Kuya Jay Hindi ko alam kung paano kami humantong dito, pero ang totoo, alam ko. Matagal na. Simula pa lang, may ugynayan na kami ni Kempee sa isa’t isa. Magpinsan kami, oo. Pero habang lumalaki kami, iba ang tingin namin.
Linggo-linggo, umuuwi ang asawa ko. sa ibang bayan kasi siya para magtrabaho. Pag-alis niya, doon nagsisimula ang mga sikreto namin ni Kempee. Palagi siyang dumadalaw, kunwari’y tumutulong sa gawaing bahay o nakikipagkwentuhan lang. Pero ang mga tingin, ang mga haplos iba ang ibig sabihin.
Isang hapon, mainit ang panahon. Nasa likod kami ng bahay, sa ilalim ng mangga. Walang tao, tahimik ang paligid. Ang akala ko, sapat na ang lilim ng puno para itago kami. Nagkataon lang din na wala ang nanay at tatay ko, at ang mga kapatid ko ay nasa kani-kanilang trabaho.
Nasa gitna na kami ng mainit na sandali nang biglang gumalaw ang mga dahon ng saging sa malapit. Mabilis akong kumalas kay Kempee at nag-ayos ng damit habang habol ang hininga.
Paglingon ko, nakita ko si Rico, isa rin naming pinsan. Nakatayo siya doon, nanlalaki ang mga mata at halatang gulat na gulat sa naabutan niya. Hindi siya nakapagsalita agad, pero ang tingin niya ay sapat na para kabahan ako nang husto.
“Anong ginagawa niyo rito?
Hindi ako nakasagot. Si Kempee naman, nagkunwaring nag-aayos lang ng gamit sa likod pero halatang nanginginig ang mga kamay.
“Rico, huwag kang maingay,” pakiusap ko. Direct to the point na ako dahil wala nang oras para magkaila. “Alam mong malayo ang trabaho ng asawa ko. Minsan lang siya umuwi. Huwag mo nang palakihin ‘to.”
“Pinsan niyo ang isa’t isa, Jamie. At may asawa ka,” sagot niya bago siya tumalikod at naglakad palayo nang mabilis.
Kuya Jay Maghapon akong hindi mapakali. Bawat tunog ng cellphone ko, akala ko ay tawag na mula sa asawa ko na galit na galit. Iniisip ko kung sasabihin ba ni Rico ang nakita niya. Sa pamilya naming dikit-dikit ang bahay, isang bulong lang ay kalat na ang balita.
Ang tanging nasa isip ko lang ngayon ay kung paano ko haharapin ang asawa ko pag-uwi niya sa Sabado. Kung magsusumbong si Rico, tapos na ang lahat sa amin. Pero sa kabila ng takot, alam ko sa sarili ko na kapag umalis ulit ang asawa ko at lumapit si Kempee, mahihirapan na naman akong tumanggi.
Mula Martes hanggang Biyernes, . Hindi ako makakain nang maayos at bawat sulyap ko sa bintana, tinitignan ko kung nakatambay si Rico sa labas. Si Kempee naman, biglang naglaho. Natakot siguro.
Dumating ang Sabado ng hapon. Narinig ko ang busina ng motor sa harap ng bahay. Si Dan, ang asawa ko.
Agad akong lumabas para sumalubong. “O, nakauwi ka na pala,” sabi ko, pilit ang ngiti. Kinuha ko ang bag niya pero umiiwas ako ng tingin. Pakiramdam ko, nakasulat sa noo ko ang ginawa namin ni Kempee sa likod ng bahay.
“Ayos ka lang? Bakit namumutla ka?” tanong ni Dan habang nagtatanggal ng sapatos.
“Mainit lang siguro ang panahon,” sagot ko.
