Matagal na akong nagtatrabaho dito. Huwag kang mahihiya. Salamat po. Sagot ni Lira. Bahagyang gumaan ng loob. Mula sa likod ng pinto patungong hartin, may sumilip na isang matandang lalaki. Maputi ang buhok, may bahagyang kuba. Ngunit matikas pa rin ang tindig. Ito si Mang Andres, ang hardinero. Hindi ito nagsalita. Pero bahagya itong tumango bilang pagbati bago muling bumalik sa kanyang gawain.
Bago sila tuluyang umakyat ni Mila, muling nagsalita si Donya Felina. Isa pa, dito walang tanong-tanong kung ano ang utos gawin, malinaw?” “Opo,” mabilis na sagot ni Lira. Magaling. Ayokong inuulit-ulit ang sinasabi ko. Tahimik si Lira habang umaakyat sa hagdan. Ngunit ramdam niya kahit nakatalikod siya na sinusundan pa rin siya ng tingin ng donya.
Parang may hinahanap ito sa kanyang mukha o baka may inaalala. Sa ikalawang palapag, ipinakita ni Mila ang ilang silid. Dito ka matutulog. Maliit lang pero maayos. May aparador at kama ka na. Wala kang ibang gagawin dito kundi magpahinga pagkatapos ng trabaho. Tumango si Lira at inilapag ang bag sa kama.
Tandaan mo, dagdag ni Mila, mahigpit si ma’am. Pero kung gagawin mo ang trabaho mo ng maayos, walang problema. Huwag ka lang magtatanong tungkol sa mga bagay. na hindi mo sakop. Napalunok si Lira. Opo. Gagawin ko po ang lahat. Ngumiti si Mila. Ganyan. Bukas magsisimula ka sa paglilinis sa sala. Pero ngayong gabi, magpahinga ka muna. Bago umalis si Mila.
Muling sumilip si Lira sa hagdan. Nasa ibaba pa rin si Donya Felina. Nakaupo, nakatingin sa direksyon niya. At sa ilang segundo na nagtama ang kanilang mga mata, ramdam niya ang malamig ngunit mapanuring titig nito. Tila may tanong na hindi binabanggit at sagot na matagal ng hinihintay. Isang umaga, inutusan si Lira na linisin ang isang silid sa ikalawang palapag na matagal ng nakapinid.
Makapal ang alikabok at amoy na amoy ang lumang kahoy. Habang nililigpit ang mga kahon, napansin niya ang isang antigong aparador. Binuksan niya ito at nakita ang ilang lumang damit at laruan. Sa pinakailalim may nakatabing kahon. Binuksan niya ito at bumungad ang isang lumang larawan sa gintong frame. Isang batang babae na halos kamukhang-kamukha niya.
Nan laki ang kanyang mga mata at napahawak sa sariling mukha. Sino ito? Bakit may ganitong larawan sa bahay na ito? Inilagay niya agad ang litrato sa kahon ngunit mula sa pinto, napansin niyang may anino ng taong nakamasid sa kanya. Dahan-dahan niyang ibinaba ang kahon at sinubukang magpanggap na parang walang nakita. Ramdam niya ang malamig na hangin mula sa nakabukas na bintana.
Ngunit higit pa roon ay ang panginginig na dulot ng presensyang alam niyang nandoon. May tao po ba? Mahinang tanong niya halos pabulong. Walang sumagot. Tanging mahihinang yabag lang ang narinig niya papalayo mula sa pintuan. Kinabahan siya pero pinilit niyang bumalik sa paglilinis. Habang pinupunasan ng alikabok sa ibabaw ng mesa, hindi niya maiwasang sulyapan muli ang kahon.
Lumulutang sa isip niya ang imahe ng batang babae sa litrato. Mahaba ang buhok, nakasuot ng puting best at mayiting pamilyar na para bang nakita na niya iyon noon pa. Mila kaya yon bulong niya sa sarili. Bagam’t alam niyang imposibleng ganoon, kamukha niya ang ibang tao sa bahay. Maya-maya pumasok si Mila.
May dalang basahan at palanggana. Uy, Lira, dito ka pala. Buti na lang binuksan mo itong kwarto. Matagal ng hindi nalilinis to. Napatingin si Lira sa kanya at nagtanong, “Ate Mila, kanino po ba itong silid na to?” Sandaling natigilan si Mila saka nag-iwas ng tingin. “Ah, dati kay isang kamag-anak ng pamilya, matagal ng wala yun dito.
