NA-CANCEL ANG FLIGHT KO KAYA UMUWI AKO AGAD — PAGBUKAS KO NG PINTO, IKAKASAL ANG ASAWA KO SA IBA SA LOOB MISMO NG SALA NAMIN!

Ako si Katrina. Isang Flight Attendant sa isang international airline. Sanay ako sa hirap at puyat para lang mabigyan ng magandang buhay ang asawa kong si Mark. Si Mark ay walang permanenteng trabaho, kaya ako ang bumubuhay sa kanya. Ako ang nagbabayad ng bahay, kuryente, tubig, at lahat ng luho niya.

Ang akala ng lahat, perfect couple kami.

Isang araw, papunta na sana ako sa Japan. Pero dahil sa isang malakas na bagyo, kinancel ang lahat ng flights.

“Bad trip,” bulong ko. Pero naisip ko, at least makakasama ko si Mark. Masusurpresa ko siya.

Hindi ako tumawag o nag-text. Gusto kong makita ang reaksyon niya kapag nakita niyang umuwi ako nang maaga.

Sumakay ako ng taxi pauwi. Pagpasok ko sa aming subdivision, nagtaka ako.

Sa tapat ng bahay KO (na pinaghirapan ko nang limang taon), may mga nakaparadang sasakyan. May mga puting lobo sa gate. May naririnig akong malakas na sound system.

May birthday ba? tanong ko sa sarili. Wala namang may birthday sa amin.

Bumaba ako ng taxi dala ang maleta ko. Dahan-dahan akong naglakad papasok ng gate na nakabukas.

Pagtingin ko sa loob ng bahay, para akong binuhusan ng nagyeyelong tubig.

Ang sala ko… na inayos ko gamit ang mga mamahaling muwebles… ay naging simbahan.

May red carpet sa gitna. May mga bulaklak sa gilid. May mga bisita—ang iba ay pamilya pa mismo ni Mark! Nandoon ang nanay niya, ang mga kapatid niya, nakaupo at nakangiti.

At sa dulo, sa tapat ng altar na itinayo sa sala ko… nakatayo si Mark.

Naka-tuxedo siya. At sa tabi niya, may isang babaeng naka-wedding gown. Si Sheila, ang kapitbahay naming “ka-close” daw ni Mark.

Narinig ko ang sabi ng Pastor:

“Mark, tinatanggap mo ba si Sheila bilang iyong makakasama sa hirap at ginhawa?”

Nakangiting sumagot si Mark, “Opo, Father. I do.”

“At ikaw naman Sheila…”

Hindi ko na pinatapos.

Join the Meme Revolution! Buy now!

Binitawan ko ang maleta ko.

BLAG!

Napalingon ang lahat sa ingay. Nakita nila ako sa may pinto, naka-uniporme pa ng Flight Attendant, basag ang puso pero nag-aapoy ang mata sa galit.

“ITIGIL ANG KASAL NA ‘YAN!” sigaw ko.

Namutla si Mark. Parang nakakita ng multo.

“K-Katrina?! Akala ko nasa Japan ka?!”

Ang mga bisita ay nagbulungan. Ang nanay ni Mark ay nagtakip ng mukha sa hiya.

Naglakad ako papasok sa red carpet. Ang tunog ng heels ko ay parang martilyo na dumudurog sa katahimikan.

“Japan?” tanong ko nang makalapit ako sa kanila. “Buti na lang hindi ako natuloy. Dahil kung natuloy ako, hindi ko malalaman na ginawa niyo palang motel at simbahan ang bahay ko!”

Humarap si Sheila sa akin. “Mark? Sino siya? Sabi mo hiwalay na kayo ng ex mo at sa’yo ang bahay na ‘to?!”

Tumawa ako nang mapakla. “Ex?! Ako ang Legal Wife! At ang bahay na ito? Walang kahit singkong duling na inambag ang lalaking ‘yan! Pangalan ko ang nasa titulo nito!”

Humarap ako sa mga bisita, lalo na sa pamilya ni Sheila na mukhang naloko rin ni Mark.

“Sa inyong lahat na nandito…” sigaw ko. “Kinasusuklaman ko kayong lahat. Lalo na kayo, Mama!” turo ko sa biyenan ko. “Pinakain ko kayo, binibigyan ng allowance, tapos kukuntrintihin niyo ako nang ganito?!”

Lumapit si Mark, nagmamakaawa. “Kat, please! Let me explain! Buntis si Sheila! Naawa lang ako! Huwag tayong mag-iskandalo dito!”

PAAAK!

Isang malakas na sampal ang dumapo sa mukha ni Mark.

“Iskandalo? Kayo ang gumawa ng iskandalo sa pamamahay ko!”

Kinuha ko ang cellphone ko.

“Naka-live ako sa Facebook ngayon,” sabi ko habang tinatapat ang camera sa kanila. “Kitang-kita ng buong mundo ang Bigamy na ginagawa niyo. At tumawag na rin ako ng pulis. Paparating na sila.”

Nang marinig ang “Pulis,” nagkagulo ang mga bisita. Nagtakbuhan palabas.

Ang pamilya ni Sheila ay galit na galit. Sinampal ng tatay ni Sheila si Mark. “Manloloko! Sabi mo binata ka!” Hinila nila si Sheila palabas, na umiiyak at hiyang-hiya.

Naiwan si Mark sa gitna ng sala, sira ang kasal, sira ang mukha.

“Kat… asawa ko… sorry na…” iyak ni Mark, lumuluhod. “Wala akong pupuntahan. Palabasin mo lang ako, saan ako titira?”

Tumingin ako sa kanya nang may pandidiri.

“Problema mo na ‘yan. Lumayas ka.”

Dumating ang mga pulis. Binitbit si Mark dahil sa reklamong Adultery at Concubinage na isasampa ko, at dahil nanggugulo na siya sa pagpupumilit na huwag umalis.

Nang matapos ang gulo, naiwan akong mag-isa sa sala.

Ang mga bulaklak ng kasal ay nagkalat. Ang cake ay hindi nahati.

Umupo ako sa sofa. Pagod na pagod. Pero nakahinga ako nang maluwag.

Masakit maloko. Pero mas masarap sa pakiramdam na napaalis ko ang “basura” sa buhay ko bago pa tuluyang masira ang lahat. Kinuha ko ang bote ng wine na para sana sa kasal nila, at ako ang uminom.