P!n@mbabayad @ng kataw@n/th1

Pinambabayad ang katawan
Ako nga pala si Victor. Sa kasalukuyan ay wala akong trabaho matapos ang aking operasyon noong nakaraang buwan. Hindi ko alam kung makakabalik pa ako sa aking propesyon, lalo na’t ang trabaho ko sa planta ay nangangailangan ng lakas at mabilis na pagkilos.
Bagama’t nagbigay ng tulong ang aking kumpanya, hindi ito sapat. Kulang pa nga ito para sa aking mga gamot, paano pa ang pangangailangan ng aming dalawang anak?
Noong wala pa akong sakit, maayos ang relasyon namin ng asawa kong si Elena. Naibibigay ko ang lahat ng kailangan ng aking pamilya. Tatlong taon na ang nakalilipas, nang magpabinyag ang anak ng aming kapitbahay, kinuha akong ninong. Doon ko nakilala si Ricardo.
Kinuha siyang ninong marahil dahil alam ng lahat na mayaman siya. Siya ang sumagot sa alak, pagkain, at may malaking pakimkim pa. May mga negosyo siya at nurse sa Canada ang kanyang asawa, kaya sa aming lahat, siya ang pinaka-nakakaluwag sa buhay.
Simula noon, naging kaibigan ko siya. Madalas siyang dumadalaw sa bahay para makipag-inuman, at kung minsan naman ay ako ang niyaya niya sa kanilang mansyon sa Villa de Oro.
Nang magkasakit ako, dumanas kami ng matinding krisis sa pananalapi dahil ako ang tanging inaasahan. Nakita ni Ricardo ang aming kalagayan at nag-alok ng tulong. Bagama’t nahihiya, tinanggap ko ang perang abot-niya dahil kailangang-kailangan namin, lalo na noong maoperahan ako. Nangutang ako sa kanya para sa hospital bills, at hindi naman siya nag-atubiling magbigay. Sabi niya, saka ko na bayaran kapag fully recovered na ako.
Laking pasalamat ko sa kanya at tinuring ko itong malaking utang na loob. Ngunit sa lagay ko ngayon, parang hindi na ako makakabawi sa aking karamdaman. Paano ko pa siya mababayaran?
Nagpaalam ang misis ko na papasok siya bilang kahera sa grocery shop ni Ricardo para unti-unting mabawasan ang aming utang. Bukod sa pagbabantay sa shop, nag-volunteer din si Elena na siya na ang maglalaba at maglilinis sa bahay ni Ricardo para hindi na ito kumuha ng ibang katulong. Ayaw ko man, wala akong nagawa dahil kailangang mag-aral ng aming mga anak.
Sa unang araw pa lang ni Elena sa trabaho, bago na agad ang kanyang cellphone. Mahilig kasi siyang mag-selfie at kailangan daw ito para mabilis siyang makontak ni Ricardo tungkol sa shop. Hinayaan ko lang dahil nakakatulong naman. Pero habang tumatagal, napapansin ko ang pagbabago sa kanya. Dati ay nakapagluluto pa siya sa bahay; ngayon, alas-otso pa lang ng umaga ay wala na siya at alas-diyes na ng gabi kung umuwi.
Isang araw, habang naliligo si Elena, naiwan niya ang kanyang bagong cellphone sa upuan. Gamit ang aking wheelchair, dahan-dahan akong lumapit. Sinubukan kong buksan ang phone. Alam kong mahina si Elena sa teknolohiya; ako pa nga ang gumawa ng kanyang Facebook at Gmail noon. Hindi ako nahirapang hulaan ang password.
Pagbukas ko sa gallery, biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Nakita ko ang mga litrato at video nina Ricardo at Elena na sobrang lambing sa isa’t isa. Ang mas masakit pa, may isang video silang dalawa sa loob ng isang silid, kung hindi ako nagkakamali, sa kwarto ni Ricardo iyonhabang gumagawa ng mal@swang bagay.
Agad kong isend ang mga ebidensya sa sarili kong account. Nang maramdaman kong tapos na si Elena maligo, ibinalik ko ang cellphone sa upuan at lumayo. Hindi ko mapigilan ang umiyak. Nang makita ako ni Elena na nagpupunas ng mata, tinanong niya ako kung bakit. Sabi ko na lang ay napuwing ako.
Umalis siya gaya ng dati at naiwan akong mag-isa. Halos maghapon akong nag-iisip. Naawa ako sa sarili ko. Baldado na ako at tila wala nang silbi, tapos ganito pa ang gagawin sa akin. Napakasakit. Gusto ko siyang awayin, pero paano? Mismong sarili ko ay hindi ko kayang alagaan, paano pa ang mga anak ko?
Habang nakaupo sa aking wheelchair, iniisip ko silang dalawa na nagsasaya, habang ako ay naghihintay lang sa pagdating ng asawa ko dala ang mga gamot na nagdudugtong sa aking buhay.
Nang sumunod na gabi, pag-uwi ni Elena, halatang pagod siya. Noong sinubukan kong muling tignan ang kanyang phone habang tulog siya, nakakita uli ako ng mga bagong video. Naalala ko noong bagong mag-asawa pa lang kami—ganitong-ganito kapusok si Elena sa akin. Pero ngayon, sa video, si Ricardo na ang kasama niya.

