-
Lumaki si Isandro Velasquez sa isang tahanang puno ng ingay, tawa, away at pagmamahal. Isang tipikal na pamilyang Pilipino na kahit gipid ay nagagawa pa ring maging masaya. Bilang pangalawa sa anim na magkakapatid ngunit panganay na lalaki, maaga niyang natutunan kung ano ang ibig sabihin ng responsibilidad. Mula pagkabata, siya ang inaasahang magbuhat ng galon ng tubig, mag-igib, magbantay ng kapatid at tumulong sa maliit na sari-sari store ng nanay [musika] nila.
-
Hindi naman y’yun issue para kay Andrew. Lumaki siyang may pusong handang magbigay. May likas siyang kabaitan. Yung tipo ng kabutihang hindi sinusukat, hindi pinagmamalaki at hindi kailan man binibilang. Para sa kanya, ang pagtulong ay hindi trabaho kung hindi paraan ng pagmamahal. Pero habang lumalaki sila, hindi maiwasan ang hindi pantay na pagtingin.
-
Ang ibang kapatid niya ay lumaki na may sariling desisyong walang minasamang pananagutan. Nag-asawa ng maaga, nagkaanak ng hindi pa stable at madalas umasa sa magulang. Sa tuwing may problema sa pera, isang pangalan lamang ang paulit-ulit na binabanggit ng mga magulang, mga kapatid at kahit pa mga kapitbahay.
-
Isandro o walang iba kung hindi si Andrew. Nang makatapos siya ng vocational course at makapasok sa trabaho bilang hotel utility sa Maynila, halos lahat ng unang sahod niya ay napunta lamang sa kanyang pamilya. Hindi siya nagrereklamo. Para sa kanya, normal lamang iyon. Masaya siya tuwing nakakatulong lalo na kapag nakikita niya ang ngiti ng kanyang mga magulang.
-
Ngunit ang mundo ay hindi pareho para sa bawat anak. May naga-adjust, may nagpapabaya at ang iba niyang kapatid kahit may sarili ng pamilya ay humihingi pa rin kay Andrew. Panghanda, pampagamot. pang-aral, pangregalo o minsan pa’y pangluho. At dahil takot siyang masabihang masama, lagi na lamang siyang umooo.
-
Noong makaalis siya papuntang Middle East bilang service crew, mas lalo siyang naging sandikan ng kanyang pamilya. Doon niya unang naranasan ang hirap ng pag-iisa. pagod, homesick at walang tigil na trabaho. Apat na oras lamang ang kanyang tulog. Minsan ay tatlo pa nga. Pero pinipilit niya.
-
Lagi niyang iniisip, “Kaya ko ‘to. Para to sa pamilya ko.” Sa unang taon niya sa abroad, halos bonbon siyang nagpapadala. Kapag may handaan sa Pilipinas, siya ang palaging sponsor. Kapag birthday ng kanyang pamangkin, siya ang nagbibigay ng bonggang regalo. Kahit mas mahal pa sa kayang bilhin ang magulang ng bata. Minsan nga pati panghanda ng isang pamangkin na hindi naman niya gaanong nakakasama, siya pa rin ang nagbabayad sa larawan sa social media.
-
Sipag pa ang proud na proud. Parang sila ang nagpa-birthday ng magarbo kahit si Andrew naman talaga ang naghirap at nagbigay. Subalit hindi iyon ang nakapagpabigat sa kanya. Ang tunay na nagpapabigat ay ang unti-unting pagkawala ng pasasalamat. Kapag nagbigay siya ay para bang normal na lang. Kapag hindi siya nakapagbigay ay mayroon kaagad na nagtatampo at may parinig pa.
-
At doon nagsimulang kumirot ang puso niya. Doon niya unang naramdaman ang pagkapagod hindi lang sa katawan kung hindi sa kanyang kaluluha. Pero noong mga panahong iyon, hindi niya pa alam na ang pagkapagod na yon ay siyang magtutulak sa kanya para unti-unting mabago ang kanyang buhay. Habang tumatagal ang paninirahan ni Andrew sa abroad, mas dumarami ang responsibilidad na ibinabato sa kanya.
-
Kung noong una’y mga simpleng pakiusap lamang katulad na lamang ng pambili ng gatas, bigas o gamot, ngayon ay naging pang araw-araw na utos na tila ba obligasyon niyang tugunan. Hindi na ito isang pakaiusap. Hindi na ito kung pwede. Ang dating salamat ay unti-unting napalitan ng paki-send na lang.
-
At ang dating hiyang-hiyang tono ay naging kampante, sanay at halos wala ng konsiderasyon. Isang araw, nag-message ang ate niya. Birthday na ni bunso. Baka may panghanda ka diyan. Alam mo naman gusto namin simple pero bongga rin. Napa-corrupt si Andrew. Simple pero bongga. Ano ba talaga? Hindi niya maiwasang mapabuntong hininga.
-
Ilang linggo pa lang ang nakakalipas nang magpadala siya ng pambayad sa naantalang kuryente ng isa pang kapatid. At noong isang buwan siya rin ang sumalo sa pagkakautang ng magulang sa tindahan. Pero gaya ng nakasanayan, hindi siya kaagad tumanggi matagal bago siya natutong mag-N. At sa panahong iyon hindi pa siya umaabot sa puntong iyon.
