“Mahal ko ang papa ng Bf ko”
Ako nga pala si Bea
kuya Jay, lumaki ako
sa lola, dahil anak ako
ni mama sa pagkadalaga,
hindi ko na rin nakilala
ang aking ama,
pero
okey lang dahil maayos
naman ang naging
lagay ko at hindi naman
ako pinabayaan ni mama
kahit na may sarili na
syang pamilya,
ang story ko na ito
ay noong nag aaral
ako ng college,
Ilang buwan na kaming
magkasintahan ni carl,
pero kahapon ang
pinaka-kinakabahan
noon ang sabihin nya
na ipakikilala nya ako sa
mga parents nya,
sinasabi kasi ni Carl na ang
papa nya daw ay istrikto,
at isang retiradong
sundalo mahigpit daw
tahimik,
pagdating naming sa
kanila, nakita ko si
tito gardo sa may bakuran
nila, nag aayos ng mga
tuyong dahoon, nagmano
ako agad sa kanya matapos
na sabihin ni carl na ako
ang gf nya,
Hindi siya tumitingin,
parang naghihintay lang
siya ng aking pagkilos,
Tumango lang siya at
itinuro ang isang tambak
ng mga tuyong dahon,
Kailangan itong walisin,
Sabi nya agad,
Nang makita ko iyon,
Imbes na magreklamo
kinuha ko agad ang walis.
Tahimik akong nagwalis.
Sobrang init at medyo
masakit sa likod,
pero sinigurado kong
malinis,
Napansin kong
tinitingnan ako ni Tito
gardo habang siya ay
naglilipat ng lupa.
si carl kasi pumasok
sa bahay nila dahil
inutusan ng papa nya
na may kunin sa loob,
Pagkatapos ng halos
ilang minuto natapos ko
ang pagwawalis.
Pawis na pawis ako,
Lumapit ako sa kanya.
Inilapag niya ang pala.
Sa unang pagkakataon,
tumingin siya nang
diretso sa aking mga mata, 4
“Hindi ka marunong
magwalis, nakita ko ‘yan.
Pero sinikap mong
tapusin. Magaling,”
sabi niya.
Bilang isang teenager
Hindi ko agad na get
Ang ibig nyang sabihin,
Pero Simula noon,
kahit hindi kami madalas
mag-usap, hindi na
ako naiilang, parang
ang dali kong nakuha
ang loob ng papa ng
bf ko,
Matapos iyon,
nagbago ang lahat.
Napansin ko na mas
mabilis akong
nakakadalaw sa bahay nila,
at ang nakakagulat,
madalas akong pumupunta
kahit wala si carl
Kapag nagkakaroon
kami ng date ni carl
kadalasan, siya ang
naghahatid sa akin pauwi.
pero kung minsan,
dahil may trabaho na
si carl,
kaya nag-aalala ako na
baka hindi ako makadaan.
Ngunit si Tito Gardo siya
ang magsasabi, “
Hayaan mo na ‘yan.
Pumunta ka rito at
magmeryenda muna
Naging madalas ang
pagtambay ko sa kanilang
bahay,kahit wala si
tita ang mama ni carl na
isang nurse dahil
duty sa hospital,
pero minsan
nakikipagkuwentuhan
ako kay Tita ang mama
ni carl, habang nagluluto.
Pero ang pinakasamaya
kuya jay, ang mga sandaling
kasama ko si Tito Gardo,
Siya ang tipo ng tao na
hindi madaling magsalita,
pero alam mong mahal ka.
Isang beses, nag-aaral
ako para sa isang exam.
Dahil mas tahimik sa
bahay nila, doon ako
nag-aral. Bigla na lang,
may inilapag siyang
tasa ng mainit na
tsokolate sa aking harapan.
“Maganda ito sa review
Subukan mo, tapos “
umalis na siya.
Walang sermon,
walang tanong.
Simpleng pagkalinga,
Madalas, inaaya niya
akong kumain o kaya
naman ay manood
lumang pelikula.
Para bang, sa halip na
isang mahigpit na
future father-in-law,
naging isa siyang
pangalawang tatay na
naghahanap ng kasama.
Ang aking relasyon kay
carl ay nagpapatuloy.
Pero ang relasyon ko
sa pamilya niya,
lalo na kay Tito gardo
ay lumalim na kuya jay
Patuloy akong nagiging
regular na bisita sa bahay nila,
kahit wala si carl At
habang dumarami ang
oras na ginugugol ko sa
pamilya niya, lalo
kong nakikita ang
dahilan kung bakit
successful si carl,
Pero ang pinakamalaking
pagbabago ay ang
nararamdaman ko para
kay Tito
Sa simula, siyempre,
kinikilala ko lang siya
bilang ‘tatay ni ‘ o ang
‘future biyenan’ ko.
