Tawagin niyo na lang akong V, 31 years old.
Kung makikita niyo ako sa labas, iisipin niyo siguro na madali ang buhay ko. Maayos manamit, laging nakaayos ang buhok, confident maglakad. Sabi nga ng iba, mukha raw akong nag-audition sa commercial ng bangko.
Pero sa likod ng salamin ng counter, isa lang akong anak na gustong maiahon ang pamilya.
Apat na taon akong bank teller sa isang kilalang bangko noon. Hindi ko na babanggitin kung anong bank ito. Okay naman ang work ko, napagkakasya ko naman yung sahod ko.
Hanggang nung nag 3yrs na ako sa work. May nakilala ako. Tawagin natin siyang Mr. Car.
58 years old. Mukhang mayaman at disente manamit.
Yung lalaking hindi na kailangang magpakilala dahil alam mong may narating na sa buhay.
Regular client siya. Laging may dalang passbook.
At laging malalaki ang deposit. Minsan milyon pa kada hulog. Nasilip ko minsan ang balance niya umaabot ng halos 100M.
May mga negosyo ata siya. May car show pa. Yung iba kong ka-work kilala siya e.. May pamilya at may apat na anak.
At laging… sa lane ko napupunta.
One year yun na halos timing talaga na sa lane ko siya napupunta. Hindi ko nga alam kung tadhana yun.
One time, habang inaabot ko ang passbook niya, napatingin siya sa name plate ko.
“Ano full name mo Miss?” tanong niya.
Nag-alangan pa akong sabihin sa kanya. Pero senior client siya. Wala namang masama. Sinabi ko yung full name ko.
Kinagabihan nun, may nag-add sa akin sa Facebook. Dummy account. May profile naman pero sasakyan lang at ramdam ko kung sino yung nag-add sakin.
Inaccept ko agad yung friend request niya.
Pagka-accept ko palang may message na agad akong nareceive.
Hindi ako sumagot.
Sumunod na message niya.
“Mr. Car pala, yung kumuha ng full name mo sa bank.”
Hindi ko siya masyadong pinapansin dahil alam kong may family na siya. Baka maging issue pa sa work namin. Pero nirereplyan ko naman siya pag may tinatanong siyang importante. Hanggang sa na-feel ko na magaan naman siyang kausap.
1month kaming nag-uusap before.
Hanggang sa may nabanggit siya sakin.
“I can give you 100,000 a month. Kung gusto mong maging girlfriend ko. Alam kong matalino ka alam mo na ang ibig kong sabihin.”
Hindi ko alam ang irereply ko sa kanya nung sabihin niya yun sakin. Alam kong may pamilya si Mr. Car at ayokong maging kabit. Hindi ako yung babaeng nabibili lang ng 100k.
Ang ginawa ko blinock ko siya.
Akala ko nga end na yun ng story namin.
Pero may mga pagkakataon talagang susubukin ka ng buhay sa oras na mahina ka.
Ilang linggo ang lumipas. Paulit-ulit parin siyang natatapat sa counter ko pag nagdedeposit. Tahimik lang naman siya na tumititig sakin. Walang banggit tungkol sa message, parang walang nangyari.
At sa parehong panahong iyon,
Na-diagnose ang mama ko ng cyst at kailangan siyang operahan. Agad-agad. Kailangan namin ng 80k nun dahil private hospital si Mama. Kulang ang ipon ko nun at College Student palang ang mga kapatid ko..
Ayaw ko namang mag-loan.
Hindi ako makahingi sa iba. Wala rin kaming kamag-anak na kayang sumalo ng bill.
Sumagi sa isip ko yung offer ni Mr. Car.
In-unblock ko siya. Hindi dahil gusto kong maging girlfriend niya.
Kundi dahil wala na akong ibang matakbuhan. Kailangan ko ng pera.
Chinat ko siya.
“Kailan pwede mag-start?”
