• Said aralan ng St. Paul National High School, nakaupo sa pinakalikod si Geo Ramirez, isang binatilyong halos hindi naririnig ang boses. Habang ang kanyang mga kaklase ay nag-uusap, naglalaro o nagtatawanan, si Geo ay nakatungo lamang. Madalas sinusulatan ang kanyang luma at kupas na notebook. May mga nakakakita minsan na nagdudugtong-dugtong ito ng maliliit na drawing.
  • Hindi dahil sa hilig. Kung hindi dahil iyon ang paraan niya para maibsan ang kanyang kaba. Lahat ay napapansin ng pagiging tahimik niya. Pero walang nagtatanong kung bakit. Sa mata ng iba, kakaiba lamang siya. Sa mata ng ilan siya’y napaka-weird at sa mata ng mga bully siya ang palaging target. Isa na nga rito ang binatilyong si Baby sa Lazar ang kilalang pasibuno ng mga kalokohan.
  • Sa tuwing makikita niyang nag-iisa si Gio tila ba nagiging mas madali para sa kanya ang mga hindi dahil masama siyang bata kung hindi dahil iyon ang mundo na nakasanayan niyang ipakita. Kasama niya lagi sina Lem, Janus at Rudel. Tatlong batang sumusunod sa kung ano ang trip ni Bobby. Ay nasimulo. Bulong nilem minsan.
  • Tahimik kasi baka may sumpa. Sabay tawa ni Bobby. Si Geo naman tumingin lang saglit, ngumiti ng mahina na para bang pilit at pagkatapos ay muling yumuko. Wala siyang lakas ng loob na sumagot hindi dahil duwag siya kung hindi dahil sanay na siyang hindi pinapansin ng sakit. Kapag resess, mabilis siyang nagliligpit. Diretso pa palabas.
  • Hindi kumakain sa classroom. Hindi rin sumasabay sa iba. Halos lahat ay napapansin ito. Minsan napapailing na lamang ang iba niyang mga kaklase. Bakit ba siya laging nawawala? Tanong ng isa. Baka may tinatagong super power, bro. Biro naman ni Janus. Pero ang totoo, merroon nga siyang itinatago. Hindi kapangyarihan.
  • Hindi sikreto ng kayamanan kung hindi ang kahirapan. May hawak siyang lumang plastic doon. Nakabalot ang baon. Kanin na minsan ay malamig pa at pati na rin ang ulam. Isang kapirasong toyo at kaunting mantika lang mula sa piniritong tuyo kagabi. Hindi niya ito kinakain sa classroom dahil ayaw niyang may makakita sa kanya.
  • Ayaw niyang pagtawanan siya. Ayaw niyang maramdaman na mas kakaiba pa siya. Kaya sa bawat res, dumadaan siya sa likod ng silid tatawid sa maliit na patway papunta sa bakanteng lote sa likuran ng eskwelahan. Doon sa lilim ng isang malaking puno ng santol. Doon siya kumakain. Doon siya humihinga ng maluwag sa classroom.
  • Hindi ito alam ng iba. Ang alam lang nila ay nawawala siya. At dahil hindi nila alam ang dahilan, mas lalo itong naging misteryo at iyon ang dahilan kung bakit siya palagi ang usap-usapan. Sa maliit na barong-barong nagawa sa pinagtagpitagpingero, kahoy at luwad, doon nakatira si Gio. Kasama ang kanyang ina na si Aling Tara at ang kanyang ama na si Mang Effen.
  • Bago pa pumutok ang araw, gising na ang nanay niya. Nagkukusot ng labada na halos araw-araw ay dadtad ng damit ng iba. Ang tatay naman niya ay isang construction worker. Madalas may masakit sa likod, inuubo at nauubusan ng hininga sa gitna ng trabaho. Isang gabi bago mangyari ang mga susunod na pangyayari, nakita ni Gi tatay niyang nakaupo sa gilid ng papag nakahawak sa dibdib nito.
