AFTER 1 HOUR SA PCSO MAIN OFFICE.



Nakangisi si Gary habang nasa counter. Inabot niya ang ticket sa Teller.

“Good morning, Miss,” mayabang na sabi ni Gary. “Pakibigay na ang cheke ko. P150 Million. Rush.”

Kinuha ng Teller ang ticket. Chineck sa computer.

Kumunot ang noo ng Teller. “Sir? Talo po kayo. Wala pong tumama kahit isang number.”

Tumawa si Gary. “Miss, baka sira ang computer niyo. Tignan mo ‘to!”

Inilabas ni Gary ang Dyaryo na may mantika ng tinapa. “Ayan oh! Nasa dyaryo! 08-15-24-03-11-42! Panalo ako!”

Tinignan ng Teller ang dyaryo. Inamoy.

“Sir… bakit amoy usok ‘to? At saka Sir…” itinuro ng Teller ang Petsa sa taas ng dyaryo.

“Sir, tignan niyo po ang date ng dyaryo.”

Tinignan ni Gary.

DATE: DECEMBER 26, 2024.

Napakurap si Gary. Tinignan niya ang kalendaryo sa dingding.

TODAY IS: DECEMBER 26, 2025.

“S-Sir…” pigil-tawang sabi ng Teller. “Lumang dyaryo po ‘yan. Isang taon na ang nakalilipas nung lumabas ang result na ‘yan. Pinambalot lang po yata sa tinapa ‘yan eh.”

Nalaglag ang panga ni Gary. Nanlamig ang buong katawan niya. Umiikot ang paningin niya.

Ang akala niyang P150 Million… ay News of the Past pala.

“H-Hindi… HINDI PWEDE ‘TO!!!” sigaw ni Gary. “NAG-RESIGN NA AKO!!! MINURA KO NA ANG BOSS KO!!!”

Hinimatay si Gary sa sahig ng PCSO.



AFTER 3 HOURS…

Bumukas ang pinto ng Conference Room sa opisina.

Dahan-dahang pumasok si Gary. Wala na ang shades. Wala na ang megaphone. Naka-yuko.

Nakatingin sa kanya si Sir Tirso at ang mga katrabaho niya.

“Oh?” mataray na sabi ni Sir Tirso. “Buhay ka pa pala? Kala ko ba bibilhin mo na ang kumpanya?”

Lumapit si Gary kay Sir Tirso. Nanginginig ang tuhod.

“H-Hehe… Sir…” pilit na ngiti ni Gary. “It’s a PRANK! Welcome to my Vlog! Ha-Ha-Ha! Nakakatawa diba? Social Experiment lang po ‘yun Sir para i-test ang patience niyo. Ang galing niyo Sir! The best boss ever!”

Tumaas ang kilay ni Sir Tirso. “Talaga? Prank? Yung sinabi mong mukha akong penoy?”

“Joke lang ‘yun Sir! Ang gwapo niyo kaya! Parang Vin Diesel!”

“Guard!” sigaw ni Sir Tirso. “Ilabas ang Vlogger na ‘to! At siguraduhin mong hindi na makakatapak dito kahit kailan!”

Kaladkad ng guard si Gary palabas.

“Sir! Sorry na Sir! Kahit janitor na lang! Kahit taga-timpla ng kape! Sir!!!”



Sa huli, walang P150 Million si Gary. Ang meron lang siya: Isang malutong na Termination Letter at isang supot ng tira-tirang tinapa na siya na lang ang kakain dahil wala na siyang pambili ng bigas.