Si Adrian ay isang Civil Engineer sa Dubai. Sa loob ng 10 taon, halos 80% ng sweldo niya ay ipinapadala niya sa kanyang Kuya Ramon sa probinsya. Ang bilin niya: “Kuya, ipatayo mo tayo ng malaking mansyon. Gusto ko pag-uwi ko, mayaman na tignan ang pamilya natin.”

Tuwing tumatawag si Adrian, laging sinasabi ni Ramon: “Oo, Adrian. Ginagawa na. Maganda na.” Pero ayaw magsend ni Ramon ng pictures dahil surprise daw.
Ang Pagbabalik: Umuwi si Adrian nang walang pasabi para sorpresahin ang kuya niya. Excited siyang makita ang Dream House nila.
Pagdating niya sa tapat ng lupa nila… gumuho ang mundo niya. Walang mansyon. Walang gate na bakal. Walang garahe.
Ang nandoon lang ay ang lumang kubo na sira-sira na ang bubong. At sa gilid nito, sa dating kulungan ng baboy na may trapal lang, doon niya nakita si Kuya Ramon. Nakahiga sa karton, payat na payat, nangingitim, at suot ang damit na butas-butas.

Sumabog ang galit ni Adrian. Inisip niya na nilustay ng Kuya niya ang pera sa sugal, alak, at babae.
Sinipa ni Adrian ang pinto ng kulungan. Nagising si Ramon.
“KUYA!” sigaw ni Adrian habang umiiyak sa galit. “Nasaan ang mansyon na ipinatayo ko?! Sampung taon akong nagpakahirap sa init ng disyerto! Halos hindi ako kumain para makapagpadala sa’yo! Bakit nasa kulungan ka ng baboy natutulog?! Saan mo dinala ang pera ko?!”
Tumayo si Ramon. Nanghina si Adrian nang makita niyang ika-ika maglakad ang kuya niya. Sobrang tanda na ng itsura nito kaysa sa edad niya.
Hindi sumagot si Ramon nang pabalang. Ngumiti lang ito nang mapait. Kinuha niya ang isang lumang biscuit tin can sa ilalim ng karton na hinihigaan niya.
Binuksan niya ito at iniabot kay Adrian ang laman: Isang Titulo ng Lupa, Susi ng Kotse, at Susi ng isang Building.
“A-Ano ‘to?” tanong ni Adrian.
“Adrian…” malumanay na sabi ni Ramon. “Kung ipinatayo ko ng mansyon ang pera mo, gagastos tayo sa maintenance, kuryente, at amilyar. Ubos ang pera mo, pero wala kang balik.”
Hinawakan ni Ramon ang balikat ng kapatid.
“Kaya ang ginawa ko… binili ko ang limang ektaryang palayan sa likod. At ‘yung ibang pera, ipinatayo ko ng 4-Storey Apartment sa bayan at ipinangalan ko sa’yo. Puno ‘yun ng tenants ngayon. Kumikita ka ng 100-thousand kada buwan.”
Natulala si Adrian.
“Bakit…” nanginginig na tanong ni Adrian. “Eh bakit dito ka natutulog sa kulungan ng baboy?”
Tumulo ang luha ni Ramon. “Kasi pinaupahan ko rin ‘yung luma nating kubo para dagdag ipon. Dito na lang ako sa kulungan natulog kasi libre. Tiniis ko ang lamok at baho, para pag-uwi mo… may NEGOSYO ka na. Para hindi mo na kailangang bumalik sa Dubai. Para hindi ka na muling maging alipin ng ibang bansa.”
Napaluhod si Adrian sa putikan. Niyakap niya ang mga tuhod ng Kuya niya at humagulgol nang malakas.
Ang akala niyang winaldas ng kuya niya ang pera, ay higit pa pala sa inaasahan niya. Ang tunay na mansyon ay hindi ang bahay na bato, kundi ang pagmamahal ng isang kapatid na handang matulog sa dumi, mabigyan lang ng magandang kinabukasan ang bunso niya.
Nang araw ding iyon, dinala ni Adrian si Ramon sa pinakamagandang ospital at ipinangakong hinding-hindi na ito maghihirap muli.