  • “Tay, ayos ka lang ba?” nag-aalang tanong niya. Ayos lang ako anak, medyo pagod lang. Pilit ng ititi ni Mang Epren. Alam ni Chio ang totoo. Hindi lamang iyon dahil sa pagod pero hindi niya makuhang magtanong pa sapagkat ayaw niya ng dagdagan pa ang bigat. “Anak!” sabi ng nanay niya habang inaayos ang kanyang baon.
  • “Pasensya ka na muna rito ha. Ito lang ulit ang ulam natin. Tinignan ni Geo ang maliit na lalagyan. Kanin at konting toyo at mantika. Okay lang po, Nay. Nakangiti niyang sagot. Kahit sa loob niya ay may bahagyang kirot. dala ang baon, ang lumang bag at ang pangarap na sana kahit minsan man lang ay magkaroon siya ng masarap na makakain sa reses katulad ng kanyang mga kaklase sa eskwela.
  • Kaya siya tahimik ay dahil hindi niya alam kung papaanong makihalubilo. Wala siyang pocket money. Wala siyang bagong gamit. Wala siyang mayipagmamalaki. Hindi siya nagagalit kapag nambully si Bobby dahil alam niyang wala siyang kakampi. Kaya ang bakanteng lote ang naging takbuhan niya. Doon siya nagiging malaya.
  • Doon hindi siya nakikita. Doon hindi siya hinuhusgahan. Doon siya kumakain ng hindi nakayuko dahil sa hiya. Sa ilalim ng puno ng santol, kausap niya ang hangin. Sana minsan kahit isang araw lang hindi ako maging pabigat. Bulong niya sa sarili. Kung merroong makakakita, iisipin nilang malungkot siya. Pero sa puso niya merroong tapang.
  • Hindi nga lang halata at yon ang alam ng mga kaklase sa bawat pagkaing isinusubo niya. Ay merroong kasamang dasal. Sana gumaling si tatay. Sana gumaan ang trabaho ni nanay. Sana’y maging mabuti ang araw bukas. O tahimik lamang siya pero sa loob-loob niya ay merong ingay na hindi naririnig ng iba. Ito ay ang ingay ng pag-asa.
  • Samantala, si Bobby Salazar ang kabaliktaran nitong si Geo. Maingay. madaldal, palatawa at palasuway. Kung sa classroom ay may promotor ng kalokohan, walang duda na si Bobby na yon. Hindi siya takot na mapagalitan. Hindi rin siya takot na gumawa ng paraan para magsaya. Kahit minsan ay nakakasakit na siya ng iba.
  • Pero may hindi alam ang karamihan sa bahay nila. Madalas siyang tahimik hindi dahil sa masaya. Kung hindi dahil wala siyang kausap. Ang nanay niyang si Mrus Lazar ay isang OFW. Taon na ang binibilang mula ng huli niyang makita ito at nang huli niya itong mayakap. Ang video haul paminsan-minsan lang. Anak, sorry ha. Trabaho lang si mama ha.
  • Promise uuwi ako kapag may bakasyon. Sabi nito noon. Pero hindi yun natupad. Dahil doon, lumaki si Bobby sa pangangalaga ng lolo niyang si Mang Cesara. Mabait ngunit distrikto. Hindi sanay sa lambing. Hindi rin magaling magpakita ng emosyon. Ang alam niya lang ay disiplina, trabaho at tahimik na hapunan. Sa puso ni Bobby ay merroong butas pero hindi niya ito ipinapakita.
  • Imbes na maging mahina, ginawa niyang sandata ang yabang at katapangan. Kaya nang una niyang mapansin si Geo, ang pagiging tahimik nito ay hindi niya naintindihan. Para sa kanya, kahinaan iyon. Para sa kanya dahilan iyon para asarin. Pero hindi niya alam. Hinahanap niya lang pala ang atensyon na hindi niya makuha sa bahay.
  • Kapag tumatawa ang mga kaibigan niya sa jokes niya, pakiramdam niya ay mahalaga siya. Kapag may nasasaktan siya, pakiramdam niya ay may kontrol siya sa mundo. Pero noong araw bago ang malaking kaganapan, napapagalitan siya ni Mang Cesar dahil sa mababang marka. Wala kang ginawa sa eskwela kung hindi magpatawa.” seremon ang lolo niya.
