat niya parin ang maso na ginawa niya kanina. habang nagningning ang mga mata niya.
“Carmela pinapangako ko sa’yo ngayon na hindi ko hahayaan masaktan ka niya. Habang buhay kitang ipagtanggol hanggang sa aking huling hininga.” mahina ngunit mariin niyang sabi habang mariin siyang nakatingin sa kapatid niyang si Ezekiel.
Ang mga salitang iyon ni Azkael ay nagdulot ng pagligalig ng puso ko, parang nanuot sa ibat ibang bahagi ng puso ko ang mga salitang sinabi niya.
At para bang paulit ulit ko yun na naririnig at nag re replay sa isip ko.
Pagkasabi niya noon ay mas lalong lumakas ang hangin sa paligid na para bang may dumaan na higanteng ibon.
Sa lakas ng hangin ay tumaas ang buhok ko at nagtayuan ang balahibo ko sa katawan.
At sumunod ay ang nakabibinging tunog…
Nang Inihampas ni Azkael ang maso pababa sa lupa, sa lakas ng impact ay pumutok ang lupa.
Lumabas ang liwanag na asul na parang kidlat mula sa lupang hinampas niya ng maso ng sobrang lakas.
Napaatras si Ezekiel pero agad siyang nagpakawala ng pula at itim na bolang enerhiya nang iwinasiwas niya ang kadenang hawak niya sa Ere…
Isang bola ng enerhiya na parang nababalot ng poot at galit na halos tunawin ang lupa nang tamaan ito ng bola ng enerhiya mula sa kadena ni Ezekiel.
At nagtama ang dalawang enerhiya at kapangyarihan sa ere… Enerhiya at kapangyarihan mula sa magkapatid na Engkanto.
Nakabibinging pagsabog muli ang narinig namin mula sa nagsalpukang enerhiya at kapangyarihan ng magkapatid.
Nayanig ang buong kagubatan ang mga sanga ay nagliparana. Ang mga ibon ay hindi malaman kung saang direksyon lilipad, nagkalat sila sa kalangitan at ang hangin ay parang umiikot na buhawi.
Hinila ko pa paibaba si Lola para magtago sa likod ng ugat ng puno at baka tuluyan na kaming tangayin ng malakas na hangin.
“Carmela… huwag kang mo na silang titingnan mas lalo ka lang matatamot.”pakiusap ni Lola. Pero hindi ko kayang hindi tumingin.
Magkapatid si Azkael at Ezekiel Pero parang mortal silang magkaaway, ang mga tinginan nila ay para bang ni wala man lang katiting ng lukso ng dugo.
Nakaramdam ako ng lungkot para sa magkapatid… Ang magkapatid ay dapat na nagtutulungan at hindi dapat nagpap@tayan.
Puno sila ng hiwaga, galit at at poot sa isat isa na hindi ko maintindihan.
“Ang pagnanasa mong makuha ang dalagang si Carmela ay hindi pag-ibig! kundi bunga lamang ng iyong kasakiman. Diba gusto mo lang siyang tapusin dahil ayaw mong umibig ako ng isang mortal na tao!!” Sigaw ni Azkael nang makalapit siya kay Ezekiel.
“Hindi mo ako mapipigilan sa layunin ko!” Sigaw din ni Ezekiel..
“Hindi lang siya basta bastang dalaga, siya ang magiging susi ko! Tatapusin ko siya sa paraang mapapakinabangan ko. Iyon ang tunay kong dahilan at layunin!” Dagdag na sigaw ni Ezekiel.
Nanlaki ang mga mata ko sa narinig ko mula sa kanya at parang natigilan at naging bato ako. (O___O)
Susi? Ako? Para saan? at bakit ako? ano ba talaga ‘tong nangyayari? masyado na akong binabalot ng maraming tanong at hiwaga.
“Walanghiya ka Ezekiel! makasarili ka! hindi susi si Carmela na parang isang bagay lang. Tao siya na may damdamin at buhay na dapat mahalin at pinapahalagahan!!!” Nagngangalit na sigaw ni Azkael.
Muling nanuot ang puso ko sa sinabi ni Azkael… may takot akong nararamdaman sa oras na ‘to pero mayroon ding kiliti sa puso ko ang mga salita ni Azkael, na para bang nakapakahalaga kong babae para sa kanya.
At biglang lumipad si Ezekiel sa ere.. Atsaka sinugod niya paibaba si Azkael at bumagsak siya mula sa ere.
Sinubukan niyang durugin si Azkael.
Pero sinalubong siya ng masong hawak ni Azkael..at para mailagan ang maso ni Azkael lumipad ulit paitaas sa ere si Ezekiel, mabilis din na lumipad paitaas si Azkael. At nagbanggaan sila sa gitna sa ere.
At umikot sila na parang ipo-ipo… nagtatalsikan sa ere ang enerhiyang mula sa kanila.
“HINDI KA KARAPAT-DAPAT NA MAG MAY ARI SA KANYA!” sigaw ni Azkael.
“AT SINO KA PARA SABIHIN YAN! MAS LALONG HINDI KA KARAPAT DAPAT SA DALAGANG YAN!!” ganting sigaw ni Ezekiel.
Nagpalipad si Ezekiel ng pulang mga kadena mula sa lupa ng napakarami, para itong nga buhay na ahas na tumatakbo sa lupa at miikot sa hangin.
Sinusubukang gapusin si Azkael ng mga kadenang iyon.
“AZKAEL SA LIKOD MO!!!” Malakas na sigaw ko para marinig niya… pero sa lakas ng hangin at gulo ng paligid.. mukhang di niya ako narinig.
Mula sa likod ni Azkael ay pumulupot sa kanya ang kadena…
At pinilipit ng mga kadena ang katawan niya. Ngumisi naman si Ezekiel na para bang nagtagumpay na siya mala demonyong ngisi ang kumawala sa labi niya habang papalapit siya kay Azkael.
“TALO KA NA AZKAEL SA AKIN SI CARMELA.” Ani Ezekiel.
At tumingin si Azkael sa akin, At parang nakita ko ang bahagyang takot na emosyon sa mga mata niya… natatakot siya pero parang hindi para sa sarili niya… kundi para sa akin.
“Azkael…” Mahinang tawag ko sa pangalan niya habang nangangatal ang labi ko sa sobrang kaba at takot, para kay Azkael
Hindi pa nawawala ang alikabok at ang pagyanig ng lupa na dulot ng labanan nina Azkael at Ezekiel.
Pakiramdam ko ang puso ko ay nakikipaglaban din dahil sa mabilis na tibok nito… malakas at parang sasabog na anumang oras.
“Apo… kumapit ka lang…” bulong ni Lola na nanginginig ang boses dahil sa matinding nerbiyos na kanyang nararamdaman.
Kaya kumapit ako ng mahigpit sa ugat ng puno at ang isang kamay ko ay nakahawak kay lola para maalalayan siya..
Patuloy na naglalaban ang dalawang magkapatid na Engkanto. At parang wala talagang mapapatalo sa kanila.
Palitan ng mga suntok, pag atake ng mg kapangyarihan at enerhiya nila.
At ilang saglit pa ay biglang umangat ang lupa nang buong lakas na hampasin ni Ezekiel si Azkael gamit ang kanyang kadenang nababalutan ng itim at pulang aura at tumama iyon sa dibdib ni Azkael kaya pabulusok siyang napaatras sa lakas ng impact.
At humampas at tumama ang katawan ni Azkael sa malaking puno na agad na nawasak at natumba sa sobrang lakas ng impact.
“AZKAEL!!!” sigaw ko… hindi ko alam kung bakit nakaramdam ako ng pag aalala sa Engkantong si Azkael…
“Apo, wala kang dapat kampihan sa kanila, pareho lang silang dalawa mga nilalang na Engkanto… kaya pareho lang silang masama.” Sabi naman ni Lola.