Eksaktong pagpasok namin sa sala, nakita ko si Rico na nakaupo sa kanto, tapat ng bahay namin. Nakatingin siya sa amin. Kinabahan ako. Ito na ‘yun. Isang tawag lang niya kay Dan, o isang “Psst, pinsan, may sasabihin ako,” tiyak sira ang buhay ko.
Pumasok kami sa kwarto. Humiga si Dan, pagod na pagod mula sa byahe. “Buti na lang at uuwi ako rito sa inyo, Jamie. Doon sa trabaho, wala akong ibang iniisip kundi ang makapiling ka,” sabi niya habang hinahawakan ang kamay ko.
Imbes na matuwa, nakonsensya ako. Pero mas nangingibabaw ang takot. Maya-maya, narinig naming may kumatok sa pinto ng bahay.
“Tao po! Dan? Jamie?”
Boses ni Rico. Tumayo si Dan. “Sino ‘yun? Si Rico?”
“Huwag mo nang pansinin, baka manghihiram lang ng gamit ‘yun,” pigil ko sa kanya, hinawakan ko nang mahigpit ang braso ni Dan.
“Sandali lang, silipin ko lang,” sabi ni Dan at lumabas siya ng kwarto.
Nanigas ako sa kinatatayuan ko. Pinakinggan ko ang bawat salitang lalabas sa bibig nila sa sala. Handa na akong magpaliwanag, o kaya ay magmakaawa, depende sa sasabihin ni Rico
Nanatili akong nakatayo sa likod ng pinto ng kwarto, halos hindi humihinga habang nakikinig sa usapan nila sa sala. Naririnig ko ang mahinang boses ni Rico at ang tawa ni Dan. Pagkalipas ng ilang minuto, bumalik si Dan sa kwarto.
“Ano raw ang kailangan?” tanong ko,
“Wala, kinumusta lang ako. Sabi ko sa Sabado pa uli ang balik ko sa trabaho. May hihiramin lang daw siyang gamit bukas sa likod ng bahay,” sagot ni Dan bago nahiga at agad na nakatulog dahil sa pagod.
Kinabukasan, habang namamalantsa ako sa kusina, nakita ko si Rico na pumasok sa bakuran. Wala si Dan dahil bumili ng piyesa ng motor sa bayan. Lumabas ako para harapin siya.
“Rico, ano ba talagang kailangan mo?” diretsahan kong tanong. “Sasabihin mo ba kay Dan?”
Tumingin siya sa akin nang seryoso, tapos ay lumapit nang bahagya. Hindi ko nagustuhan ang ngiti niya, hindi ito ngiting nagbabanta, kundi ngiting may pagnanasa.
“Alam mo, Jamie, hindi ko naman gustong sirain ang pamilya niyo,” . “Pero hindi ko rin makalimutan yung nakita ko sa inyo ni Kempee sa ilalim ng mangga. Ang ganda mo pala talaga sa malapitan.”
“Anong ibig mong sabihin?”
Hinawakan niya ang braso ko at hinila ako nang kaunti palapit sa kanya. “Para hindi na makarating kay Dan ang sikreto niyo ni Kempee, simple lang ang gusto ko,” sabi niya nang walang paligoy-ligoy. “Jamie, puwede naman ako. Kung kaya mo kay Kempee, dapat kaya mo rin sa akin.”
Napanganga ako. Hindi sumbong ang dala niya kundi blackmail. Gusto rin niyang makatikim. Ang pinsan ko na akala ko ay diring-diri sa ginagawa namin, ay heto ngayon at nanggigipit para makasali rin sa laro.
Narinig ko ang ugong ng motor ni Dan sa labas. Malapit na siya.
“Ano? Payag ka ba? O tatawagin ko si Dan ngayon din?” banta ni Rico habang nakatingin sa dibdib ko.
Hindi na ako nag-isip nang matagal. Marahas ang pag-ugong ng motor ni Dan sa tapat ng bahay. Wala na akong takas. Kung hindi ako papayag, wasak ang pagsasama namin ni Dan at siguradong itatakwil ako ng buong pamilya.
