Hindi ko na kaya. Gabi-gabi, tuwing ipipikit ko ang mga mata ko, nararamdaman ko pa rin ang bigat niya, hindi lang ang bigat ng katawan niya, kundi ang bigat ng kasalanang ginawa naming dalawa.
Napakabait ng asawa ko, si Mar. Wala siyang ibang ginawa kundi itaguyod kami at ibigay ang lahat ng pangangailangan ko. Maging ang biyenan kong babae, si Nanay Sabel, itinuring akong parang tunay na anak. Pero sa loob ng bahay na ito, sa ilalim ng ilong nila, naitanim ang isang sumpa.
Si Tatay Ber ay malayo sa karakter ni Nanay Sabel. Mapagbiro siya, madalas mag-short shorts, at laging may mga hirit na akala ko noong una ay biro lang. Pero may “pilya” siyang tingin na unti-unting naging malagkit. Sa kasamaang palad, sa halip na iwasan ko, parang naging laro ito sa akin. Isang laro na alam kong bawal, pero nakaka-excite dahil sa panganib.
Isang gabi, wala si Mar dahil sa overtime. Si Nanay Sabel naman ay nasa probinsya para sa isang lamay. Kaming dalawa lang ni Tatay Berting sa bahay.
Uminom siya. Nakita ko pa ang pakete ng R*bast sa ibabaw ng mesa, iyong pampagana na alam kong hindi na dapat iniinom ng isang lalaking may edad na at may maintenance sa puso. Pero wala kaming pakialam noong gabing iyon.
Nagpadala ako sa tukso. Hinayaan ko siyang pumasok sa kwarto ko.
Habang nasa gitna kami ng init at kas@rap@n, doon nangyari ang hindi ko inaasahan. Nasa ib@b@w ko siya, humihingal, hanggang sa bigla na lang siyang nanigas. Ang malakas niyang paghinga ay naging isang mahabang ungol ng hirap.
“Tay? Tay, okay ka lang?”
Iyon ang huling beses na tumingin siya sa akin. Ang kanyang mga mata ay nanlilisik bago unti-unting nawalan ng buhay. Doon mismo, sa ibab@w ko, nalagutan siya ng hininga. Inatake siya sa puso. Ang R*bast na ininom niya para sa pansamantalang sar@p, iyon pala ang magiging
Kumaripas ako ng takbo para magbihis at ayusin ang lahat bago tumawag ng saklolo. Pinalabas kong natagpuan ko na lang siyang walang malay sa sahig ng sala habang nanonood ng TV.
Naniwala sila. Umiyak si Mar sa balikat ko. Niyakap ako ni Nanay Sabel habang nagpapasalamat dahil “nandun daw ako” para asikasuhin ang bangkay ni Tatay.
Hindi nila alam. Tuwing tinitingnan ko ang asawa ko, ang nakikita ko ay ang mukha ng tatay niya noong sandaling mamatay ito sa ibabaw ko. Ang s@rap na hinanap namin ay naging isang habambuhay na parusa. Ang bait nila sa akin, pero ang totoo, isa akong traydor na pumatay sa kanilang haligi ng tahanan dahil sa isang gabi ng kalib*gan.
Lumipas ang mga dalawang linggo matapos ang libing, pero para sa akin, bawat araw ay parang paghatol. Hindi ako makakain nang maayos, at bawat paghaplos ni Mar sa akin ay nagpapatalon sa puso ko, hindi dahil sa kilig, kundi dahil sa takot.
Isang hapon, habang naglilinis si Nanay Sabel ng kwarto ni Tatay Ber, narinig ko siyang umiiyak.
Patakbo akong pumunta roon, iniisip na baka inaatake rin siya.
“Delilah,” tawag niya habang nanginginig ang kamay. “Bakit may ganito sa ilalim ng kama niyo ni Mar? Nakita ko ito nung nagwawalis ako sa ilalim ng pinto niyo.”
Nanigas ako. Hawak niya ang isang punit na pakete ng R*bast. Alam kong hindi kay Mar iyon dahil hindi niya kailangan niyon. Alam kong kay Tatay Bert iyon na nalaglag sa sahig noong gabing iyon.