Pero para bang iba yung nararamdaman ng puso ko… At parang tingin ko hindi masamang Engkanto si Azkael.
Dahil sa pagtama ng katawan ni Azkael sa puno… ay napangisi ng mala demonyo si Ezekiel.
sang ngisi na para bang siya na ang nanalo sa laban nilang magkapatid.
“Mahina ka Azkael yun lang pala ang hangganan ng kakayahab at kapangyarihan mo tsk.” sabi niya habang naglalakad papalapit sa
nakahandus@y na si Azkael sa tabi ng bumagsak na puno.
“Hindi mo man lang maprotektahan ang sarili mo… paano pa ang dalagang minamahal mo?”
Natigilan ako sa narinig ko kay Ezekiel…
Talaga bang mahal ako ng Engkantong si Azkael? pero bakit? talagang kahit anong gawin kong pag iisip ko hindi ko maintindihan kung bakit ako…
Biglang napatigil si Azkael ng marinig niya ang sinabi ni Ezekiel…
At para bang nagkaroon siya ng panibangong lakas, dahil mula sa pagkakabagsak sa lupa… bigla siyang tumayo…
Mabagal ang kanyang pagtayo siguro talagang pinipilit niya ang kanyang katawan. At biglang may kumislap na liwanag sa katawan ni Azkael. isang kulay asul at puti.
“Hindi pa tapos ang laban Ezekiel. Si Carmela ang lakas ko sa laban na ‘to.. hinding hindi mo ako matatalo…” Mahinang sabi ni Azkael pero mariin at kitang kita ko sa mga mata niya ang determinasyon….
Nanindig ang balahibo ko sa sinabi ni Azkael hindi ko alam kung dahil sa takot… o baka iba na ‘to? kinikilig na ba ako sa mga sinasabi ni Azkael..
Nako, hindi pwede… hindi ako pwedeng mahing hibang, bakit naman ako kikiligin sa isang…. ENGKANTO…
Nakakatakot… nakakatakot kaya… tama, takot lang itong nararamdaman ko.
kahit gaano pa kakisig, at kagwapo si Azkael, at kahit halos matunaw na ang puso ko sa mga salitang binibitawan niya ay hindi ako maaring kiligin…
Dapat ay kilabutan ako sa takot…
Humagalpak si Ezekiel ng sa pagtawa… pinagtawanan niya lang si Azkael na para bang hindi siya kumbinsido sa sinasabi nito.
“Oh siya… Azkael… tama ng daldal… patunayan mo na lang sakin yang pinagsasabi mo!”
Atsaka muling sumugod si Ezekiel.
Hawak hawak niya ng mahigpit ang kanyang kadenang kumakalansing habang tumitindi ang kapal ng Aura na kulay Itim at pulang bumabalot sa kanyang Kadena.
At hindi rin nagpatinang si Azkael… sumalubong siya kay Ezekiel na may hawak pa ring maso at ngayon ay pumupunit ang hangin sa bawat ikot at hampas niya nito…
Nagbanggan ang mga maso at kadenang hawak nila.
Nakabibinging tunog ang maririnig sa bawat pagbangga ng maso at kadena…
Isang beses… pangalawa… at tatlo hanggang sa naging sibrang bilis na nag sunod sunod…
Hanggang sa naging parang kidlat na ang bawat tama ng kanilang mga sandata…
Halos sumabog ang lupa… Umiikot ikot ang hangin at nagtutumbahan ang mga puno habang hinihiwa ng enerhiya nila ang sanga at mga ugat ng puno na tinatamaan ng enerhiya sa laban ng dalawang engkantong magkapatid na kapwa walang gusto magpatalo.
Hanggang sa….
Isang malakas na tunog ang nagmula sa maso ni Azkael…
Tumama ito sa kadena ni Ezekiel, sa sobrang lakas ay nagkalasan ang kadena ni Ezekiel…
Nagkadurug-durog at lumipad sa ere ang mga nagkapira pirasong iilang parte ng kadena ni Ezekiel…
Akala ko doon na magtatapos… pero biglang
parang hinila ni Azkael ang hangin at parang sumunod ang liwanag…. at biglang kumidlat ng sobrang lakas
At muli ay may tunog na nakakabingi an nagmula sa maso ni Azkael.
Pinukpok niya ng maso si Ezekiel sa dibdib.
Sa sobrang lakas ng pagkakapukpok niya sa dibdib ni Ezekiel ay umangat si Ezekiel paitaas sa ere…
Para siyang tumilapon… at pabulusok din siyang humampas sa lupa nang may malakas na dagundong dahil sa lakas ng imapct.
Nagdulot ito ng pagkabitak bitak ng paligid sa sobrang lakas ng imapct
At halos nabingi ako sa tunog… at nanlalaki ang mga mata ko… sa sobrang gulat sa mga nangyayari… na para bang noon napapanuod ko lang yung mga ganitong eksena sa fantasy movies.
Pero ngayon… nakikita mismo ng dalawang mga mata ko ang umaatikabong laban ng dalawang magkapatid na Engkanto.
Hindi ako halos makagalaw… at halos mabingi na ako sa lakas ng kabog ng dibdib ko…
At si Ezekiel… Hindi na siya makabangon… para siyang naging lantang gulay sa naka handus@y sa lupang nagkabitak bitak…
Humakbang si Azkael papalapit kay Ezekiel… mabagal pero hindi natitinag.
“Tapusin na natin ito.” sabi pa ni Azkael.
Nag-angat ng tingin si Ezekiel sa kanya kahit halos hindi na ito makagalaw… ang kanyang mga mata ni hindi ko maaninag ang pagmamakaawa na huwag siyang tapusin ni Azkael dahil malinaw na natalo na siya…
Natatanaw ko ang galit at poot sa mga mata ni Ezekiel habang nakatingin siya kay Azkael..
Ang mga tingin nito ay parang kutsilyon tumatarak sa sobrang talim…
“Ezekiel habang nabubuhay ako… hindi mo makukuha si Carmela, ang buhay ko ay inaalay ko sa dalagang si Carmela upang protektahan siya sa habang buhay.” Ani Azkael…
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Azkael… para itong nanunumpa sa harapan ko at sa kapatid niya… na habambuhay niya akong poprotektahan hanggat nabubuhay siya?
“Huwag kang kampante Azkael… hindit ito ang huling laban natin.”
At ibinaling ni Ezekiel ang tingin niya sa’kin.
“Carmela sa akin ka… babalikan kita!” Ani Ezekiel
Diretso siyang nakatingin sa mga mata ko… na para bang isa akong bagay na matagal na niyang gustong ma angkin.
Nagdulot ito ng matinding kilabot sa buong katawan ko…
“Carmela…” Tawag ni Ezekiel sa pangalan ko…
At saka ngumisi siya na parang baliw… mabagal at may tinatagong dilim.
“Lahat gagawin ko para makuha ka…Maging dugo, buhay, o gubat man ang kailangang masira… makukuha rin kita dahil sakin ka.”
Nagtayuan ang mga balahibo ko sa sinabi niya….
At napakapit ako kay Lola dahil pakiramdam ko para akong papanawan ng ulirat…
Sa nakakakilabot na pinagsasabi ni Ezekiel…
“Hindi mo makukuha si Carmela… dahil ngayon pa lang tapos ka na sa’kin Ezekiel!” Ani Azkael atsaka ikinumpas niya ng malakas ang maso sa Ere handa ng tuluyang tapusun si Ezekiel…
Pero… kahit ganun si Ezekiel… parang mali na magpat@yan ang magkapatid ng dahil lang sa’kin. Hindi tama…
“AZKAEL WAG!!!” Sigaw ko kaya natigilan si Azkael at ibinaba niya ang maso na tatapos na sana sa kawawang si Ezekiel.