“Sige, pumapayag na ako,” mabilis kong bulong kay Rico. “Pero huwag dito, at huwag ngayon. Humanap ka ng tyempo kapag wala si Dan.”
Ngumiti si Rico, yung ngiting tagumpay na nakakasuka. “Asahan ko ‘yan, Jamie. Bukas ng umaga, aalis si Dan para mag-asikaso ng papel, ‘di ba? Darating ako rito.”
Eksaktong pagpasok ni Dan sa gate, lumayo si Rico sa akin at nagkunwaring tinitignan ang mga tanim sa likod.
“O, Rico, nandiyan ka pa pala?” bati ni Dan habang bitbit ang piyesa ng motor.
“Oo, pinsan. May tinignan lang ako rito sa likod. Sige, una na ako,” sagot ni Rico bago ako sinulyapan nang makahulugan at tuluyang umalis.
Buong gabi, hindi ako mapakali sa tabi ni Dan. Habang yakap niya ako, ang nasa isip ko ay ang bukas. Napapalaban ako, . Ang akala ko ay kay Kempee lang ako magkakasala, pero ngayon, kailangan ko ring pagbigyan si Rico para lang manahimik siya.
Kinabukasan, gaya ng inaasahan, umalis si Dan bago mag-alas otso ng umaga. Hindi pa nakakalayo ang motor niya, narinig ko na ang katok sa pinto sa likod.
Binuksan ko ang pinto. Naroon si Rico, nakangingiti at handa na.
“Walang makakaalam nito, Jamie,” sabi niya habang isinasara ang pinto at nilolock ito. “Safe ang sikreto niyo ni Kempee sa akin, basta’t maging masunurin ka lang.”
Wala na akong nagawa. Hinayaan ko siyang lumapit. Sa isip ko, ito na ang bayad para sa katahimikan ng buhay ko. Pero alam ko, simula pa lang ito ng mas malalim na gulo. Dahil kung nalaman ni Rico, baka may iba pang makatuklas, at baka hindi lang silang dalawa ang kailangan kong pagbigyan sa susunod.
Hindi nagtagal, nalaman din ni Kempee ang tungkol sa amin ni Rico. Isang hapon, biglang pumasok si Kempee sa bahay, . Naabutan niya si Rico na kalalabas lang ng kwarto ko habang nag-aayos ng butones ng polo.
“Anong ginagawa mo rito, Rico?” tanong ni Kempee, mababa ang boses pero ramdam ang galit.
“Wala, pinsan. Nag-uusap lang kami tungkol sa ‘sikreto’ niyo,” sagot ni Rico na may halong pang-uuyam bago tuluyang lumabas ng bahay.
Pagkasara ng pinto, hinarap ako ni Kempee. Hinawakan niya ako nang mahigpit sa braso. “Jamie, bakit? Bakit pati siya? Akala ko ba sa ating dalawa lang ‘to?”
“Blackmail, Kempee!” bulyaw ko sa kanya, hindi na rin nakapagpigil. “Nakita niya tayo sa likod ng bahay noong isang linggo. Sinabi niya na magsusumbong siya kay Dan kung hindi ako papayag sa gusto niya. Ano bang gusto mong gawin ko? Masira ang buhay ko?”
Imbes na maawa, lalong nagalit si Kempee. “Dapat sinabi mo sa akin! Hindi yung pumapayag ka na lang sa gusto ng iba. Ngayon, dalawa na kaming pinagsisilbihan mo?”
“Wala kang karapatang magselos,” diretsahan kong sabi sa kanya. “Pareho lang kayong pinsan ko, at pareho lang din kayong nanggagamit sa akin habang wala ang asawa ko.”
