Si Clarita, 12 years old. masiyahing bata, maagang naulila sa magulang. Nakatira siya sa puder ng Kapatid ng kaniyang ina. Sa Tiyo Armando niya. Madalas siyang pagbuhatan ng kamay ng tiyo at kinakasama nitong babae sa bahay.
Siya ang gumagawa ng lahat ng gawaing bahay, pagluluto, paglalaba at madalas sa kalsada namamalimos para may maiabot sa kaniyang abusadong tiyuhin.
( Tiyo Armando ) galit na naman
“ Hoy Clarita! halika nga ritong bata ka! bakit namumuti itong pantalon ko ha? di ba sinabi ko sa’yo ibuko mo lang ng laba itong mga pantalon ko? nahalo mo sa mga puti kaya nagkupasan. Buwiset ka talagang bata ka! ” Galit itong hinampas Hampas ng palad ang likod ni Clarita.
( Clarita )
“ Aray ko po tiyo. Si tita Janet naman po ang nagsama niyan sa mga puti. pagbalik ko po nakapatong na ito sa mga puti eh.” paliwanag ng bata habang nasasaktan sa pagkakapalo sa kaniya ng tiyuhin.
( Janet )
“ Hoy Anong ako, ikaw lang itong maglalaba tapos ako sisisihin mo! nako Arman pagsabihan mo ‘yang pamangkin mo. Ha baka kung ano magawa ko jn.”
Minsan kahit Wala naman siyang ginagawang mali o Wala nmn talaga ay madalas pa ring pag initan siya ng kinakasama ng Tito Arman Niya. Gumagawa ito ng paraan na isisisi nito sa kaniya. Gaya ng sasadyain nitong lakasan ang gasul para masunog Ang sinaing habang abala sa ibang gawain si Clarita.
Sa kalsada ay inaabot pa nga si Clarita sa panlilimos, at pagbebenta ng sampaguita sa mga simbahan.
( Clarita )
“ Ate palimos po, kahit magkano lang, pang bili lang ng pagkain. Kuya palimos po. ”
( Babae 1 )
“ Asan ba mga magulang ng mga batang ito, dapat nasa school ang mga tulad mo at hindi sa kalsada. Luma na yang style niyo iha. puro ganyan dahilan ng mga pulubing tulad mo. Lumayo ka nga sa harap ng tindahan ko baka malasin eh.”
Madalas ang ganitong sinaryo sa daan sa tuwing namamalimos siya. laging may masasakit na mga salita ang kaniyang natatanggap mula sa mapang husgang lipunan.
Ngunit sa kabila ng kalungkutan ay may mga kaibigan naman si Clarita. sila Noknok at Ana. mga kapwa niya batang nagtitinda din ng sampaguita o namamalimos.
( Noknok )
“ Oh nakaubos ka na ng tinda mo Clarita?” tanong nito.
( Ana )
“ Kumusta, mukhang paldo ka na ah. ” dagdag naman ni Ana.
( Clarita )
“ Paldo sana kung sa Alkansya ko lang mapupunta eh hindi eh, sa pinto pa lang ng bahay kapkapan na ako ng tiyuhin ko.” paliwanag niya sa mga kaibigan. ”
( Ana )
“ Bakit Kasi Hindi ka na lang lumayas sa puder ng Tito mo. sumama ka sa amin, masaya rin kaya matulog sa gilid gilid ng kalsada. may hide out din kami sa ilalim ng Tulay. Pwede rin tayo sa imbakan ng mga luma at sira-sirang bus. ”
( Clarita )
“ Hindi ko alam, si Tito Arman na lang kasi ang kilala kong kamag anak. Isa pa ayokong iwan ang bahay namin. Baka angkinin na ng bruha niyang girlfriend. ”
Ang bahay na iniwan sa kaniya ng kaniyang mga magulang, pinag hirapan itong bilhin at itayo ngunit kalahti ng lupa ay ibinenta na ng tiyuhin niya para sa pagpapalibing sa mga mama niya. Ang bahay ay inangkin na din ng tiyuhin niya at wala rin itong pakialam kung lumayas man si Clarita sa bahay na iyun.
