“Mga walang hiya kayo!? hayop kang babae ka! malandi ka!…alam mo naman siguro na may pamilya na yang inaahas mo.” Galit na bungad ng asawa kong si Amanda ng mahuli kami ng kalaguyo kong si Dona sa isang kwarto sa hotel.

Pinagsasampal ng asawa ko si Dona at hindi tinigilan ang pagsabunot sa buhok nito dahil sa sobrang galit.

“Amanda tama na! ano ba!” sigaw ko sa asawa ko para tumigil ito.

“Kinakampihan mo pa talaga ang kabit mo Nardo hah mga walang hiya kayo. Hinding hindi ko kayo mapapatawad na dalawa sa ginawa niyong panloloko sa akin. Tandaan mo ito Nardo lalong lalo ka na malanding babae! isinusumpa ko ang araw na ‘to. Hinding hindi kayo magiging masaya sa buong buhay niyo! tandaan niyo yan!” galit na pagbabanta ng asawa ko sa amin ng kalaguyo ko.

Magandang araw sa mga masusugid na tagapakinig namin na si sir Jacks. Palagi po akong nakikinig ng mga kwentong kababalaghan sa YouTube at isa nga po ang inyong channel sa paburito ko at lagi kong inaabangan dahil sa ang gaganda po talaga ng mga ibinabahaging kwento ng mga sumusuporta po sa inyo sir Jacks. Kaya naman naisip ko rin pong maglakas loob na ibahagi rin ang aking karanasan sa buhay. Tunay pong karanasan.

Sir Jacks kung maari po sana ay itago niyo na lang po ang aking pagkakakilanlan sa pangalang Nardo Iniba ko rin po ang pangalan ng mga tauhan sa aking kwento para na din po sa pribasidad namin. Ang aking pong ibabahaging kwento ay patungkol sa paghihiganti ng aking asawa sa ginawa kong pagtataksil sa kaniya.

Alam ko pong maraming magtataas ng kilay na mga tagapakinig mo sa kwento ko. Ngunit tao lang din naman po ako sir Jacks at likas na po talaga sa tao ang paggawa ng kasalanan ‘di po ba?

Taong Siyam na libo’ siyam nadaan siyam napo’t walong taon na ang nakakaraan. Bayan ng Leyte.

Akin po munang sisimulan ang aking pagkukwento sa kung paano kami nagkakilala ng nobya kong si Amanda.

Nakilala ko noon ang dalagang si Amanda dito sa Manila sir Jacks. Namamasukan siya noon bilang katulong at ang trabaho ko naman noon ay isang konstraksyon worker sa katapat na bahay na ipinapagawa ng amo namin.

Palaging nagtatagpo pa noon ang mga mata namin na hindi sinasadyang magkatinginan kaming dalawa at kapag lalabas siya ng bahay nila para magtapon ng basura o kaya naman ay magwawalis ng harapan ng bahay na pinagsisilbhan niya ay nagkaka usap kaming dalawa.

Maganda po tlga si Amanda mula noong dalaga siya at hindi sa pagyayabang sir Jacks ay gwapo po talaga ako nung pagbibinata ko dahil maraming nagkakagusto sa akin pero tanging si Amanda lang ang natitipuhan ko at sineryoso kong dalaga.

Nilagawan ko noon si Amanda at tumagal ang panliligaw ko ng halos dalawang buwan lang naman bago ko siya na pasagot ng Oo.

Nang maging kami ni Amanda ay napag pasiyahan naming magbakasiyon noon sa probinsya nila sa siqiuor. Bali balita na dati pa ang usap-usapan na sa probinsya nga raw ng siqiuor ay maraming mga mangbabarang o mga bihasa sa pangkukulam. Hindi ko naman binigyan ng pansin ang mga kwento-kwento na ‘yun dahil ang tanging sinadya ko nung nagbakasyon kami ni Amanda ay maipakilala na ako ni Amanda sa mga magulang nito.

Unang kita pa nga lang daw sa akin ng mama ni Amanda sir Jacks ay hindi na ako gusto nito para kay Amanda. Nag wika pa nga ito na hindi daw magiging maganda ang sasapiting kapalaran ni Amanda sa akin kapag nagsama na kami sa iisang bahay.

Inisip ko nun na siguro dahil sa hindi ako nakapag tapos ng pag aaral at pa ekstra esktra lang ako sa pagko konstraksyon worker ang maipagmamalaki ko para sa anak nitong si Amanda kaya ayaw nito sa akin.