  • “Hindi niyo po ako maiintindihan.” Mahina niyang bulong. “Anong sabi mo?” tanong ng lolo niya. Mataas ang boses. Wala po. Lumabas siya ng bahay, naglakad sa dream at doon siya nakaramdam ng lungkot na hindi niya maipaliwanag. Kahit’t kinabukasan sa eskwela, mas nagiging matigas ang loob niya. para maitago ang iniiyak na bahagi.
  • At nang makita niya ulit si Gio, parang lumabas ang lahat ng kupas na emosyon. “Uy Multo, saan ka na naman pupunta?” biro niya. Ngunit hindi niya alam ilang oras na lang ay magbabago na ang tingin niya sa batang palagi niyang ina-appi. Minsan kahit gaano kaingay, may katahimikan sa puso mong hindi mo alam na naghahanap ng liwanag.
  • At ang liwanag na yon ay manggagaling pa sa iba na halos hindi niya kinikilala. Res ang pinakamainit na bahagi ng araw para sa mga estudyante. Lahat ay nagsisilabasan, naghahabulan, bumibili ng pagkain, tumatawa at nagsisigawan. Lahat maliban na lamang kay Chio. “Mukhang nawala na naman yung tahimik ah.” Sabi ni Lem.
  • Lika hanapin natin sa question naman ni Bobby. Hindi lang dahil sa pambubully kung hindi dahil talagang nagtataka na siya. Pumayag naman ang tatlo. Pasimple silang lumabas sa loob ng classroom. Naglakad papunta sa corridor. Nakita nila si Geo. Bitbit ang lumang bag at baon na nagmamadaling lumingon-lingon. Tara sundan natin. Utos ni Bobby.
  • Sa unang pagkakataon hindi sila natatawa. Ang laman ng isip nila. Saan ba talaga pupunta ang lalaking yon? Naglakad sila sa makipot na daan sa likod ng school building. Minsan sumisilip sila, minsan lumulusot sa mababang alulod para hindi makita hanggang sa nakarating sila sa bakanteng lote. Napakatahimik ng lugar.
  • Malinis ngunit halos walang pumupunta. May malaking puno ng santol at sa lilim nito ay naroon si Gio. Nakaupo sa lupa. Maingat na binubuksan ng baon at laking gulat ng apat sa kanilang nakita. Sa maliit na plastic ay merroong lamang kanin at sa ibabaw nito kaunting toyo at mantika lang. Walang ulam, walang prutas.
  • sapagkat walang pambili ng kahit na ano sa cantin itong si Chio. Tahimik si Chio habang kumakain pero hindi yun tahimik na masaya. Tahimik na merroong bigat. Napahinto si Bobby. Parang may kumalabit sa puso niya. Yan ang kinakain niya araw-araw. Bulong ni Janus. Hindi makapagsalita si Lem.
  • Si Rodel nakayuko na lang sapagkat parang nagkaroon ng awa ang puso niya. At si Bobby biglang parang may bumagsak na bato sa dibdib niya. At sa unang pagkakataon hindi niya alam kung papaanong huminga ng maayos. Nakita niyang pinili ni Giw nitong makita ng iba ang bao niya. Nakita niya ang tunay na dahilan ng katahimikan ng binata. Guys, mali ata ang lahat ng ginawa natin. Mahina niyang sabi.
  • Ha? Tanong nina Lem. Hindi natin siya dapat inaasar. Ganito pala ang kalagayan niya. Halos pabulong napahayag ni Bobby. Sa unang pagkakataon sa buhay niya, naintindihan niya ang salitang habag. Hindi awa kung hindi pang unawa. Tumalikot silang apat na hindi alam kung papaanong haharap kay Gino kinabukasan. Ngunit sa puso ni Bobby ay merong nagbago.