-
Kaya kahit mabigat ay nagpadala pa rin siya. Nagkwenta siya sa maliit niyang kwaderno, remittance, tuition, allowance at panghanda. Halos wala na siyang natira para sa kanyang sarili kung hindi pamasahe at pagkain na lamang. “Bahala na,” sabi niya sa kanyang sarili. Para sa pamilya ko naman to. Ngunit habang pinipilit niyang maging matatag, nagsisimula ng mabiyak ang lakas ng loob niya.
-
Sa trabaho, napapansin ang coverker niya na palagi siyang tahimik, malungkot at para bang laging pagod. “Bro, pahinga ka pag dayof ha.” sabi ng isa. Pero tuwing may day off si Andrew, hindi siya nagpapahinga. Gumagawa siya ng overtime para lamang makabawi. Pag-uwi niya sa Barx, pagod na pagod siyang bumagsak sa kanyang kama pero hindi pa rin siya pinapalaya ng mga notification sa Messenger.
-
Isa, dalawa, lima hanggang sa 10. Mga mensaheng humihingi ng tulong. Mga tanong kung may extra ka. mga reklamo kung bakit hindi siya kaagad nagre-reply. Isang gabi habang tinitignan niya ang social media, nakita niya ang kanyang hipag. Naka-post ang bonggang birthday ng pamangkin. Balloons, catered food, magagarang dekorasyon at merroon pang caption ito.
-
Blessed mommy. Love you anak. Kahit mahirap, pipilitin natin para maging bongga ang life mo. Napangiti si Andrew pero hindi yun masangiti. Merroong kirot. Ako naman ang nagpumilit. Bulong niya sa sarili. Ako ang naghirap para doon. Hindi niya kinausap ang kanyang kapatid o hipag ni pinarinig pero may kung anong nabaling sa loob niya.
-
Parang may nabasag na manipis na salamin na matagal ng bawas ang tibay dahil sa taon-taon, buwan-buwan at araw-araw na paghingi at pag-asang ipinapasan sa kanya. Isang madaling araw, nakaupo siya sa bintana ng Barx. Humihigop ng malamig na kape habang pinagmamastan ang labas. Tahimik ang siyudad pero sa puso niya maingay ang pagod.
-
Isang pagod na hindi lamang dahil sa trabaho o pera kung hindi yung uri ng pagod na bumuburan ng tingin [musika] niya sa sarili. Doan niya unang naisip, “Hanggang kailan ako ganito, hanggang kailan ako mauubos para sa mga ayaw matutong tumayo sa sarili nilang mga paa?” At sa sagot na hindi niya masabi, nagsimulang mabuo ang ideya ng paglalagay ng hangganan hindi bilang paghiganti, kung hindi bilang pagprotekta sa kanyang sarili.
-
Ang unang hakbang ni Andrew ay hindi dramatiko. Walang sigawan. Walang confrontation, walang post sa social media. Tahimik lang, isang payak pero matatag na desisyon na maglalagay ng pagitan. Hindi para magdamot, hindi para tumalikod, kung hindi para huminga. Para mabawi ang sarili na unti-unting nauubos at para na ring makapagturo ng isang aral na para bang hindi nila natututunan.
-
Nagsimula ito sa hindi niya kaagad pagre-reply. Kung dati ilang minuto lang ay sumasagot na siya, ngayon ay ilang oras na. Minsan pa nga ay araw. Bago siya makapagresponde. Hindi para pahirapan sila kung hindi para hindi na siya maramdaman bilang palaging available. Noong unang linggo, walang napansin. Pero pagdating ng pangalawa, nagsimulang magtaka ang kanyang pamilya.
-
Andrew, busy ka ba?” message ng kanyang mama. “Palo-load naman ako.” Sabi ng isa niyang kapatid. “Uy, bakit hindi ka nagre-reply?” tanong ng isa pa. Hindi niya sila sinagot kaagad at doon na nagsimulang sumulpot ang mga bati na may halos inis. “Nagbago ka na. Umiiwas ka na kasi kasi may pera ka na. Lumalayo ka na sa pamilya.
-
Kung dati matagal niyang pinag-iisipan ang mga salitang ganito at lagi siyang nababalsa, ngayon ay mas pinili na niyang manatiling kalmado. Hindi ito patungkol sa pera. Paulit-ulit niyang sinasabi sa kanyang sarili na ito ay patungkol sa pagprotekta sa sarili niyang pagkatao. Pagkalipas ng ilang linggo, sinabi niya sa kanyang pamilya na may bago siyang schedule at hindi kaagad siya makapagre-reply.
-
Totoo. Pero hindi iyon ang buong dahilan. Nais niyang unti-unti nilang matutunan ang sariling pagbangon. Ayaw niyang tuluyan na masanay ang mga ito na palagi na lamang umaasa sa kanya. Lalo na sa mga bagay na kayang-kaya naman nilang gawan ng paraan. Pero hindi iyon naiintindihan kaagad ng kanyang mga magulang.