Tiyaka ko na nga lang din nalaman na bata pa pala si Amanda nang mamatay ang papa nito dahil daw sa matinding sakit. At tanging mag isa lamang siyang binuhay ng mama niya. Gaya ko ay hindi na nga rin nakapag aral pa si Amanda dahil sa hirap sa buhay at kapos sa pera. kaya naisip nitong magtrabaho sa manila bilang kasambahay nga.

Ngunit ipinaglaban ako ni Amanda sir Jacks sa mama nito. At kapwa nga kami ay nangakong hindi magkakahiwalay o magkakaproblema.

Nagtalo pa nga silang mag ina dahil sa akin. at narinig ko ang pagtatalo nila kahit nasa labas ako ng bahay nila.

“Sinasabi ko sayo Amanda, hindi magiging maganda ang buhay mo sa lalaking ‘yan. Ngayon tapat pa ang pag ibig niya para sa ‘yo pero darating ang araw Anak na isusumpa mo na lang ang kalaguyo ng lalaking ‘yan at ikaw Anak ko. Hindi mo kakayanin tanggapin na pagtataksilan ka niya at magpapakamatay kang masama ang loob mo at punong-puno ng galit.” wika ng mama ni Amanda.

Sa pag isip-isip ko pa nun sir Jacks ay grabe naman kako kung magkwento ang mama ni Amanda tungkol sa hinaharap namin ng anak niya. Gawin pa akong lalaking manloloko. Gusto ko na sanang pumasok sa loob ng bahay nila para naman maipagtanggol ko ang sarili ko kay Amanda mula sa eksahiradong kwento ng mama niya. Pero naunahan ako ng kaba at kahihiyan para sa sarili ko.

Narinig ko pa sir Jacks kung paano ako ipinaglaban ni Amanda sa mama nito.

“Hindi mama, hindi mo na ako mapipigilan sa gusto kong gawin sa buhay ko. Labing siyam na taon akong nanahimik sa mga ginagawa mo at naging sunud sunuran sa mga gusto mo. Simula ngayon mama hindi mo na kontrolado ang buhay ko. Nagmamahalan kami ni Nardo at sasama na po ako sa kaniya.” matapang na sagot ni Amanda.

Nakaramdam ako nun ng saya nang piliin ako ni Amanda kaysa sa mama nito. ganun pa man ay hindi ko maiwasang ma kunsensiya at sisihin ang sarili ko na ako ang magiging dahilan nun nang pagkakaroon ng lamat sa pagsasama nilang mag ina.

Bago namin iwang mag isa ni Amanda ang mama niya sa bahay Kubo nila ay nagbanta pa ito kay Amanda.

“Kapag lumagpas ang mga paa mo sa pintuan ay wala ka nang babalikan pang ina Amanda. Kakalimutan ko nang nagkaroon ako ng anak at gaya nga ng ipinaglalaban mo anak ko ay Ikaw na ang may hawak sa buhay mo. Pagsisisihan mo ang desisyon mo Amanda. Pagsisisihan mong sumama sa lalaking iyan tandaan mo ‘yan.” huling sinabi ng mama ni Amanda bago kami lumabas ng bahay dala ang ilang mga gamit ni Amanda.

Sumama nga sa akin si Amanda sa probinsya namin sa Leyte at dito ay nagsimula kami ng bagong buhay bilang magkasintahan.

Makalipas ang dalawang taon mula ng pagsasama namin ni Amanda sa iisang bahay na pinag ipunan naming dalawa na ipatayo sa minana ko pang lupa mula sa yumaong tatay ko.

Makailang beses nga ring kaming nabigo na magkaroon ng sariling anak sir Jacks.

Nagtrabaho po ako bilang isang tricycle driver, nagpaplano na rin po kami noon sana ng nobya kong si Amanda na magpa kasal.

Wala po kaming anak sir Jacks, hindi dahil sa ayaw pa namin kundi dahil sa nalaman kong may problema sa mattress niya ang nobya kong si Amanda. Pero kahit ganun sir Jacks ay lagi pa din naming sinubukang magka anak pero lagi din namang bigo. Pareho na naming gusto noon na maging magulang na sir Jacks. Makailang beses ko ring iniisip na baka nagkakatotoo na ang mga sinasabi noon ng mama ni Amanda na hindi magiging madali ang kahaharapin naming buhay bilang mag asawa. Pero kahit kailan ay hindi ko ipinaramdam kay Amanda na nagsisisi akong nagsama kami dahil sa nakikita ko kasi sir Jacks na nahihirapan ang aking nobya sa kakaisip at pananabik na maging isa magulang.

