Mula Samar ang magkapatid na sina Gina at Manilyn. Magkasunod na anak at parehong nangarap makatulong sa pamilya. Ang kanilang mga magulang ay magsasaka at ang kinikita sa bukid ay sapat lamang para sa pagkain. Noong 2015, nagdesisyon silang mag-apply sa parehong recruitment agency. Umaasang makapagtatrabaho bilang domestic helper sa gitnang silangan.
Pagkatapos ng ilang linggong pagsasanay, nakatanggap silang pareho ngunit ipinadala sa magkaibang lungsod. Si Gina ay itinalaga sa Riyadh samantalang si Manilyn ay sa Jeda. Magaan ang loob nila noon. Magkalayuman magkasabay pa rin silang lalaban para sa pangarap. Ngunit ang pag-alis ay simula ng dahan-dahang pagguho ng pangarap na iyon.
Sa unang buwan pa lamang sa Riyadh, nagsimula ng maramdaman ni Gina ang kakaibang kilos ng kanyang amo. Sa tuwing gabi, matapos niyang maglinis ng bahay, maririnig niya ang marahang pagkatok sa pintuan ng kanyang kwarto. Nong una’y inakala niyang maipapagawa lang. Ngunit nang buksan niya ito, tumambad ang mapangahas na amo.
Mula roon, nagsimula ang mga gabi ng tahimik na pag-iyak at takot. Alam ito ng kanyang among babae, ngunit tila nagbubulag-bulagan lamang sa ginagawa ng kanyang asawa. Hindi niya kayang magsumbong. Ayon sa mga salaysay niya sa shelter, ilang beses siyang tinakot ng amo na hindi na siya makakauwi ng buhay sa Pilipinas kung siya ay magsusumbong.
Kinuha rin ang kanyang cellphone dahilan upang maputol ang komunikasyon kay Manelyyn at sa pamilya. Pinayagan lamang siyang humawak ng cellphone sa tuwing magpapadala ng sahod at nakabantay mismo ang kanyang amo sa tuwing gagawin niya ito. Nung gabi bago siya tumakas, sinubukan siyang muling pagmalupitan ng amo.
Ngunit sa pagkakataong iyon, nakakita siya ng tiansa. Habang tulog ang mag-asawang arabo, tumakas siya sa likod bahay. Dala lamang ang sirang cellphone at ang maliit na bag na naglalaman ng kanyang passport. Sa tulong ng isang Indonesian domestic worker na nakilala niya ilang araw bago iyon, nakarating siya sa Apolo OA shelter sa Jeda kung saan siya pansamantalang nanatili.
Habang pinapakinggan siya ng volunteer, itinala ng mga social worker ang kanyang salaysay. Sa bandang dulo ng report, isang linya ang naka-highlight. Si Gina ay mayroon ding kapatid na nagtatrabaho sa parehong bansa. Habang si Gina ay nakikipaglaban sa takot sa Riyadh sa kabilang dulo ng Saudi Arabia, isang tahimik na kalbaryo rin ang pinagdaraan.
ni Manelyn Lorente 28 anyos sa jeda. Ang bahay ng kanyang amo ay tila maayos sa paningin ng iba. Isang pamilyang kilala sa komunidad. Madalas magdasal at mag-imbita ng ibang mga panauhin sa kanilang bahay. Ngunit sa likod ng imaheng ito [musika] ay ang isa ring mapang-abusong mag-anak. Noong una, naging mabait sa kanya ang mag-asawang amo.
Binibigyan siya ng pagkain, may sariling kwarto at pinapayagan siyang makapagpahinga pagkatapos ng trabaho. Ngunit unti-unting nagbago ang lahat nang umuwi ang binatang anak ng kanyang amo, si Yuseph. 26 na taong gulang. Nagsimula ito sa mga titig sa mga salitang pilit niyang iniiwasan. Hanggang sa mga pagkakataong bigla itong susulpot sa likod ng pinto kapag naglilinis siya.
Tuwing gabi, naririnig niya ang mahinang yabag sa pasilyo. Ang pinto ng kanyang kwarto na marahang binubuksan. At ang pangahas na lalaki ay tatabi sa kanya at pipilitin siya sa isang bagay na hindi niya gustong gawin. Nagtangka siyang magsumbong sa among babae. Akala niya maririnig at maiintindihan siya.