Nanahimik si Kempee. Doon ko nakita ang lamat sa aming tatlo. Ang masamang balita, naging kompetisyon sa kanila ang makuha ako. Kapag wala si Kempee, dadating si Rico. Kapag wala si Rico, si Kempee naman ang kakatok. Ang mas malala, nagsimula na silang magparinig sa isa’t isa tuwing may handaan sa pamilya, na halos ikalaglag ng puso ko sa takot na mahalata ni Dan.
Isang Sabado, habang nag-iinuman sila sa tapat ng bahay kasama si Dan, biglang nagsalita si Rico. “Alam mo Dan, swerte mo sa asawa mo. Napakamasunurin at maalaga. Hindi ka ba nag-aalala na baka may ‘mangalaga’ sa kanya habang malayo ka?”
Napatigil ang lahat. Tumingin si Dan kay Rico, pagkatapos ay sa akin. Kinabahan ako nang husto. Ang laro naming tatlo ay unti-unti nang lumalabas sa kontrol, at alam ko, isang pagkakamali pa, sabog na ang lahat.
Hindi nagtagal, ang kompetisyon nina Kempee at Rico ay humantong sa kawalan ng ingat. Isang hapon ng Miyerkules, akala ng dalawa ay hindi uuwi si Dan dahil wala ito sa iskedyul. Pero ang totoo, nasira ang makina sa planta nila kaya pinauwi sila nang maaga.
Nasa loob kami ng kwarto. Nagtatalo sina Kempee at Rico kung sino ang dapat mauna sa akin. Hindi na sila nahiya; para akong gamit na pinag-aagawan sa harap ko mismo.
“Ako ang nauna rito, Rico! Lumabas ka na!” singhal ni Kempee.
“Pero ako ang may hawak ng alas! Manahimik ka kung ayaw mong mabuko,” sagot naman ni Rico habang tinatangkang hawakan ang bewang ko.
Sa gitna ng kanilang pag-aaway, hindi namin narinig ang dahan-dahang pagbukas ng pinto sa labas. Walang motor na umugong dahil nag-tricycle lang si Dan pauwi.
Bumukas nang marahas ang pinto ng kwarto. Nakatayo doon si Dan, bitbit ang kanyang bag, nanlilisik ang mga mata. Naabutan niya kaming tatlo, ako na gulo-gulo ang buhok, si Kempee na walang t-shirt, at si Rico na nakahawak sa akin.
“Dan…” tanging nasabi ko. Napaupo ako sa kama, hindi na makagalaw sa takot.
“Mga hayop kayo!” sigaw ni Dan. Sugod siya agad at sinuntok si Kempee sa mukha. Sunod niyang binalikan si Rico na akmang tatakas sana. “Mga pinsan ko pa! Mga kadugo ko pa ang tumatira sa likod ko!”
“Dan, sandali lang, si Jamie ang may gusto nito!” pagsisinungaling ni Rico para isalba ang sarili niya.
“Gago! Nakita ko kayong nag-aagawan sa kanya!” bulyaw ni Dan. Lumingon siya sa akin, punong-puno ng galit at sakit ang mga mata. “At ikaw, Jamie… lahat binigay ko sa iyo. Nagpakapagod ako sa malayo para lang ganyanin mo ako sa loob mismo ng bahay natin?”
Hindi na nakasagot ang dalawa. Mabilis silang nagkanya-kanyang pulot ng damit at kumaripas ng takbo palabas ng bahay, iniwan akong mag-isa para harapin ang galit ng asawa ko.
“Lumabas ka na rin, Jamie,” mahinang sabi ni Dan, pero ang boses niya ay mas nakakatakot kaysa sa sigaw kanina. “Huwag na kitang makikita rito pagbalik ko. Isama mo na ang mga pinsan mo. Dun kayo magbembangang tatlo sa kalsada.”