Nang makauwi si Clarita ay gaya ng dati, inabangan siya ng abusadong tiyuhin at hiningi sa kaniya ang perang naipon Niya sa mag hapong pamamalimos at pagbebenta ng sampaguita. Ngunit hindi niya ibinigay ng buo. Itinago niya ito sa gilid ng kalsada tinakpan ng damo.
Nagalit ang tiyuhin niya ng malamang maliit na halaga lang ang kinita niya kaya naman pinagbuhatan ulit siya nito at ikinulong sa kwarto. Hindi pinakain ng magdamag. Samantalang ipinambilinlang ng alak ang kinita ni Clarita.
Sa puntong iyun ay nakapag desisyon na si Clarita na lumayas na sa kanilang bahay. Inilagay niya sa kaniyang bag ang mga damit at litrato ng kaniyang Nanay at tatay, hinulog na niya ito sa bintana sa labas. Kinabukasan nang pagkatapos niyang maglinis ng buong bahay ay nagpaalam na siyang mamalimos. Yun din ang araw na Hindi na siya babalik pa sa puder ng tiyuhin.
Dala Ang bag, sumama na nga siya sa kaniyang mga kaibigan. Sa imbakan nga sila ng mga luma at sira-sirang bus natulog. Kumain at nagkwentuhan. Nang mga oras na ‘yun, Masayang masaya si Clarita Kasama ang mga kaibigan. Pakiramdam Niya ay nakalaya siya sa madilim na kulungan.
Isang araw sa kanilang pamamalimos, hindi niya sinasadyang mabunggo ang isang batang babae na kasalukuyang tumatakbo na tila may tinatakasan. Naka sumbrero ito, naka facemask, kasinglaki Niya lang.
nabitwan nito ang kwintas na hawak.
“ Sorry, ayos ka lang?” Tanong niya rito ngunit hindi na rin siya pinansin nito nang mapansin papalit na ang mga lalaking humahabol dito.
“Teka bata! yung kwintas mo nahulog.” sigaw nito.
Nang makalapit ang mga lalaki ay nakita siya ng mga ito, at napagkamalang siya ang batang hinahabol nila. Tinawag siya ng Isa sa mga lalaki na Prinsesa.
( Pakundo )
“ Prinsesa Brianna. pakiusap huwag mo na po kaming pahabulin pa, alam niyo naman pong matanda na ako.” hinihingal pang wika ng nangunguna sa mga lalaki.
( Clarita )
“ Po? t-teka lang po manong. Nagkakamali po ata kayo. Hindi po ako yung tinutukoy niyo.”. Paliwanag niya ngunit hindi binigyan ng pagkakataon magpaliwanag.
Inutusan ni Pakundo ang Isa sa mga lalaking kasama na buhatin ang inaakala nilang Prinsesa. Nakita ng mga kaibigan niya na binuhat siya at isinakay sa magarang sasakyan pang mayaman.
( Noknok )
“T-teka, kaibigan namin ‘yan. Saan niyo siya dadalhin?” sigaw niya.
( Ana )
“ Clarita! bitawan niyo siya!” humahabol na sigaw.
Wala rin silang nagawa pa, kung hindi panoorin lang na makalayo ang mga lalaki sakay ng tatlong kotse kasama nga ang kaibigan nilang si Clarita.
Sa likod ng malaking poste ng kuryente ay nanonood naman ang tunay na Prinsesa Brianna. Nagtataka ito kung bakit inaakala ng mga tauhan ng kaniyang Lolo ang batang nakabangga sa kaniya bilang siya. Sinubukan niyang makipag kita sa dalawang kaibigan ni Clarita.
Nang makita siya nila Noknok at Ana ay hindi ito makapaniwalang may kamuka si Clarita.
( Noknok )
“ Sino ka? b-bakit kamukhang- kamuka mo ang kaibigan namin?”
( Ana )
“ Imposibleng ikaw si Clarita dahil kakakita lang namin sa kaniya na inilayo ng mga lalaki sakay ng kotse.”