-
Ang nanay niya na likas na maawayin sa iba at mabilis maawa sa anak na humihingi ay sumama ang loob. Parang hindi ka na namin kilala. Sabi nito nang minsang ito ay napatawag. Ang kanyang ama naman bagaman tahimik lang ay mayroon pa ring nasabi sa kanya, “Nagtatampo ka ba anak? Kung may problema ka eh sabihin mo.
-
” Hindi nagtatampo si Andrew. Para sa kanya ang boundary ay hindi pagtatampo. Yun ay pangangalaga. Pero mahirap iyun ipaliwanag sa mga pamilyang hindi sanay sa konseptong ion. Mas lalong pinahirapan ang sitwasyon ng magsimula ang mga parinig sa social media. Mga post na katulad nito. Ang hirap pag may pamilyang nakakalimot.
-
Umangat lang ng konti nag-iba na kaagad. Sana bumalik yung dating ikaw. Alam ni Andrew na para yun sa kanya. Hindi man nakalagay ang kanyang pangalan, kilala niya ang tono nila, ang estilo at ang timing. Pero imbes na sumagot, pinili niyang manahimik. Ang katahimikan niya ay hindi kawalan ng malasakit.
-
Isa itong panawagan, isang tahimik na panawagan para sa kanyang pamilya na harapin ang buhay ng hindi nakaasa palagi sa kanya. Habang lumalayo siya ng kaunti, mas lalo niyang nararamdaman ang bigat na unti-unting bumababa. Nakakakuha siya ng oras para magpahinga, para mag-ipon, para magdagdag ng skills. Nag-enroll siya sa online training, nagbabasa ng financial books at natutong magtabi para sa hinaharap.
-
Ang presyon sa dibdib niya ay tila ba gumaan o at hindi naging madali ang lahat. Masakit may mga gabing umiiyak siya ng tahimik dahil sa pakiramdam niya’y siya ang masamang anak. Pero paulit-ulit niyang nililinaw sa isip. Hindi ako lumayo dahil ayaw ko sa kanila. Lumayo ako dahil mahal ko sila. Dahil kailangan nilang matutong tumayo ng hindi palaging nakaasa sa akin.
-
At sa likod ng katahimikang ‘yon. Unti-unting nagsimula ang bagong takbo ng buhay. Bawat hakbang niya palayo ay patungo sa mas matatag niyang sarili at sa pagbabago ring hindi inakala ng kanyang pamilya. Pagdaan ng mga buwan, unti-unting nag-iba ang takbo ng buhay ni Andrew. Nang nagsimula siyang maglagay ng hangganan, parang biglang lumuwag ang mundo. Hindi dahil naging madamot siya.
-
kung hindi dahil natuto siyang pahalagahan ang kanyang sarili, oras, lakas, pera at dignidad. Sa trabaho, napapansin siya ng manager nila dahil palaging masipag at tahimik na maaasahan. Hindi siya reklamador. Hindi siya tumatakas. Hindi rin siya nag-aabang ng papuri. Basta’t ginagawa lang niya ang trabaho niya ng maayos.
-
Kaya hindi nakapagtataka ng isang araw. Tinawag siya ng manager para sabihing may promotion siya bilang isang shift supervisor. Hindi man niya ipinost sa social media na pangiti siya ng malalim. Ito pala ang pakiramdam ng umaangat ng hindi nakakadena sa ibang tao. Pinaghandaan niya ang bagong responsibilidad.
-
Nag-aral siya ng leadership skill sa YouTube. [musika] Nag-enroll sa basic accounting course online. Gumawa ng spreadsheet para sa budget at savings. At sa unang pagkakataon, nagawa niyang magtabi ng pera para sa sarili hindi para sa pakiusap ng iba. Habang lumalago ang career niya, may isa pa siyang tahimik na pinagtatrabahuhan.
-
Isang maliit na online business. Mula sa ipon, bumili siya ng ilang items na ibinebenta niya sa mga kababayan sa abroad. Hindi yun bonggang negosyo pero sapat para makadagdag sa savings niya. Hindi niya ito pinagmamalaki sa kanyang pamilya. Ayaw niyang may masabi na, “Uy, tulungan mo naman kami diyan oh.
-
” Gusto niyang may bagay siyang kanya lamang. Habang tahimik siyang umaangat, nakita naman niya sa social media ang buhay ng kanyang pamilya sa Pilipinas. Nakaupo siya minsan sa maliit na mesa sa [musika] staff house habang nagi-scroll, tinitignan ang mga photos ng hipag niya. Mga selfie sa kainan na hindi naman nila kayang bayaran kung hindi utang.
-
Mga caption na living the life. Kahit halata namang ang background ay paupahan lang. Mga larawan ng pamangkin na nakabongga ang handa kahit wala namang stable income ang magulang. Hindi niya ito kinekwestyon. Hindi siya nagagalit pero nalulungkot siya sa pagpapanggap. Bakit ba kailangan nilang i-plis ang mundo? Tanong niya minsan habang inaantok.
-
Kung sana nagagamit nila ang energy na y’yan sa pagtatrabaho o pagbuo ng pangarap, mas gaganda pa sana ang buhay nila. Hindi siya nanghuhusga. Para sa kanya, lahat ng tao ay may sariling paraan para harapin ang kahirapan. Pero masakit isipin na ginagawang tropy ng ilan ang pera niyang pinaghihirapan sa abroad.