Isang araw bago ang paghahanda sa kasal sana namin ay sumubok ulit kami ng nobya ko na magsiping sa kama, at sobrang saya ko pa nun sir Jacks, nagtatalon pa ako sa sobrang saya. Dahil sa wakas ay nagbunga na ang matagal naming pinapanalangin sa dios.

“Mahal!? Mahal!” nagsisigaw na tinatawag ni Amanda ang pangalan ko, umaga nun at nasa banyo siya nung mga oras na ‘yun.

Sa taranta ko na baka may nangyari sa nobya ko ay naiwan ko sandali ang nilalabhan kong mga damit likod bahay.

“Bakit mahal anong nangyari sayo?” pag aalala ko pang tanong sa kaniya pagkasalubong ko pa lang sa kaniya sa paglabas niya sa pinto ng banyo namin.

“Tingnan mo mahal oh, may dalawang guhit.” masayang balita sa akin ni Amanda tapos ay ipinakita nga niya ang pregnancy test sa akin.

Nagulat ako sa tuwa at napayakap sa kaniya dahil sa wakas kako ay nag positibo rin na nakabuo kami sa tinagal tagal ng paghihintay.

“Totoo ba ito mahal? B-buntis ka?” hindi makapaniwalang tanong ko.

“Oo mahal ito na ‘yun! magiging tatay ka na at ako magiging nanay na din sa wakas.” masayang sabi nito.

“Ang saya-saya ko mahal! Lord! salamat po lord! buntis na sa wakas ang asawa ko at magiging tatay na rin ako sa wakas.” nagsisigaw ako sa saya habang yakap-yakap ko pa noon ang nobya kong si Amanda.

Sa mga lumipas na araw ay mas pinagbutihan ko pa sa pagtatrabaho para sa paghahanda sa panganganak ng asawa ko. Ako na rin ang naglilinis ng bahay natural na dapat ginagawa ko dahil maselan ang pagbubuntis ng asawa ko.

Asawa na nga at turing ko kahit hindi pa kami ikinakasal dahil sa magiging magulang na kami.

“Ano kaya magandang ipangalan sa anak natin mahal kung sakaling babae o lalaki ang magiging anak natin?” tanong ko sa asawa ko habang kayakap ko siyang nakahiga sa kama.

”Siguro mahal kung lalaki kapangalan mo rin Nardo. Nardo junior, at kung babae naman eh pinagsamang pangalan nating dalawa mahal Narda.” nakangiting saad ni Amanda.

“Narda? kasi Nardo ako at Ikaw Amanda kaya Narda?” sabi ko.

“Oo galing kong mag isip noh.” pagmamalaki niya sa sarili.

“Galing mo tlga mag isip mahal iba ka tlaga.” paglalambing kong biro sa kaniya tapos ay hinalikan ko siya sa lips at muling yumakap.

Dalawang buwan pa lang noon ang tiyan ng asawa ko sir Jacks ng maranasan namin muli ang hindi naman namin inaasahang may dadating na pagsubok sa buhay naming mag asawa.

Isang araw ay naiwan kong mag isa ang asawa ko sa bahay sir Jacks dahil kailangan kong magtrabaho ng mga panahong iyun.

Kakahatid ko lang sa isang babae sa bahay nito kalapit lang din ng bahay namin. Ako Kasi ang napili ng babae na sakyan. Ngayon ko lang nakita ang babae sa lugar namin kaya lakas loob akong tinanong ito bago pa pumasok sa bahay nila.

“Ah miss bagong lipat ka lang dito?” bigla kong tanong dito.

“Ah Oo kaninang madaling araw lang ako lumipat ako lang mag isang nakatira dito.” nakangiting sagot nito sa akin.

“Ah ganun ba eh ako nga pala si Nardo kapag gusto mo ulit sumakay ng tricycle eh sa akin ka na lang sumakay.” alok ko sa babae.

“Ok sigeh mukhang ok ngayon.” sabi pa nito.

