Anim na taon na ang lumipas mula ng umalis si Elvin Alano patungong Doha at ngayon ay pauwi na siya sa Pilipinas pagkatapos ng mahabang panahon. Bago siya umalis, simple lang ang kanyang pangarap. makatulong sa ina na si Lety na mag-isang bumuhay sa kanya matapos mamatay ang kanyang ama sa isang aksidente sa construksyon.
23 anyos pa lang siya noon. Kaka-graduate lang mula sa TESDA. Wala pang isang buwan mula ng makuha niya ang kanyang pasaporte nang matanggap siya bilang electrician sa isang maintenance firm sa Qatar. Walang naiwan sa Pinas kundi ang inang si Leti. Hindi naging madali. Ang buhay ni Elvin sa Doha. Mainit. Mahirap intindihin ang mga utos at lahat ay tila bago sa kanya. Pero tiniis niya ito.
Isang bagay lang ang naging motibasyon niya. Ang paniniwala na bawat padala niyang pera ay makakapagbigay ng mas maginahawang buhay sa kanilang dalawa ng ina. Madalas ikwento ni Lety sa tuwing naka-roaming call ang tungkol sa unti-unting pagsasaayos ng kanilang bahay dahil sa mga padala ni Elvin. Binabanggit din ito ang tungkol sa mga papeles ng lumang nabili nila sa Imus.
Có thể là hình ảnh về văn bản cho biết 'ESCENEY bahay na ipinundar, inangkin ng iba a SUSPEK SAUDI OFW, UMUWING LUHAAN'
Lahat raw ay inaasikaso na. Ngunit nitong huli, naging madalang ang mga tawag. Inakala niyang sira lang ang cellphone ng ina. Kaya nang makatanggap siya ng balitang biglaan ang pagpanaw nito, para na rin siyang nawalan ng hininga. Wala siyang kaalam-alam na may iniang sakit sa atay si Letty. Wala rin itong nabanggit kahit kailan tungkol sa gamutan o pagsusuri. Hindi siya agad nakauwi.
na abala sa proseso ng exit clearance at mga bayarin sa kumpanya. Wala siyang nagawa kundi tahimik na magluksa habang patuloy na nagtatrabaho. Kahit pa ang dibdib niya ay pinipiga sa sakit. Isang buwan pa ang lumipas. Kwatro ng Disyembre 2015 ay tuluyan na nga siyang nakauwi ngunit nailibing na noon ang kanyang ina.
Gabi na nang bumaba siya sa Bacoor sa dati nilang bahay. Wala siyang dalang malaking bagahe ni mamahaling pasalubong. Isang backpack lang at isang maleta. Puno ng lumang damit at ilang tsokolate na dapat sanay para sa kanyang ina. Sa may kanto pa lang may napansin na siyang kakaiba. Wala na ang lumang karatula sa gate. Iba na ang kulay ng pader at may mga bagong nakaparadang sasakyan sa harap ng bakuran.
Pagbukas ng gate, bumungad sa kanya ang kanyang tiyo Arturo, kapatid ng kanyang yumaong ama. Hindi ito nagpakita ng gulat. Bagkos ay parang alam na darating siya. Walang anumang pagbati. Hindi nagtagal ipinaalam ni Arturo sa kanya na hindi na raw siya ang may-ari ng bahay. Pinilit niyang intindihin pero mas nanaig ang pagkagulat.
Ayon kay Arturo, si Lete raw mismo ang nagbenta ng lupa at bahay bago ito pumanaw. May mga dokumentong agad nitong inilabas. mga orihinal na titulo at isang deed of sale. Kumpleto ng lagda ng ina. Tinitiga ni Alvin ang papel. Pamilyar ang pirma pero may kung anong hindi umaayon sa kanya. Hindi niya matanggap na ginawa ito ng ina ng hindi sinasabi sa kanya.
Alam niyang hindi iyon kayang ilihim ng kanyang ina kung totoo man. Nagpumilit siyang tanungin pa si Arturo. Sinubukang hanapan ng paliwanag ang mga papel. Ngunit sa halip na sagot ang inabot ay tahimik na pagtanggi. Makailang ulit na niyang sinabi na hindi na siya naniniwala pero tila walang pakialam ang kanyang tiuhin.
Ilang sandali pa, pinakiusapan na siyang umalis at mabigat man sa loob, wala siyang nagawa. Bitbit ang mga gamit. Naglakad siyang muli palayo. Hindi niya namalayang tumutulo na pala ang kanyang mga luha. Bukod sa wala na ang kanyang ina, wala na rin ang mga ari-ariang ipinundar nilang magkasama na sanay’y tanglaw niya para balikan ang mga masasayang ala-ala.