-
Sa kabila ng lahat, hindi niya nakalimutang tumulong sa tamang paraan. Kapag may totoong emergency, tunay hindi gawa-gawang drama. Tumutulong pa rin siya kahit wala ng nakakaalam. Hindi niya ito ipino-post. Hindi niya ipinagmamalaki sa grupo. Dahil sa puso niya, alam niyang mabuti siyang tao kahit hindi yun nakikita ng iba. Taon ang lumipas ng tahimik.
-
Tahimik ang aral, tahimik ang paglago, tahimik ang pag-angat. Hindi siya nagpaparamdam sa pamilya. Hindi rin sila nagpapadala ng mensahe kung hindi makaparinig sa Facebook. Pero habang sila’y abala sa drama at pagpapakitang tao, si Andrew ay abala sa tunay na pagbabago. Minsan ay nauupo siya sa balkonayan ng stockhouse.
-
Pinapanood ang lumulubog na araw. May tanong sa isip niya na paulit-ulit na bumabalik. Mahal ko pa rin ba sila? Oo. Nami-miss ko ba sila. Oo. Babalik na ba ako para buhatin ulit sila? Hindi. Hindi dahil wala siyang puso. Kung hindi dahil sa wakas natutunan niyang mahalin ang kanyang sarili. At doon nagsimula ang tunay na pag-angat.
-
Hindi maingay, hindi pinagmamayabang. Pero totoo. Sa pagitan ng mga araw na yon, hindi niya alam na may paparating palang pangyayaring gugulo sa tahimik niyang buhay. Isang balitang yuyugyog sa puso niya at magbabalik sa kanya sa pamilya sa paraang hindi niya inaasahan. Isang ordinaryong araw iyon para kay Andrew. Maagang ship, maraming customers, paulit-ulit na trabaho.
-
Pagod siyang umuwi, bitbit ang grocery pang isang linggo. Nang biglang nag-vibrate ang kanyang phone, akala niya isa na naman itong promo message o reminder ng app na hindi naman niya binubuksan. Pero nang makita niya ang pangalan ng nag-message, napahinto siya. Nay Almira, kapitbahay. Matagal niya na itong hindi naririnig.
-
Si Aling Almira, [musika] ang kapitbahay nilang matagal ng ginagawang pangalawang nanay ng buong magkakapatid. Kinabahan siyang binuksan ng mensahe. Andrew anak, pasensya na kung ako pa ang nag-message sa’yo ha. Pero kailangan mong malaman naaksidente si Raffy. Yung anak ng kuya mo nasa ospital. Malalaraw ang lagay. Wala daw pang deposit.
-
Hindi ka nila matawagan. Parang huminto ang mundo niya. Tumigil ang paghinga niya. Si Raffy. Si Raffy ang pamangkin niyang laging nakasunod sa kanya kapag umuuwi siya sa Pinas. Ang batang laging nakayakap sa binti niya. Tuwing may pasalubong siyang tsokolate. Ang batang unang tumatawag ng tito Andrew sa kanya.
-
Nanginig ang kamay ni Andrew habang paulit-ulit niyang binabasa ang mensahe. Hindi nila ako kayang tawagan o ayaw lang nila akong tawagan. Hindi niya alam kung alin ang mas masakit agad siyang tumawag kay Aling Almira. Aling Almira, ano pong nangyari? Kamusta na po si Raffy? Nasaan sila mama? Ang sagot ng matanday’y halatang pikil ang emosyon.
-
Anak, dadulas raw sa hagdan ng pamangkin mo. Malakas ang pagkakabagok. Kailangan ng malaking halaga para sa cities scan at admission. Wala silang pera. Hindi rin daw nila alam kung dapat ka bang istorbuhin kasi. Ayun, alam mo na. Alam niya dahil naglagay siya ng boundaries dahil tumahimik siya dahil hindi siya naging available tulad ng daddy.
-
Nahihiya ang kanyang pamilya sa kanya nahihiyang humingi ng tulong. Pero para kay Andrew, ang pride ay walang puang pag ang buhay na ang nakataya. Aling Almira, anong ospital po? Saan ito? Paki-send po ng details. Wala pang limang minuto ay tinawagan na niya ang ospital. This is si Sandro Velasquez, sabi niya sa nurse.
-
Ako po ang mag-aasikaso. Paki-admit po kaagad ang bata. Sagot ko po lahat ang initial feeling. I will send payment now. Inilakad niya ang bayad. Hindi na nagtanong. Hindi siya nagpadalos-dalos. Hindi rin siya nagkuripot. Ginamit [musika] niya ang kanyang ipon na dapat ay para sa isang maliit na negosyo. Walang halong panghihinayang dahil sa sandaling iyon hindi bilang bread winner ang gumana sa kanya kung hindi bilang tito, bilang pamilya.
-
Pagkatapos magbayad, saka pa lamang pumasok ang mabigat na pakiramdam. Bakit hindi nila sinabi sa akin? Bakit kailangan ko pang malaman sa ibang tao? Naupo siya sa gilid ng kama napahawak sa noo. Hindi siya galit. Masigit paro sapagkat ito ay masakit para sa kanya. Nakakahiya para sa kanila. Pero para sa kanya masakit na maramdaman na parang siya na mismo ang tinanggal sa kanilang pamilya.
