“Nymphomania ang misis ko”
Kuya jay Noong bago pa lang kaming kasal sa Maynila, akala ko ayos ang lahat. Masaya kami sa maliit naming apartment. Pero isang gabi, maaga akong pinauwi galing sa trabaho kasi masama ang pakiramdam ko. Masakit ang ulo ko at nilalamig ako. Gusto ko lang humiga at magpahinga.
Pagbukas ko ng pinto ng kwarto namin, biglang tumayo ang balahibo ko. Hindi ko maintindihan agad kung ano ang nakikita ko. Doon ko mismo nakita si Hanna, hindi nakasuot ng damit, at may lalaking kasama.
Hindi lang kung sinong lalaki, Kuya Jay, yung kaibigan ko pa mismo, si Ben, na madalas naming kasama mag-inuman.
Parang tumigil ang mundo ko. Ang lakas ng pintig ng puso ko sa galit at sakit. Gusto kong sumigaw, manapak, pero parang nanigas ako sa kinatatayuan ko. Si Ben, agad na tumalon sa kama, nagmamadaling nagbihis. Nagawa pa niyang lumabas ng kwarto na parang walang nangyari. Pero si Hanna, doon lang siya sa kama, umiiyak.
Caloy, patawarin mo ako,’ sigaw niya habang nakahawak sa kumot. Nagkamali lang ako. Hindi ko sinasadya.’
Doon na ako nakapag-isip. Hindi ko alam kung saan ako kukuha ng lakas, pero kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan ang pulis. Sinabi ko ang nangyari. Habang hinihintay namin sila, hindi ako nagsasalita. Nanginginig ang buong katawan ko. Si Hanna, patuloy sa pag-iyak, lumuhod pa sa harapan ko.
Caloy, maawa ka, huwag mo akong ipakulong, Walang mangyayari sa atin kung makukulong ako, pagmamakaawa niya.
Dumating ang mga pulis. Kinuhanan nila kami ng statement. Halos hindi ko na matandaan kung ano ang sinabi ko, puro galit at sakit lang ang nararamdaman ko. Pero habang dinadala si Hanna sa istasyon, nakita ko sa mga mata niya ang takot. Iba yung takot na nakita ko, Kuya Jay. Hindi lang takot sa pagkakakulong, kundi parang takot na mawala ako.
Gabi na noong pumunta ako sa presinto. Nandoon siya sa selda, nakaupo sa sulok, namamaga ang mata sa kakaiyak. Noong nakita niya ako, tumakbo siya sa rehas.
Caloy, pakawalan mo ako.
Wala akong magawa rito. Pangako, hindi na mauulit. Hindi ko talaga sinasadya. Parang wala lang akong sarili noong gabing iyon. Hindi ko alam kung bakit ko nagawa. Si ben ang may kasalanan, ginalaw nya ako,
Doon ako nag-isip nang malalim. Kahit gaano kasakit, mahal ko si Hanna. Naaalala ko pa ang mga pangako namin sa isa’t isa. Ang saya namin noong bago pa lang kami.
Caloy, pakiusap,’ sabi niya ulit. ‘Hindi ko kaya kung mawawala ka. Patawarin mo ako. Handa akong gawin ang lahat para bumawi.
Sa huli,kuya jay, kinuha ko rin siya sa presinto. Pinatawad ko siya. Hindi dahil madali, kundi dahil umaasa ako na magbabago siya. Sabi ko, baka kailangan lang namin ng bagong simula. Nagkaroon kami ng mahabang usapan. Niyakap ko siya, kahit ang dami pa ring sakit sa puso ko. Sinabi niya na gagawin niya ang lahat para pagbayaran ang ginawa niya, at simula noon, naramdaman ko na naging mas malapit kami, kahit panandalian lang.”
“Pero hindi pala ganoon kadali. Ilang buwan lang ang lumipas, naging abala ulit ako sa trabaho. Nag-overtime ako para makabawi sa gastos at para maibigay ang lahat kay Hanna. May nagsabi sa akin na nakikita raw si Hanna na sumasama sa isang taxi driver. Noong una, hindi ako naniwala. Sabi ko, baka tsismis lang, baka naiinggit lang ang mga tao. Dahil nangako na si hanna at hindi na basta luha lang ang binuhos nya,
Pero isang hapon, hindi ko na kinaya ang pag-aalinlangan. Sinundan ko siya. Ayun, nakita ko silang dalawa sa loob ng taxi, sa gilid ng madilim na kalsada. Hindi ko na kailangang lumapit pa, Kuya Jay. Kitang-kita ko ang lahat.