Atsaka napalingon siya sa’kin…
“Kahit na gaano pa kalalim ang alitan at galit ninyong dalawa para sa isat isa. Wag mong kalimutan na kapatid mo parin siya, huwag kang gumawa ng desisyon na bandang huli baka pagsisihan mo… nababalot ka lang ng galit ma emosyon ngayon… pero kapag nawala na ang galit mo, masasabi mo ba sa sarili mo na gusto mo talaga siyang tapusin?” Mahabang litanya ko kay Azkael.
Sa sinabi ko ay nagbago ang emosyong nakita ko sa mga mata niya para bang bigla siyang natauhan…
“Masusunod aking iniibig… hindi ko tatapusin si Ezekiel…” Ani Azkael sa marahan na tono. At unti unti ay lumubog ang katawan ni Ezekiel sa ilalim ng lupa hanggang sa maglaho siya.
Buhay si Ezekiel at bumalik siya sa ilalim ng lupa sa mundo ng mga Engkanto…
At dahan dahang lumapit si Azkael sa akin. bahagya siyang yumuko para magpantay ang mukha naming dalawa.
“Carmela ligtas ka na… ang buhay ko ay inaalay ko sa’yo… hanggang sa aking huling pag hinga layunin ko ay protektahan ka… aking binibini.” Ani Azkael.
At bahagya siyang lumuhod sa lupa… at inilagay niya ang kanyang kanang kamay sa matipuno at malapad niyang dibdib atsaka yumuko ito.
Na para bang nanunumpa at nangangako siya sa harapan ko.
Speechless ako… daig ko ko ang bida sa fantasy movie…
Nanlaki na lang ang mga mata ko… at ang puso ko wala itong tigil sa pagtibok ng mabilis…
Ano itong dinudulot sa akin ng gwapo at makisig na Engkantong si Azkael?
Nang araw na yun, ay umalis si Azkael at bigla siyang naglaho. Nakiusap si Lola sa kanya na lubayan niya na ako.
Nakita ko ang lungkot sa mga mata ni Azkael… At bago siya umalis at naglaho nag bitaw siya ng salita.
“Kapag kailangan mo ako, dadating agad ako… Mawala man ako sa paningin mo, pero handa akong dumating at muli mo akong makikita sa oras na kailangan mo ng tulong ko.”
Ito ang mga salitang huling narinig ko sa kanya bago tuluyang naglaho na parang abo si Azkael.
Ang sabi ni Mang Pilo, siguro daw bumalik si Azkael sa mundo nila.
Pinilit ako ni Lola na bumalik na sa Maynila at magpakalayo layo siguro naman daw ay hindi na ako gagambalain pa ng magkapatid na Engkanto.
Nag aalala rin kasi si Lola sa’kin.
Bago ako umalis ng probinsya ay pumunta ako sa bungad ng gubat. Tama si Lola hindi na ito katulad ng dati, para bang walang kapayapaan ang gubat.
Makapal ang hamog at mabigat ang ambient na bumabalot sa gubat…
Parang hindi na iton yung gubat na dati kong naging parang playground noong bata pa lang ako. At nakakalungkot isipin na naging ganito na ang gubat.
>>>>
Bumalik sa ordinaryo eksena ang buhay ko. Pasok sa opisina, overtime, uuwi kakain matutulog at ulit ulit lang.
Isang araw pauwi ako galing work, masakit ang ulo ko sa maghapong nakaupo at nakatutok sa computer dahil sa dami ng kailangang ipasa at icompile na document.
Malapit na kasi ang deadline ng mga document na yun.
Bumili na lang ako ng lutong ulam, dahil pagod na akong mag luto pa.
Pagdating ko sa tapat ng Apartment ay nagulat ako nang makita ko si Mang Pilo at Lola nakatayo sa may pinto na para bang hinihintay nila ang pagdating ko.
Kaagad ko silang nilapitan…
“Lola, Mang Pilo anong ginagawa niyo rito?” Taoang tanong ko sa kanila.
Si Lola hindi siya makapagsalita pero nakikita ko ang pagkabalisa sa mukha niya.
“Kailangan mo ng bumalik sa probinsya Carmela.” Seryosong sabi ni Mang Pilo.
“Ano? at bakit? hindi ako pwedeng lumuwas ng probinsya andaming deadline na tinatapos sa office.” Sabi ko na naman na hindi makapaniwala sa narinig ko.
Na pinapabalik nila ako ng probinsya.
“Apo, bumalik ka na… ayoko mang gawin ‘to pero kailangan mong pumunta sa mundo ng mga Engkanto.” Sabi ni Lola na halos ikalaglag ng panga ko sa sobrang gulat.
“Ha? La… ano bang sinasabi ninyo…” Di makapaniwalang sabi ko. At napapa face palm na lang ako sa sitwasyon.
“Apo, kapag hindi ka pumunta sa mundo ng mga Engkanto, patuloy maglalabasan yung mga masasamang Engkanto at ibat ibang masasamng elemento… At sisirain nila itong mundo natin.. Marami na rin ang na i ulat na mga bigla na lang naglaho at nawawalang mga tao sa probinsya nitong mga nakaraang araw.” Ani Lola
Hindi ako makapaniwala…
“At… bakit ako? bakit ako ang kailangang pumunta sa mundo ng mga Engkanto?” Sagot ko na sobrang naguguluhan parin.
“May lihim akong matagal kong itinago sa’yo… Akala ko habambuhay kong matatago ang lihim na ito.. pero ngayon, mukhang kailangan mo ng malaman..” saad ni lola.
na mas lalong nakapgpadagdag sa kabang nararamdaman ko.
“Lihim? A-anong lihim lola?” Di makapaniwalang tanong ko.
“Makinig kang mabuti sa sasabihin ko apo..”
Seryosong sabi ni lola at nakatingin lang ako sa kanya habng mabilis ang kabog ng dibdib ko. Ntatakot ako sa mga maririnig ko kay Lola. Pero gusto ko ring marinig kung ano ang sasabihin niya.
“Sanggol ka pa lang noon Carmela nang dalhin ka ng iyong Ina sa probinsya. Hindi ko alam na nanganak pala siya. Bata pa noon ang iyong Ina nang mabuntis siya ng nobyo niya. At hindi siya pinangutan, Ni hindi ko nakilala kung sino yung lalake, basta ang sinabi niya iniwan raw siya nito at wala itong balak panagutan siya. Tinanggap ko ang sitwasyon… Ipinangank ka niya at inalgaan ka namin noong sanggol ka pa lang, Pero ang iyong Ina mayroon siyang mataas na pangarap para sa kanyang sarili kaya iniwan ka niya sakin at nag ibang bansa siya. Ang sabi niya kapag maayos na ang buhay niya ay babalik siya para kunin ka. Pero hindi na bumalik ang iyong Ina at ako na ang nag alaga sa iyo..” Ang sabi ni Lola.
“La alam ko na yan, diba paulit ulit mo yang sinasabi sakin noon.” sabi ko naman. Akala ko nman kung anong sasabihin niya eh yun lang pala.
“Carmela hindi pa ako tapos makinig ka!” Tumaas ang tono ng boses ni lola kaya bigla akong natahimik at natigilan.