-
Habang nakayuko siya, [musika] biglang nag-message si Almira. Anak, nagulat sila ng malaman na ikaw ang nagbayad. Tahimik lang sila dito. Hindi makatingin sa akin. Hindi nila alam kung paanong haharapin ang hiya nila. Napapikit si Andrew. Hindi niya alam kung ano ang mararamdaman. Pero isang bagay ang malinaw.
-
Sa kabila ng pananahimik niya, sa kabila ng distansya, sa kabila ng mga parinig. Kapag tunay ang pangangailangan, lalong-lalo na kapag buhay ang kapalit, hindi kailan man magdadalawang isip ang puso niya. Sapagkat hindi pera ang sukatan ng pamilya kung hindi malasakit. Tahimik ang buong bahay ng mga Velasquez.
-
Nong araw na yon, walang maingay na usapan, walang post sa social media, walang pagyayabang. Tanging ang mahinang humuhugas na hangin sa bintana at ang kabas dibdib ng bawat miyembro ng pamilya ang siyang maririnig. Nakalabas na sa panganib si Rabby. Ayon sa doktor, matagal-tagal pa ang gamutan pero ligtas na ang bata dahil agad na naasikaso ang admission, test at gamot.
-
Lahat ng ito ay dahil sa bayad na ipinadala ni Andrew. Ang perang ilang taon niyang pinag-ipunan para sana sa maliit na negosyo ay naglaho sa isang iklap. Ngunit para kay Andrew, yun ang pinakamadaling desisyon na ginawa niya sa buong buhay niya. Sa kabilang banda, para sa kanyang pamilya, yun ang araw na bumalik sa kanila ang buong bigat ng katotohanan na ilang taon na nilang iniiwasan.
-
Nakaupo ang kanyang ina sa gilid ng kama ni Raffy. Hawak ang kamay ng apo. Halata sa mata niya ang pulang bakas ng pag-iyak. Narinig niyang nag-uusap ang mga nurse na, “Naku, buti may kamag-anak na tumulong. Kawawa naman ang bata. Buti na lang at hindi umabot sa kritikal.” At ang tanging pumasok sa isip niya ayang hindi ang anak kong narian kung hindi yung anak kong sinaktan namin dahil sa pangaabuso sa kabutihan niya.
-
Ang kanyang ama naman ay nakatayo sa may pinto. Nakayuko. Nilalaro ang daliri sa sumbrero niya. Hindi niya alam kung papaanong haharapin ng hiya. Siya pa naman ang madalas na magsabi noon. Pag may kailangan kayo eh tumawag lang. Si Andrew ang bahala diyan. At yun pala ang isa sa pinakamalaking kasalanan niya.
-
Ang gawing default provider ang kanyang anak na halos hindi nagkakaroon ng buhay para sa sarili. Sa labas naman ng ospital, tahimik na nakaupo ang kuya ni Andrew. Ang ama ni Raffy. Hindi makatingin sa kahit sino. Hindi makapalag. Walang masabi dahil sa lahat ng parinig, sa lahat ng pagyayabang ng asawa niya, sa lahat ng pag-asa sa kapatid nila, siya ang unang nagkulang.
-
Siya ang ama, siya ang dapat sumalo. At ngayon halos wala man lamang siyang pambayad sa unang reseta. Ang hipag naman ni Andrew na laging aktibo sa social media ay hindi makapag-post, hindi makagawa ng kahit isang update, hindi makapag-feeling bless o mommy duties. Sa unang pagkakataon, hindi siya nakahanap ng anggulo na magandang kuhanan dahil ngayon, wala siyang maipagyayabang, wala siyang maipapakitang bongga sapagkat ang tanging merroon siya ay ang katotohanan.
-
Buhay ng anak niya ang naligtas dahil sa taong ilang taon niyang pinaparinggan sa social media. Ipinagkakalat niyang nagdadamot ito at walang pakinabang. Pero napahiya siya. Habang nakaupo sila sa waiting area, biglang may dumaang usapan ng mga kapwa nilang magulang. Ang bait naman nung kapatid. Sana ganyan din ako tratuhin ng pamilya ko.
-
Ang swerte nila no? May kapamilyang gann kaesponsable. Mga salitang agad na tumama sa kanila. Parang isang sampal, parang panggising ng katotohanan na pilit nilang tinatakasan noon. Hindi sila maganda sa kwento. Sila ang naging pabigat. Si Andrew ang naging haliki. Pero sila pa ang nagsabing nagbago siya.
-
Sila pa ang nagparinig. Gayong sila naman ang walang silbi. Unti-unting pumatak ang luha ng kanyang ina. Anak, ano bang nagawa namin sa’yo? Bulong niya. Walang sumagot ang katahimikan ng daging tugon. At sa gitna ng katahimikan, doon lang nila naramdaman ang bigat ng mga taon, ang mga taon ng panlalamang. Pangingi alam, parinig at pag-asa sa isang taong hindi na sana dapat buhatin ang lahat.