Doon ko naisip na baka sa Maynila lang ang problema. Baka maraming tukso, maraming impluwensya.
Kaya kinausap ko siya, sabi ko, Hanna, paptawarin muli kita, pero iuwi na kita sa probinsya namin. Doon tayo sa malayo, para makaiwas ka sa mga maling gawain. Doon, tahimik ang buhay, walang gulo.
Pumayag naman siya, tahimik, parang alam niyang wala na siyang magagawa.
Doon ko na rin kinausap si hanna ng masinsinan, kung bakit nagagawa nya iyon,
Caloy sorry, hindi ko talaga kaya, hindi ko kaya na hindi ako magamit sa isang araw, matagal ko ng narraamdaman ito, nalulungkot ako kapag hindi ka nauwi, parang may kung anong nagtutulak sa akin para yayahin ang lalakeng nagkakagusto sa akin,
Kuya jay, masakit na tanggapin ang mga sinabi nya, doon ko naisip na baka may sakit na sya, at inalam ko kung kailan nagsimula ang ganun pakiramdam nya,
Doon na sya umamin sa akin, bata pa raw sya noon ng isama sa ilog ng tiyuhin nya, doon daw sya unang nakaranas ng ganun, pinaniwala daw sya na masarap at tama ang ginagawa nila,
Hindi lang daw yun, ang kapatid din nito at pinsan ay ganun din ang ginawa, akala daw nya noon at tama lahat iyon kaya sunod sunuran sya,
Nang lumipat na sila sa maynila, doon na daw nag umpisa ang lahat, ang mga ginagawa sa kanya noon ay hinahanap na niya, pero ng makilala daw ako, doon nya pinilit na magbago dahil ako na daw ang gumagawa, pero hindi sapat lahat,
Kuya jay, hindi ko alam ang mga sasabihin ko kay hanna, doon ko sya lalo naintindihan kung bakit sya ganun. Doon ko naisip na baka may sakit na syang Nymphomania,
Kaya tama ang disisyon ko na lumayo sa mga tao, dahil nasa gitna kami ng kabundukan at ilan lang ang mga tao at kung meron man, may mga edad na.
Akala ko, Kuya Jay, magiging maayos na kami rito sa probinsya. Malayo sa ingay at gulo ng siyudad. Sa loob ng isang taon, naging maayos naman kami. Nagkaroon kami ng pangalawang anak. Masaya ako dahil mas madalas ko nang nakakasama ang pamilya ko.
Pero makalipas ang isang taon, habang busy ako sa pagsasaka, may nakarating na naman sa akin na balita. Hindi ko na alam kung saan ako kukuha ng lakas para marinig pa.
Alam mo ba kung sino ang naging kasiping niya? Yung tito ko pa mismo, si Tito Peping, na malapit sa amin.
Doon ako napaupo sa lupa. Ang sakit. Tinanong ko ang sarili ko, Ano bang kulang sa akin? Bakit patuloy siyang gumagawa ng ganito? Napatingin ako sa dalawa naming anak na naglalaro sa bakuran.
Sa totoo lang, Kuya, hindi ko na alam kung sa akin ba talaga sila. Pero simula nang ilabas sila ni Hanna, ako ang nagpaligo, ako ang nagpakain, at ako ang kinilala nilang ama. Mahal ko sila, kahit hindi ako sigurado sa dugo nila
Kuya jay patuloy ko syang inunawa, imbis na magalit ako, mas lalo ko syang minahal, alam ko na biktima sya, kaya sya ganun, hanggang sa napansi ko na may pagbabago sa kanya,
Napansin naming lagi siyang dinudu*go, namumutla, at nawawalan ng lakas. Akala namin una, dahil lang sa pagod. Pero noong dinala ko sa doktor, nalaman naming may malaking bukol siya sa matres.
Cancer na pala, Kuya Jay, at malala na.sinabi ng doctor na siguro sa maagang trauma sa katawan nya kaya nagkaroon ng ganun at hindi nya pinapansin.
Doon siya biglang nagbago. Siguro naramdaman niya na hiram na lang ang buhay niya. Tumigil siya sa lahat ng bisyo at panglalaki. Sa gitna ng sakit niya, doon ko naramdaman na talagang naging asawa ko siya.
Humihingi siya ng tawad gabi- Madalas siyang umiiyak, at sinasabi na sana ay nabigyan sya ng pagkakataon pa, isang buhay na walang sakit at problema.