“Pinalaki kitang mag isa, napakalikot mong bata noon… mahilig kang tumakbo takbo at maglaro sa labas, hilig mo ring umakyat ng mga puno.. hanggang sa isang araw hanap ako ng hanap sayo dahil bigla ka na lang nawala habang naglalaro ka sa labas, hanggang sa matagpuan kita sa ilalim ng malaking puno ng acacia. At duon nagpakita sakin ang isang nilalang na nag mamaya ari ng puno na iyon, Binasabasan niya ang iyong mga mata, Simula daw ng araw na yun, mabilis ka ng makaka kita ng mga ibang nilalang, at mas magiging malakas ang pang amoy ng mga kakaibang nilalang sa’yo, dahil taglay mo na ang halimuyak na makakapang akit ng mga ibat ibang elemento. At doon sinabi niyang ikaw ang napili niya para maging key Bearer, susi ka sa pagbubukas ng lagusan ng mga mundo ng elemento patungo sa mundo ng mga tao. Gagamitin ka nila para mabuksan yung portal at makalabas ang mga bakakulong na malalakas at masasamang mga elemento. akala ko walang katotohanan yun, Pero makalipas ang maraming taon, ramdam ko na na unti unti ka ni lang kinukuha sa akin.”
Mahabang paliwanag ni Lola…
Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko… wala kasi akong maalala sa pangyayari na yun, na naligaw pala ako noon sa gubat at para bang sinumpa ako ng nilalang na nakatira sa Puno na iyon.
“Kung ganoon ano ng mangyayari sakin La? Ayoko pumunta sa mundo ng mga Engkanto.. Oo boring yung buhay ko at pauili ulit lang ang mga ganap ng pang araw araw kong buhay sa maynila, tambak ako ng files at documents na kailangan kong tapusin bago ang deadline, may kup@l akong boss, at nakipag break sakin ang boyfriend ko last month, Pero Ito pa rin yung reyalidad… At hindi ko alam kung anong buhay ang naghihintay sakin sa mundo ng mga Engkanto… pero isa lang ang natitiyak ko.. ayaw ko roon…” Emosyonal na sabi ko.
At sa unang pagkakataon ay nakita kong lumuha si Lola…
Atsaka siya nagsalita..
“Apo.. gagawin mo lang yung misyon mo doon.. kung susi ka sa pagbubukas ng lagusan ng mga masasamng espiritu, Ang sabi ni Azkael maaring ikaw rin daw ang maging susi para mapigialn yun.. At kapag nagtagumpay ka.. nangako si Azkael ibabalik ka raw niya sakin ng buo. At pinanghawakan ko ang pangako niyang iyon.” Ag sabi ni Lola habang patuloy siya sa pag iyak..
“Si…Azkael?’ patanong na sabi ko sa pangalan niya…
“Masisira ang mundo ng mga tao, Lulusubin ng mga masasmang Espiritu at Elemento ang mundo ng mga tao.. kapag hindi napigilan ang nappintong pagbubukas ng portal na nagdudugtong sa mundo ng mga tao at ibang nilalang.. Ikaw ang susi Carmela.. Malaki ang gampanin at Misyon mo.. Kaya kailangan mong pumunta sa mundo ng mga Engkanto at naiibang nilalang.” Dagdag naman ni Mang Pilo.
Para akong naipit sa sitwasyon na pwalng ibang choices… na parang nakasalalay sakin ang kaligtasan at kaayusan ng mundo ng mga tao.
“Oh sige.. total hindi ko rin alam ano abng purpose ko.. baka duon sa mundo ng mga engkanto at ibang nilalang maramdaman ko yung purpose ko.” Sabi ko na lang na parang tinanggap na yung kapalaran ko.
Atsaka mahigpit akong niyakap ni Lola… At maya maya ay may lumitaw na parang usok… at sa pagitan ng usok na yun may lumabas na Asul at puting liwanag at natanaw ko si Azkael.
Naatindig siya sa lupa ng matipuno…
“Azkael…” sambit ko sa pangalan niya.
Atsaka lumingon siya sa akin at nagtma ang mga mata naming dalawa.
“Carmela… Ikinagagalak kitang makitang muli, handa ka na bang maglakbay sa mundo ng mga engkanto at naiibang nilalang?” Tanong ni Azkael na serysoso…
“Siyempre hindi ako handa… sino bang magiging handa… takot.. matinding takot ang nararamdaman ko ngayon.” Sabi ko na hindi maitago ang kaba at takot…
“Wala kang dapat na ikatakot dahil nandito ako para protektahan ka… pinapangako ko yan sayo Carmela, walng sino ma ang makakapanakit sayo hanggat nandito ako sa tabi mo.” Saad ni Azkael..
At parang nag ninning ang mga mata ko sa sinabi niya.. At kahit paano parang unti unting nabawasan yung kaba at takot na nararamdaman ko… Na may isang nilalang na hindi ako papabayaan sa mundo ng mga Engkantoat naiibang nilalang
“Pwede bang bigyan niyo ako ng isa o dalawa pang araw bago pa ako pumunta sa mundo ng mg engkanto, masyadong mabilis para sakin ang lahat, at iniisip ko yung trabahomh iiwanan ko. pano pagbalik ko wala na akong trabahong babalikan.” Sabi ko dahil nabibigla parin ako sa mga nangyayari.
“Carmela wala kang dapat ipag alala magkaiba ang oras sa mundo ng mga namin at mundo niyo. Yung isang taon samin ay katumbas lang ng isang araw dito sa mundo ng mga tao.” Sabi naman ni Azkael na kinagulat ko.
Ganon? yung isang taon sa kanila ay isang araw lang pala dito sa mundo ng mga tao. Nakakamangha.
“Kaya siguro… mga ilang araw ka lang na mawawala dito sa mundo niyo.. baka ilang taon lang sa mundo namin ang ilalagi mo.. at kung mabilis natin masulosyunan yung problema s aportal na nagdudugtong sa mundo ng mga tao at mundo naming naiibang nilalang ay hindi mo kailangang abutin pa ng isang taon doon.” Sabi naman ni Azkael.
“Siguraduhin mo lang Azkael na mkakabalik ako dito… okay? andami kong deadline na kailangang habulin sa office. Pero magsi sick leave na lang ako.. mag i email ako mamaya sa boss ko. mag fa file ako ng 3 days sick leave siguro naman di naman ako aabutin ng three years o mahigit pa sa mundo niyo.” Sabi ko at napahawak na lang ako sa sintido ko.
Na i stress na ko sa mga nangyayari pero ano pa nga bang magagawa ko.. nandito na ‘to..
“Tingin ko hindi naman Carmela… pero ayaw mo bang manatili sa mundo namin kasama ako?’ Ani Azkael at para bang nangungusap ang kanyang mga mata.
“Hoy aba! magtigil kang engkanto ka! ang usapan natin ay ibabalik mo ang apo ko.” Sabi naman ni lola at mukhang na highblood siya rito kay Azkael.
“Iyon ay biro lamang po, na kay Carmela ang desisyon,” Sagot naman ni Azkael.
Ay wow biro na yun sa kanya? parang di namna ang seryoso naman kasi niya mag biro ni hindi ko pa siya nakitang ngumiti.. Engkanto ba talaga si Azkael o baka naman isa siyang robot. Walang emosyon eh.
Hindi na ako nag komento pa. Pinatuloy ko na lang si Lola at Mang Pilo sa apartment para makapag hapunan na kami.
“Ikaw Azkael… tumuloy ka sa loob..” Sabi ko naman sa kanya nang mapansin ko0ng nanatili lang siyang nakatayo sa tapat ng pinto.
“Maaari ba?” Tanong niya…
“Oo naman, halika na pumasok ka sa loob.”
“Salamat, ayoko rin kasing umalis.. gusto ko kayong bantayan hanggang sa pagbalik niyo ng probinsya para maprotektahan ko kayo.” Sabi naman ni Azkael.
Seryoso, walang ngiti, diretso lang ang tingin niya sa mga mata ko habang sinasabi ang mga salitang yun.
Pero para bang sapat na yun para maramdaman ko yung safety namin nila lola ngayon gabi dahil nandito si Azkael sa tabi namin.