“Ah… baka po kay Mar ‘yan, Nay. Baka sumubok lang,” pagsisinungaling ko, habang ang boses ko ay halos hindi lumalabas sa lalamunan. Pero alam ko sa tingin ni Nanay Sabel, may nabubuo nang duda.
Isang gabi, habang tulog na si Mar, biglang tumunog ang luma at sirang cellphone ni Tatay Bert na itinabi ni Mar sa drawer namin. Akala namin ay drained na ang battery nito, pero bigla itong nag-vibrate dahil sa isang scheduled alarm o reminder.
Dahil sa kaba, mabilis ko itong kinuha para patayin. Pero bago ko pa ma-swipe, nakita ko ang naka-save na draft sa messages:
“Delilah, hintayin mo ako sa kwarto mo pag-alis nila. Ininom ko na yung p@mp@tigas, hinding-hindi mo ito malilimut@n.”
Muntik ko nang mabitawan ang phone. Ang masaklap, hindi ko napansin na nakatayo na pala si Mar sa likod ko, kinukuskos ang kanyang mga mata.
Sino ang nag-text sa phone ni Papa?” tanong niya.
Ang pinakamalalang bahagi ay hindi ang mga gamit, kundi ang sarili kong isip. Isang gabi, nagising ako na hinihingal at basang-basa ng pawis. Sumigaw pala ako sa panaginip ko.
“Tay, tama na! Bumangon ka dyan! ‘Wag kang mamatay dito!
Pagdilat ko, nakabukas ang ilaw. Nakaupo si Mar sa gilid ng kama, blangko ang ekspresyon, habang si Nanay Sabel ay nakatayo sa may pinto, may hawak na baso ng tubig.
Panaginip lang yun, Mar.. si Tatay Berting, nakita ko siya sa panaginip ko, humihingi ng tulong, hindi raw siya makahinga, pabulong kong sabi habang nanginginig ang buong katawan ko.
Agad akong naramdaman ni Mar. Niyakap niya ako nang mahigpit, ang init ng kanyang katawan ay parang nagpapaalala sa akin kung gaano ako kadumi.
tahan na, Delilah. Siguro dahil lang yan sa trauma mo nung gabing nakita mo siya. Masyado kang naging martir sa pag-aalaga sa amin, pati sa panaginip dala mo ang pag-aalala kay Papa.”
Hinaplos ni Mar ang buhok ko. “Kahit wala na si Papa, alam kong masaya siya dahil ikaw ang huling nakasama niya sa bahay na ‘to.
Salamat sa pag-aalaga sa kanya, ha?”
Gusto kong sumigaw. Gusto kong itulak si Mar at sabihing, “Huwag kang magpasalamat sa akin! Ako ang dahilan kung bakit wala na ang tatay mo!”
Pero ang tanging lumabas sa bibig ko ay iyak ng pagsisi., Ang akala nila ay iyak ng lumbay, pero iyak ito ng isang taong nasasakal.
Pag-alis ni Mar para kumuha ng mainit na gatas, naiwan akong mag-isa sa dilim. Doon, sa sulok ng kwarto, parang nakikita ko pa rin ang anino ni Tatay Bert, ang pilyong ngiti niya na nauwi sa dilat na mga mata ng kam@tayan.
Hindi ko na kaya ang bigat sa dibdib ko. Parang may nakadagan sa akin na higit pa sa bigat ng isang tao; ang bigat ng isang habambuhay na lihim.
Paano ko sasabihin? Paano ko sisirain ang pamilyang ito na sobrang bait sa akin? Pero paano ako mabubuhay nang maayos kung bawat
“I love you” ni Mar ay parang sampal sa aking pagkatao?
Kinuha ko ang cellphone ko. Tinitigan ko ang picture naming tatlo nina Mar at Nanay Sabel. Ang linis ng mga ngiti nila. Samantalang ako, isang anay na unti-unting sumisira sa pundasyon ng bahay na ito.
Huminga ako nang malalim. Pagbalik ni Mar sa kwarto, bitbit ang baso ng gatas at ang mapagmahal niyang tingin, alam ko na… kailangan ko nang tapusin ang pagpapanggap na ito bago pa ako tuluyang mabaliw.
Please help me naman po, ano ang gagawin ko?
Gusto ko ng sabihin sa asawa ko ang totoo, para gumaan ang nararamdaman ko, pero paano
Tiyak na muuwi ito sa hiwalayan,