Pero ngayon… higit pa
doon ang nararamdaman ko.
Dahil sa ipinapakita
niyang kabaitan at
pagmamalasakit,
hindi ko na siya nakikita
bilang future biyenan lang.
Sa puso ko,
nararamdaman ko na
siya ay isang lalakeng
hinahanap ko kuya jay
Siya ang lalake na
nagbigay sa akin ng
dagdag na lakas ng loob
na lumaban sa buhay.
Siya ang taong
nagparamdam sa akin
na bukod sa pamilya ko,
mayroon pa akong
tito Gardo na anytime
puwede pagsumbungan,
para bang pakiramdam
ko, kapag nakipag away
ako, may pader ako na
sasaldalan,
Isang araw, matindi ang
away namin ni Carl.
Hindi lang simpleng
tampuhan. Natuklasan ko
na… may iba siyang babae,.
napakasakit.kuya jay
Nagdilim ang paningin ko,
at ang tanging lugar na
naisip kong puntahan
para humingi ng payo ay
sa kanila,
kay tito Gardo
Pumunta ako doon nang
walang paalam.
Pagdating ko,
si Tito Gardo lang ang
nandoon, nagbabasa sa sala.
Wala akong pakialam
sa itsura ko magulo ang
buhok,
namamaga ang mata.
Pagkakita ko sa kanya,
bigla na lang bumuhos
ang luha ko. Hindi ko na
napigilan.
“Tito Gardo…”
ang tanging nasabi ko
habang umiiyak.
Agad siyang tumayo,
nag-alala ang mukha.
Hindi siya nagtanong.
Sa halip, iginaya niya
ako sa kusina,
pinaupo, at agad na
binigyan ng isang
basong tubig.
“Huminahon ka muna,
anak,”
malumanay niyang
sabi. Hinayaan niya
lang akong umiyak.
Nang medyo humupa
na ang iyak ko, doon
ko na sinabi sa kanya
ang lahat.
“Nakita ko po,
Tito Gardo…
May iba si Carl.
May babae po siya.”
Sa puntong iyon,
parang gumuho ang
mundo ko. Pero
ang reaksyon ni
Tito Gardo, iyon ang
hindi ko malilimutan.
Hindi siya nagalit sa akin.
Ang una niyang ginawa
ay niyakap ako isang
yakap na punong-puno
ng awa at pag-unawa.
“Alam ko, anak, “
Alam kong masakit.
Pasensya ka na sa anak ko.”
Ang tatay mismo
ang humingi ng tawad
para sa pagkakamali ng
kanyang anak.
Pagkatapos, umupo
siya sa tabi ko.
Sa halip na ipagtanggol
si Carl, sinabi niya: “
Hindi tama ang ginawa
ni Carl.
Nasaktan ka niya, at
wala siyang karapatan
doon. Pero bea,
ikaw,
alam kong matatag ka
Nagkuwento siya
tungkol sa sarili niyang
mga pagkakamali
noong kabataan siya,
hindi para i-justify si Carl,
kundi para lang ipakita sa
akin na ang mga tao ay
nagkakamali.
Pero ang pinakamahalaga
niyang sinabi ay ito: “
Anak,
ang problema ni Carl ay
sa kanya.
Huwag mong isipin na
kasalanan mo ‘yan.”
Noong araw na umiyak
ako kay Tito Gardo
dahil sa panloloko ni Carl,
doon nag-umpisa ang
kakaibang lalong ‘
pagbabago sa
nararamdaman ko.
Ang sandaling iyon ay
hindi lang pagtanggap ng
suporta mula sa isang
‘future biyenan ko,
Nakita ko ang isang
lalaki na handang saktan
ang sarili niyang
damdamin ang aminin
ang pagkakamali ng
kanyang anak para lang
mapagaan ang sakit na
nararamdaman ko.
Pagkatapos ng araw na iyon,
mas madalas ko na
siyang hanapin. Hindi
dahil may kailangan
akong payo, kundi dahil
sa presensya niya.
Iba ang nararamdaman
ko na hindi ko
naramdaman kay Carl.
Si Carl naman abala sa
paghingi ng tawad at
pag-aayos ng aming
relasyon,
hindi sya napapansin.
Pero hindi ko na sya
Pinapansin,
Dahil paulit-ulit kong
iniisip ang kabaitan at
pagmamahal na ipinakita
sa akin ni Tito Gardo.