Napag-isip-isip niya na alamin ang katotohanan at hindi siya titigil hangga’t hindi nalalaman kung ano ba talaga ang tunay na nangyari. Wala ng matutuluyan si Elvin ng gabing pinaalis siya sa sarili niyang bahay. Saglit lang siyang nanatili sa terminal sa Bacoor habang pinag-iisipan kung saan siya maaaring tumuloy.
Sa natitirang ipon na halos kasya lang sa isang buwang gastusin, nakahanap siya ng maliit na silid paupahan sa isang compound sa Molino. Sa sumunod na mga araw gamit ang pangalan ng ina, sinubukan ni Elvin na kumuha ng certified true copy ng land title ng kanyang nabiling lupa sa Imus. Sa Registry of Deeds, wala pa siyang inihahain na pormal na reklamo kaya kailangang personal siyang pumunta at magkunwaring interesado lang sa pag-u-update.
Pagkakuha niya ng kopya, ng lamig ang katawan niya dahil maging ito ay nasa pangalan na ni Arturo Alano. Nakalagay sa dokumento ang petsa ng pagkakalipat as ng Septyembre, 2015. Dalawang buwan bago mamatay si Lety. Nakasaad din sa notaryo ang pirma ni Leti bilang nagbenta ng lupa. Pero walang halagang binanggit. Walang kasamang tax declaration at ang lagda parang hindi nanggaling sa ina.
Hindi man siya eksperto ngunit kilala niya ang sulat kamay ng kanyang ina. Isang gabi, binalikan niya sa cellphone ang mga lumang mensahe ng ina. May mensaheng ipinadala si Lety noong September 6, isang araw bago ang petsa ng pirma sa dokumento at ilang araw rin bago ito pumanaw. Naroon siya sa ospital noon ayon sa mensahe naka-confine dahil sa matinding sakit na iniinda.
Paano siya pipirma ng dokumento kung nasa ospital siya? Malamang ay fabricated ang pirmang ito at kung totoo ngang pinapirma siya habang may iniindang sakit, malinaw na sinamantala ang kanyang kahinaan. Naging matalino si Elvin sa kanyang mga sumunod na hakbang. Nagsimula siyang kumuha ng mga kopya ng notarial logs at kahit mga tax declaration sa City Assessor’s Office.
Lahat ito pinagsama-sama niya sa isang envelope. Hindi niya agad isinampa ang kaso. Ayaw niyang kumilos ng hindi sigurado. Gusto niyang lahat ng ipipresenta niya ay hindi lang batay sa emosyon. Gusto niyang dokumento ang magsalita at magpatunay sa kanyang hinala. Sa mga sumunod na linggo, pumasok siya bilang assistant sa isang law office na pagmamay-ari ng abogadong kakilala ng asawa ni Jerome, dating kabarkada niya sa TESDA.
Walang sahod pero pinayagan siyang tumulong sa clerical work kapalit ng libreng aral sa legal processes. Tahimik siyang nanood sa mga hearing. Tahimik na nagtanong sa mga kasong may kinalaman sa forgery, falsification at undue transfer of property. Sa bawat araw na lumilipas sa opisina ng abogado, lalong lumilinaw sa kanya ang panlilin lang.
Isang walang ibang inisip kundi ang yaman. Kahit kapalit ay ang pagkasira ng relasyon sa kadugo niya. Sa loob ng lumang envelope, dumarami ang ebidensyang hinahawakan ni Elvin. Nag-message rin si Elvin sa isa sa mga dating kapitbahay at kaibigan ng ina si Aling Mercy. Nagkamustahan sila. Mahina at maingat ang tono ng mga sagot ng matanda.
Ayon kay Aling Mercy, hindi naging malinaw ang proseso ng paglipat ng bahay. May mga usap-usapan non na pinapirma raw si Lety ng kung ano-anong papeles habang nasa ospital. May kwento pa na minsan isinakay ito ni Arturo sa van at sinabing magpapanotaryo sila. Pero walang chalk na nakasaksi. Nung pumanaw si Lety, hindi raw naging bukas ang pamilya sa mga detalye.
Isang gabi lang, nagpunta si Arturo sa barangay at ibinalitang wala na si Lety. Minadali ang burol, walang abiso, walang pagkakataong makapagpaalam ang ilan sa mga dating kaibigan at kakilala ng ina. Nagdesisyon si Elvin na bumisita sa ospital sa Las Piñas kung saan huling na-confine ang kanyang ina. Gamit ang death certificate na nakuha niya mula sa city hall, na-track niya ang room number, ang eksaktong petsa ng pagkaka-confine at ang listahan ng mga doktor.