Caloy, patawarin mo ako sa lahat ng nagawa ko, paulit-ulit niyang sasabihin.
Alam kong nasaktan kita nang sobra, pero sana ay maintindihan mo na minahal kita, sa sarili kong paraan. Niyayakap ko siya at sinasabi ko na matagal ko na siyang pinatawad. Masakit makita ang taong mahal mo na nagdurusa, lalo na’t alam mong wala ka nang magagawa para mapagaling siya.
Ang mga bata, nalilito kung bakit malungkot si Nanay. Sinasabi ko lang na masakit ang tiyan niya at kailangan niya ng pahinga.”
“Hindi ko siya iniwan. Ako ang nag-alaga sa kanya hanggang sa huling sandali. Kahit maraming nagsasabi sa akin na iwan ko na siya dahil sa mga ginawa niya, hindi ko kaya. Parte na siya ng buhay ko, Kuya Jay.
Ang mga bata, kailangan pa rin ako.
Isang gabi, habang mahimbing ang tulog ng mga bata, tahimik lang kaming dalawa sa kwarto. Hawak ko ang kamay niya. Mahina na ang pulso niya.
Caloy bulong niya, salamat sa pagmamahal mo kahit hindi ako karapat-dapat. Alagaan mo ang mga anak natin. Mahalin mo sila, tulad ng pagmamahal mo sa akin.
Doon na siya huminga ng malalim, at dahan-dahang nawala ang hininga niya. Ang sakit, Kuya Jay. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko. Halo-halong lungkot, galit, at pagmamahal,noon kalakasan nya, nasa tabi nya parin ako, hanggang sa huling hinga nya, pinakita ko sa kanya na hindi ako lumayo,
Ngayon, Kuya Jay, kahit wala na siya, masaya na rin ako. Kasi namatay siyang alam niyang pinatawad ko siya. At itong tatlong bata? Sila ang buhay ko ngayon. Kahit anong sabihin ng ibang tao, ako ang tatay nila at sila ang pamilya ko. Hindi ko man sigurado kung dugo ko sila, pero sigurado ako sa pagmamahal ko sa kanila. Iyon ang legacy ni Hanna sa akin,
Kaya heto ako ngayon, Kuya Jay. Mag-isa na lang sa bahay na ‘to, pero hindi naman ako naiinip. Dahil sa malilikot na apo ko, anak ng panganay ko,at kamukhang-kamukha ni Hanna pag tumatawa,
Minsan, tinatanong ako ng mga anak ko, ‘Tay, bakit hindi ka na nag-asawa ulit? Matanda ka na, kailangan mo ng kasama.
Nginingitian ko lang sila. Marami namang biyuda rito sa atin, may mga nagpaparamdam pa nga na gusto akong ipagluto o samahan sa bukid. Pero sabi ko, Salamat na lang, ayoko na.’
Alam mo, Kuya, kahit ganoon ang nangyari sa amin ni Hanna, kahit na napakasakit ng mga pinaggagawa niya noong araw, siya lang talaga ang babaeng minahal ko nang ganito.
Maraming beses niya akong sinaktan, oo. Maraming gabi na hindi ako nakatulog dahil sa isipin kung bakit niya nagawa yung mga bagay na yun.
Pero sa tuwing titingin ako sa salamin, o titingin ako sa mga anak at apo ko, siya lang ang nakikita ko.
Sabi ng iba,’Caloy, martir ka. Sabi ko naman, hindi ako martir. Sadyang tapat lang ako sa pangako ko noong ikasal kami. Ang pagmamahal, hindi naman parang gripo na kapag nadumihan ang tubig, isasara mo na lang habambuhay.
Sa gabi, bago ako matulog, kinakausap ko pa rin yung litrato niya sa altar. Kinukuwento ko kung paano naging makulit ang mga apo namin, o kung gaano karami ang inani ko sa bukid.
Pakiramdam ko, nakikinig siya. Pakiramdam ko, sa wakas, tahimik na rin ang loob niya dahil alam niyang hindi ko siya pinabayaan.
Siguro para sa iba, ang’happy ending ay yung walang problemang dumating. Pero para sa akin, Kuya Jay, ang happy ending ko ay yung hanggang sa huli, ako ang naging sandigan niya. At hanggang ngayon, kahit wala na siya, siya pa rin ang laman ng puso ko.
Wala nang papalit sa kanya, kahit sino pa ang dumating. Sapat na sa akin ang mga alaala niya at itong mga batang iniwan niya sa akin.
O, paano, Kuya Jay? Isang tagay tayo, dalawin kita diyan.