“Salamat..” maikling sagot ko na lang tapos ay pumasok na siya sa loob ng bahay
pinagsaluhan naming talto ni Lola at Mang Pilo yung pagkain na binili ko.
Nakatingin lang sa amin si Azkael.. na para bang statwa lang siyang nakatayo at pinagmamasdan kami.
Hanggang sa nagligpit na ako ng mga pinagkainan namin. Nagpahinga na si lola sa kwarto at si Mang Pilo nakaupo sa sala habang nanunuod siya ng T.V
pumunta ako ng kusina at is isa kong nilagay sa ref yung mga natirang pagkain.
kinuha ko yung isang mansanas nakulangan ako gusto ko pa kumain ng isa… atsaka isinara ko na ang pinto ng ref. Pagka sara ko ay napalundag ako sa gulat..
“Ay kabayong bundat… este Enkanto pala..” sabi ko na gulat na gulat.. Paano ba naman kasi itong si Azkael ay nakatayo na pala dito sa gilid ng ref. Kanina nasa sala lang siya nakatayo eh.
“Nagulat ako sayo.. ano ka ba naman.” sabi ko.
“Pasensya ka na Carmela, ayoko lang mawala ka sa paningin ko.” Seryosong sabi ni Azkael.
hindi ko alam kung kikiligin ba ako o kikilabutan… sabihan ka ba namanng ganito ng isang Engkanto, ay ewan na lang talaga.
“Hoy, ang O.A mo ha..” sabi ko at pinilit tumawa.
“Azkael.. kumain ka siguro gutom lang yan.. pwede ba kayong kumain ng pagkain naming mga tao?” Tanong ko sa kanya.
“Maaari pero mayroong kapalit?” Seryosong sabi niya..
“Ha? kapalit? ano naman yun?”
“I’ll fall inlove with you even deeper Carmela.” Ani Azkael kaya nanlaki ang mga mata ko.
Kasi bigla siyang nag english… sosyal pala mga engkanto nag i english din..
Pero teka nga ano daw? he’ll fall in love with me even deeper? napalunok ako sa gulat.
At hindi ako nakapg salita agad hawak ko lang yung apple, kakagatin ko na sana kanina eh.. kaso napatigil ako sa sinabi ni Azkael.
Tapos bigla siyang lumapit sakin ng sobrang lapit..
Tapos nagulat ako nang yumuko siya ng bahagya at kinagatan niya yung mansanas na hawak ko. hindi agad ako nakakilos.
Umayos siya sa pagkaka tindig at tumingin siya sa mga mata ko habang nginunguya niya yung part mansanas na kinagat niya.
“And now Carmela, I will fall in love with you even deeper… there’s no turning back, at alam kong di ko pagsisisihan ito.” Ani Azkael..
Na parang halos matunaw na ako the way he look in my eyes, it felt like I mean everything to him.
“Kung sino yung taong magbibigay ng pagkain samin ay mahuhulog ang loob namin sa taong yun at iibigin namin. Pero inibig ba kita Carmela bago ko pa kinain ang pagkain na inalok mo sakin, kaya ang mangiging kapalit ay mas lalo kitang magugustuhan at iibigin ng buong puso, isip at kaluluwa.” Ani Azkael.
It’s the sweetest thing I’ve a guy has ever told me.. kahit yung ex boyfriend ko never kong narinig ang mga salitang ito sa kanya hanghgang sa nagtapos na lang ang relasyon naming dalawa.
Parang gustong mag hurumintado ng puso ko sa sinabi niya pero… bigla akong natatauhan kapag iniisip kong Engkanto si Azkael at dapat ay kilabutan ako.
“I-iKaw maloko kang Engkanto ka ha… diyan ka na nga, at wag kang pumasok sa kwarto namin ni Lola.” nauutal na sabi ko at tumakbo ako papasok sa kwarto namin ni Lola atsaka sinara ko yung pinto at ni lock…
Napahawak ako sa dibdib ko habang yung isang kamay ko nakahawak parin sa mansanas na kinagatan ni Azkael. Ang bilis ng tibok ng puso ko.. ramdam n ramdam ko sa palad ko.
At napasandal ako sa pinto at pumikit ng mariin..
“Carmela… mag hunos dili ka… wag kang kiligin.. wag kang kiligin… wag kang kiligin..” mahinang sabi ko na parang tangang kinakausap yung sarili ko.
“Oo, gwapo, makisig at matipubo si Azkael.. pero wag mong kakalimutang isa siyang Engkanto.. kaya kilabutan ka… kilabutan ka sa mga sinasabi niya..” Pag kukumbinsi ko sa sarili ko.
At saka huminga ako ng malalim… atsaka pinilit na kumalma inilagay ko na lang yung mansanas sa mini table at kinuha ko nayung laptop ko atsaka nag email ako kay boss, ni reason ko lang sick leave ako for 3 days.. dahil na empacho at nagtae ako ng malala.
Pagakatapos ay natulog na ako sa tabi ni Lola.
Kinabukasan ay maaga akong nagising tulog pa si Lola.. at agad akong bumangon par ihanda na yung mga gamit ko na dadalhin sa probinsya.
Pagbukas ko ng pinto muntik na naman akong atakihin numungad ba naman si Azkael sa pinto naka tayo at naka crossarms.
Ang aga aga sobrang gwapo, sobrang kisig, sobrang fresh… jusko po patawarin nawa ako sa aking kaharutan..
“Teka nga bat andito ka sa tapat ng pinto?, bat di ka dun nagpahinga sa sofa?, ginugulat mo ako palagi eh.” sabi ko naman sa kanya.
kunwaring walang epekto sakin ang kagwapuhan niyang bumungad sakin ngayong umaga. jusko ang hirap mag pigil sa totoo lang.
“Dahil nangako ako at nanumpa sa’yo diba? na poprotektahan at babantayan kita.” Sabi niya.
Kinilig na naman ako pist! pero pinilit kong kumalma.
“Pero hindi ibig sabihin nun hindi ka na matutulog at magdamag ka na lang tutunganga dito sa tapat ng pinto para lang bantayan ako. Puyat na puyat ka na Aazkael.” saad ko sa kanya.
“Ayos lang… Hindi kami katulad ninyong mga tao Carmela… kaming mga Engkanto hindi namin kailangan ng mahabang oras na pahinga.. isa o dalawang oras ng tulog ay sapat na samin.” Sagot naman niya.
Kaya pala ang dami niyang energy magbantay magdamag at tumunganga sa tapat ng pinto.
>>>>
Wala na kaming inaksayang oras matapos naming mag asikaso ay kaagad kaming bumiyahe pauwi ng probinsya.., At habang nakasakay kami sa bus, tulala akong nakayingin sa bintana, umpisa na mabago ang buhay ko…
hindi ko alam konng anong buhay ang naghihintay sakin sa mundo ng mga engkanto pero isa lang ang ntitiyak ko… hindi na iyon katulad ng buhay ko dito sa Maynila. At hindi ko alam kung kaya kong mag adjust sa buhay nila doon.
Ilang oras din ang biyahe bago kami nakarating sa probinsya.
Ginawan ako ni Mang pilo ng isang kwintas… yung pendant ng kwintas na yun ay singsing ni Lola. atsaka dinasalan niya ito at ginawan ng ritwal.
Ang bagay raw na yun ang magsisilbing dugtong o pisi sa pagitan ng mundo ng mga engaknto at niibang nilalang at sa mundo naming mga tao.
hanggat meron daw akong importanteng bagay na dadalhin sa mundo ng mga engkanto ay makakabalik pa ako.. Basta ay huwag ko daw itong maiwawala.
