
Nakaluhod ako sa sahig ng sala habang umiiyak sa harap ng asawa ko. Halos manginig na yung tuhod ko kakaluhod pero hindi pa rin ako tumitigil sa pagmamakaawa dahil ayokong mawala yung lalaking pinakasalan ko at naging ama ng anak ko. Nakatingin lang siya sa akin habang umiiyak din at paulit ulit niyang sinasabi na sana maintindihan ko daw siya kahit alam niyang masakit yung mga sinasabi niya.
Sabi niya mahal pa rin daw niya ako bilang tao pero hindi na daw ako yung mahal ng puso niya ngayon. Sabi niya kahit anong pilit daw niyang gawin hindi na bumabalik yung dating pagmamahal niya sa akin. Mas mahal na daw niya yung kapatid ko.
Habang nakaluhod ako sa harap niya parang hindi ko maintindihan kung paano kami umabot sa ganitong punto. Kasi kung may isang bagay akong pinanghawakan sa buong buhay ko yun yung love story namin.
Hindi dramatic yung simula namin pero totoo yung nararamdaman namin para sa isa’t isa. Nakilala ko siya sa isang maliit na gathering ng magkakaibigan at nung gabing yun halos hindi siya nagsasalita. Tahimik lang siya sa gilid habang nakikinig sa kwentuhan ng iba pero nung kinausap ko siya napansin ko na iba yung paraan niya ng pakikinig.
Kapag kausap mo siya pakiramdam mo mahalaga yung sinasabi mo kahit simpleng bagay lang.
Dun nagsimula yung paguusap namin.
Hindi rin nagtagal naging kami.
Yung relationship namin hindi yung puno ng drama o selos. Mas madalas simple lang yung araw namin pero ramdam ko na mahal niya ako. Siya yung tipo ng lalaki na hindi madalas magsabi ng sweet words pero ipapakita niya sa maliliit na bagay kung gaano ka niya kamahal.
Kapag pagod ako galing trabaho siya yung magluluto ng hapunan. Kapag may sakit ako siya yung nag aalaga sa akin kahit siya mismo may pasok kinabukasan. Kapag may problema ako siya yung unang nakikinig kahit wala siyang maibigay na solution.
Pagkatapos ng ilang taon nagpakasal kami.
Hindi engrande yung kasal namin pero masaya ako nung araw na yun dahil pakiramdam ko kompleto na yung buhay ko.
Nung dumating yung anak namin mas lalo pang naging buo yung pamilya namin.
Isang lalaki na bata na parang kopya ng ngiti ng tatay niya. Kapag tumatawa siya parang bumabalik yung saya sa buong bahay.
Lumaki yung anak namin sa isang bahay na puno ng simpleng kaligayahan. Tuwing gabi sabay kaming naghahapunan sa hapag habang nagkukwentuhan tungkol sa nangyari sa buong araw. Minsan may tawanan, minsan may asaran, minsan tahimik lang pero masaya pa rin dahil magkakasama kami.
Akala ko ganun na lang lagi yung buhay namin.
Hanggang sa dumating yung panahon na humingi ng tulong yung kapatid ko.
May problema siya sa trabaho at sa tinitirhan niya kaya wala siyang mapuntahan. Siyempre bilang kapatid hindi ko siya kayang pabayaan kaya sinabi ko sa kanya na dito na muna siya sa bahay namin habang inaayos niya yung buhay niya.
Hindi ko akalain na yung desisyon na yun ang magiging dahilan kung bakit mawawala sa akin yung asawa ko.
Nung una normal lang lahat.
Magkakasama kaming tatlo sa bahay kasama yung anak namin. Minsan sabay sabay kaming kumakain, minsan nagkukwentuhan sa sala habang nanonood ng TV. May mga gabi na late ako umuuwi galing trabaho kaya nauna nang naghahapunan yung asawa ko at kapatid ko.
Hindi ko yun pinansin dahil natural lang naman na magusap yung dalawang taong magkasama sa isang bahay.
Pero habang tumatagal may mga maliliit na bagay akong napapansin.
Mas madalas silang nagtatawanan kapag magkasama sila.
Mas madalas silang nagkukwentuhan kahit simpleng bagay lang.
Pero pinipilit kong isipin na wala lang yun.
Hanggang sa dumating yung gabing kinausap ako ng asawa ko.
Tulog na yung anak namin nung umupo siya sa harap ko sa sala.
Tahimik siya ng ilang minuto bago siya nagsalita.
Dun niya sinabi na may kailangan siyang aminin.
Nainlove daw siya sa kapatid ko.
Parang tumigil yung mundo ko nung narinig ko yun.