Sa hindi maipaliwanag na dahilan, tila naging manhid na ako. Hindi na ako nasasaktan sa pangalawang pagkakataon na mapanood ko sila. Inisip ko na lang na masaya ang asawa ko, at dahil sa aking kalagayan, hindi ko na maibibigay ang mga bagay na iyon sa kanya.
Araw-araw ay ganito ang aming buhay. Aalis si Elena kasabay ng mga bata, at ako ay maiiwang mag-isa kasama ang mga gamot na binili niya para sa akin. Dati ay nababagot ako, pero ngayon, paulit-ulit ko na lang pinapanood ang mga video sa cellphone ko bilang paalala ng aking sitwasyon.
Hahayaan ko muna silang magpasasa. Gaya nga ng sabi ni Elena, “nagbabayad” siya ng utang namin sa aking kumpare. Ngunit sa oras na maka-recover ako at makalakad muli, alam kong babawi ako. Hawak ko ang mga ebidensyang hindi nila maitatangi.
Sa ngayon, wala pa akong magagawa kundi tanggapin at lunukin ang aking pride bilang lalaki para na rin sa kaligtasan at ikabubuhay ng aking pamilya

News

Siyam na beses sa iisang gabi… at ang dugo sa mga kumot ang siyang nagpa-realize na totoo na ang lahat, bigla-bigla.

Malakas ang buhos ng ulan sa Maynila, humahampas sa malalaking bintana na para bang gusto nitong pumasok. Mula sa likurang upuan ng taxi, pinagmamasdan ni Valentina Torres ang malalabong ilaw ng lungsod habang pilit kinokontrol ang kanyang nararamdaman. Hindi ito…

NAGKAMALI NG SEND ANG 12-ANYOS NA BATA PARA MANGHINGI NG ISANG LIBONG PISO PANG-GATAS.

NAGKAMALI NG SEND ANG 12-ANYOS NA BATA PARA MANGHINGI NG ISANG LIBONG PISO PANG-GATAS. HINDI NIYA ALAM, ISANG MALUPIT NA BILYONARYO ANG NAKATANGGAP NG MENSAHE NA MAGPAPABAGO SA BUHAY NIYA HABAMBUHAY. Ang Huling Pag-asa sa Isang Basag na Cellphone Nanginginig…

Ang pinakamayamang babae sa bayan ay dating umuupa ng mga binata para magtrabaho sa gabi… ngunit nang lumabas ang katotohanan, lahat ay natakot…

Ang pinakamayamang babae sa bayan ay dating umuupa ng mga binata para magtrabaho sa gabi… ngunit nang lumabas ang katotohanan, lahat ay natakot… Sa isang maliit na bayan sa rural na lugar ng Jalisco, Mexico, nakatira ang isang babaeng nagngangalang…

Pagkatapos ng aming unang gabi bilang mag-asawa, niyakap ako ni Cardo. Bigla siyang nagsalita, ang boses niya ay kakaiba at malalim.

Pagkatapos ng aming unang gabi bilang mag-asawa, niyakap ako ni Cardo. Bigla siyang nagsalita, ang boses niya ay kakaiba at malalim. “May isang bagay akong dapat sabihin sa iyo.” “Sa mata ng batas, may asawa na ako.” “Hindi ako makakasama…

KINANSEL NG ISANG MAARTENG CUSTOMER ANG ORDER NIYANG SAMPUNG BOX NG PIZZA DAHIL “LATE” DAW NG ISANG MINUTO ANG RIDER KAYA UMIYAK SA GALIT ANG DRIVER

KINANSEL NG ISANG MAARTENG CUSTOMER ANG ORDER NIYANG SAMPUNG BOX NG PIZZA DAHIL “LATE” DAW NG ISANG MINUTO ANG RIDER KAYA UMIYAK SA GALIT ANG DRIVERHingal na hingal si Kuya Jun.Basang-basa ang likod niya ng pawis habang mabilis na ibinababa…

TAHIMIK KONG PINIRMAHAN ANG ANNULMENT PAPERS HABANG PINAGTATAWANAN NILA AKO

TAHIMIK KONG PINIRMAHAN ANG ANNULMENT PAPERS HABANG PINAGTATAWANAN NILA AKO. HINDI ALAM NG HAMBOG KONG ASAWA AT NG KANYANG KABIT NA ANG BILYONARYO KONG AMA AY NANONOOD SA BAWAT DETALYE NG KANILANG KAHIHIYAN. Ang Malamig na Silid ng Kahihiyan Napakalamig…

End of content

No more pages to load

Next page

Related Posts

Our Privacy policy

https://celebritytimess.com - © 2026 News - Website owner by LE TIEN SON