Doon natapos ang lahat. Ang sikretong iningatan ko para lang sa “s@rap” at “katahimikan” ay naging dahilan ng pagsira ng lahat ng meron ako
Umalis ako, dahil wala naman kaming anak ni dan, nakatira ako sa isang maliit na paupahang kwarto, malayo sa bahay na dati ay sa akin. Gabi-gabi, tinitignan ko ang mga luma naming picture ni Dan. Sinubukan ko siyang suyuin. Nagmakaawa ako, lumuhod, at nag-abang sa labas ng trabaho niya.
Pero tuwing titingin siya sa akin, wala na akong makitang pagmamahal pandidiri na lang ang naroon.
“Jamie, tapos na tayo,” sabi niya sa huli naming pag-uusap. “Hindi ko kayang hawakan ang balat mo nang hindi naiisip na dalawang pinsan ko ang huling humaplos diyan.”
Akala ko, dahil nagkakasala kami noon nina Kempee at Rico, ay may puwang ako sa buhay nila. Akala ko, kapag wala na si Dan, may tatayo sa kanila bilang tagapagtanggol ko. Maling-mali ako.
Nagpapakita lang sila kapag gusto nilang gumamit. Tatawag si Rico, sasabihing may dalang pera, at alam ko na ang kapalit. Si Kempee naman, dadaan lang kapag bored o kapag alam niyang mag-isa ako. Pagkatapos ng sandaling oras, aabutan ako ng ilang libo, magbibihis, at iiwan din akong mag-isa sa dilim.
“Kempee, baka naman pwedeng tayo na lang talaga?” tanong ko isang gabi habang nagbibihis siya.
Tumawa lang siya , “Ano ka ba, Jamie? Pinsan kita. At alam nating dalawa kung paano ka nakuha ni Rico. Paano kita seseryosohin kung alam kong kahit sino, basta may panakot o pera, ay mapapasunod ka?”
Doon ko natanto na para lang pala akong pampalipas-oras sa kanila. Ang pera nilang binibigay, parang bayad sa serbisyo ko, hindi tulong ng isang kamag-anak o kasintahan.
Sariwang-sariwa pa rin sa isip ko ang dating buhay ko. Ang maayos na pamilya, ang asawang tapat na nagtatrabaho para sa kinabukasan ko, at ang respeto ng mga kapitbahay. Ngayon, paglabas ko ng bahay, puro bulungan ang naririnig ko.
Sana hindi ko na lang sinubukan ang bembang na iyon. Sana naging tapat na lang ako. Ngayon, hawak ko nga ang pera nina Kempee at Rico, pero wala akong dignidad, walang pamilya, at wala nang asawang magmamahal sa akin nang totoo.
isang gabi, habang binibilang ko ang perang iniwan ni Rico sa ibabaw ng mesa,
naramdaman ko ang matinding pagkasuklam sa sarili. Para akong basura. Tumingin ako sa salamin at hindi ko na makilala ang babaeng nakatitig sa akin. Sapat na ang dusa. Sapat na ang pagiging laruan.
Kinuha ko ang isang malaking bag. Inimpake ko ang iilang pirasong damit na natira sa akin. Nag iwan ako ng isang maikling sulat: “Huwag na kayong babalik. Tapos na ang paniningil niyo.”
Madaling araw pa lang ay nasa terminal na ako ng bus. Hindi ko alam kung saan ako pupunta, basta malayo rito. Malayo sa mapanghusgang mata ng mga kapitbahay, malayo kay Dan na hinding-hindi ko na mababawi, at malayo sa dalawang pinsan ko na sumira sa natitira kong dangal.
Napunta ako sa isang malayo at tahimik na probinsya sa Norte. Walang nakakaalam ng pangalan ko rito, lalong-lalo na ang nakaraan ko. Namasukan ako bilang tindera sa isang maliit na karenderya. Mahirap ang trabaho, pagod ang katawan, pero sa unang pagkakataon sa loob ng mahabang panahon, nakakatulog ako nang mahimbing.
Wala nang lalakeng kakatok sa pinto ko para mamblackmail. Wala nang perang marumi ang kapalit.
