Có thể là hình ảnh về đám cưới



Ako si Liam. Sampung taon na ang nakararaan, pinalayas ako ng pamilya ko dahil pinili kong maging artist kaysa maging negosyante. Ang sabi ng tatay ko, wala daw akong kwenta at hindi ako kikita ng pera.

Pero nagkamali sila. Ang “sining” ko ay naging Digital Art at NFTs. Naging bilyonaryo ako sa Tech World sa ibang bansa nang hindi nila alam. Gumamit ako ng ibang pangalan.

Ngayon, bumalik ako para sa Annual Grand Gala ng Montemayor Group of Companies—ang kumpanya ng pamilya ko na ngayon ay nalulugi na at desperadong naghahanap ng Investor.

Pumasok ako sa ballroom. Nakasuot lang ako ng simpleng itim na suit. Walang mamahaling relo. Walang burloloy.

Agad akong namukaan ng Tatay kong si Don Alfonso.

“Security!” sigaw ni Don Alfonso. Hinawi niya ang mga bisita para harapin ako. “Anong ginagawa ng hampaslupang ‘to dito?! Ilabas niyo siya! This is not a place for beggars (Hindi ito lugar para sa mga pulubi)!“

Lumapit ang Nanay kong si Doña Miranda. Puno siya ng dyamante, pero ang ugali ay puno ng putik.

“Wait, Alfonso,” tawa ni Mama. “Hayaan mo siya. He needs to see how successful we are (Kailangan niyang makita kung gaano kami katagumpay). Tignan mo siya, mukhang gutom. Baka nandito lang para makikain ng lechon.”

Nagtawanan ang mga empleyado at Board Members para sumipsip sa kanila.

Biglang lumapit ang kapatid kong si Bella. Hawak niya ang isang baso ng mamahaling Red Wine.

“Hi, Kuya Liam,” ngisi ni Bella. “Nauuhaw ka ba? Heto oh.”

Sa harap ng daan-daang bisita, ibinandera ni Bella ang baso at ibinuhos ang alak sa ulo ko.

SPLASH.

Tumulo ang mapulang alak sa mukha ko, sa puting polo ko, at sa sapatos ko.

“Oops,” tawa ni Bella. “Sorry, nadulas ako. Pero okay lang ‘yan, sanay naman sa dumi ang mga loser na katulad mo, diba?”

Nagpalakpakan ang mga tao. Akala nila, isa itong palabas. Hinihintay nilang umiyak ako. Hinihintay nilang lumaban ako para ipakalastadkad nila ako sa guards.

Pero kalmado lang ako. Kumuha ako ng panyo at pinunasan ang mukha ko.

Tumingin ako sa relo ko. 8:00 PM.

“Enjoying the show?” tanong ko nang mahinahon.

“Get out!” sigaw ni Don Alfonso. “Nasusuka ako sa pagmumukha mo!”

Biglang namatay ang mga ilaw. Bumukas ang malaking LED Screen sa stage. Oras na para sa Main Announcement.

Ang Emcee ay nagsalita sa microphone.

“Ladies and Gentlemen, please welcome the NEW OWNER of Montemayor Group of Companies, who just bought 100% of the stocks via a hostility takeover an hour ago… The CEO of Helios Tech…”

Ngumiti si Don Alfonso. “Helios Tech? ‘Yan ang American Company na bumili satin! Siguradong mayaman ‘yan! Aakyat ako sa stage para kamayan siya!”

Inayos ni Don Alfonso ang coat niya. Inayos ni Bella ang buhok niya. Handa na silang sumipsip sa bagong may-ari.

“Please welcome… MR. LIAM MONTEMAYOR!“

Nanlaki ang mata ni Don Alfonso. Napatigil si Bella. Nalaglag ang baso ni Doña Miranda.

Bumukas ang spotlight. At tumama ito… sa akin.

Sa akin na basang-basa ng alak.

Naglakad ako paakyat ng stage. Ang mga Security Guards na dapat ay magpapalabas sa akin ay yumuko at nagbigay-pugay.

Kinuha ko ang mic.

“Good evening,” bati ko. Ang boses ko ay umalingawngaw sa tahimik na ballroom.

“Dad,” baling ko kay Don Alfonso na namumutla sa ibaba ng stage. “Tama ka. This is not a place for beggars. Kaya kailangan niyo nang umalis.”

“Mom,” tingin ko kay Mama. “Nakita mo na kung gaano ako ka-successful? Nabili ko ang kumpanya niyo gamit ang barya ko lang.”

At tumingin ako kay Bella.

Ielskievlog

“Bella, yung wine na binuhos mo? That was a Château Margaux 2015. Nagkakahalaga ‘yun ng $2,000. Dahil ako na ang may-ari ng lahat ng assets dito, kabilang ang alak na ‘yun… ibabawas ko ‘yun sa separation pay mo.”

“Because as of 8:05 PM… YOU ARE ALL FIRED.”

“Lahat kayo. Walang matitira. Ang bahay, ang kumpanya, ang mga kotse… lahat ‘yan nakapangalan na sa kumpanya ko. At dahil tinanggal ko na kayo, wala kayong karapatang gumamit ng kahit ano.”

“Security!” tawag ko. “Please escort these trespassers out.”

“Liam! Anak!” sigaw ni Don Alfonso, tumatakbo palapit sa stage. “Anak! Nagbibiro lang kami kanina! Proud kami sa’yo!”

“Kuya! Sorry na!” iyak ni Bella, na kanina lang ay nagbuhos ng alak sa akin. “Wala akong matutuluyan! Buntis ako!”

“L-Liam…” makaawa ni Mama. “Pamilya tayo…”

Tinitigan ko sila mula sa itaas.

“Ang pamilya, hindi tinatapon ang kadugo nila,” sagot ko. “Ang pamilya, hindi binubuhusan ng alak ang kapatid nila.”

Seninyasan ko ang mga guards.

Kinaladkad sila palabas ng ballroom habang nagpupumiglas at umiiyak. Kitang-kita ng lahat ng business partners nila kung paano sila naging pulubi sa loob lang ng 30 minuto.

Kumuha ako ng bagong baso ng champagne. Tinaas ko ito sa ere.

“To success,” bulong ko sa sarili ko.

Ininom ko ang alak, at sa pagkakataong ito, ang lasa ay hindi mapait… ito ay lasa ng katarungan