” “Kamag-anak, bata po ba siya?” tanong muli ni Lira. Pilit inaalam ang totoo. Bakit mo na itanong? Baliktanong ni Mila. Napansin ang bahagyang pagkabahala sa tono. Umiling si Lira at ngumiti ng pilit. Wala po. Curious lang. Ang dami kasing laruan. Pero sa loob niya, nag-aalab ang tanong. Hindi lang basta pagkamausisa kundi parang may hinahatak sa kanyang damdamin na alamin kung sino ang batang iyon sa litrato.
Habang patuloy silang naglilinis, ramdam ni Lira ang mga mata ni Mila na paminsan-minsang nakatingin sa kanya. Tila sinusuri ang bawat kilos. Nang matapos sila, sinabi ni Mila, “Oh Lira, huwag mo n bubuksan ulit ang mga kahon ha. May mga bagay dito na mas mabuting hindi mo napakialaman.” Tumango si Lira pero sa isip niya, mas lalo lamang niyang gustong malaman ang sikreto.
Kinagabihan hindi siya mapakali. Sa kanyang maliit na silid sa likod ng kusina, paulit-ulit na bumabalik sa isip niya ang mukha sa larawan. Gusto niyang bumalik sa silid na iyon pero alam niyang mahuhuli siya kung gagawin niya sa dis oras ng gabi. Bago siya makatulog, narinig niya ang mahihinang yabag sa pasilyo.
akala niya’y isa lang sa mga kasambahay pero nang sumilip siya mula sa pintu nakita niya si donya felina mismo nakatayo sa dulo ng pasilyo nakatingin sa direksyon ng silid na nilinis niya kanina nang magtama ang kanilang mga mata mabilis na tumalikod si donya felina at naglakad palay nawan sira na nagtataka Bakit parang may tinatago ang may-ari ng mansyon tungkol sa kwartong iyon? Kinabukasan, habang naghahain ng almusal, muli niyang nakasama si Mila.
Tahimik lang sila sa simula hanggang sa hindi na siya nakatiis. “Ate Mila, may kamukha po ba ako dito sa bahay?” Napatingin si Mila bahagyang nagulat. Bakit mo nasabi? Ewan ko po. Parang may nakita lang ako kahapon na hindi na niya natuloy ang sasabihin dahil biglang pumasok si Donya Felina sa kusina. Anong pinag-uusapan ninyo? Malamig ang boses nito. Wala po ma’am.
Mga gawain lang sa bahay. Mabilis na sagot ni Mila. Kita ang pag-aalala sa mukha. Tumingin si Donya Felina kay Lira ng matagal bago umalis na parang walang nangyari. Ngunit ang bigat ng titig nito ay naiwan sa isip ni Lira at alam niyang may mas malalim na dahilan kung bakit tila hindi siya tinatantanan ng tingin ng may-ari ng mansyon.
Sa buong maghapon, pakiramdam ni Lira ay may sumusubaybay sa kanya. Kahit sa simpleng pagwawali sa hardin o paghuhugas ng pinggan, paminsan-minsan ay nakikita niya ang anino sa may bintana o pinto. Mabilis mawawala pero malinaw sa kanya na hindi iyon imahinasyon. At sa bawat pagkakataon, mas lalo siyang tinutulak ng kuryosidad na muling balikan ang kahon at ang litrato.
Sa sarili niya, bumulong siya, “Kailangan kong malaman kung sino ka at kung bakit parang ikaw ay ako.” Kinagabihan, habang naghuhugas ng plato, tinanong ni Lira si Mila kung sino ang batang nasa litrato. Napatigil si Mila bahagyang napatingin sa paligid bago bumulong. Anak yan ni Donya Felina na wala siya pang sanggol. Napatigil si Lira.
Paano nawala? Tanong niya. Bahagyang nanginginig ang tinig. May kasambahay noon na nagtangkang tumakas kasama ang bata. Hanggang ngayon na nakita paliwanag ni Mila at muling tumingin sa paligid tila nagbabantay kung may makakarinig. Hindi na kumibo si Lira ngunit lalong lumalim ang pagkalito sa isip niya. Hindi niya maipaliwanag kung bakit parang may koneksyon siya sa batang iyon.
Lalo na pareho silang may maliit na peklat sa kanang kilay. Habang patuloy ang paghuhugas niya, ramdam niya ang malamig na daloy ng tubig sa kanyang mga kamay. Ngunit mas malamig ang nararamdaman niyang kaba sa dibdib. Parang unti-unting nagsasanga-sanga sa kanyang isip ang mga tanong. Bakit magkahawig kami? Coincidence lang ba ito? At kung anak nga iyon ni Donya Felina, nasaan na kaya siya ngayon? Lumapit si Mila.