Walang motibo sir Jacks ang sinabi kong iyun dahil ang tanging nasa isip ko lang ng mga oras na ‘yun ay kumita ako sa regular na pasahero ko.

Dumaan na nga rin ako sa bahay dahil malapit lang naman ito sa bahay ng babaeng hinatid ko.

Pagkapasok ko sa loob ay una ko agad hinanap ang asawa ko.

“Amanda!? Mahal nakauwi na ako!” tawag ko kay Amanda habang nagbubungkal pa ako ng kaldero sa kusina.

Umupo ako sa lamesa at inumpisahan ko pang kainin ang ibinukod na pagkain para sa akin ng asawa ko. Saka lamang siya lumabas ng kwarto namin at umiiyak itong humihingi ng tawad sa akin.

“Mahal!” bungad na wika ni Amanda pagkalabas pa lang sa pinto ng kwarto.

Umiiyak na ito habang hawak-hawak ang bagay na may dugo pang tumutulo sa sahig. Pati ang mga hita niya sir Jacks ay dumudugo rin. at dito na nga ako nataranta sa nakita at nalaman ko.

“M-m-mahal! A-ano yang B-bagay sa kamay mo? saka B-bakit dumugugo ‘yang hita mo?” natataranta na natatakot na kinakabahan kong tanong sa kaniya.

“Patawarin mo ako mahal! patawarin mo ako!” humagulgol siyang humihingi ng tawad sa akin.

Lumapit ako at kinuha ko ang tila namumuong dugo sa kamay ni Amanda at doon ay nagsimula na rin akong umiyak dahil sa napagtanto kong nakunan sir Jacks ang asawa ko.

“A-anong nangyari mahal? Amanda anong nangyari!?” nagsigawan ko si Amanda dahil sa hindi ko na alam kung ano pa ang nararamdam ko sa mga oras na ‘yun.

Halo-halo na ang emosyon ko. Hindi awa ang naramdaman ko para sa asawa ko kundi galit at pagka dismaya sir Jacks galit at pagka dismaya.

Dumaan ang mga araw buwan na hindi kami madalas nagkaka usap ni Amanda. nandoong lagi akong galit sa kaniya. May mga pagkakataon ding nagsisigawan ko na siya lalo kapag lasing ako.

“Mahal t-tama na ‘yan ang dami mo nang nainom na alak mahal” mahinahon akong inaawat ni Amanda sa tinutungga kong bote ng alak.

“Ano ba! pwede ba Amanda pabayaan mo ako gusto ko! pumasok ka na sa loob at umiinit na naman ang ulo ko sa iyo.” galit kong wika sa kaniya.

Alam kong sa mga oras na ‘yun sir Jacks ay nasaktan kong lubos ang damdamin niya pero hindi ko talaga mapigilan ang sarili kòng magalit sa kaniya at sisihin siya sa hindi niya pag iingat sa sarili niya dahilan kaya muling nawala ang pag asang magiging tatay pa ako.

Tuluyan na ngang lumayo ang loob ko kay Amanda at madalang na rin ako kung umuwi ng bahay pagkagaling sa trabaho at dahil sa pagtataksil na ginagawa ko.

“Ang sarap mo talaga Dona. Kaya lagi kitang binabalik-balikan!” sabi ko habang hinahalik halikan ko ang leeg nito hanggang sa dibdib nito.

“Paano na ang asawa mo? Anong plano mo sa kaniya?” tanong nito.

Hindi ko nga muna sinagot si Dona sa paulit-ulit nitong tanong sa akin kung ano na nga ba ang namamagitan sa amin.

Sa totoo lang sir Jacks kahit nagawa ko nang pagtaksilan si Amanda ay tanging siya pa rin ang laging laman ng isip ko. Siguro ay nadadala lang ako nang pananabik ng katawan ni Dona dahil sa bukod sa maganda, maputi, makinis nitong balat ay maasikaso rin ito at higit sa lahat ay magaling talaga ito pagdating sa kama.

Sa umaga ay inaabala ko na lang sa pagta tricycle ang oras ko para maiwasang mag isip pa at pagsapit ng gabi ay pinaliligaya ako ni Dona sa bahay nito.

Nang maisipan kong umuwi sa bahay ay imbis na magalit sa akin si Amanda dahil sa ilang gabi akong hindi umuuwi at walang pasabi kung saan ako nagpupunta ay hindi ito nagagalit sa akin bagkos sir Jacks ay ang bait bait pa lalo nito at laging malambing kung magsalita na ikinaiinis ko naman lalo.