-
Hindi kaagad nila kinontact si Andrew. Hindi nila alam kung papaanong magsisimula. Hindi nila alam kung sapat pa ba ang sorry para sa lahat ng sakit, sa lahat ng parinig at sa paglayo nilang sila mismo ang may gawa. Pero isang bagay ang malinaw. Sa kauna-unahang pagkakataon, hindi si Andrew ang dapat na kumilos. Sila na ang may utang.
-
Sila na ang dapat na gumising. Sila na ang dapat na magbago. At yun ang unang araw na tunay silang napahiya [musika] hindi dahil sa pera. Kung hindi dahil sa katotohanang hindi sila naging mabuting kapamilya sa taong nagmahal sa kanila ng higit pa sa sarili nito. Kinabukasan habang papalabas ang kanyang nanay sa ospital para bumili ng gamot na kailangan ni Raffy, bigla siyang natigilan ng makita niya si Andrew sa may dulo ng hallway.
-
Nakasandal ito sa padera, nakasumbrero, may dalang maliit na paper bag na halatang naglalaman ng pagkain para sa bata. Isang simpleng gesture na dati ay hindi nila pinapahalagahan. Hindi nila inaasahan ang pagdating nito. Hindi siya nagsabi pero naroon siya. Sabay ng paglapit ng kanyang ina ay biglang pagbigat ng dibdib niya.
-
Kasi ngayon lang ngayon lang niya tunay na nakita kung gaano kapayat si Andrew. Hindi sa katawan kung hindi sa mata. Wala na ang dating sigla. Wala na ang dating ngiti. Para bang ilang taon siyang mag-isa. At hindi ito napansin ng sarili niyang pamilya. Andrew, halos pabulong na sabi ng kanyang ina. Tumango lang ang binata.
-
Walang halong lamig pero wala ring init. Neutral lang. Parang pagod lang. Dinanan ko sa rapin ang favorite niyang sopas. Mahina niyang sabi. Hindi na napigilan ng kanyang ina ang pumatakang luha. Andrew anak patawad. Pero imbes na sagutin, tinignan lang siya ni Andrew ng diretso.
-
Hindi masungit, hindi galit pero totoo. Huminga siya ng malalim. Ma, hindi ko po kailangan ng sorry niyo. Hindi rin ako naghahanap ng paliwanag. Tumingin siya sa hospital room kung saan naroon ang kanyang pamangkin. Ang importante maayos na si Raffy pero lalong napaiyak ang kanyang ina kasi yon ang nakasanayan nila kay Andrew. Uunahin ang pamilya kahit hindi na siya okay.
-
Kahit sugatan na. Kahit paulit-ulit siyang inuubos. Andrew, sobra na ang mga nagawa namin sayo. Hindi ka namin trinado ng tama. Hindi ka namin pinakinggan noon. Ginawa ka naming ATM. Nanginig ang boses ng kanyang ina. At hindi mo deserve ang lahat ng ipinakita namin sa’yo, anak. Tahimik. Parang tumigil ang hangin sa pagitan nila.
-
Matagal bago nagsalita si Andrew. Ma, nagpapasalamat ako na sinabi mo yan. Sa unang pagkakataon, hindi niya iyon sinabing may galit. Hindi rin may pait pero may layo. Isang distansyang sila mismo ang lumika at hindi yon kayang burahin ng isang sorry lang. Bumukas ang pinto ng kwarto, lumabas ang kuya niya.
-
[musika] Hawak ang reseta. Pagkakita kay Andrew, para siyang binuhusan ng malamig na tubig. Hindi niya alam kung papaanong haharapin ang kanyang kapatid na ilang taon niyang kinalimutan at hindi niya tinrato ng maayos at pinaringgan pa niya sa social media. “Andre, nakauwi ka na pala.” Mahina niyang bati. Hindi kaagad nagsalita ang binata.
-
“Kamusta si Raffy?” Stable na siya. “Salamat sa’yo bro ha. Kung hindi dahil sa hindi na naituloy pa ng kanyang kapatid ang kanyang sasabihin. “Huwag mo n ituloy kuya!” putol ni Andrew pero magaan ang tono. Ang mahalaga buhay ang pamangkin ko. Pero nakakahiya sa’yo. Ilang beses kitang hindi na natin kailangan pang pag-usapan ngayon.
-
‘Yan kuya, huwag mo n ituloy. At doon bigla itong napaupo para bang lahat ng bigat ng konsensya ay bumagsak. Inayuko niya ang kanyang ulo. Nanginginig ang balikat hanggang sa marinig nila ang isang humahabol na boses. Dati, Tito Andrew. Ito ay si Raffy. Gising na at naka-whelchair. Tinutulak ng nurse. Pagkakita kay Andrew, kumislap ang mga mata ng bata.
-
“Tito, salamat po. Ah, napangiti si Andrew. Isang ng iting matagal ng nawala. Lumapit ang bata. Mayakap ang kanyang tiuhin. Mahigpit, walang pagdadalawang isip. Walang takot, walang bayid ng komplikasyon ang matatanda. At doon sila tuluyang nabasag. Ang kanyang ina, ang kanyang ama, ang kanyang kapatid at ang hipag niya.