Dahan-dahang inilapag ang mga basang tasa patungan at tumingin sa kanya ng diretso. Lira, makinig ka sa akin. Huwag mo n banggitin pa kay Donya Felina ang tungkol sa larawang iyon. Delikado, delikado. Anong ibig mong sabihin? Tanong ni Lira halos pabulong din. Hindi ko alam ang buong kwento. Pero simula ng mawala ang anak niya, naging matapang at strikto siya sa lahat ng tauhan.
May mga tinanggal na rin siya dati dahil lang sa mga tanong. Ayokong mapahamak ka. Sabi ni Mila. Mahigpit ang tinig. Tahimik lang si Lira tinatago ang pag-aalab ng kanyang kuryosidad. Hindi niya alam kung bakit pero sa halip na matakot mas lalo siyang gustong maghahanap ng sagot. Parang may hinahatak na pwersa sa kanya na magpatuloy.
Pagkatapos ng gawain, umakyat siya sa kanyang maliit na kwarto sa likod ng kusina. Mula sa manipis na kurtina, natatanaw niya ang maaliwalas na hardin na pinapailawan ng malalambot na ilaw. Sa gitna nito, nakikita niya si Donya Felina. Nakaupo sa isang upo ang yari sa bakal. Hawak ang isang baso ng alak at nakatitig sa malayo.
Para bang may mabigat na iniisip ang matanda. Pinagmasdan niya ito sandali at sa kanyang isipan, bumalik ang imahe ng larawan ang batang nakangiti sa loob ng gintong frame. Kung ako man ‘yon, imposible. Pero bakit gano ang pakiramdam ko? Kinabukasan habang nag-aalmusal ang mga amo, abala si Lira sa pagbuhos ng kape kay Donya Felina. Hindi man lang siya tiningnan ng matanda pero nang isalin niya ang kape, bahagyang nagtama ang kanilang mga mata.
Sandaling natigilan si Donya Felina bago ibinalik ang tingin sa diyaro. Mila tawag nito. Siguraduhin mong walang papasok sa silid sa ikalawang palapag lalo na sa may lumang aparador. Walang gagalaw doon. Po? Opo, Donya. Mabilis na sagot ni Mila. Pero hindi nito mapigilang sumulyap kay Lira. Ramdam ni Lira ang malamig na kilabot na gumapang sa kanyang likod.
Alam ba ng Donya na nakialam siya o naramdaman lang nito na may nagbukas ng silid na iyon? Pagkatapos ng almusal, inutusan siya ni Mila na maglinis sa ibang bahagi ng bahay. Ngunit habang nagwawalis siya sa malapit sa hagdan, narinig niyang nag-uusap sina Donya Ferlina at Mang Andres sa veranda. Hanggang ngayon wala pa ring balita.
Baka baka wala na talaga. Sabi ni Mang Andres mababa ang boses. Hindi ako titigil. Alam kong buhay siya. Mariing sagot ni Donya Felina. Hindi ako basta-basta magpapaniwala na kinuha lang siya at nawala. Hindi man malinaw ang kabuuan ng usapan sapat na iyon para mas lalong gumulo ang isip ni Lira. Parang piraso-piraso na ang mga clue na nakukuha niya pero wala pa siyang malinaw na larawan ng buong kwento.
Kinagabihan bago matulog kinuha niya mula sa kanyang bag ang luma at kupas na kwintas na laging dala niya. Buksan Sara niya ito habang iniisip ang kanyang nakaraan. Wala siyang gaanong ala-ala tungkol sa kanyang ina. Sabi ng kanyang ama, “Natay ito noong siya’y sanggol pa lang. Pero wala siyang larawan nito. Tanging kwintas lang ang naiwan.
Dahan-dahan niyang binuksan ang maliit na pendant at sa loob nito ay may maliit na piraso ng papel. na matagal na niyang alam na nandoon. Ngunit hindi pa niya binubuksan kailan man. Hindi niya rin alam kung bakit hindi niya iyon sinilip noon. Marahil dahil natatakot siyang malaman kung ano ang laman. Ngunit sa gabing iyon tila may nagtutulak sa kanya na gawin iyon.
Maingat niyang inilabas ang papel at nakita ang isang maliit na letra na mahirap ng mabasa dahil sa katandaan. Iisa lang ang malinaw na nakasulat. Isang inisyal na si F napahigpit ang hawak niya sa kwintas. F. Felina bulong niya sa sarili. Napalunok siya habang bumibilis ang tibok ng kanyang puso. Kung tama ang iniisip niya, ang inisyal na iyon ay maaaring konektado sa may-ari ng mansyon na pinagsisilbihan niya ngayon.