  • May pintong bumukas at ang pintong iyon ay magdadala sa kanya sa pagbabago na hindi niya akalaing magagawa niya. Pag-uwi ni Bobby sa kanilang bahay, hindi siya makapaglaro, hindi makapagbukas ng TV, hindi makapag-scroll sa cellphone. Paulit-ulit ang eksena sa isip niya. Si Gio nakaupo sa lupa, kumakain ng kanin na may toyo at mantika.
  • Ang mga mata nitong tila pagod pero pilit na lumalaban at pilit na madatag. Para bang may humila sa loob niya. Hindi ‘yun awa, hindi rin guilt lang. Mas malalim pa. Parang may tinanggal sa dibdib niya at naiwan ang isang espasyo na ngayon lang niya naramdaman. Kinagabihan habang kumakain sila ni Mang Cesar, tahimik lamang si Bobby. “Ba’t hindi ka madaldal ngayon ha?” tanong ng kanyang lolo. Lo.
  • Hindi niya alam kung papaanong uumpisahan. May nakita po ako patungkol po sa kaklase ko ha. Taas kilay sumang Sara. Kawawa po siya L. Hindi ko po alam pero hindi niya na tinapos pa ang kanyang sasabihin. Para bang hindi niya kayang magsalita. Mukha mang matigas si Mang Cesar. Lumambot ang mukha nito nang makita ang kanyang apo na parang umiiyak.
  • Apo. Minsan mabigat para sa bata ang mga nakikita pero kung may magagawa ka gawin mo ang tama sabi ng kanyang lolo. At yun ang naging simula, pagbalik ni Bobby sa school kinabukasan, agad niyang kinausap sina Lem, Janus at Rudel. “Guys, mali talaga ang ginawa natin.” seryosong sabi niya. Tahimik lamang ang tatlo, walang kumondra.
  • Kailangan natin siyang tulungan. Dagdag ni Bobby. Pumunta sila kay teacher Arlen. Nagulat ito nang dumating ang apat na mas kilala sa kalokohan. “Ma’am, may sasabihin po kami.” bungad ni Papy. Isa-isa nilang ikinuwento ang nakita nila. Si teacher Arln ay napabuntong hininga halatang naluha. Salamat sa pagsasabi ha.
  • Makakatulong tayo kay Gio pero hindi tayo dapat gumawa ng paraan para ipahiya siya. Gusto ko maramdaman niyang may nagmamahal sa kanya at hindi siya nag-iisa. Ngumiti si Bobby. Ngayon lang siya nakaramdam na parte siya sa isang mabuting gawain. “Ma’am, gusto po namin siyang surpresahin.” At nagsimula na nga silang magplano.
  • Nag-ambag-ambag ng baon. nagdala ng gamit. May nag-donate ng bagong lunch box. Si Bobby mismo ang bumili ng paboritong juice. Kahit hindi niya masyadong alam ang gusto ni Chio. Sa unang pagkakataon sa buhay niya, hindi siya gumawa ng plano para manakit kung hindi para magpaligaya. At sa loob niya, may naramdamang kakaiba.
  • Parang may humiipaw sa puso niya. Parang tinutulungan siya ng Diyos na makita ang tama. Kaya naman nang sumapit uli ang reses habang lumalabas ang mga estudyante, pumunta si Bobby sa harap ng classroom. Nakita niya si Go. Papaalis na sana. Pitpit ang lumang bag. Geo, sandali. Tawag ni Bobby. Natigilan si Geo. Hindi niya alam kung may gagawin na namang masama si Bobby sa kanya.
  • Pero tumingin siya ng may kaba. Gio, huminga ng malalim si Bobby. Sorry ha. Parang natulala naman si Geo. Ha? mahina niyang tanong. Sorry. Sorry sa lahat ng ginawa ko sa pang-aasar, sa pagsunod namin kahapon. Sa hindi ko pag-intindi sayo. Hindi tumingin si Bobby sa mata niya. Halatang nahihiya ito. Bakit? Bakit mo ‘to sinasabi? Tanong ni Chio. Halatang nalilito.