Sa pamamagitan ng kaunting pakiusap at pagpresenta ng ID, pinayagan siyang silipin ang bahagi ng medical records. Doon niya nalaman ang totoo na dalawang linggo nang walang malay ang ina bago ito tuluyang binawian ng buhay at hindi ito ipinarating sa kanya. Marahil ay dahil may isang lihim na plano. Ang pirma sa dokumentong nagsasabing may voluntary transfer of property ay may petsang eksakto.
Sa kalagitnaan ng panahong iyon na walang malay ang kanyang ina. Ibig sabihin may pumirma para kay Ly. Hindi niya kailangang marinig ang kumpirmasyon mula sa tiuhin. Sa mga dokumento pa lang, malinaw ang krimen at ang masakit, sarili nilang kadugo ito. Sa panahong iyon, unti-unting umusbong ang galit ni Melvin.
Gabi-gabi ini ang mga scanned copies ng mga papeles sa kanyang lumang flash drive. Nagsimula na rin siyang maglista ng mga pangalan, ang notaryong sangkot, ang witness na pare-pareho sa ilang dokumento at ang assesor na nag-apprueba sa transfer. Isang umaga habang nasa law office kung saan siya tumutulong bilang assistant, dumaan sa mesa niya ang isang kasong kahawig ng sa kanila, property transfer with contested signature.
Napakunot ang noon niya sa notaryong lumagda sa dokumento, Attorney Hill Bernardino. Parehong pangalan ang lumagda sa isa sa mga titulo ng lupa ng kanilang pamilya. Kinabukasan, sinadya niya ang opisina ng abogado hindi para kumprontahin. Gusto lang niyang makita kung anong klaseng tao ang kayang pumirma sa isang dokumentong may bahid ng pandaraya.
Matagal na raw sa serbisyo si Attorney Bernardino. Minsan ayon sa staff, may mga dokumentong basta na lang ipinapadala sa opisina na pinipirmahan niya ng hindi man lang binabasang mabuti. May ilang pagkakataon na hindi rin daw nito natatandaan kung sino ang nagpresenta ng mga papeles lalo na kung wala namang kasong kaugnay nito.
Sa mga sumunod na araw, napansin ni Elvin ang kakaibang pattern. Tatlong magkakaibang dokumento sa pangalan nila ang parehong witness isang Ronnie B. Lazo. Nang hanapin niya ito online, lumabas na empleyado ito sa munisipyo. Clerk sa Assessor’s Office. Muling bumalik si Elvin sa city hall. Nagkunwaring kukuha ng assessment para sa ibang lupa.
Habang nasa pila, nakita niya si Ronnie. Walang pinagkaiba sa ibang empleyado. Palangiti magaan kausap. Pero sa mga matang tahimik na nagmamasid gaya ni Elvin, malinaw ang papel ni Ronnie sa ginawang panloloko ng kanyang tiuhin.
Pangatlo sa listahan ni Elvin ay ang nagngangalang Alfred. kilala sa barangay bilang middle man sa mga bentaha ng lupa.
Wala itong posisyon sa gobyerno pero halos lahat ng transaksyon sa paligid nila dumaraan sa kanya. Sa ilang kwento ng mga dating kakilala ng kanyang ina, may mga nagsabing sinamahan daw ni Alfred si Letti sa ospital para sa pagpirma ng ilang papeles. Bagam’t walang tiyak na makapagpapatunay kung ano ang nilalaman ng mga iyon. Sa huling bahagi ng Enero 2016, bumalik siya sa apartment.
Isang gabi, dala ang bagong kopya ng notarization log. Doon niya napansin ang isang pagkakamali na maaaring maging susi sa lahat. Sa logbook ng notaro, walang entry sa pangalang Lety Alano sa petsang nakasaad sa transfer. Ang nakalista lang ay isang representative. Walang ID number, walang contact. Ibig sabihin, walang pisikal na presensyang napatunayan.
At kung may isang bagay na tinuturo ng batas, ang pirma ay walang bisa kung hindi nasaksihan ng notaryo sa tamang proseso. Doon siya huminga ng malalim. Sa wakas, may nakita siyang butas at mula sa siwang na ion ay maaaring tumagos ang katarungan. Nagpatuloy ang pag-ungkat ni Elvin sa katotohanan. Sa kabilang banda, si Arturo na madalas pa ring dumaan sa barangay para sa kanyang lending business ay tila na bahala rin ng maramdamang kumikilos ang pamangkin.
