Sino Kaya ang tTatay ng Baby ko?
Madami silang Bum3mb@ng sa Akin

Magandang araw po, Ate Ella. May gusto lang po sana akong itanong, medyo nakakahiya lang po… Itago niyo na lang po ako sa pangalang Tess, 35 anyos, may asawa at dalawang anak.

14 anyos pa lang po ako nang mag-asawa. Sumama ako at nagtanang sa pahinante ng papa ko na truck driver sa hardware. 34 anyos na po ang naging asawa ko noon. Wala na pong nagawa ang mga magulang ko dahil itinakas na niya ako at mula Cavite ay dinala niya ako sa Visayas.

Siguro po dahil bata pa ako noon, akala ko ang kabaitan niya—ang pagbibigay ng baon, panlilibre ng burger at Coke—ay totoong pagmamahal na. Siya ang una sa lahat sa akin: unang halik, unang yakap, at siya rin ang nakauna sa akin bilang babae. Mabait naman po si Larry at spoiled din ako sa kanya.

Nang tumira kami sa Visayas kasama ang nanay niya, inalagaan niya ako. Pagkalipas lang ng isang taon, nagkaanak kami ng babae. Lalo siyang nagsikap para maibigay ang mga pangangailangan namin. Noong 18 na ako, pumayag na siyang bumalik kami ng Cavite—nasa tamang edad na raw ako para pakasalan at hindi na siya ipakukulong ng mga magulang ko.

Wala na ring nagawa ang mga magulang ko, lalo na’t may apo na sila at nakita nilang maayos naman ang kalagayan ko. Bago ako mag-20, nagpakasal kami—isang simpleng kasal sa simbahan.

Pagkatapos naming ikasal, pinayagan na ako ng asawa ko na magtrabaho. Namasukan akong tindera sa bakery. Ang asawa ko naman ay naipasok ng papa ko bilang konduktor sa bus—magkasama sila, si papa ang driver. Mas maganda raw ang kita doon kaysa sa dati niyang trabaho sa truck.

Probinsya ang biyahe nila, kaya hindi sila araw-araw umuuwi. Pag-uwi naman, sobrang pagod. Dahil doon, napansin kong nanghina ang sigla ng asawa ko. Kahit anong gawin ko, madalas ay nahihirapan akong buhayin ang intimacy namin.

Dahil marami akong nakikilalang lalaki, pakiramdam ko para akong bulaklak na maraming paruparong naaakit. Mas naging maalaga rin ako sa sarili dahil nabibigay ng asawa ko ang pangangailangan ko sa pagpapaganda.

Hanggang sa nagsimula akong makipagrelasyon sa iba. Una, sa isang panadero na katrabaho ko. Dahil kaedad ko siya, iba ang naging karanasan ko sa kanya, at nalulong ako roon. Natigil lang iyon nang umuwi siya sa kanila dahil manganganak na ang asawa niya at hindi na siya bumalik.

Hinahanap-hanap ko ang ibang klaseng romansa na hindi maibigay ng asawa kong lampas 40 na. Lagi akong maayos, mabango, at nakangiti kaya marami ang naaakit. Nakipagrelasyon ako sa iba’t ibang lalaki—mga drayber ng tricycle, panadero, at iba pa. Minsan, wala nang ligawan—diretso na.

Dahil wala akong proteksyon, nabuntis ako matapos ang ilang buwang pakikipagrelasyon. Nang malaman kong buntis ako, naguluhan ako—sa dami ng nakasama ko, hindi ko alam kung sino ang ama. Pitong lalaki ang nakasama ko sa panahong iyon, kabilang ang isang sabungero, panadero, tricycle driver, empleyado, at pati isang 17 anyos na anak ng amo ko.

May ilan sa kanila ang pinaniwala ko na kanila ang bata para makatulong. Ang asawa ko naman ang pinakamasaya at pinilit akong huminto sa trabaho para maalagaan ang pagbubuntis ko.

Lalaki ang naging anak ko—gwapo at maputi. Naiisip ko minsan na baka anak ng anak ng amo ko, pero hindi pa rin ako sigurado.

Ngayon, 13 anyos na ang anak kong iyon, pero hindi ko pa rin alam kung sino ang tunay niyang ama. Tumigil na rin ako sa pakikipagrelasyon sa iba—nakakapagod din pala, at tumatanda na rin ako.

Iniisip ko rin ang mga anak ko, baka sa kanila mapunta ang karma ng mga nagawa ko. Ngayon, tahimik na ang buhay namin. Magkasama kami ng asawa ko sa aming maliit na karinderya. 55 anyos na siya ngayon at nananatiling mapagmahal na asawa at mabuting ama.