“Oh mahal mabuti naman at naisip mo pa ring umuwi sa akin. Kumain ka na ba? may niluto ako paburito mong ulam ito diba?” bungad na wika agad nito ng makita akong kakapasok lang sa loob ng bahay. Inihanda ni Amanda ang plato sa mesa sinandukan niya ako ng bagong sinaing na kanin at ulam. Kumain naman ako ng tahimik at hindi ko siya kinakausap o tinitigan man lang sa mata.

“Ahm mahal pwede ko bang malaman kung saan ka natutulog tuwing gabi? nag aalala lang talaga ako sa’yo mahal.” mahinahong tanong nito sa akin.

Pero imbis na sagutin ko siya ay nagalit pa ako sa kaniya dahil sa hindi ako makakain ng maayos dahil kaharap ko siya at marami ang itinatanong.

“Puta naman oh, ano ba Amanda ang dami mong tanong nakikita mo naman na kumakain ako diba? buwiset nawalan na ako ng gana kumain.” pagdadabog ko sa kaniya.

Dumiretso ako ng kwarto ko at natulog. Hindi na nga ako inabala pa ni Amanda. Napansin ko rin ang pagbabago ng pangangatawan ng asawa ko. Pumayat ito, lumalim ang mga mata. nanunuyo ang labi at kahit buhok nito ay hindi na niya masuklayan sa makatuwid ay tuluyan na ngang napapabayaan ni Amanda ang sarili niya. may pagkakataon ding may amoy na ang kili-kili niya kaya naman iwas na iwas akong tabihan siya kapag natutulog ako sa bahay. Sa kwarto siya natutulog mag isa at ako naman ay sa sala.

Malapit na ang kaarawan ni Amanda ngunit nakalimutan ko ito. Kinagabihan ay naghihintay sa aking pag uwi ang si Amanda inaasahan kasi niyang baka naalala ko ang kaarawan niya gaya ng dati na lagi ko siyang sinusurpresa sa tuwing sasapit nga ang kaarawan niya.

Hindi na nga nakapag tiis pa si Amanda sa paghihintay sa akin kaya naman nagpunta pala ito sa pinaparadahan ng mga tricycle para ipagtanong kung nasaan ako. At may isa nga sa mga kasamahan ko ang nagsabi kay Amanda na nakita raw ako nitong kasama si Dona na nagpunta sa isang hotel.

Sumakay si Amanda sa napagtanungan niya at nagpahatid siya sa nasabing hotel kung saan nga kami nag check in ni Dona.

Nagulat ako nang sa kalagitnaan ng pagsisiping namin ni Dona ay pumasok nga si Amanda.

“Mga walang hiya kayo!? hayop kang babae ka! malandi ka!…alam mo naman siguro na may asawa na yang inaahas mo.” Galit na bungad ng asawa kong si Amanda ng mahuli kami ng kalaguyo kong si Dona sa isang kwarto sa hotel na nakahubo’t hubad at magkapatong pa.

Pinagsasampal ng asawa ko si Dona at hindi tinigilan ang pagsabunot sa buhok nito dahil sa sobrang galit.

“Amanda tama na! ano ba!” sigaw ko sa asawa ko para tumigil ito at isang mag asawang sampal ang natanggap ko sa kaniya.

“Kinakampihan mo pa talaga ang kabit mo Nardo hah mga walang hiya kayo, sa mismong kaarawan ko pa talaga Nardo?” naiiyak itong pinag sasampal ako.

“Amanda patawarin mo ako! makinig ka muna kung pwede lang Amanda hayaan mo muna akong magpaliwanag!” pagpapakumbaba ko sa asawa ko.

“Hinding hindi ko kayo mapapatawad na dalawa sa ginawa niyong panloloko sa akin. Tandaan mo ito Nardo lalong lalo ka na malanding babae! isinusumpa ko ang araw na ‘to. Hinding hindi kayo magiging masaya sa buong buhay niyo! tandaan niyo yan!” galit na pagbabanta ng asawa ko sa amin ng kalaguyo ko tapos ay umiiyak na iniwan kami ni Dona na kapwa kinakabahan sa nangyari.