( Brianna )
“ Ako si Brianna, sorry hindi ko rin alam, pati ako naguguluhan rin. Bakit inakala nilang ako siya? ”
Sa Ponciello Hacienda, paulit-ulit na pinapaliwanag ni Clarita na hindi siya ang batang hinahanap nila na nagkamali sila ng batang iniuwi. Ngunit hindi kumbinsido si Don Ponciello dahil sa kilala nilang may pagka pilya si Prinsesa Brianna.
Wala na ang mga magulang ni Brianna tulad ni Clarita. Nasawi ang mga ito sa gitna ng karagatan, nang magkaroon ng pagsabog sa barkong sinasakyan nila at hindi na nga natagpuan pa.
Himalang nakaligtas sa trahedya ang Dalawang sanggol na babae na nakalagay sa loob ng dalawang Basket. Nagkahiwalay ang dalawang basket Ang isa ay napadpad sa daungan ng barko sa Manila. At ang isa naman ay natagpuan ng mga rescuer at ibinalik kay Don Ponciello.
Hindi alam ni Don Ponciello na may kambal na anak noon ang kaniyang anak na lalaki na si Ronaldo. Pabalik pa lang sana ng Palawan si Ronaldo kasama ang babaeng minamahal at dalawang kambal na anak upang opisyal na ipakilala sana kaniya.
( Don Ponciello )
“ Apo, iha! tama itong kalokohan mo. Simula ngayon magdagdag ako ng mga tauhan na magbabantay sayo. Lilimitahan ko ang paglabas mo ng hasiyenda.” Saad ni Don Ponciello.
( Clarita )
“ Mawalang galang na po. pero hindi po talaga ako si Brianna na hinahanap niyo. Iuwi niyo na po ako sa amin pakiusap.” nagmamakaawang wika ng batang si Clarita.
Ngunit hindi pa rin naniniwala si Don Ponciello dahil sa suot-suot ni Clarita ang kwintas ni Brianna. Ilang araw ding nanatili si Clarita sa Hacienda kasama ang Lolo ni Brianna. Hindi siya sanay sa buhay na marangya. Lahat ng pagkaing noon ay ini-imagine niya lang ay nasa harapan niya. Buhay na may utusang katulong, at Malaya siyang makapag laro sa malaki at malawak niyan playground.
Si Brianna ay sinusubukan namang mabuhay kasama ng dalawang kaibigan ni Clarita sa kalsada. Namalimos, at nagtinda ng sampaguita. Ngunit dahil sa nasanay sa buhay marangya si Brianna at sa mga pagkaing pang mayaman ay hindi tinatanggap ng sikmura niya ang mga tiratirang pagkain na madalas koleltahin nila Noknok at Ana para lang maka survive. Minsan kahit pa nga lugaw ay hindi rin siya sanay na kainin ito.
Isang gabi dahil sa pagtitiis niya na hindi kumain ay sumakit ang kaniyang tiyan, nilagnat siya kaya naman naiwan lang siyang nagpapahinga sa loob ng lumang bus.
Umiiyak siyang nami miss ang Lolo Ponciello niya pati mga katulong nilang madalas niyang nakakakwentuhan.
Nang bumalik sila Noknok at Ana, may dala silang gamot para sa kaniya at isang supot ng burger at gatas na nasa bote. Nagpasalamat naman si Brianna sa dalawa sa tulong ng mga ito.
Napansin nila ang kaliwang balikat ni Brianna na may kaparehong peklat na hugis puso kay Clarita. Sa kanang balikat naman ni Clarita nakalagay ang peklat nito.
( Noknok )
“ Teka, may balàt ka din sa balikat? hindi kaya kambal talaga kayo ng kaibigan naming si Clarita? may balàt din Kasi siya sa kanang balikat naman.” pagtatakang sabi nito.
( Ana )
“ Pero bakit magkaiba sila ng magulang? ”
( Brianna )
“Pero walang sinabi sa akin si Lolo na may kambal ako. Ang kwento Niya lang ay maagang namatay ang mga magulang ko sa trahedya sa gitna ng karagatan. Ako lang daw ang nakaligtas.”
Sa Ponciello Hacienda naman ay napansin din ng Lolo ni Brianna na nasa kanang braso ang balàt ng apo at hindi sa kaliwa ngunit parehong hugis puso ito. Kaya naman tinanong niya kung nagsasabi ba ng totoo ang bata na hindi siya si Brianna.