-
Pati na rin ang iba pa niyang mga kapatid. Sabay-sabay na napaiyak kasi doon nila nakita ang katotohanan. Si Andrew ang naging tahanan ng pamilya, naging sandigan at naging provider habang ang pamilya niya ay sumama pa ang loob sa kanya. Pero ngayon ay sisings sila. Hindi nila alam kung papaanong babawi. Hindi nila alam kung sapat pa ba ang mga salita.
-
Pero isang bagay ang malinaw. Handa na silang magsimula. Hindi para kunin muli si Andrew kung hindi para ibalik ang pananagutan at pagmamahal na sila mismo ang siyang unang dapat na nagbibigay. Handa na silang magsikap para sa kanilang mga sarili at pamilya. Ipinangako nila sa kanilang mga sarili na hindi na nila iaasa ang lahat kay Andrew.
-
Lumipas ang anim na buwan mula ng aksidente ni Raffy. Hindi naging madali ang lahat. Hindi ganoon kabilis ang pagbabago ng pamilya na sanay’y umasa, magsisi pero hindi kumikilos. Ngunit sa pagkakataong iyon, ibang klase ang pangyayaring dumaan sa kanila. Ibang gising, ibang hampas ng konsyensya at higit sa lahat, iba ang taong tinamaan ng pinakamalakas.
-
Ang mismong pamilya ni Andrew. Sa una, awkward, hindi nila alam kung papaano muling lalapitan si Andrew. Hindi sila makapag-chat bigla. Hindi sila makapagsabi ng pahingi naman. Gaya ng dati. Kahit simpleng tanong na kumain na, para bang tinik sa lalamunan nila. Sanay kasi silang walang iniintinding ganitong bagay noon.
-
Pero sinubukan nila unti-unti ang kanyang ina sa halip ng mga lumang mensaheng humihingi ng padala, nagsimulang mag-chat ng anak, kamusta ang araw mo ngayon? Na-stress ka ba sa trabaho mo? Nagtitinda na ako ng gulay ngayon, anak. Kahit papaano ay nakakaipon naman. Ikaw kaya kamusta ka diyan? Sana nasa maayos kang kalagayan. Bumalik na kasi si Andrew sa ibang bansa upang ipagpatuloy ang kanyang trabaho.
-
Kaya naman sa Messenger na lamang ulit sila nakakapag-usap. Ang kanyang ama naman, tatay halos walang pakialam sa emotional burden ni Andrew. Ngayon ay nagsimula ng magpakita ng effort. Hindi siya madaldal pero nagsasanya ng mga may cling voice messages. Mag-ingat ka sa trabaho anak ha. Magpahinga ka naman.
-
Huwag puro trabaho lang. Ang kanyang kuya naman na dati puro hingi at puro reklamo ay nagsimula ng maghanap ng rocket, delivery, construction at pati na rin side jobs. Hindi siya humihingi ng pera kay Andrew. Ang tanging mensahe niya minsan. Bro, gusto kong bumawi kahit papaano. Hindi ko man kayang singlakin ang nagawa mo pero ayokong maging pabigat ulit.
-
Ang hipag naman niya. Ang dating palapost at social climber ay unti-unti ring natauhan. Nawala ang mga bonggang caption. Nawala ang pag-lam shots. Napalitan iyon ng mga simpleng larawan ng pamangkin habang ito ay gumagaling. Grateful life, family learning. At si Andrew tahimik pa rin, simple pa rin, maingat pa rin.
-
Hindi siya kaagad bumalik sa dati. Hindi siya nagpapadala kaagad ng pera kapag may gusto ang mga kapatid. Hindi siya bumalik sa pagiging superhero. Na-solve lahat ng problema ng pamilya. Pero hindi rin siya nanamig. Hindi rin siya nagtanim ng galit. Gaya ng dati. Tumutulong siya kapag totoo ang pangangailangan. Pero ngayon may mga hangganan na may respeto sa sarili at may direksyon ng buhay.
-
At may isang bagay siyang hindi inaasahan. Unti-unti niyang naramdaman ng kapayapaan na matagal niyang hindi naranasan. Hindi dahil nagbago ang pamilya sa isang iklap kung hindi dahil natutunan nilang lahat ang parehong aral. Ang pagmamahal para maging tunay kailangan may kasamang responsibilidad. Ang sakripisyo para maging makabuluhan hindi kailangang abusuhin.
-
Ang kabutihan para manatili ay kailangang protektahan. Isang gabi, nag-vide call sila. Kumpleto kabilang si Raffy na masigla na ulit. Magulo, maingay pero totoo. Umuwi ka kapag may time ka tito ha. sigaw na Rabby. Kapag ready ka na anak, sabi naman ng kanyang ina. Hindi namin minamadali anak. Dagdag pa ng kanyang ama. At hindi ka na namin uubusin bro.
-
Sabi naman ng kanyang kuya. Napangiti si Andrew. Hindi malaki, hindi ma-drama pero totoo. Babalik ako. Sagot niya, “Hindi para suportahan kayo gaya ng dati. Kung hindi para bumuo tayo ng mas maayos na pamilya, pantay-pantay, may malasakit at may respeto.” At doon niya naramdaman sa unang pagkakataon na hindi na siyang mag-isa lumalaban.