Kaagad kaming nagtungo sa gubat… tanging yung kwintas lang na suot ko ang dala dala ko. walang kahit ano hindi raw pwede magdala ng maraming gamit sabi ni Azkael kasi baka ma off load sa airport charrr… hindi raw pwede kasi masusunog lang daw yun pagdating sa mundo nila.
Pero yung suot kong kwintas na nagsisisilbing dugtong sa mundo namin at mundo nila ay hindi raw ito masusunog.
>>>>
Madilim ang daang nilalakaran namin… tanging liwanag mula sa buwan at gaserang dala dala ni Mang Pilo ang nagsisilbi naming ilaw.
Hanggang sa dinala kami ni Azkael sa isang malaking puno.
“Ito ang daan patungo sa mundo namin… Carmela handa ka na ba?” Ani Azkael.
At bigla akong kinabahan sa tanong niya… kahit sabihin kong oo… alam kong hindi ako handa.. at nevewr akong magiging handa.
Biglang yumakap sakin ng mahigpit si Lola.
“Apo… parang hindi ko kayang umalis ka… ma mi miss kita… nag aalala ako sayo” Saad ni lola at humagulgol na siya ng iyak.
Ayoko sanang umiyak… pero kahinaan ko ang lola ko, malambot ang puso ko pagdating kay lola… dahil mag isa niya akong binuhay at pinalaki, siya ang lola ko na tumayo na ring nanay at tatay ko.
Habang nakayakap sakin si Lola ay panay punas ko ng luha ko… at pinilit ko wag niyang marinig ang pag iyak ko. Dapat matatag lang ako sa harapan niya.
“La… pangako babalik ako.. wag ka ng umiyak.” saad ko s kanya. At tumango tango siya.
“Azkael… halika na umalis na tayo..” Ang sabi ko matapos bumitaw si Lola sakin sa pagkakayakap niya at humarap ako kay Azkael.
Tiningan niya ako… at pinagmasdan mula ulo hanggang paa,
agad ko itinago sa gilid ko ang mga kamay kong nanginginig ngayon sa takot.. ayokong ipahalata sa kanya.
Huminto ang mga tingin ni Azkael sa dalawang kamay kong nasa gilid, na pilit kong tinatago.
Nagulat na lang ako ng kunin niya ang isa kong kamay at hinawakan niya iyon ng mahigpit.
“Carmela… wag kang mag aalala di kita pababayaan. nandito ako palagi sa tabi mo, handang hawakan ang kamay mo sa oras na makakaramdam ka ng takot, at handa akong gawin ang lahat para palitan ng kapayapaan ang lahat ng takot at pag aalinlangan sa puso mo.” Ani Azkael…
Ang mga salitang iyon ay nagpakalma sakin na para bang may mahika.
Tanging pag tango na alang ang naging tugon ko sa kanya.
Habang hawak niya ng mahigpit ang kamay ko ay inilapat ni Azkael ang isa niyang palad sa katwan ng puno… at unti unti ay may liwanag na lumabas sa pagitan ng palad niya at puno.
hanggang sa lumaki ng lumakim yunh liwanag na pabilog… nakaka sialw na liwanag.
“Ingatan mo ang apo ko ibalik mo siya sa takdang panahon.” Habol ni Lola.
“Ipinapangako ko po.” saad naman ni Azkael.
“La, wag po kayong mag alala babalik po ako panagako ko sa inyo.” sabi ko kay lola kahit na sa totoo lang walang kasiguraduhan…
atsaka humakbang na kami ni Azkael sa bilog na liwanag…
para kaming hinigop nito hanggang sa maramdaman kong pagsara ng bilog na liwanag… nandito na kami sa loob… nakangiti lang akong nakatingin kay lola habang walang humpay yung pagtulo ng luha niya…
hanggang sa nagsara yung bilog na liwanag at di ko na nakita si lola at Mang Pilo, Atsaka ako napaluha…
At naramdaman ko na lang na parang nahuhulog kami ni Azkael sa ere na parang walang katapusan… sobrang nakakalula na parang bumabaliktad ang sikmura ko.
Niyakap ako ng mahigpit ni Azkael habang hawak niya parin ang kamay ko at habang patuloy kaming bumabgsak sa paibaba sa kawalan at parang walang katapusan..
Dire diretso kaming bumabagsak ni Azkael sa parang walang hanggang katapusan para kaming nasa ere pero tanging puro liwanag lamang nag nakikita ko.
Hanggang sa mapansin ko na ang mga ulap sa paligid…
Parang nasa himpapawid na kami dahil may mga ulap na akong nakikita.
“Malapit na tayo Carmela.” Saad naman ni Azkael sa akin.
Habang yakap yakap niya parin ako.
Hanggang sa bumagsak kami sa makakapal na damuhan sa ilalim ng malaking puno.
Hindi ako nasaktan ng bumagsak kami dahil umikot si Azkael para siya ang maunang bumagsak at nasa ibabaw niya ako.
Napa pikit na lang ako nang nasa damuhan na kami at nasa dibdib niya ako habang nasa ilalim ko siya.. dahan dahan akong nag mulat ng mga mata ko, at nagtama ang paningin naming dalawa ni Azkael… At sa unang pagkakaton ay nakita ko siyang ngumiti.
“A-azkael ayos ka lang ba? Ang likod mo? baka nabalian ka na ng spinal cord…” Alalang tanong ko sa kanya.
“Ayos lang ako Carmela wag kang mag alala matibay ang likod ko.” Saad namn niya at hindi parin inaalis ang pagkaka titig niya sa mga mata ko.
Saka ko lang na realize sobrang awkward pala ng posisyon naming dalawa kaya agad akong bumangon at umalis sa ibabaw niya.
Lumingon lingon ako sa paligid.
Sobrang namangha ako… akala ko nakakatakot na parang mukhang impiyerno ang mundo ng mga Engkanto at mga naiibang nilalang pero hindi pala… para itong paraiso sa paningin ko.
parang nakikita ko lang ‘to kapag nanunuod ako ng mga fantasy adventure movie, kung saan naglalakbay yung mga bida sa magical world, hindi ako makapaniwalang nakikita mismo ngayong ng dalawang mga mata ko.
Asul na sul ang langit na parang walang polusyon, may mga ibat ibang ibon ang lumilipad sa himpapawid.
May batis doon sa di kalayuang natatanaw ng mga mata ko, at mayroong falls na umaagos doon sa parang bulubundukin.
At kitang kita yung mga bituin sa kalangitan kahit na ang taas ng sikat ng araw, maraming puno at mga damo, punong puno rin ng mga ibat ibang halaman sa paligid, at may mga ibat ibang klase ng mga bulaklak na parang ngayon ko lang nakita.
Kahit kailan hindi ko pa nakita yung klase ng mga bulaklak na yun… at ang gaganda.
Hindi magkanda ugaga ang mga mata ko sa paglingo at pag usisa sa lahat ng magagandang mga bagay na nakikita ko ngayon.
Naramdaman ko namang bumangon si Azkael mula doon sa pagkaka higa niya sa damuhan at lumapit siya sakin sa tabi ko habang patuloy ko paring pinagmamasdan ang buong paligid at patuloy na namamangha sa parang paraisong lugar na ito.
Nag inat ng braso si Azkael atsaka muling umayos ng tindig sa tabi ko.
“Ang ganda ng mundo niyo Azkael.. sobrang namamangha ako.” Sabi ko na manghang manghang nakatinign sa paligid.
“Talaga Carmela nagustuhan mong mundo namin? ibig bang sabihin niyan ay mananatili ka na dito kasama ko?” Ani Azkael.
“Ha… ah hindi sa ganun.. maganda ang mundo niyo Azkael, pero hindi ako nabibilang rito dahil isa akong mortal na tao, tatapusin ko lang yung misyon ko rito.” Sagot ko naman sa kanya.