News
Pinalitan ko si Mama bilang janitress, at doon ko nakaharap ang boss sa ika-16 na palapag — ang lalaking pinag-uusapang ‘baliw’ at ‘may diperensya’. Balak ko sana siyang iwasan para makaiwas sa gulo, pero ang sinabi niyang ‘Anim na taon na, hindi ba?’ ang dahilan kung bakit ako natigilan…
Isa akong dalagang Pilipina na nabubuhay bilang freelance graphic designer—trabahong malaya nga sa oras, pero hindi sigurado ang kita. May mga buwan na sapat ang bayad ng kliyente, pero mas madalas na kinakapos ako, nagbibilang ng barya at nag-iisip kung…
Pinab3mb∆ng ako ng asawa ko sa kaibigan niya…
Hello sa inyong lahat. Itago niyo na lang ako sa pangalang Chloe, 30 years old at isang marketing manager dito sa Makati. Siguro kung makikita niyo ako sa labas, sasabihin niyo na nasa akin na ang lahat dahil maayos ang…
NAGPANGGAP SIYANG NATUTULOG PARA IWASAN ANG JANITOR SA GABI… PERO ANG ISANG TAWAG NA NARINIG NIYA ANG NAGBUNYAG NG 20 MILYONG DOLYAR NA SABWATAN AT ANG PINAKAMATINDING PAGTATRAIDOR AY ANG TAONG PINAGKATIWALAAN NIYA NANG BUONG BUHAY…
Dahan-dahang bumukas ang pintuan ng opisina. Ang unang aninong lumitaw sa ilalim ng ilaw ng pasilyo ay pamilyar—matangkad, maayos ang postura, suot ang mamahaling amerikana na tila hindi naaapektuhan ng lamig ng gabi. Si Chairman Lorenzo Madrigal. Sa likod niya, ilang…
KAKALIPAT LANG NG ASAWA KO SA CANADA NG TATLONG ARAW NANG LIHIM NIYANG GALAWIN ANG PINAGSAMANG IPON NAMIN INILIPAT KO ANG LAHAT NG 68.5 MILYONG PISO — NAG-IWAN NG 37 PISO SA ACCOUNT PERO ANG TAWAG NA IYON SA GABI ANG NAGPAUNAWA SA AKIN… HINDI PA AKO ANG NANANALO.
May hindi ka pa alam, Liana. Ang huling salitang iyon ni Adrian ang tumimo sa dibdib ko na parang malamig na karayom. Hindi siya sumigaw. Hindi siya nagmakaawa. Mas nakakatakot ang kalmadong galit niya. Tahimik ang hallway. Naroon pa rin…
IPINANGANAK KO ANG ISANG ANAK NA BABAE, AT SA LOOB NG 10 TAON AY TINALIKURAN KAMI NG PAMILYA NG ASAWA KO… NGAYONG SILA’Y TUMANDA AT NANGHINA, PINAPILI AKO NG ASAWA KO: PAUWIIN ANG SARILI KONG INA O TANGGAPIN SILA SA AMING BAHAY KINABUKASAN, BINUKSAN ANG PINTO… PERO WALA NA KAMI.
Patuloy ang pag-ugong ng makina ng truck habang palayo kami nang palayo sa dating bahay na minsang tinawag kong tahanan. Hindi ko alam kung saan eksaktong hahantong ang desisyong iyon, ngunit sa unang pagkakataon sa loob ng sampung taon, ang…
INIHATID NG BIYENAN KO ANG KANYANG SARILI SA HARAP NG BAHAY KO NA NAKA-WHEELCHAIR APATNAPUNG MILYON ANG IBINIGAY SA BUNSONG ANAK — NGAYON AKO ANG INAASAHANG MAG-ALAGA AT NANG MAGHARAP-HARAP KAMI SA HARAP NG GATE, ANONG KATOTOHANAN ANG LALANTAD?
…binuksan niya ang bibig upang magsalita, ngunit ilang segundo ring walang lumabas na salita. Tahimik ang buong kalye. Maging ang hangin ay tila tumigil upang makinig. Sa wakas ay napabuntong-hininga si Adrian, ibinaba ang tingin, at nagsalita nang hindi tumitingin…
End of content
No more pages to load