Hindi ako agad nakapagsalita dahil hindi pumasok agad sa isip ko yung sinabi niya.
Umiiyak siya habang nagsasalita.
Sinabi niya na matagal na daw niyang sinusubukan labanan yung nararamdaman niya. Sinubukan daw niyang umiwas, sinubukan niyang maging busy sa trabaho, at may mga pagkakataon pa daw na pumunta siya sa church para ipagdasal na mawala yung feelings niya.
Pero habang tumatagal lalo daw siyang nahuhulog.
Sabi niya ayaw na daw niya akong masaktan kaya gusto niyang maging honest.
Hindi ko alam kung ano yung mas masakit.
Yung marinig na hindi na niya ako mahal.
O yung marinig na kapatid ko yung mahal niya.
Nag iyakan kami pareho nung gabing yun.
Lumuhod pa ako sa harap niya habang nakikiusap na ayusin namin yung pamilya namin.
Halos masugat yung tuhod ko kakaluhod habang umiiyak ako.
Sinasabi ko sa kanya na baka infatuation lang yun.
Sinasabi ko na subukan namin ulit para sa anak namin.
Pero umiiyak din siya habang sinasabi na sinubukan na daw niya lahat.
Hindi na daw niya ako mahal.
At mas mahal daw niya yung kapatid ko.
Nung gabing yun pinalayas ko yung kapatid ko sa bahay namin.
Akala ko dun matatapos lahat.
Pero ilang oras lang ang lumipas nagdesisyon yung asawa ko na umalis din ng bahay.
Nag impake siya ng ilang gamit habang nakaupo lang ako sa sofa sa sala na parang wala nang lakas para gumalaw.
Nagbook siya ng Grab at sinabi niyang pupuntahan niya yung kapatid ko.
Hindi ko na siya pinigilan.
Parang nawala na yung lakas ko.
Pagkasara ng pinto parang gumuho yung buong mundo ko.
Nakatulala lang ako sa sofa.
Habang nakaupo ako dun napansin ko na yung anak ko pumunta sa kusina.
Kinuha niya yung plato at siya mismo yung nagsandok ng kanin sa rice cooker.
Kumuha rin siya ng ulam kahit hirap pa yung maliit niyang kamay sa sandok.
Tahimik lang siyang kumain sa mesa.
Ako nakaupo lang sa sofa habang nakatingin sa kanya pero parang wala pa rin akong lakas gumalaw.
Pagkatapos niyang kumain niligpit pa niya yung plato niya sa lababo.
Pagkatapos nun lumapit siya sa akin sa sala.
Kinuha niya yung towel na nasa gilid ng sofa at pinunasan niya yung mga luha ko.
Maingat niyang inayos yung buhok ko na magulo na sa kakaiyak ko.
Bumalik siya sa kusina at maya maya bumalik na may dalang baso ng gatas na siya mismo yung nag timpla.
Hinawakan niya yung kamay ko at dahan dahan niya akong pinaupo ng maayos sa sofa.
Pinainom niya ako ng gatas dahil sabi niya nanghihina na daw ako.
Tinakpan niya ako ng kumot habang nakahiga ako sa sofa.
Lumapit siya sa tabi ko at hinawakan niya yung kamay ko.
Dun niya sinabi yung mga salitang hindi ko makakalimutan habang buhay.
“Mama gusto kong lumaki para yung pagmamahal ko sayo maging kasing laki ng pagmamahal ni papa na gusto mo para hindi ka na umiyak mama.”
Niyakap niya ako habang sinasabi yun.
Sa gabing yun habang pakiramdam ko nawalan ako ng asawa…
Dun ko nakita kung sino talaga yung hindi ako iiwan.
Kinabukasan paggising ko nasa sofa pa rin kami ng anak ko sa sala dahil dun na kami parehong nakatulog nung gabing parang gumuho yung mundo ko. Nakayakap siya sa braso ko habang mahimbing na natutulog na parang natatakot siyang mawala ako kapag binitawan niya yung kamay ko. Pagmulat ko ng mata ko siya agad yung nakita ko at dun ko unang naisip na kahit nawala yung asawa ko may isang taong hindi ako iniwan.
Hindi naging madali yung mga sumunod na araw dahil halos bawat sulok ng bahay may alaala ng pamilya namin. Yung upuan ng asawa ko sa hapag parang may kulang tuwing kakain kami at yung pinto na dinaanan niya nung umalis siya parang paulit ulit bumabalik sa isip ko. May mga gabi na nakaupo lang ako sa sofa habang tulala at iniisip kung saan ako nagkulang bilang asawa.