Umuwi ako ng bahay sir Jacks at maging mga Kapitbahay na pala namin ay alam na ang pagtataksil na ginawa namin ni Dona kay Amanda. Pagkauwi ko ay nga wala na si Amanda wala na rin ang mga gamit niya.

Nalaman ko na lang na umuwi ito sa probinsya nila sa Siqiuor sa mama nito.

Hindi ko na nga sinundan pa si Amanda sa kanila dahil sa kahihiyanng ginawa ko ay wala na akong mukhang maihaharap pa.

Balak ko na ring iwan sana si Dona noong mga panahong ‘yun ngunit sa hindi ko inaasahan ay umamin ito na buntis at walang dudang ako ang ama ng dinadala niya.

“Nardo! ano iiwan mo na lang ako basta-basta? iiwan mo na lang ba kami ng anak mo?” sabi ni Dona na ikinabigla ko.

“A-anong s-sabi mo? anak ko?” pagtatakang tanong ko.

“Oo Nardo nagbunga ang pagtataksil mo sa asawa mo at buntis ako Nardo! Buntis ako sa ‘yo!”

Pinanindigan ko sir Jacks ang bata sa tiyan ni Dona. Ibinenta ko ang bahay at lupa namin ni Amanda at lumipat ng ibang bayan kung saan walang nakakakilala sa amin at nagsimula muli ng bagong buhay.

Lumipas ang anim na taon ay wala na nga akong naging balita pa kay Amanda kung kumusta na ito, buhay pa ba ito ay ayoko na ring malaman pa. Dala-dala ko pa rin ang pagsisi ko sa pagtataksil ko sa kaniya at tama nga ang mama ni Amanda. Magiging miserable lang buhay niya sa piling ko at tama rin itong pagtataksilan ko nga si Amanda at nangyari nga ang mga inaakala kong eksahiradong kwento ng mama ni Amanda.

Isang araw ay sa pag aakalang tuloy-tuloy na Ang magandang buhay ko bilang isang ama sa pinapangarap kong anak na lalaki ay doon na lamang nagsimula ang lahat ng mga pagsubok sa buhay namin ni Dona.

Nagkasakit ang anak namin ng malubhang sakit, maging ang doctor na sumuri sa sakit ng anak ko ay hindi maipaliwanag ang kung ano ang sakít na dumapo sa anak ko.

Tinubuan kasi ito ng bukol-bukol na sobrang kati raw, nagtutubig ito at mabaho naman kapab pinawisan ang balat ng anak ko. Lalong tumataas ang lagnat ng anak ko at nariyang nagkukumbolsyon na ito. Sumabay pa pati ang pagkakasakit na rin ni Dona. kaya naman mas lalo akong nahirapan sa mag ina ko.

Nawalan ako ng trabaho at nahirapan makahanap ng papasukang trabaho, may itsura naman ako at may karanasan sa mga Ina aplayan kong trabaho ngunit tila pinaglarauan ako ng kapalaran dahil lahat ay tinatanggihan ako. Nariyang nanakawan pa ako ng walit nang minsan maglakad ako mag isa sa madilim na kalsada dala-dala ang resume ko kakahanap ng trabaho. bigla kasing may humintong dalawang lalaki na naka motor at tinutukan ako ng baril ng isa at sapilitang inagaw sa akin ang walit ko na may lamang pera para sana sa natirirang pambili ng gamot ng anak ko.

Pagkauwi ko nga ay nagkakagulo ang mga Kapitbahay namin at tila takot na takot na sa nasasaksikhan nilang eksena sa loob ng bahay namin..

Nagulat ako pagkapasok ko nang makita kong hawak hawak ni Dona ang anak namin at nakatapat ang talim ng hawak nitong kotsilyo sa leeg ng nanghihina kong anak.

“Dona! pakiusap bitawan mo na ang anak natin! diyos ko ano bang nangyayari sa buhay ko. pinaparusahan mo na ba ako Amanda.” naiiyak kong Sabi.

Biglang humalakhak sa tawa si Dona at lahat ng tao maging ako ay kinilabutan sa ginawa nitong pagtawa dahil kakaiba ang boses nito at tila ibang tao ang boses ni Dona.

“Nardo! hahaha Niloko niyo ako ng kabit mo. Ngayon saksihan mo kung paano ko kukunin ang buhay ng anak mo!” galit na galit ang sumapi kay sa katawan ni Dona.

Nagpatawag na rin pala ng pari at police ang mga Kapitbahay namin bago pa ako makauwi.