Bumalik sa kanyang isipan ang larawan sa antigong aparador, ang peklat sa kilay. Ang titig ni Donya Felina sa kanya noong unang araw at ngayon ang inisyal na F. Pakiramdam niya mas lalo pang lumalapit ang sagot at mas lalo rin siyang natatakot malaman kung ano ito. Sa mga sumunod na araw, napapansin ni Lira na madalas siyang masulyapan ni Donya Felina lalo na kapag akala nito ay hindi siya nakatingin.
Minsan habang naglilinis siya ng mesa sa malaking hapagkainan, ramdam niya ang malamig ngunit matalim na titig mula sa kabisera ng mesa. Hindi ito iyung normal na tingin ng amo sa kasambahay. May halo itong pagsusuri para bang may hinahanap sa kanyang mukha. Lira tawag ni Donya Felina minsan habang nakaupo ito at may hawak na tasan ng taa.
Upo ma’am ilapit mo nga yang ilaw dito. Masyadong madilim sabi nito. Ngunit habang ginagawa niya ang utos bigla itong nagtanong. Saan ka nga ulit lumaki? Hindi agad nakasagot si Lira. Hindi dahil hindi niya alam ang sagot kundi dahil parang may ibang bigat ang tanong. Sa probinsya po, sagot niya sa huli, kasama si tatay. Si nanay po matagal ng patay.
Tahimik lang si Donya Felina pero hindi nito inalis ang tingin sa kanya. Sandali pa at iniba na nito ang usapan. Ngunit naiwan kay Lira ang pakiramdam na parang may sinusubok tuklasin sa kanya ang donya. Kinahapunan habang nagdidilig ng mga halaman sa hardin nasalubong niya si Mang Andres. Karaniwan ay tahimik ito. Tipong ilang salita lang ang sinasabi.
Pero ngayong araw parang mas lalo itong iwas makipag-usap. Magandang hapon po,” batilira. Tumango lang ang matanda at mabilis na tumalikod para magtuloy sa pagtitistis ng mga halaman. Pero bago pa man ito makalayo, narinig niya itong mahina na bumulong kay Mila na papalapit mula sa kabilang gilid ng hardin.
Parang siya nga rinig niyang sabi ni Mang Andres napahinto si Lira. Kumabog ang dibdib niya. Sino po? Agad niyang tanong. Nilapitan ang dalawa. Agad silang nagtinginan si Namila at Mang Andres para bang nahuli sa isang sikreto. Ah wala. mabilis na tugon ni Mila sabay yuko at kunwaring abala sa pag-alis ng mga tuyong dahon sa paso.
Si Mang Andres naman ay biglang dumiretso sa loob ng bahay. Hindi man lang nagpaalam. Habang naglalakad pabalik sa kusina. Hindi mawala kay Lira ang tanong sa isip. Bakit parang may alam sila na hindi ko alam? At bakit parang ako ang tinutukoy nila? Gabi na nang makabalik siya sa maliit na silid na ipinagkaloob sa kanya sa likod bahay.
Pagkahiga niya sa kama, paulit-ulit sumasagi sa isip ang eksenang iyon. Ang titig ni Donya Felina, ang bulong ni Mang Andres at ang mga tanong na hindi niya masagot. Sa bawat araw na lumilipas, mas lalong lumalalim ang misteryo. Parang lahat ng tao sa bahay ay may sinusubukan itago at unti-unti nararamdaman niyang siya ang nasa gitna nito.
Isang gabi, bumuhos ang malakas na ulan. at kumidlat ng paulit-ulit. Ang bawat pagsabog ng liwanag mula sa kidlat ay sumasabay sa dagong ng kulog na para bang binipiyak ang kalangitan. Sa kusina abala si Lira sa pag-aayos ng mga tasa at plato nang maalala niyang hindi pa niya nadadala ang taa para kay Donya Felina. Napatingin siya sa orasan sa dingding.
7:30 na ng gabi. Naku, baka hinahanap na yun ni ma’am. Naisip niya. Mabilis niyang inilagay ang taa sa tray. Sinigurong may kasamang platito ng biskuit at dahan-dahang umakyat sa ikatlong palapag. Ang ikatlong palapag ng mansyon ay may kakaibang katahimikan. Tanging ang mahihinang kaluskos ng ulan sa mga bintana at ang marahang tunog ng kanyang tsinelas sa makintab na sahig ang maririnig.
Sa gilid ng pasilyo, nakasabit ang mga lumang larawan, pamilya, mga magagarang piging at ilang retratong kuha sa hartin ng mansyon. Pagdating niya sa dulo, bumukas ng bahagya ang pinto ng silid ni Donya Felina. Kumatok muna si Lira. “Ma’am, ito na po ang tsaan ninyo.” Mahinahon niyang sabi.