Pero sa gitna ng lahat ng yun nandun yung anak ko.
Tuwing umaga mas maaga siyang gumigising kaysa sa akin dahil gusto niyang siguraduhin na may kakainin kami pareho. Minsan siya yung naglalagay ng tinapay sa plato ko at siya rin yung naglalagay ng tubig sa baso ko kahit maliit pa yung kamay niya para sa mga ganung gawain. May mga araw na nadatnan ko siyang nagwawalis sa sala kahit halos kalahati lang ng walis yung hawak niya.
Tinanong ko siya kung bakit niya ginagawa yun at sinabi niya na gusto daw niyang maging maayos yung bahay para hindi ako malungkot.
May mga gabi na nakikita niya akong tahimik sa sofa habang nakatitig lang sa sahig. Lalapit siya sa akin at yayakap nang mahigpit na parang gusto niyang ipaalala na hindi ako nag iisa.
Minsan sasabihin niya na okay lang daw kahit wala na si papa basta nandun lang ako sa tabi niya.
Unti unti akong nahimasmasan dahil sa kanya.
Isang gabi habang pinapanood ko siyang nag aaral sa mesa sa sala bigla kong naisip na hindi pwedeng ganito na lang yung buhay namin. Hindi pwedeng habang buhay na lang akong iiyak dahil sa dalawang taong pinili akong iwan.
Dun ako nagdesisyon na bumangon ulit para sa anak ko.
Nagsimula akong mag review sa gabi habang nagtatrabaho sa umaga dahil may opportunity na makapag exam para makapagtrabaho sa US. Hindi naging madali yung proseso dahil pagod na pagod na ako sa trabaho pero kailangan ko pa mag aral pagkatapos matulog yung anak ko.
May mga gabi na halos hindi na ako natutulog dahil sa kakareview.
Pero tuwing napapagod ako naaalala ko yung gabing pinunasan ng anak ko yung luha ko gamit yung maliit niyang kamay. Yun yung nagpapaalala sa akin kung bakit kailangan kong magpatuloy.
Lumipas ang maraming buwan ng pagod at pagtyatyaga hanggang sa dumating yung araw na pumasa ako sa exam na matagal kong pinaghandaan.
May opportunity na makapagtrabaho ako sa US.
Hindi naging madali yung desisyon dahil ibig sabihin kailangan kong umalis muna at maiwan yung anak ko sa Pilipinas habang inaayos ko yung buhay namin sa ibang bansa. Kinausap ko yung anak ko at ipinaliwanag ko sa kanya na kailangan kong gawin yun para magkaroon kami ng mas magandang future.
Umiiyak siya nung gabing sinabi ko yun pero sinabi niya sa akin na maghihintay daw siya hanggang makuha ko siya.
Iniwan ko siya sa pangangalaga ng magulang ko habang ako naman lumipad papuntang US dala yung pangarap na mabigyan siya ng mas magandang buhay.
Hindi madali yung buhay sa simula sa ibang bansa.
Nagtrabaho ako nang halos walang pahinga dahil kailangan kong mag ipon para makapag petition sa anak ko. May mga gabi na umiiyak ako sa maliit kong apartment dahil nami miss ko siya pero alam ko na kailangan kong maging matatag.
Tuwing mag video call kami lagi niyang tinatanong kung kailan ko siya kukunin.
Sinasabi ko sa kanya na konting tiis lang dahil darating din yung araw na magkakasama ulit kami.
Lumipas ang ilang taon ng paghihintay hanggang sa dumating yung araw na na approve yung petition niya.
Hindi ko makakalimutan yung araw na pumunta ako sa airport para sunduin siya.
Habang nakatayo ako sa arrival area parang bumalik sa isip ko lahat ng nangyari sa buhay namin mula sa gabing iniwan kami ng tatay niya hanggang sa mga taon na pinaghirapan ko para makarating sa puntong yun.
Paglabas niya sa gate tumakbo siya papunta sa akin.
Mas matangkad na siya kaysa dati at mas malaki na yung katawan niya pero nung niyakap niya ako pakiramdam ko bumalik ako sa gabing walong taon pa lang siya.
Yumakap siya nang mahigpit sa akin at sinabi niya na hindi na daw niya ako iiwan ulit.
Dun ko naalala yung gabing pinunasan niya yung luha ko sa sofa.
Dun ko naalala yung batang nagsabi na gusto niyang lumaki para mahalin ako nang mas malaki.
Lumipas ang mga taon at naging maayos na yung buhay namin sa US.
Dun ko rin nakilala yung fiancé ko ngayon.