“Naiintindihan ko Carmela, pero palagi mo ring tatandaan na ang pag ibig ko sayo ay kayang tawirin ang magkaibang mundo nating dalawa… At sabihin mo lang kung saang mundo mo gustong manatili at aking tatawirin.” Ani Azkael.
Jukso… para namang kasama ko si Francisco Balagtas, napaka makata mag salita ni Azkael sobrang masining.. kung minsan nag e english naman siya, ka sosyal ng engkanto na ‘to pa iba iba ng personality.
Okay mamamangha na akop sa kanya.. pero hindi dapat kiligin.
“Halika lumakad tayo.” Sabi naman ni Azkael..
Luamakad kami sa path way, atsaka ko lang napansin na gawa paala sa ginto yung pathway na nilalakaran namin.
Kaya napanganga at napahinto ako sa gulat.
“Hoy…Azkael legit ba? totoong ginto ba talaga itong nasa path way?” gulat na tanong ko.
“Oo Carmela mga totoong ginto yang nilalalkaran natin ngayon na pathway.. gawa ito sa ginto.”
“Talaga?.. ang galing ha walang kurakot dito sa mundo niyo, kung sa mundo ‘to ng mga tao matagal ng pinagkukuha ng mga kurakot ang mga gintong ito.” Sabi ko naman habang di parin makapaniwala na talagang ginto itong nilalakaran naming path way ni Azkael.
“Nakakalungkot ang kasakiman ng mga taong ganid sa kapangyarihan, Hindi ko rin masasabin gperpekto ang mundo namin Carmela dahil meron din mga Nilalang rito na tanging hangad ay kasakiman, kasamaan at pansariling layuinin lamang.” Sabi naman ni Azkael.
So hindi pala talaga nawawala ang mga masasama kahit na sa anong mundo pa…
Nagpatuloy kami ni Azkael.
Doon sa water falls ay napako ang paningin ko sa mga bulaklak na kulay asul… at nagliliwanag at kumikinag ito. Yung stem niyaay parang alon na sumasayaw kahit na walang hangin. Saglit na naman akong naphinto at pinagmasdan ang mga ito.
Nagulat naman ako nang lumapit doon sa falls si Azkael at nilangoy niya pa yung parang napakalalim na falls dahil halos magkulay bere na yung tubig doon indikasyon na malalim ang tubig ng falls.
“Hoy… Azkael anong ginagawa mo?!” Sigaw ko sa kanya..
Baka mamaya may kakaibang nilalang pa diyan sa ilalim ng tubig lalo nat kakaiba itong mundo nila.
“Kukuha ako ng bulaklak na yun para sayo Carmela”Ani Azkael.
Kaya natigilan ako… ganda gandahan na namana ko sa part na lumangoy pa talaga si Azkael sa malalim na falls just to get the flower for me. unti unit akong napapangiti na parang tanga.. at kaagad ko rin hinawakan ang bibig ko para pigilan yung ngiti ko.
Dahil may rule ako na bawal kiligin sa kanya.
Nang makalapit si Azkael sa mga bulaklak na kulay asula ta nagliliwanag ay agad siyang pumitas ng tatlong piraso.
At mabilis na lumangoy ulit pabalik sakin.
Agad naman na umahon si AZkael… basang basa ang damit niya… At mas lalong humubog sa kanayng damit ang matipuno niyang katawan.
kaagad akong napalunok, jusko ano ba itong nararamdman ko sa Engkantong si Azkael? bakit parang naakit ako sa kakisigan at kagwapuhan niyang taglay.
“Ayos ka lang ba Carmela? Medyo namumula ang mukha mo.” Ani Azkael sa harapan ko na sobrang gwapo, sobrang kisig at sobrang matipuno…
sinong hindi mamumula diba? jusko naman po patawarin ninyo nawa ako mukhang sinasaniban ako ng espiritu ng kalandian.
Huminag ako ng malalim at pilit na kumalma.
“A–ayos lang ako, wag mo akong intiindihin… natural na mamula ang mukha ko dahil sa matinding sikat ng araw.” pag papaplusot ko naman.
“Ganun ba? wag kang mag alala Carmela pag nakarating tayo sa Kapitolyo.. amkakapag pahinga ka.” Sabi namn ni Azkael.
“Pasensya ka na, Hindi ako makalipad ngayon dahil sa sobrang pagod ko sa paglalakbay sa mundo niyo, at sa pagbabantay s’yo… kapag bumababa ang enerhiya namin, hindi rin kami nakakalipad kailangan ko muna ng sapat na pahinga para maaari na ulit akong lumipad. Kaya sa ngayon maglalakad lang tayo patungo sa kapitolyo.” Paliwanag ni Azkael.
Kaya pala nilangoy niy yung malalim na tubig sa falls para lang kumuha ng bulaklak dahil hindi siya makalipad ngayon.
Napaka thoughtful niyang engkanto…
“A–Ayos lang siguro naman malapit lang ang kapitolyo mula rito ano?” sabi ko naman sa kanya.
“Mga Ptong oras mula rito.”
“A-ano? pitong oras? jusko po naman. akala ko naman ilang minutong lalakarin lang nanakaloka.” hindi makapaniwalang sabi ko.
“Maari tayong magpahinga na muna sa lilim ng puno.. kapag nabawi ko ng lakas ko maaari akong makalipad. liparin na lang natin ang kapitolyo.” Sabi naman ni Azkael.
“Hindi okay lang… kaya ko naman maglakad eh, di ako baldado Azkael.” mayabang na sabi ko.
“Oh sige kung yan ang gusto mo. Basta sabihin mo Carmela kapag pagod ka na ipapasan kita.” Ani Azkael.
“Salamat sabi ko na lang.”
“Heto nga palang bulaklak.. para sayo, nakita kong manghang mnagha kang pinagmamasasdan ang mga bulaklak na ‘to, kinuha ko para sayo. Ang mga bulaklak na ito ay mas lalo pang lumiliwanag kapag suamsapit ang gabi, maari mo itong maging ilaw at lampara.” Sabi namn ni Azkael.
Atsaka inabot niya sakin ang tatlong asul na bulaklak na nagliliwanag.
kinuha ko naman iyon… at mas lalo akong namangha dahil… gumagalaw talaga yung bulaklak kahit napitas na ito.. parang mayroon parin itong sariling buhay.
“Ang ganda nito… Salamat Azkael.. ” sabi ko at di ko mapigilang mapangiti.
“Kasing ganda ng iyong mga ngiti binibining Carmela.” Ani Azkael kaya natigilan ako.
At napalingon sa kanya… seroso lang siyang nakatingin sa mga mata ko.
Bakit ba napaka bolero ng Azkael na Engkantong ito?
Oo binobola niya lang ako diba? pero ano itong kiliting nararamdaman ko sa puso ko?
Kaagad akong umiwas sa mga tingin ni Azkael, mahirap na at baka mahulog ako sa mga mata niyang iyon.
“H–Halika na nga maglakad na tayo..” Sabi ko at nagpa ti unang mag lakad.. kaagad naman na sumunod si Azkael.
Pagod na pagod ako sa paglalakbay namin at ang dami naming mga dinaanan… nariyan pang tumawid kami ng rumaragasang ilog, habang pasan pasan ako ni Azkael.. Mga ligaw na hayop na kinalaban niya, para lang portektahan ako.
Pakiramdam ko tuloy para akong prinsesa na pinoprotektahan ng kanyang prinsipe…
Hanggang sa may madaanan kaming gubat…
sabi ni Azkael magical forest daw ito.. pero kailangang maging maingat dahil may mga halaman daw rito na kapag nadikit ka doon ay mabubuhay ito na parang halimaw.
“Carmela… Pumasan ka na lang sakin… baka madikit sa mga halamang may buhay.” Ani Azkael.