Isang hapon, habang naglilinis ako ng mesa, napansin ko ang isang pamilyang kumakain masaya ang mag-asawa kasama ang kanilang anak. Kumurot ang puso ko. Alam kong huli na para sa akin ang magkaroon ng ganoong buhay, pero kahit papaano, tahimik na ako,.
Tinanggap ko na ang aking parusa. Ang tanging magagawa ko na lang ngayon ay ang bumangon, magpakatino, at mabuhay nang marangal para sa sarili ko. Natuto ako sa pinakamaitim na paraan: ang pansamantalang sarap ay hindi kailanman matutumbasan ang halaga ng isang malinis na pangalan at payapang isipan.
Limang taon ang mabilis na lumipas. Tahimik na ang buhay ko sa probinsya. Hindi na ako ang “Jamie” na marupok at madaling mauto.
Dito ko nakilala si Berting. Siya ay isang biyudo, 52 anyos, at isang negosyante, Simple lang siya, direct to the point magsalita, at higit sa lahat, nirerespeto niya ako. Hindi siya nagmamadali. Ilang buwan siyang pabalik-balik sa tindahan , bumibili ng suman at kape, hanggang sa maglakas-loob siyang magtanong kung pwede ba siyang umakyat ng ligaw.
Dahil ayaw ko nang maulit ang dati, hindi ako nagpaligoy-ligoy. Isang hapon, habang nagliligpit kami ng mga upuan, pinaupo ko siya.
“Berting, bago tayo magpatuloy, gusto kong malaman mo ang totoo,” sabi ko habang nakatingin nang diretso sa mga mata niya. “Hindi ako santo. Marami akong maling nagawa sa dati kong buhay. Nasira ang pamilya ko dahil sa sarili kong kalokohan sa mga pinsan ko. Pinayasas ako ng asawa ko dahil nahuli niya ako.pinagtaksilan ko ang dating asawa ko,
Nanatiling tahimik si Berting. Inaasahan ko na tatayo siya, kukuha ng sombrero, at hinding-hindi na babalik. Pero hindi niya ginawa ‘yun. Huminga lang siya nang malalim at hinawakan ang kamay ko, isang haplos na hindi bastos, kundi puno ng pang-unawa.
“Jamie, lahat tayo may bitbit na basura mula sa nakaraan,” . “Ang mahalaga sa akin ay ang babaeng kaharap ko ngayon. Yung Jamie na masipag, matino, at marunong nang magpahalaga sa sarili. Hindi kita hinuhusgahan sa kwento mo noon, kundi sa ginagawa mo ngayon.”
Kuya jay Doon ako naiyak. Sa loob ng maraming taon, iyon ang unang pagkakataon na naramdaman ko ang tunay na pagtanggap. Hindi dahil maganda ako, hindi dahil may silbi bako sa kama, kundi dahil tinanggap niya ako bilang tao.
Hindi naging madali ang lahat, pero sa piling ni Berting, nahanap ko ang kapayapaang akala ko ay hinding-hindi ko na makakamit. Wala nang Kempee, wala nang Rico, at wala nang blackmail.
Ngayon, kapag tinitignan ko ang sarili ko sa salamin, hindi na ako nagsisisi. Ang pait ng nakaraan ang nagturo sa akin kung paano pahalagahan ang tamang lalaki at ang isang malinis na simula. Sa wakas, nahanap ko rin ang tunay na ligaya na hindi pala nakikita sa pagsasama sa kama,
Kuya jay sa kabila ng agwat ng edad namin, 33 lang kasi ako, naging masaya kami ni berting, nauunawaan nya ako, at ramdam ko ang labis na pagmamahal nya, higit sa lahat, hindi ko na kailangan hanapin sa ibang lalake ang ligayang dating hanap ko, dahil kahit na 52 na si berting mas malakas pa ito sa kalabaw at sinisiguro nyang solb na solb ako sa pagmamahal,