Dumating ang isang gabi,
habang nagkukulong
ako sa aking kuwarto at
inaalala ang mga sandali
naming magkasama
ni Tito Gardo ang
yakap niya,
ang kanyang payo,
ang sopas na dinala
niya sa akin doon ko
napagtanto ang katotohanan,
Napatingin ako sa salamin,
at naramdaman ko
ang isang emosyon na
hindi ko inaasahan,
mararamdaman ko sa
halos doble ng edad ko,
sinabi ko sa sarili ko
ang salitang “
Mahal ko na ang
Papa ni Carl.”
Kuya jay Matapos
kong aminin sa sarili ko
na mahal ko na si
Tito Gardo,
ang pagiging regular
na bisita ko sa kanilang
bahay ay naging mas
mahirap.
Ang bawat sulyap,
ang bawat salita niya,
ay nagdadala ng
kakaibang kaba at takot
pero lihim akong
natutuwa,
Ngunit ang hindi ko alam,
matagal na pala siyang
may nararamdaman na
ganun sa akin,
Isang hapon,
nakatanggap ako ng
tawag mula kay Tito Gardo.
Kailangan nating mag-usap,
Hindi sa bahay.
Nagbigay siya ng
lugar sa isang malayo
iyon at sa kabilang
bayan pa,
Pagdating ko doon ,
Kinabahan ako dahil
Ang lugar na iyon
Ay pinuntahan ng mga
Mag asawa at isang
Gustong maglipas Ng oras,
Dumirecho ako
Sa roon na sinabi niya,
Pagdating ko doon,
nandoon na si tito Gardo,
hindi ko mawari ang
nararamdaman ko noon
kuya jay,
kinakahan ako na
ewan,lalo na dalawa lang
kami sa kwartong iyon,
Naghintay ako ng
susunod na gagawin
ni tito Gardo,
“Alam ko, anak,”
Alam kong may iba ka
nang nararamdaman sa akin,
“Nakita ko ang
pagtingin mo, Nakita ko
ang paghahanap mo sa akin
kapag wala ka sa bahay.
At higit sa lahat,”
“nakita ko kung gaano
ka kasaya kapag
magkasama tayo…
at kung gaano ka
nalulungkot kapag
nag-aaway kayo ni Carl.
Kuya jay hindi pa
tapos maglita si tito Gardo,
Doon ako umamin.
Umiyak ako, at sinabi
ko ang lahat ang paghanga
, ang pasasalamat, at
ang malalim na
pagmamahal na ko mula sa
kanyang kabaitan sa akin,
“Mahal kita,bea,
mahal kita,
kuya jay, napangiti ako
sa mga sinabi nya,
parang biglang kumabog
dibdib at ng mga oras
na iyon,
handa na ako sa
anumang mangyayari
sa amin ng oras na iyon,
pero nagsalita pa sya,
Mahal kita bea,
Bilang isang anak,
bilang isang napakahalagang
tao sa buhay ko. At alam
kong higit pa sa ‘
pagiging ama ang
nararamdaman mo.
Sa dami ng oras na inuubos
natin nang magkasama,
lumago din ang espesyal
na pagmamahal ko sa iyo.”
May respeto ako sa aking
pamilya, at may respeto
ako sa iyo.
Hindi ito pag ibig tulad
ng nararamdaman mo
sa anak ko,
pangangailangan lang
ng katawan ito,
Huwag mong sirain
ang sarili mong kinabukasan,
dahil sa akin at huwag
din sirain ang pamilyang
ko na matagal ko na iningatan,
kuya jay marami pa
syang sinabi sa akin, at
doon ko naunawaan
ang lahat, dala lang
pagiging teenager ko
at mapusok, at isa pa,
wala akong kinalakihan
na ama, kaya sa kanya ko
nabaling ang lahat na akala
ko pagmamahal talaga
na totoo,
Kuya jay Ang araw na
iyon ang naging katapusan
ng aking lihim na paghanga
sa papa ng aking bf.
at ang simula ng aking
pagtanggap.
Masakit, Ngunit sa
kanyang desisyon,
naramdaman ko ang
tunay na pagmamahal,
Hindi siya naging makasarili.
Pinili niya ang tama,
kahit masakit ito para
sa amin pareho.dahil
alam ko na gusto nya din ako,
Umuwi ako nang may gaan
sa dibdib,
Si Tito Gardo
ay hindi lang ang
nagturo sa akin ng
pagmamahal, siya rin
ang nagturo sa akin ng
hindi dapat binibigay agad
ang katawan dahil lang
sa sinaasabi na mahal,
Kuya jay Matapos kong
marinig ang mga salita
ni Tito Gardo ang kanyang
pagtanggi sa akin
kahit na nasa harapan
na nya ako, na anumang
oras maaari nyang
angkinin,
pakiramdam ko ay
nasampal ako.