Ngunit ang tinanggap niya ay hindi awa kundi pananakot. Sinermonan siya at pinagbintang nagsisinungaling. Sinabihan siyang kung magpapatuloy sa kasinungalingan, ipapakulong siya nito. Hindi rin siya pinayagang umalis. Sa halip, [musika] kinuha ang kanyang cellphone, ang kanyang passport at naging bantay sarado ang bawat kilos niya.
Mula noon, nagbago ang paraan ng kanyang pananahimik. Tuwing gabi, isinasara niya ng mabuti ang kanyang pinto. Ngunit tuwing umaga, may mga papel na iniipit sa ilalim nito. Mga drawing na malaswa. May mga salita sa Arabic na hindi niya lubos maintindihan ngunit sapat upang magpahiwatig ng pagnanasa. Ang mga papel na ito ay tinago niya sa ilalim ng kanyang kama.
Inisip na magagamit niya ito balang araw. Agosto 2016, nang ihatid niya ang anak ng kanyang amo sa eskwela, narinig niya ang mga kasambahay na nag-uusap. Isa sa kanila, isang Pinay. ang nagbanggit ng kwento ng isang kababayang tumakas mula sa Riyadh. Hindi niya kilala kung sino ito ngunit nagkaroon siya ng lakas ng loob at pag-asang makaalis sa poder ng kanyang amo.
Sa mga sumunod na gabi, nagpasya si Mann na tumakas. Wala na siyang pakialam kung walang maiuwing pera. Ang mahalaga sa kanya ay ang kanyang kaligtasan at makauwi sa Pilipinas. Gayun pa man, nang gabing magtangka siyang umalis sa bahay ng kanyang amo ay nahuli siya na lumalabas sa gate. Hinabol siya ng among lalaki at naabutan ito.
Nagdahilan si Manilyn na magtatapon lang na basura ngunit hindi siya pinaniwalaan ng amo. Sa halip, sinaktan siya at mas lalo pang pinaghigpitan. Naulit pa ang pang-aabuso sa kanya ng anak ng kanyang amo ng ilang ulit. Ilang araw matapos makatakas si Gina Lorente, nagpasya ang mga kinatawan ng embahada na hanapin ang kanyang kapatid na si Manilyn.
Sa loob ng tanggapan, isa sa mga staff ang agad nagsagawa ng verification sa agency record ngunit lumabas na walang updated contact address sa mga dokumento ni Manilyn. Dahil dito nagsimula ang paghahanap. Tahimik ngunit sistematiko. Tumawag sila sa lokal na agency counterpart sa Jedda. At sa tulong ng mga tagapamagitan, sinimulan ang pagpunta sa address ng employer na [musika] nakalista sa orihinal na kontrata.
Noong araw ng pagbisita, sinalubong ng amo ni Manilyn ang mga kinatawan ng embahad. Mariin itong itinanggi na may katulong na pilipina sa bahay. Ayon sa kanila, umalis daw ito ilang buwan na ang nakalipas. Ngunit napansin ng isang opisyal na tila nagsisinungaling ang amo. Sa isang silid sa likuran ng bahay, narinig nila ang paghingi ng tulong.
Nang buksan ang pinto, tumambad si Manilyn. Payat, maputla at halatang pinahirapan. May sariwang sugat sa braso at bakas ng pilat sa hita. Mabilis na kumilos ang mga aoridad. Sa tulong ng Saudi pulis, agad na inalis si Manilyn sa bahay ng amo at dinala sa ospital para sa medical examination. Lumabas sa ulat na may mga indikasyon ng panghahalay sa kanya.
Nang tuluyang makalabas ng ospital, dinala si Manelyn sa parehong shelter kung saan naroon si Gina. Sa unang pagkakataon, matapos ang halos isang taon, nagkita silang magkapatid. Tahimik ang unang sandali. Pareho silang umiiyak. Pareho ring walang masabi. Ang yakap na yon ang naging saksi sa parehong bangungot na pinagdaanan nila.
sa magkaibang siyudad sa kamay ng magkaibang amo ngunit may parehong sistema sa mga sumunod na araw parehong nagbigay ng affidavit of testimony ang magkapatid sa kanilang salaysay napansin ng mga staff ng embahada ang isang bagay pareho ang apelyido ng kanilang mga amo sa masusing verifikasyon na patunay na magpinsan pala ang mga employer ni Gina at ni Manny.
Ang parehong pamilya ay may dati ng reklamo mula sa kanilang dating mga kasambahay. Ngunit sa malamang dahil [musika] ay patuloy silang nakakakuha ng katulong mula sa mga agencies. Ang pagtuklas na iyon ang nagbukas ng pinto sa mas malawak na imbestigasyon. Sa tulong ng mga abogado ng embahada, inihanda ang coordinated complaint laban sa dalawang pamilyang arabo.