Sa patuloy na pagmamanman, natuklasan ni Elvin na ang lending group na hawak ng kanyang tiuhin ay hindi pala rehistrado. May mga resibong papel lang na may pirma. walang BIR stamp at ito ay sadyang ginawa upang maiwasan ang pagbabayad ng tax. Sa tulong ng kakilala sa city hall, nagpadala siya ng anonymous report sa BIR. Hindi malaki ang nilalaman.
Ilang scaned receipts, litrato ng mga loan application form na walang tax number at address ng bahay kung saan nagaganap ang lending. Hindi nagtagal dumating ang sulat mula sa BIR. Hindi agad raid pero inabisuhan si Arturo para sa imbestigasyon. Abril 2016. Mainit na ang hangin ngunit mas mainit pa ang tensyon sa paligid ni Elvin.
May balitang pinapatawag na raw sa BIR si Arturo. May ilang kliyente na rin ang nagreklamo dahil sa sobrang pangahaharas ng kanyang mga tauhan sa kanila kapag hindi nakakabayad dulot ng napakalaking interes. Sa panahong ito ay hindi na rin nagpatumpik-tumpik si Elvin. Pormal na siyang nagsampa ng kaso sa piskalya. falsification of public documents, estafa at illegal transfer of property.
Maayos ang lahat ng dokumento, timeline, authenticated copies, statements at mga notarized affidavit ng ilang saksi. Sa sumunod na linggo, pinadalhan ng subpina si Arturo. Sa araw ng preliminary investigation, hindi lumitaw si Arturo. Nagsumiti lang ng counter affidavit sa pamamagitan ng abogado. Hindi raw niya pinilit si Lety na ipagbili ang lupa at hindi raw totoo ang mga paratang ni Elvin.
Pormal n inakyat sa korte ang kaso. Matagal ang proseso. Halos dalawang taon ang lumipas bago tuluyang naglabas ng desisyon ang korte. Sa bawat pagdinig, tahimik lang si Elvin. Nakaupo sa likod ng abogado, hawak ang mga dokumento. Isa-isang tinanggap ng korte ang mga ebidensya. ang inconsistencies sa pirma, ang notorization log na walang entry, ang medical record na nagpapatunay na walang malay si Leti ng araw na umano’y pinirmahan ang Deed of Sale.
Lahat ng ito dahan-dahang bumuo ng isang larawan. Larawan ng pandaraya. Sa huling araw ng paglilitis, hindi dumalo si Arturo. Sa halip, kinatawan siya ng kanyang abogado na nagbasa ng huling pahayag. Ngunit sa mata ng korte, sapat na ang mga dokumento, ang testimonya ng mga saksi at ang malinaw na motibo sa likod ng ginawa.
Idineklara ng hukom na peke transfer of property. Kinilala ng korte na ang deed of sale ay isang huad na dokumento na ginamit upang mapasakamay ni Arturo ang hindi kanya. Pinatawan si Arturo ng pagkakakulong dahil sa falsification of public documents at estafa. Bukod sa sentensyaang lingang taong pagkakakulong, iniutos ng korte ang pagbabalik ng lahat ng ari-ariang ipinangalan sa kanya.
Kasama na ang bahay sa Bacoor at ang lupang nabili sa Imus. Sa desisyong yon, tahimik lang si Elvin ngunit nakahinga siya ng malalim at alam niyang kung nasaan man ang kanyang ina ay masaya rin ito sa naging takbo ng kaso. Makalipas ang ilang buwan, bumalik siya sa bahay sa Bacoor. Nilinis niya ang lumang sala.
Inayos ang mga natitirang gamit at binuksan ang lumang aparador kung saan nakatago ang ilan pang sulat ng kanyang ina. Sa huling drawer, may nakita siyang envelope. Lumang sulat na ginawa ng ina ng matuklasan nitong malubha na ang kanyang karamdaman. Hindi niya ito ipinaalam kay Elvin dahil ayaw niyang mag-alala ito sa abroad ngunit ito ang nilalaman ng mensahe. Mahal kong Elvin.
Anak, kung nababasa mo ang sulat na ito ay maaaring wala na ako. Ngunit gusto ko lang malaman mo na masaya akong naging nanay mo at ipinagmamalaki kita. Malapit ko ng makasama ang iyong ama. Alagaan mong mabuti ang sarili mo at lagi mong tandaan na mahal na mahal kita. Matagal niyang tinitigan ang sulat at hindi napigilan ang pagpatak ng kanyang mga luha.
Sa huli napagtanto ni Elvin na marahil ay ginabayan siya ng kanyang ina sa laban. Ipinangako ni Elvin sa sarili na hindi kailan man bibitawan o ibebenta ang bahay na yon at araw-araw niyang gugunitain ang masasayang kahapon kasama ang mapagmahal niyang mga magulang.