Wala pang 5mins, nagreply siya agad.
“Now.”
Nagkita kami sa isang condo sa Makati. Maganda at malawak yung condo niya, ano pa ba ang aasahan mayaman siya. Malayo sa bangko na pinagwoworkan ko yung condo niya. Malayo sa mga ibang kakilala ko.
Binigay niya ang unang bayad 50,000.
Ginamit ko iyon para sa ospital bill ni Mama.
Doon na nagsimula ang secret relationship namin. Walang public appearances. Walang social media. Hindi naman talaga pwede dahil isa lang akong kabit na babae.
Pero habang tumatagal ang relationship namin, mas napapamahal na ako sa kanya.
Hindi siya bastos at hindi siya mar4h4s. Nakikinig siya kapag pagod ako. Nagtatanong kung kumain na ba ako. May mga gabing nagkukuwento siya tungkol sa mga anak niya, kung paano siya naging mahigpit na ama. Sinabi niya rin sakin na hindi sila nakakaintindihan ng asawa niya 3yrs ago pa.
Minsan, napatanong pa ako sakanya,
“Mahal niyo pa ba ang asawa niyo?”
Hindi siya sumagot agad.
“May mga relasyon na hindi na masaya, pero hindi mo na kayang bitawan.”
Naisip ko, siguro ako yung babaeng pahinga niya.
Umabot ang relationship namin ng dalawang taon.
Nakaipon ako dahil sa kanya. Naipagamot ko si Mama. Nakabili ako ng kotse ko. Nakapag-invest ako ng lupa.
Pero sa gitna ng lahat ng iyon, hindi ko namalayang nahulog na ako sa kanya.
Alam kong mali. Alam kong may pamilya siyang uuwian. Pero sa bawat yakap niya, pakiramdam ko ako ang pinipili niya kahit sandali lang.
Nagdesisyon akong mag-resign sa bangko. Ayokong may makapansin sa maling ginagawa ko.
Akala ko tuloy-tuloy na ang buhay na pinili ko.
Limang buwan matapos akong mag-resign, nagkasakit si Mr. Car..
Sinubukan kong puntahan ang ospital kung nasaan siya. Pero hindi ako makapasok dahil bantay sarado ang family niya. Nandoon ang asawa. Nandoon ang mga anak.
Hindi ako makaiyak nang malakas, dahil isa lang naman akong kabit.
Doon ko naramdaman kung gaano ako kaliit sa mundo niya.
Ilang linggo siya sa ospital pero hindi na niya nakayanan. Tinanong ko sa isang Nurse kung kamusta yung patient kung nasaan si Mr. Car, ang sabi nila wala na daw siya.
Wala akong karapatang umiyak dahil alam kong hindi naman ako ang legal na asawa. Pero kahit kabit lang ako, minahal ko siya.
Kaya pala nung huling pagkikita namin. Parang nagpapaalam na siya sakin.
Binigyan niya pa ako ng 3M cash.
Yes tatlong milyong piso.
Nanginginig pa ako na kunin yun dahil malaking halaga yun. Sa isip ko, kung dito mababago ang buhay ko tatanggapin ko.
Ilang oras akong umiyak sa loob ng kotse ko hindi dahil sa pera… kundi dahil sa taong hindi ko man lang nahawakan sa huling sandali.
Akala ko pera na ang huli niyang iiwan sakin.
Hindi pala.
Nalaman ko din na buntis ako ngayon.
Pero hindi ko ginulo ang pamilya niya.
Tahimik kong bubuhayin ang batang ito.
Hindi ako perfect na babae. Hindi rin ako inosente.
Sa huli, ang iniwan niya sa akin ay hindi lang milyon.
Kundi isang pusong tumitibok sa loob ko.
At habang kaya ko pang mag-isa,
hindi ko kailanman ipagpapalit ang batang ito kahit kanino.
Hindi ko ito ginusto pero hindi ko rin ito pinagsisisihan.