Idinagdag sa kaso ang negligence ng recruitment agency na patuloy na nagde-deploy ng mga domestic helper sa mga employer na may record ng pananakit at pang-aabuso. Sa loob ng shelter sa Jedda, unti-unting bumalik ang lakas nina Gina at Manelyyn Lorente. Sa bawat counseling session na isinasagawa ng mga social worker, isa-isang nailalabas ang mga detalyeng matagal nilang kinimkim sa kanilang mga sarili.
Ang mga councelor mula sa Polo O ay nag-ulat ng malinaw na pagkakahawig sa mga salaysay ng magkapatid. Sa mga dokumento ng embahada, tinawag itong systemic pattern of abuse. Pagkatapos ng masusing counseling at medical attention, nagkaroon ng repatriation ang magkapatid. Tinulungan sila ng pamahalaan na makauwi ng ligtas sa Pilipinas at pinangakuang ipagpapatuloy ang kanilang kaso at sisingilin ang mga taong nakagawa ng paglabag sa kanilang karapatan.
Habang umuusad ang imbestigasyon, pinauwi ang magkapatid sa kanilang probinsya sa Samar kung saan sila ay sinalubong ng kanilang pamilya at nagpasalamat sa kanilang kaligtasan. Dito patuloy silang binigyan ng counseling at suporta ng DSWD at OA. Hindi naging madali ang bawat araw. Maraming gabi na bigla na lang silang nagigising sa bangungot.
Mga tanawing bumabalik mula sa madilim na bahagi ng kanilang nakaraan. Ngunit sa bawat pagising, pinapaalalahan nila ang isa’t isa na tapos na ang lahat. Samantala, sa tulong ng mga abogado ng embahada at mga dokumentong isinumite nina Gina at Manilyn Lorente, tuluyang naisampa sa korte ng Saudi Arabia [musika] ang mga kasong panghahalay, physical assault at unlawful detention laban sa kanilang mga amo.
Ang mga ebidensyang nakalap, mga medical report at salaysay ng magkapatid ang naging matibay na haligi ng kaso. Maging ang mga papel na itinago ni Manilyn sa ilalim ng kanyang kama ay nagsilbing reinforcement sa mga ebidensya. Noong 2018, lumabas ang hatol sa desisyong isinapubliko sa pamamagitan ng korte sa Jedda.
Hinatulan ng [musika] life imprisonment ang mga among lalaki ni Gina at anak ng amo ni Manilyn. Samantala, binigyan ng hindi bababa sa sampung taon ang mga magulang at asawa na nakakaalam sa mga pangyayaring naganap ngunit walang ginawa para iligtas ang mga kasambahay. Ang parehong pamilya ay tuluyan ding pinagbawalan sa pagkuha ng mga foreign domestic helper.
Sa Pilipinas, sinampahan ng kaso ang recruitment agency na nagpadala sa magkapatid. Lumabas sa imbestigasyon ng POEA na may ilang beses ng reklamo laban sa parehong agency dahil sa pagbibigay ng mga kasambahay sa mga amo nang hindi tinitingnang maigi ang kanilang background. Bukod dito ay napakataas din ng hinihing placement fee at iba pang bayarin mula sa mga applikante matapos silang makakuha ng amo.
Dahil dito ipinataw ang cancellation of license, ipinasara ang opisina at kinasuhan ang may-ari. Ang mga dokumento ng agency ay ginamit din bilang ebidensya sa pagbuo ng blacklist ng mga employer at agency na may record ng pangaabuso. Lumipas ang ilang taon at tuluyang nakabangon mula sa masamang bangungot ang magkapatid. Sa tulong ng financial assistance na ibinigay ng gobyerno sa kanilang pamilya ay nakapagsimula sila ng negosyo at hindi na nila kailangan pang muling umalis at magtrabaho sa malayo ng walang kasiguruhan.
Naging mas matibay ang kanilang samahan. Hindi man madaling mabura ang mga ala-ala ng nakaraan ngunit nagsilbi itong leksyon para sa kanila upang mas maging matapang at matalino upang hindi na sila muling mabiktima ng mga taong may masamang intensyon. Dito na nagtatapos ang ating kaso ngayong araw ka-TBSA.
Maraming salamat sa patuloy na pagsubaybay at pagsuporta.