  • Kasi mali lahat. At kasi nakita ka namin. Sagot ni Bobby. Anong nakita niyo? Yung baon mo. Napayuko si Bobby. Nlamig naman si Gio. Para siyang binuhusan ng malamig na tubig. Hindi niya alam kung dapat ba siyang tumakbo oiyak. Pero Chio, hindi kami nandito para pagtuwanan ka. Dagdag ni Bobby. Sumulpot sina Lem, Chanus at Rudel pero ngayon ay tahimik. Tara, sama ka sa amin.
  • Yaya ni Bobby ha. Saan? Ngumiti si Bobby. Hindi natulad ng ngiting may pang-aasar noon. Halika, magtiwala ka lang. Promise wala kaming gagawing masama sa’yo. Dahan-dahan silang naglakad pabalik ng classroom. Kinakabahan naman si Geo. Hindi alam ang mangyayari. Pagbukas niya ng pinto. Surprise, Gio. May nakahand munting handaan.
  • Sandwich, juice, prutas at may malaking bag ng school supplies. Si teacher Arlen ay nasa gitna. Halos malaglag ang bag ni Chio. Para sao ang lahat ng to Chio. Sabi ng teacher. Dahil gusto naming maramdaman mo na hindi ka nag-iisa, dagdag naman ni Bobby. Hindi makagalaw si Gio. Napaluwa siya. Hindi dahil sa hiya.
  • Kung hindi dahil sa unang pagkakataon ay merroong nagmalasakit sa kanya. Lumapit si Bobby dahan-dahan. Parang natatakot na baka hindi siya tanggapin. Pasensya ka na Giintindihan noon pero gusto kong maging kaibigan mo. Pwede ba? Tumango si Geo. Medyo umiiyak habang nakangiti at doon nagsimulang mabura ang linyang naghihiwalay sa kanila.
  • Hindi lang nagtapos ang surpresa sa classroom. Pinuntahan nila ang bahay nina Giio kasama si teacher Arln. May dala silang groceries, bagong sapatos at simpleng tulong mula sa mga nag-ambagan ng mga magulang, kaklase at pati na rin mga guro. Nagulat si Aling Tara. Hindi makapagsalita. Si Mang Epren naman ay napaupo.
  • Hawak ang dibdib pero may matamis na ngiti. Anak, anong ginawa mo? Bakit? Bakit ang dami nito? Nanginginig na tanong ni Mang Epren. Si teacher Arl ang sumagot, “Napakabait po ng anak ninyo at may mga kaklase siyang nagmalasakit dahil nakita nila ang kabutihan niya.” Tumingin si Bobby kay Mang Eprend. Sir, pasensya na po kung inasal ko po si Geo noon pero gusto ko pong bumawi sa kanya.
  • Hawak ni Mang Epren balikat ni Bobby. Anak, salamat ha. Hindi mo alam kung gaano kalaki ang tulong na ibinigay ninyo. Hindi nakapagsalita si Pabby. Parang may init na pumasok sa puso niya. Hindi galit, hindi yabang, kung hindi pagmamahal. Sa mga sumunod na linggo sa eskwela, nagbago ang lahat. Hindi na si Chang tahimik na nagtatago.
  • May mga lumalapit na sa kanya. Kinakausap siya ni Lem patungkol sa drawing, ni Janus naman patungkol sa laro at ni Rodel patungkol sa assignment. At si Bobby lagi siyang nasa tabi ni Gio. Hindi nabully kung hindi kaibigan, kasangga at itinuturing niya si Gio na parang kapatid. Minsan nagkwentuhan sila sa ilalim ng puno ng Santol.
  • Geo, alam mo ba? Hindi ko alam kung bakit ako naging ganyan dati. Siguro dahil nalulungkot din ako. Ain ni Bobby. Tayong dalawa pala parehong merong itinatago. Sagot naman ni Chio habang nakangiti. Tama ka. saad ni Bobby. Pero masaya ako kasi parang ginamit ako ni Lord para tumulong sa’yo. Ngumiti si Chio.