-
Ito ang simula ng bagong kabanata. Hindi perpekto pero patas. Hindi ang enggrante pero totoo. At higit sa lahat, pamilya, sa kwentong ito ay marami tayong mapupulot na aral. Ang pagtulong ay mabuti pero hindi ito dapat maging padar ng sariling kalayaan. Hindi masama ang magmahal at magsakripisyo para sa pamilya.
-
Pero kapag ito’y nagiging dahilan para maubos ka, hindi na yun pagmamahal. Ito ay pagpapabaya sa sarili. Ang tunay na malasakit ay hindi sa pamamagitan ng pagbibigay ng lahat kung hindi sa pagtuturo ng pagiging responsable. Minsan ang pinakamabuting tulong ay hindi pera [musika] kung hindi ang paghilom, paglayo at pagpapahintulot na matuto ang mga tao sa sarili nilang pagkakamali.
-
Ang hanggana na hindi kawalan ng pagmamahal kung hindi paraan upang mapanatili ito. Hindi ka masamang anak o kapatid kapag nagset ka ng boundaries. Ito ay patunay na may respeto ka sa iyong sarili at gusto mo ng mas maayos na relasyon. Hindi patay sa pang-aabuso kung hindi sa pantay-pantay na responsibilidad.
-
Dito na po nagtatapos ang ating kwento sa araw na ito. Sana po ay nagustuhan niyo at sana po ay kinapulutan niyo ng maraming [musika] aran. Kayo mga kbarangay, ano po ang masasabi niyo sa ating kwento? I-comment niyo naman sa baba ang inyong mga reaksyon at babasahin natin ang lahat ng yan. I-comment niyo na rin kung taga saan kayo para naman malaman ko kung hanggang saan nakaabot ang video na ito.
-
Paki-like and share na rin ang ating kwento para mapakinggan rin ang iba. At kung bago ka pa lamang sa ating channel, baka naman pwedeng pakita ang subscribe button at bell notification button para palagi kang updated sa mga bago nating upload na katulad nito. So paano mga kabarangay? Hanggang sa muli. Thank you so much and peace out
News
Ginamit ko ang aking school meal card na niloadan ng mga magulang ko ng ₱60,000 para bumili ng isang steak meal na nagkakahalaga ng ₱500 sa canteen ng unibersidad./hi
Ginamit ko ang aking school meal card na niloadan ng mga magulang ko ng ₱60,000 para bumili ng isang steak meal na nagkakahalaga ng ₱500 sa canteen ng unibersidad. Biglang tumayo ang boyfriend ko sa gitna ng maraming tao at…
Pero nang mabalitaan ko ang nangyari doon sa mag-asawang lesbian sa kabilang kanto, medyo kinabahan din ako, kaya laging nagpapaalala si Gerson sa akin//
“Ipinasok kay Tiya” “Mahal, gabi na, magsara na tayo.” “Maya-maya na, sayang naman, may mga dumarating pa na bumibili,” sagot ko sa aking asawa. “Eh, medyo masama ang panahon at umuulan, wala na siguro nabibili. Mahirap na, uso pa naman…
Nahuli ko $! m!$!$ na kasama sa kama @ng Ex ny@
Nahuli ko si misis na kasama sa kama ang Ex nya Gabi ng Biyernes sa aming bahay sa Sampaloc, Manila. Katatapos lang namin mag-dinner nang mapansin kong nagmamadaling mag-empake si Clara. Seryoso ang mukha niya at parang balisa. “Hon, tumawag…
UMIYAK ANG ANAK NG MILYONARYO GABI-GABI… AT WALANG SINUMAN ANG GUSTONG MALAMANG KUNG BAKIT.
Pinapagana ng GliaStudios Hindi nakatulog si Clara nang gabing iyon. Naupo siya sa maliit na silid na nakatalaga sa kanya sa pakpak ng mga katulong, inuulit ang bawat tunog, bawat salita, bawat kilos na ginawa ng batang lalaki. Pinalaki niya…
Ipinagbili ako bilang asawa sa isang lalaking “paralisado”… at noong gabi ng aming kasal, kinailangan ko siyang tulungan na makaupo sa kama. Nang hawakan siya ng aking mga kamay, napagtanto kong may hindi akma.
Ipinagbili ako bilang asawa sa isang lalaking “paralisado”… at noong gabi ng aming kasal, kinailangan ko siyang tulungan na makaupo sa kama. Nang hawakan siya ng aking mga kamay, napagtanto kong may hindi akma. Ipinagbili ako bilang asawa ng isang…
NAG-TEXT ANG ASAWA KO: “HAPPY ANNIVERSARY, BAE. STUCK AKO SA TRABAHO.” PERO NASA OPISINA NA NIYA AKO AT PINAPANOOD SIYANG MAY KAHALIKANG IBA. BIGLANG MAY BUMULONG SA LIKOD KO: “WAG KANG MAINGAY. MAGSISIMULA NA ANG TUNAY NA PALABAS.”
Ang Simula: Ang Sorpresa at Ang Kasinungalingan Ikalimang anibersaryo namin ng asawa kong si Eric. Dahil alam kong naging sobrang busy siya sa kanyang trabaho bilang Finance Director sa isang malaking kumpanya, nagdesisyon akong i-surprise siya. Nagluto ako ng paborito…
End of content
No more pages to load