Nakilala ko siya sa trabaho at sa umpisa takot akong pumasok ulit sa relasyon dahil sa nangyari sa nakaraan ko. Pero pinakita niya sa akin na hindi lahat ng tao pare pareho.
Tinanggap niya ako kasama ang anak ko.
Hindi lang niya ako minahal minahal din niya yung anak ko na parang sarili niyang anak.
May mga araw na nakikita ko silang dalawa na nagtatawanan sa kusina o naguusap sa sala na parang matagal na silang mag ama.
Ngayon engaged na ako, hopefully mapawalang bisa na kasal namin ng una akong asawa…
Yung anak ko na walong taong gulang nung pinunasan niya yung luha ko sa sofa ngayon siya pa yung nagbibiro na siya daw yung maghahatid sa akin sa altar.
At sa tuwing naaalala ko yung gabing iniwan ako ng asawa ko para sa kapatid ko hindi na ako galit.
Kasi kung hindi nangyari yun baka hindi ko nakita kung gaano katatag yung anak ko at kung gaano ako kalakas bilang isang ina.
At kung may isang bagay man akong hinding hindi makakalimutan habang buhay…
Yun yung gabing sinabi ng walong taong gulang na anak ko na paglaki niya gusto niya akong mahalin nang mas malaki pa para hindi na ako umiyak.
News
Siyam na beses sa iisang gabi… at ang dugo sa mga kumot ang siyang nagpa-realize na totoo na ang lahat, bigla-bigla.
Malakas ang buhos ng ulan sa Maynila, humahampas sa malalaking bintana na para bang gusto nitong pumasok. Mula sa likurang upuan ng taxi, pinagmamasdan ni Valentina Torres ang malalabong ilaw ng lungsod habang pilit kinokontrol ang kanyang nararamdaman. Hindi ito…
NAGKAMALI NG SEND ANG 12-ANYOS NA BATA PARA MANGHINGI NG ISANG LIBONG PISO PANG-GATAS.
NAGKAMALI NG SEND ANG 12-ANYOS NA BATA PARA MANGHINGI NG ISANG LIBONG PISO PANG-GATAS. HINDI NIYA ALAM, ISANG MALUPIT NA BILYONARYO ANG NAKATANGGAP NG MENSAHE NA MAGPAPABAGO SA BUHAY NIYA HABAMBUHAY. Ang Huling Pag-asa sa Isang Basag na Cellphone Nanginginig…
Ang pinakamayamang babae sa bayan ay dating umuupa ng mga binata para magtrabaho sa gabi… ngunit nang lumabas ang katotohanan, lahat ay natakot…
Ang pinakamayamang babae sa bayan ay dating umuupa ng mga binata para magtrabaho sa gabi… ngunit nang lumabas ang katotohanan, lahat ay natakot… Sa isang maliit na bayan sa rural na lugar ng Jalisco, Mexico, nakatira ang isang babaeng nagngangalang…
Pagkatapos ng aming unang gabi bilang mag-asawa, niyakap ako ni Cardo. Bigla siyang nagsalita, ang boses niya ay kakaiba at malalim.
Pagkatapos ng aming unang gabi bilang mag-asawa, niyakap ako ni Cardo. Bigla siyang nagsalita, ang boses niya ay kakaiba at malalim. “May isang bagay akong dapat sabihin sa iyo.” “Sa mata ng batas, may asawa na ako.” “Hindi ako makakasama…
KINANSEL NG ISANG MAARTENG CUSTOMER ANG ORDER NIYANG SAMPUNG BOX NG PIZZA DAHIL “LATE” DAW NG ISANG MINUTO ANG RIDER KAYA UMIYAK SA GALIT ANG DRIVER
KINANSEL NG ISANG MAARTENG CUSTOMER ANG ORDER NIYANG SAMPUNG BOX NG PIZZA DAHIL “LATE” DAW NG ISANG MINUTO ANG RIDER KAYA UMIYAK SA GALIT ANG DRIVERHingal na hingal si Kuya Jun.Basang-basa ang likod niya ng pawis habang mabilis na ibinababa…
TAHIMIK KONG PINIRMAHAN ANG ANNULMENT PAPERS HABANG PINAGTATAWANAN NILA AKO
TAHIMIK KONG PINIRMAHAN ANG ANNULMENT PAPERS HABANG PINAGTATAWANAN NILA AKO. HINDI ALAM NG HAMBOG KONG ASAWA AT NG KANYANG KABIT NA ANG BILYONARYO KONG AMA AY NANONOOD SA BAWAT DETALYE NG KANILANG KAHIHIYAN. Ang Malamig na Silid ng Kahihiyan Napakalamig…
End of content
No more pages to load