Kaya naman ng aakmang sasaksakin na sana ni Dona sa dibdib ang anak ako ay bigla itong napatigil at nabitawan nito ang anak ko maging ang hawak nitong kutsilyo sa kamay nang iksato ring dumating ang pare para paalisin ang masamang ispirito sa loob ng katawan ni Dona.

“Sa ngalan ng ama, ng anak, ng ispirito Santo. Ikaw na masamang demonyong gumagamit sa katawan ng babaeng ito inuutusan kita sa ngalan ng makapangyarihan si Hesu Kristo lisanin mo ang katawan ng babaeng iyan!”

“Lisanin mo!, lisanin mo! Lisanin mo!!!”

Matapos na manalangin ang pare ang lahat ay nagulat maging ang mga kakarating lang na mga police sa nasaksihan nilang biglang paglutang sa hangin ng katawan ni Dona. Natahimik ang lahat at hindi makapaniwala sa nakikita nila.

Nagkakagulo na rin sa labas sa mga taong gusto ring masaksihan ang nangyayari sa loob ng bahay.

Maya-maya ay biglang nangisay ang buong katawan ng aking anak kasabay ng muling paghalakhak ng malakas ni Dona sa iba’t ibang boses at nagwika ito na binabanggit ang pangalan ko.

“Nardo! Nardo! Ikaw ang pumatay sa anak kong si Amanda! nagpakamatay siya dahil sa pagtataksil mo sa kaniya. kaya naman ang kaluluwa ng babaeng ito ay kukunin ko upang buhayin ang aking anak.” matapos nitong magsalita ay wala na akong naisip pang paraan para mailigtas ang mag ina ko kundi humingi ng kapatawaran sa masamang ispiritong sumapi sa katawan ni Dona.

Lumuhod akong nagmamakaawa dito.

“Patawarin mo ako Amanda! patawarin mo ako! wag mo nang idamay ang mag ina ko! ako na lang Amanda ako na lang ang paghigantihan mo!” Paulit-ulit kong sigaw.

Muling nanalanging ang pari at kasabay ng pananalangin nito ang pagsaboy ng holly water kay Dona.

Nang matalsikan nga ng holly water ang balat ni Dona ay bigla itong nangingisay-ngisay at tila nasasaktan dito ang masamang ispirito. umuusok ang buong katawan ni Dona na parang napapaso ito sa holly water. Ilang sandali pa ay biglang bumagsak sa sahig ang nakalutang na katawan nito at may isinuka itong kulay itim na parang putik na may mga bulati pang kasama.

Pagtapos ay narinig kong tinawag ako ng anak ko na papa. Tumingin ako sa yakap-yakap kong anak at napansin kong bumalik na ang kulay ng balat niya at nawala na rin ang mga sugat sa katawan. Hindi na rin mainit ang katawan niya at nakatayo nang muli.

“Anak ko? m-magaling ka na salamat sa Dios at magaling ka na anak ko!” naiiyak ko pang saad at muling niyakap ng mahigpit ang aking anak.

Nagpasalamat ako sa pare sa tulong niya ay nailigtas ang buhay ng mag ina ko.

Makalipas ang limang buwan mula ng mangyari ang hindi kapanipaniwala at nakakakilabot na pangyayaring iyun ay nakalimutan na ng mga Kapitbahay namin ang nangyari sa tulong ng pare na laging ipinapaalala ang paglapit sa Dios at paghingi ng kapatawaran sa mga nagawang kasalanan gaano man ito kalaki o lalang kasalanan.

Mula nga rin nun ay mas naging madasalin kami ng anak ko at ni Dona.

Nagpunta akong mag isa sa siqiuor at dinalaw ko ang magkatabing puntod ni Amanda at ng mama nito na isa palang mambabarang. humingi muli ako ng kapatawaran sa kasalanan ko kay Amanda at nangakong hindi ko na gagawin iyun sa mag ina ko.

Bagama’t mahirap paniwalaan ang ibinahagi kong kwento sir Jacks ay nangyayari naman ito sa kahit sino lalo na sa mga taong may paniniwala sa mga kulam. Hanggang dito na lang po sir Jacks ang aking kwento naway makakuha ang lahat ng aral mula sa aking kwento. Muli magandang araw sa lahat at pagpalain nawa tayo ng may kapal. Amen. 

See less