Sikreto namin ni Stepfather
Hi kuya Jay, Itago niyo na lang ako sa pangalang Nadine. 20 , I need to share this kasi hanggang ngayon, shock pa rin ako sa nalaman ko. Ang bigat ng pakiramdam ko nung mga nakaraang buwan, feeling ko biktima na ako ng isang malalang sitwasyon.
So, here’s the tea. Live-in partner ng Mama ko ang stepfather ko. Let’s call him “Mang Carlos.” Mature na si Mang Carlos, but physically, malakas pa rin. Ang problema, naging routine niya ang pumasok sa kwarto ko kapag gabi, lalo na kapag tulog na ako.
Minsan, paggising ko, nakikita ko siyang nakatayo sa may pintuan, nakatitig sa akin. Ang creepy, diba? Parang sa horror movies lang. Pero ang mas nakakatakot, lalo na kapag paalis na ako at seksi ang suot, Mang Carlos would just stare at me. Ramdam ko ang kilabot, as in, literal na tumatayo ang balahibo ko.
Kuya jay Kinakabahan ako, lalo na laging wala si Mama at gabi na ang dating niya mula sa work. Iniisip ko, anong oras baka pasukin ako ng stepfather ko at ilugso ang p@gkab@bae ko. Doon ako natatakot. Parang ang dali ko na lang maging biktima. Every night, locked na locked ang pinto ko, and I would check it three times bago matulog. Ang hirap, guys. Ang hirap mabuhay sa ganoong takot.
Pero, last week, naging careless ako. May naiwan akong important document sa kwarto ko, and I needed it asap. I rushed back home from the office, knowing that Mama and Mang Carlos were supposed to be out.
Pagbukas ko ng pinto ng apartment, ayun na.
I entered Mang Carlos’ room. And I saw him.
Sa harap ng salamin.
Wearing my favorite dress. My full-face make-up.
He was spinning around, admiring himself.
Mang Carlos wasn’t looking at me to harm me. He was looking at me… with envy. He wasn’t some kind of predator. He was a closeted queen.
My mind blanked. What the hell is this plot twist? All this time, the fear I had, the paranoia, the feeling of being in constant danger… it was all for what?
Mang Carlos was so shocked, too. He just stood there, speechless, like a child caught stealing candies.
We talked. He admitted everything. He was always gay, but never had the courage to tell anyone, especially Mama. He envied my beauty, my style, the way I carry myself. He used my clothes and makeup when I was away to experience that side of him, even just for a few moments.
Pero Ngayon kuya jay , wala na ‘yung takot ko. In fact, hindi ko na nilolock ang pinto ng kwarto ko kahit gabi. Dati, nanginginig ako kapag nararamdaman ko siyang pumapasok, pero ngayon? Na-eexcite pa ako. Kasi alam ko, papasok siya hindi para gawan ako ng masama, kundi para maging glam team ko.
Minsan, habang nag-aaral ako o nagre-relax, uupo siya sa likod ko at dahan-dahang susuklayan ang buhok ko. Ang gaan ng kamay niya, guys! Siya pa ang nagtuturo sa akin kung paano ang tamang paglalagay ng face powder at contouring.
Ang tawag ko na sa kanya kapag kaming dalawa lang ay “Tita C.” Sobrang saya niyang kabiruan, lalo na sa mga usapang kabaklaan at chismis sa showbiz. Parang nagkaroon ako ng big sister sa katawan ng isang stepfather.
Pero ito ang problemang nagpapabigat sa loob ko, Ang “Double Life” ni Mang
Carlos.
Kapag naririnig na namin ang pagdating ni Mama sa labas, biglang nagbabago ang awra niya. In a snap, mawawala ang “Tita C” at babalik siya sa pagiging “Mang Carlos”, yung barakong stepfather na seryoso at tipid magsalita. Mabilis niyang itatago ang mga makeup at aayusin ang upo. Nakikita ko sa mga mata niya yung lungkot tuwing kailangan niyang magpanggap sa harap ng asawa niya.
Gusto ko nang sabihin kay Mama. Naawa ako kay Mang Carlos kasi ramdam ko yung hirap niya sa pagtatago ng tunay niyang nararamdaman sa loob ng maraming taon. Pakiramdam ko, nasasakal siya sa maskarang suot niya.
Pero natatakot din ako para kay Mama. Paano ko sasabihin sa kanya na ang lalaking minamahal niya ay mas marunong pa mag-eyeliner sa kanya? Masasaktan siya, siguradong mabo-broken heart siya. Gusto ko naman maging masaya si mama, dahil sa katagalan na singlemom sapag aalaga sa akin, wala pala silang anak ni mama, gusto ko naman na makita si mama na may kasama sa pagtanda, pero not tita C siguro, dahil lalake din ang gusto nya makasama,
Naiipit ako, kuya jay Should I stay silent and let Mang Carlos live this lie for his peace of mind? O dapat ko bang i-encourage siyang mag-come out para maging malaya na siya? Ang hirap maging secret keeper ng ganitong kalaking pasabog.
Advice me naman po kuya jay,