  • Tumingin sa puno kung saan siya palaging kumakain no. Siguro hindi lang ako ang pinagaling niya, pati ikaw. Nagkatawanan sila at sa munting bakanteng lote na dati ay simbolo ng kalungkutan ngayon ay nagiging lugar na ng Pag-asa. Lumipas ang mga buwan. Pareho silang nagbago. Mas naging masigla si Gio. Mas naging mabait at mas naging responsable si Bobby.
  • At ang buong klase ay natuto. Ang bakanteng lote naman, hindi na naging bakante dahil doon nabuo ang pagkakaibigan at kabutihan na magbabago sa buhay ng dalawang batang akala ng lahat ay magkaiba pero pareho pa lang naghahanap ng pangunawa. Ngayon patuloy ang dalawa sa pag-aaral. Sila ay magkaibigan na kasama ng mga barkada ni Bobby.
  • Patuloy nilang aabutin ang kanilang mga pangarap. Si Geo, pangarap ng makapagtapos at makapagtrabaho para siya’y makatulong sa kanyang mga magulang at para matupad ang kanyang pangarap balang araw. Si Bobby naman ganun na rin ang gagawin. Pero higit sa lahat, ang pinapanalangin niya ay makasama niya ang kanyang mga magulang na hindi na siya palaging nag-iisa na kasama lang ang kanyang lolo.
  • Naniniwala sila na darating ang araw na matutupad ang kanilang mga pinapangarap. Sa kwentong ito ay marami tayong mapupulot na aral. Ipinapaalala nito sa atin ang ilang mahahalagang bagay. Una, lahat ng tao ay may kwento. May masaya, may malungkot, may tinatago. Hindi natin alam ang bigat na dala nila. Kaya bago tayo humusga, bago tayo mangasara, alalahanin nating baka ang taong tahimik ay mas malakas pa kaya sa tingin natin dahil araw-araw silang lumalaban ng hindi natin namamalayan.
  • Pangalawa, ang kabutihan kahit maliit ay nagpapabago ng buhay. Ang munting malasakit kahit pasimpleng lunchbox lang ay kayang magbukas ng pintuan ng pag-asa. Ang pag-unawa ay mas mahalaga kaya sa panunokso. Isang mabuting gawa mula sa isang binatang inakala natin ay masama pero naging liwanag pa sa binatang halos sumuko na sa hiya at lungkot.
  • Pangatlo, may kabutihan sa bawat tao. Kailangan lang ng pagkakataon para ito ay lumabas. Kahit pa ito ay katulad ni Bobby noon. Kung minsan may mga tao tayong makikitang parang masama pero hindi natin alam sugatan lang rin pala sila at kapag nakakita sila ng katotohanan kayang-kaya nilang magbago. Pang-apat, ginagamit ng Diyos ang kahit sinong tao upang maging daluyan ng biyaya.
  • Hindi mahalaga kung gaano tayo kahina, katiwala o kaloko minsan. Kapag kinising niya ang puso natin, kaya nating maging dahilan ng pagtulong, pagmamahal at pagbabago ng kapwa. Kaya naman sa kwentong ito ay matututunan natin na minsan ang taong pinakamalayo sa kabutihan ay siya pa palang gagamitin ng Diyos para magdala ng liwanag.
  • Sino nga bang mag-aakala na ang dating inaasar-asara at ang dating nangaasara ay magiging mabuting magkaibigan? Dito na po nagtatapos ang ating maigsing kwento sa araw na ito. Sana po ay nagustuhan niyo at sana po ay kinapulutan niyo ng maraming aral. Kayo mga kbarangay, ano ang masasabi niyo sa ating kwento? I-comment niyo naman po sa baba ang inyong mga reaksyon.
  • at babasahin natin ang lahat ng ‘yan. I-comment niyo na rin kung taga saan kayo para naman malaman ko kung hanggang saan nakaabot ang video na ito. Paki-like and share na rin po ang ating kwento para mapakinggan rin ang iba. At kung bago ka pa lamang sa ating channel, baka naman pwedeng paki-hit ang subscribe button at bell notification button para palagi kang updated sa mga bago nating upload na katulad nito.
  • So paano mga kbarangay? Hanggang sa muli. Thank you so much and peace out