Pero naaawa na ako s akanya siguradong pagod na rin siya… kaya ko pa namang lumakad kaya hindi niya ako kailangang pasanin.
“hindi okay lang ako… mag iingat ako Azkael.” Sabi ko namna sa kanya.
“O sige basta ay wag kang lumayo sakin.”
At tumango tango naman ako…
Habang naglalakad kami ay may malaking palaka na biglang tumalon sa binti ko. Sa gulat ko ay napasigaw ako at nagtatalon talon at nagtatakbo sa paligid .
Takot kasi ako samga palaka. Dahil panakot sakin ni Lola dati nong bata pa ako na kapag di ako natulog sa tanghali ay dadalhan niya ko ng napakaraming palaka.
“CARMELA ANONG NANGYAYAYRI SAYO!!”
“May malaking palaka ang tumalon sa binti ko!!” Siagw ko naman.
“Kumalma ka Carmela, Hindi nangangagat ang mga palaka.” sabi naman ni Azkael.
Hanggang sa napatid ako sa sanga ng isang halaman at natumba ako sa sahig.
Aray ko ang tuhod ko mukhang tumama sa matulis na bato.
“CARMEL!!!” sigaw ni Azkael. At nang bumangon ako at humarap…
Ay nanlaki ang mga mata ko nnag makitang….
Lumaki yung halaman na lagpas tao ang laki… bumuka ito na parang malaking bibig… at lumabas ang parang malaking dila nito.
Kaagad na lumapit sakin si Azkael.
Pero parang bigalng sumigaw yung halaman na parang halimaw sobrang lakas ng tunog… at parang naging sanhi yun para magising yung mga natutulog na mga halimaw na halaman.
Agad na nakalapit sakin si Azkael at mabilis niya akong binuhat palayo doon sa halimaw na halaman..
inatake kami ng mga halaman at mga galamay nito na parang kadenang gustong tumusok sa amin. kaaagd naman na nasasalag ni Azkael. ang mga galamay ng halaman…
Hanggang sa pumulupot ang isang halaman sa paa niya dahilan para bumagsak kami sa lupa.. sinubukan ni Azkael na tanggalin iyon sa paa niya pero para bang napakalakas nito…
“Azkael ano ng gagawin natin?” Natatarantang tanong ko.
“Tumakbi ka Carmela sa abot ng makakaya mo lumayo ka sa gubat na ‘to, at hintayin mo ako roon.” Ani Azkael habang patuloy na tinatanggal yung galamay ng halaman sa paa niya.
inilabas niya yung maso niya at pinukpok ito pero parang bakal ito sa sobrang tibay.
“Carmela umalis ka na… hindi ka pwedeng masugatan sa mga galamay ng mga halaman sapagkat hahalo ang lason sa dugo mo.” Sabi pa ni Azkael kaya nakaramdam ako ng matinding takot pero parang hindi ko siya kayang iwan dito…
Lalo na kapag naiisip ko lahat ng ginawa niya para sakin… sa oras na pinagtatanggol at pinoprotektahan niya ako.
“H–hindi … hindi ako aalis dito ng di ka kasama.” Sabi ko namna at nakita ko ang gulat sa mga mata niya…
“Carmela, ikinagagalak kong malaman na ayaw mo akong iwan dito, pero mas matutuwa ako kung aalis ka.. sige na umalis ka na.” Sabi pa ni Azkael sa nagsusumamong boses.
At parang mas lalo pang naging dahilan yun para hindi ko magawang iwan siya dito..
Maya maya ay parang yumanig yung lupa kaya napatigil ako at napakapit ka Azkael.
At biglang nawasak yung isang parte ng lupa at nagkaroon ng guho doon…
parang naulit na ito noon.
May maya ay may nilalang ma unti unting lumilitaw mula doon sa guho ng lupa.
At nanlaki ang mga mata ko nang makita ko kung sino ito..
Walang iba kundi si Ezekiel ang kapatid ni Azkael.
“Haha mukhang katapusan mo na kapatid..” Ani Ezekiel.
“Ezekiel…'” Mariing tawag ni Azkael sa pangalan ng kapatid niya..
“Carmela… maligayang pag dating sa mundo naming mga Engkanto at naiibang nilalang.” Nakangising sabi nito.
At mula sa palad niya lumabas ang kadenang kumakalansing…
muli akong binalot ng matinding takot at pangamba… papano na kami ngayon…
nandito na ulit si Ezekiel… at hindi parin makawala si Azkel sa galamay ng halaman… katapusan na ba naming dalawa?
News
Ginamit ko ang aking school meal card na niloadan ng mga magulang ko ng ₱60,000 para bumili ng isang steak meal na nagkakahalaga ng ₱500 sa canteen ng unibersidad./hi
Ginamit ko ang aking school meal card na niloadan ng mga magulang ko ng ₱60,000 para bumili ng isang steak meal na nagkakahalaga ng ₱500 sa canteen ng unibersidad. Biglang tumayo ang boyfriend ko sa gitna ng maraming tao at…
Pero nang mabalitaan ko ang nangyari doon sa mag-asawang lesbian sa kabilang kanto, medyo kinabahan din ako, kaya laging nagpapaalala si Gerson sa akin//
“Ipinasok kay Tiya” “Mahal, gabi na, magsara na tayo.” “Maya-maya na, sayang naman, may mga dumarating pa na bumibili,” sagot ko sa aking asawa. “Eh, medyo masama ang panahon at umuulan, wala na siguro nabibili. Mahirap na, uso pa naman…
Nahuli ko $! m!$!$ na kasama sa kama @ng Ex ny@
Nahuli ko si misis na kasama sa kama ang Ex nya Gabi ng Biyernes sa aming bahay sa Sampaloc, Manila. Katatapos lang namin mag-dinner nang mapansin kong nagmamadaling mag-empake si Clara. Seryoso ang mukha niya at parang balisa. “Hon, tumawag…
UMIYAK ANG ANAK NG MILYONARYO GABI-GABI… AT WALANG SINUMAN ANG GUSTONG MALAMANG KUNG BAKIT.
Pinapagana ng GliaStudios Hindi nakatulog si Clara nang gabing iyon. Naupo siya sa maliit na silid na nakatalaga sa kanya sa pakpak ng mga katulong, inuulit ang bawat tunog, bawat salita, bawat kilos na ginawa ng batang lalaki. Pinalaki niya…
Ipinagbili ako bilang asawa sa isang lalaking “paralisado”… at noong gabi ng aming kasal, kinailangan ko siyang tulungan na makaupo sa kama. Nang hawakan siya ng aking mga kamay, napagtanto kong may hindi akma.
Ipinagbili ako bilang asawa sa isang lalaking “paralisado”… at noong gabi ng aming kasal, kinailangan ko siyang tulungan na makaupo sa kama. Nang hawakan siya ng aking mga kamay, napagtanto kong may hindi akma. Ipinagbili ako bilang asawa ng isang…
NAG-TEXT ANG ASAWA KO: “HAPPY ANNIVERSARY, BAE. STUCK AKO SA TRABAHO.” PERO NASA OPISINA NA NIYA AKO AT PINAPANOOD SIYANG MAY KAHALIKANG IBA. BIGLANG MAY BUMULONG SA LIKOD KO: “WAG KANG MAINGAY. MAGSISIMULA NA ANG TUNAY NA PALABAS.”
Ang Simula: Ang Sorpresa at Ang Kasinungalingan Ikalimang anibersaryo namin ng asawa kong si Eric. Dahil alam kong naging sobrang busy siya sa kanyang trabaho bilang Finance Director sa isang malaking kumpanya, nagdesisyon akong i-surprise siya. Nagluto ako ng paborito…
End of content
No more pages to load