Masakit, ngunit hindi
dahil sa galit, kundi
dahil sa pagkilala sa
katotohanan na mali ako
at posibling makasira ako
ng pamilya,
Umamin ako ng pag-ibig
sa kanya. Nalaman ko
rin na may nararamdaman
din pala siya sa akin.
At higit sa lahat, alam
niyang handa akong iwan
ang lahat para sa kanya.
Bilang isang babae,
alam ko na maganda ako,
at handa akong ibigay
ang sarili ko sa kanya.
Ang lahat ay nasa kamay
na niya. Ngunit pinili
niyang tanggihan ang lahat.
Siya ay hindi lang
ang nagturo sa akin na
magmahal, siya ang
nagturo sa akin ng
kahulugan ng respeto sa sarili
at pagpapahalaga sa pamilya.
At dahil dito, lalo ko
siyang minahal,
dahil sa kanyang
paninindigan at katapangan
na bitiwan ang isang
bagay na mahal niya,
para lang ingatan ang lahat.
At iyon ang huling
sandali kung saan
tiningnan ko si Tito Gardo
bilang higit pa sa isang ama.
Mula noon, siya ay
naging simbolo ng
taong kailangan kong tularan.
Kuya jay Matapos
ang huling pag-uusap
namin ni Tito Gardo,
doon ko na naisip ang
umalis.
Ang desisyon niya ay
nagbigay sa akin ng
lakas para gawin ang
matagal ko nang dapat
ginawa ang hiwalayan si Carl.
Hindi na kami nagtagal
ni Carl. Ang panloloko
niya, at ang katotohanan
na mas mahal ko ang
kanyang ama,
Ang paglayo ko sa
kanila ang naisip ko na paraan
Pinagtuunan ko ang sarili ko.
Nag-aral ako nang mabuti,
nagtapos, at ibinuhos ang
lahat ng aking oras at
lakas sa aking career.
Ang layunin ko ay
maging isang taong
tulad ni Tito Gardo
may prinsipyo at
pagmamahal sa pamilya,
Lumipas ang mga taon,
at ngayon, masaya na
ako. May asawa na ako
at may dalawang anak.
Ang pinakamalaking
nangyari sa buhay ko ay
ang aking asawa.
Kapag tinitingnan ko siya
ang kanyang pagiging tapat,
ang kanyang pagiging
maalalahanin, ang kanyang
tahimik pero sobra akong
mahal,
doon ko naaalala ko
si Tito Gardo. Halos
magkapareho sila ng
karakter; pareho silang
lalaki na may integrity at
may malalim na respeto sa
pamilya.
Mahal na mahal ako ng
asawa ko,
hindi man ibinigay sa akin
si tito Gardo, binigyan
naman ako ng higit pa,
si Paolo, ang asawa ko,
At siya, Kuya Jay,
ang una at huling lalaking
pagbibigyan ko ng
aking buong pagmamahal
pagkatapos ng lahat ng
nangyari,
alam kong siya ang taong
karapat-dapat na bigyan
ko ng aking pagkababae,
Nagpapasalamat ako kay
Tito Gardo. Dahil sa
ginawa niya ang pagtanggi
niya sa akin noon
itinuro niya sa akin ang
halaga ko. Itinuro niya sa
akin kung anong uri ng
pagmamahal ang dapat
kong hanapin at tanggapin.
Siya ang nagbigay sa
akin ng standard ng
pagmamahal.
Kuya jay Ang kuwentong ito,
matagal ko na sana itong
nilimot. Ngunit noong
nakaraang buwan,
nalaman ko ang malungkot
na balita:
namatay na si Tito Gardo.
Ang sakit na naramdaman
ko ay hindi ang sakit ng
isang dating future manugang,
kundi ang sakit ng
isang anak na nawalan
ng pangalawang ama.
Kaya sumulat ako sa iyo,
Kuya Jay, hindi para
magkuwento ng isang
romantic na drama.
Kung paano ko inakit
si tito Gardo, dahil sa
mali ko na nararamdaman,
Kundi para isara ang
isang mahalagang yugto
ng buhay ko.
Ang kuwentong na ito ay
ang aking pasasalamat at
pag-aalala sa kabutihan
at ni Tito Gardo.
Salamat, Tito Gardo.
Dahil sa iyo, nakita ko
ang tunay na pag-ibig,
dahil sa iyo, natagpuan ko
ang pamilya na nararapat
sa akin,
hindi kita
malilimutan tito Gardo
at mahal na mahal parin kita,
kuya jay maraming
salamat pagkakataon na
na mailabas ko ang
aking kuwento ng buhay,