INIWAN KO ANG ASAWA KONG ILOCANO DAHIL HINDI ADOBONG MANOK ANG IPINAULAM NYA SA AKIN KUNG HINDI ADOBONG BAY4W@K

Pumayag akong sa probinsya ng asawa ko kami manirahan dahil mas ok daw doon. Walang bayad sa tubig, bahay at pati sa kuryente kasi puro solar ang gamit nila.

Isa akong Bicolana at sa online kami nagkakilala ng naging asawa ko. Ang pangalan ko ay Jennelyn pero ang palayaw ko ay Jenny at siya naman ay si Edmon.

Maganda ang tanawin, tabing dagat, presko ang hangin at napaka tahimik sa lugar nila, Kuya Ed.

Ang hindi ko lang nagustuhan ay ang nadaanan naming sementeryo na nasa gilid ng kalsada. Mula sa bukas na nitso ay may lumabas na bayawak na may kagat-kagat na tila butó ng t4o.

Kung hindi p ako kinausap ni Edmon ay hindi pa maaalis ang tuon ko sa bayawak na yon.

Nang balingan ko ito ay wala na kaya ipinagkibit balikat ko na lamang ang nakita ko.

Sa mga ilang araw naming pamamalagi roon ay masasabi kong masaya. Masarap din pala magluto ang mga ilocano.
Có thể là hình ảnh về một hoặc nhiều người
Napagkamalan ko pa ngang bicol express ang niluluto nilang may gata pero hindi kasi laing iyon kung tawagin sa kanila.

Imbes kase na karne ay gabi ang pangunahing sahog. Ang sili naman ay hindi pinira-piraso at iniluto kung hindi nakabukod at bawat subo nila ay isang sili ang katumbas.

Ang mga kaugaliang iyon ay hindi ko lubos na maisip na mararanasan ko pero sa kabila ng taliwas sa aming nakasanayan sa bicol ay may kakaiba din palang sarap ang dulot.

Pero ang hindi ko nagustuhan ay ang isang araw, adobo ang ulam namin, kuya Ed.

Ang bango ng pagkakaluto at talaga namang nakakatakam. Gaya ng dati ay kumukuha si Edmon ng isang mangkok para pagsaluhan namin.

Ang sarap talaga ng adobong iyon, kakaiba sa panlasa. Ang kaso, bigla kong nakutsara ang kakaibang paa, hindi iyon sa manok.

Tinanong ko ang asawa ko kung anong klaseng karne ang inuulam namin. Bumaliktad ang sikmura ko nang sabihin nyang Bay4w@k iyon.

Lalo akong nagsuka ng maalala ko ang nakita ko sa simenteryo. Inaway ko si Edmon dahil don saka ako nag alsa balutan.

Hinintay ko syang sundan ako dito sa maynila pero hindi nya ginawa kaya tuluyan na kaming nagkahiwalay.

Ngayon ay wala na talaga kaming komyunukasyong dalawa at ayaw ko ng bumalik doon kasi baka ah4s na ang sumunod nilang ipaulam sa akin.
Có thể là hình ảnh về một hoặc nhiều người
Andon na ako na masarap silang magluto pero talagang hindi ko sanay lalo pa’t dahil sa nasaksihan kong tungkol sa bay4w@k ay huwag na lang