
Tuwing tumatawag si Adrian, laging sinasabi ni Ramon: “Oo, Adrian. Ginagawa na. Maganda na.” Pero ayaw magsend ni Ramon ng pictures dahil surprise daw.
Ang Pagbabalik: Umuwi si Adrian nang walang pasabi para sorpresahin ang kuya niya. Excited siyang makita ang Dream House nila.
Pagdating niya sa tapat ng lupa nila… gumuho ang mundo niya. Walang mansyon. Walang gate na bakal. Walang garahe.
Ang nandoon lang ay ang lumang kubo na sira-sira na ang bubong. At sa gilid nito, sa dating kulungan ng baboy na may trapal lang, doon niya nakita si Kuya Ramon. Nakahiga sa karton, payat na payat, nangingitim, at suot ang damit na butas-butas.
Sumabog ang galit ni Adrian. Inisip niya na nilustay ng Kuya niya ang pera sa sugal, alak, at babae.
Sinipa ni Adrian ang pinto ng kulungan. Nagising si Ramon.
“KUYA!” sigaw ni Adrian habang umiiyak sa galit. “Nasaan ang mansyon na ipinatayo ko?! Sampung taon akong nagpakahirap sa init ng disyerto! Halos hindi ako kumain para makapagpadala sa’yo! Bakit nasa kulungan ka ng baboy natutulog?! Saan mo dinala ang pera ko?!”
Tumayo si Ramon. Nanghina si Adrian nang makita niyang ika-ika maglakad ang kuya niya. Sobrang tanda na ng itsura nito kaysa sa edad niya.
Hindi sumagot si Ramon nang pabalang. Ngumiti lang ito nang mapait. Kinuha niya ang isang lumang biscuit tin can sa ilalim ng karton na hinihigaan niya.
Binuksan niya ito at iniabot kay Adrian ang laman: Isang Titulo ng Lupa, Susi ng Kotse, at Susi ng isang Building.
“A-Ano ‘to?” tanong ni Adrian.
“Adrian…” malumanay na sabi ni Ramon. “Kung ipinatayo ko ng mansyon ang pera mo, gagastos tayo sa maintenance, kuryente, at amilyar. Ubos ang pera mo, pero wala kang balik.”
Hinawakan ni Ramon ang balikat ng kapatid.
“Kaya ang ginawa ko… binili ko ang limang ektaryang palayan sa likod. At ‘yung ibang pera, ipinatayo ko ng 4-Storey Apartment sa bayan at ipinangalan ko sa’yo. Puno ‘yun ng tenants ngayon. Kumikita ka ng 100-thousand kada buwan.”
Natulala si Adrian.
“Bakit…” nanginginig na tanong ni Adrian. “Eh bakit dito ka natutulog sa kulungan ng baboy?”
Tumulo ang luha ni Ramon. “Kasi pinaupahan ko rin ‘yung luma nating kubo para dagdag ipon. Dito na lang ako sa kulungan natulog kasi libre. Tiniis ko ang lamok at baho, para pag-uwi mo… may NEGOSYO ka na. Para hindi mo na kailangang bumalik sa Dubai. Para hindi ka na muling maging alipin ng ibang bansa.”
Napaluhod si Adrian sa putikan. Niyakap niya ang mga tuhod ng Kuya niya at humagulgol nang malakas.
Ang akala niyang winaldas ng kuya niya ang pera, ay higit pa pala sa inaasahan niya. Ang tunay na mansyon ay hindi ang bahay na bato, kundi ang pagmamahal ng isang kapatid na handang matulog sa dumi, mabigyan lang ng magandang kinabukasan ang bunso niya.
Nang araw ding iyon, dinala ni Adrian si Ramon sa pinakamagandang ospital at ipinangakong hinding-hindi na ito maghihirap muli.
News
PINAHIYA SIYA DAHIL MUKHANG MAHIRAP SA GITNA NG OPISINA SA MAKATI HINDI NILA ALAM NA SIYA ANG MAY-ARI NG BUONG TORRE AT ISANG LINYA LAMANG MULA SA KANYA… SAPAT PARA LUMUHOD ANG LAHAT./th1
Hindi malakas ang boses niya. Ngunit malinaw. Matatag. At may kakaibang bigat na hindi maipaliwanag ng sinuman sa silid. Sa mismong sandaling iyon, bumukas nang tuluyan ang elevator sa dulo ng hallway. Lumabas ang tatlong lalaki at isang babae na…
IPINANGANAK NA BINGI ANG ANAK NG ISANG BILYONARYO — HANGGANG MAY HINUGOT ANG KATULONG NA IKINAGULAT NIYA/th1
Sa loob ng walong taon, palaging hinahawakan ng bata ang kanyang tainga. Iisa lang ang sinasabi ng bawat doktor: “Wala na kaming magagawa.” Ginastos ng kanyang ama ang milyun-milyon. Lumipad sa iba’t ibang bansa. Nakiusap sa pinakamahuhusay na espesyalista…
Nag-uwi siya ng isang lumang armchair na itinapon ng isang tao, dahil sa tingin niya ay maaari pa itong magamit/th
Pagkalipas ng ilang minuto, nang tanggalin nila ang mga upholstery, natuklasan nila ang isang lihim na kompartamento na nakatago sa loob. Sa loob ng espasyong iyon ay may isang bagay na hindi nila maisip na matagpuan. Gayunpaman, ang tunay na…
Bumili ang kawawang balo ng isang rantso sa halagang 10 piso — Natigilan siya nang makita niyang puno ng ahas ang bahay/th
Nang umagang unang beses na naglakad si Esperanza Méndez papunta sa rantso na binili niya, halos sumisilip na ang araw sa mga burol. Sa kanyang gusot na kamay, dala niya ang titulo. 10 piso. Iyon lang ang nabayaran niya para…
Iniwan ng kanilang mga anak sa edad na 70, natuklasan nila ang isang nakatagong bahay…/th
Iniwan ng kanilang mga anak sa edad na 70, natuklasan nila ang isang nakatagong bahay… at ang kanilang natagpuan sa loob ay nag-iwan sa kanila na walang masabi. Hinawakan ni Rosa Ramírez ang hawakan ng kanyang pulang maleta na parang…
Magbabayad na sana siya ng 980 milyong piso sa kanyang buntis na dating asawa nang, bigla na lamang, isang batang kalye ang sumugod sa korte, itinaas ang isang sobre, at sumigaw:/th
Magbabayad na sana siya ng 980 milyong piso sa kanyang buntis na dating asawa nang, bigla na lamang, isang batang kalye ang sumugod sa korte, itinaas ang isang sobre, at sumigaw: “Tumigil kayo! Hindi siya ang ama ng sanggol!” Ngunit…
End of content
No more pages to load