( Don Ponciello )
“ Sabihin mo totoo bang hindi ikaw ang aking apo?”
( Clarita )
“ Sinabi ko naman po sa inyo na hindi nga po ako ang tinatawag niyong Brianna. Ako po si Clarita. Pero alam ko po kung saan siya mahahanap. Noong araw po kasing namamalimos ako ay may nakabunggo sa akin na tumatakbong batang babae din. naka sumbrero at facemask pero alam kong babae siya. Naiwan Niya po itong kwintas at napulot ko. ” paliwanag ni Clarita.
Naguguluhan naman si Don Ponciello dahil sa Malaki ang pagkakapero ng batang inakala niyang apo at sa apo niyang si Brianna. kaya naman naisip niyang isama si Clarita para Hanapin si Brianna.
Nagpunta sila sa Hide out kung saan naroon si Brianna masayang nakikipag kwentuhan sa mga kaibigan ni Clarita. Natulala at kapwa hindi makapaniwala sila Brianna at Clarita sa malaking pagkakapareho nilang dalawa. Para silang pinagbiak na bukod sa sobrang pagkakahawig ng mukha nila.
Maging sila Don Ponciello at dalawang kaibigan ni Clarita ay hindi rin makapaniwala sa nangyayaring eksena. Iniuwi ni Don Ponciello si Brianna kasama si Clarita at dalawang kaibigan nitong si Noknok at Ana. Ipina DNA test ni Don Ponciello ang dalawang bata at positive ang lumabas sa Resulta. Sila ay isang daang pursiyentong magkapatid.
Ipina imbistiga ni Don Ponciello sa magaling niyang abugado ang naging buhay noon ng anak niyang lalaki.
Nalaman nga niyang nagkaroon ito ng kasintahan at dalawang anak na babae. Na noong mga panahong pabalik na ng probinsya nila ay nagkaroon ng trahedya sa barkong sinasakyan ng mga ito. Ang dalawang sanggol ay magkahiwalay na nasa basket at Ang isa ay inanod papuntang Pang pang sa Tondo Manila. At Isa ay mapalad na nasagip ng mga rumispundeng rescuer.
Masayang malaman na ni Don Ponciello na kasama na niya ang dalawang apo niya. Sa loob ng labing dalawang taon na nahiwalay at nabuhay sa mala impiyernong buhay ang isa pang apo. Babawi siya at ibinigay ang pagmamahal, pag aalaga at pangarap na masayang pamilya kay Clarita.
( Brianna )
“ Masayang masaya ako dahil may kakambal pala Ako. Noong time na lumayas ako siguro plano iyun ni Lord para mahanap at makilala kita Clarita. ”. masayang wika ni Brianna.
( Clarita )
“ Ako din walang mapag lagyan ang kaligayahan ko. Dahil nakilala ko na ang totoong pamilya ko. Noon ko pa alam na ampon ako ng nagpalaki sa akin pero minahal nila Ako. Kaya lang maaga silang kinuha sa akin ni Lord bago ko pa malaman lahat ng mga Tanong sa isip ko. Pero totoo ngang may Dios. Dahil gabi-gabi akong nanalangin na mahanap ko ang tunay kong pamilya. Medyo malungkot ako dahil hindi ko nakilala ang mga magulang natin. ”
( Brianna )
“ Ako rin naman hindi ko sila nakilala, pero mahalaga ngayon, may Lolo pa tayo at nasa maayos tayong buhay. Mababait ang lahat ng tao dito. Ako lang talaga ang pasaway. Gusto kasing makita ang mundo sa labas ng Hacienda. Kung di ko siguro hinangad lumabas baka hindi kita nakilala. ”
( Don Ponciello )
“ Simula ngayon, lagi na tayong magkakasama, dito ko na din patitirahin ang mga kaibigan mo Clarita apo. Ang lahat ng natatanaw niyo sa paligid ay pagmamay Ari niyo na. ”
Ang dating Pulubi, malungkuting si Clarita ay punong-puno na ng pangarap at pag asa kasama ang mga mahal sa buhay.
DON’T FORGET TO FOLLOW THIS PAGE FOR MORE EXCITING STORIES THANK YOU

