-
Sa isang liblib na baryo sa gilid ng bayan, nakatayo ang isang payat at lumang bahay na yari sa pinagtagpi-tagping kahoy at yero. Doon nakatara ang magkakapatid na sina Aurelio o mas kilala sa tawag na Ayo. Ania at Darian o mas kilala sa tawag na Ian. Mga batang lumaking sanay sa kahirapan ngunit mas matibay kaysa sa iniisip ng karamihan.
-
Maaga pa lamang ay gising na ang kanilang ina na si Aling L. Abala sa paglalaba para sa mga kapitbahay. Sa labas, rinig ang saliw ng pagtunog ng poso habang nagsasalang siya ng mga batya. Sa kabilang dulo ng bahay ang kanilang ama na sa debsyo. Dala ang lumang kahon ng gamit pangkarpintero. Papasok sa construction site na ilang kilometro pa ang layo.
-
Ganito ang araw-araw sa pamilya. Pagod, pawis at kulang sa pahinga. Ngunit sa kabila nito, matatag at masayain silang magkakasama. Habang kumakain ng lugaw na halos tubig na lamang. Masayang nagkekwentuhan ng magkakapatid. Paglaki ko kuya. Gusto kong maging guro. Pangarap ni Sya habang nakatingin sa malayo. Magaling ka naman eh.
-
Kaya mo yan. Sagot naman ni Ayo. Bagaman naramdam niya ang bigat ng realidad. Paano nga ba sila makapag-aaral ng maayos kung paminsan-minsan ay kulang pa sila sa pagkain? Si Ian naman batang malikain abala sa pagdo-drawing sa likod ng lumang karton. “Gagawa ako ng malaking bahay para kay nanay at tatay balang araw!” nakangiti niyang sabi.
-
Ngunit sa labas ng kanilang maliit na munting mundo, ibang kwento ang umiikot. Habang papasok sa eskwela ang magkakapatid, naririnig nila ang malulutong na tawa at kantsawan mula sa ilang kabarangay. Aba, nandiyan na naman yung mga isang kahig at isang tukang pamilya. Sabi ng isang lalaking nakaupo sa tindahan.
-
Tingnan mo ‘yan oh. May mararating pa ba ang mga ‘yan sa buhay? Labandera’t karpintero lang ang mga magulang niyan. Sabay halakhak ng iba. Eh baka naman pag hindi natigil sa kahirapan yan eh mag-asawa na lang ng maaga yung babae. Pangmamat pa ng isa. Hindi nabago sa magkakapatid ang ganitong pang-abi. Sa tuwing maririnig nila ito, nagkakatinginan na lamang silang tatlo.
-
Masakit oo. Ngunit mas pinili na lamang nilang manahimik kaysa gumanti dahil ‘yun ang laging tinuturo sa kanila ng kanilang mga magulang. Pag-uwi nila kinagabihan, nadatnan nila ang kanilang ina na pagod na pagod pero pilit pa ring ngingiti. “Mangga anak, pasensya na at ito na naman ang ulam natin.
-
” Sabi ng kanilang ina na si Aling LZ habang inihahain ng gulay na kinolektkor lang sa bakuran. “Masarap po ‘yan, nay.” Sagot ni Ayo. Hindi dahil sa ulam kung hindi dahil narian pa rin sila. Bo bilang isang pamilya. Sa gitna ng simpleng hapunan, napuno ng tawanan ng maliit nilang bahay. Parang wala silang iniindang kahirapan. Parang wala ang mga pangungutya sa labas.
-
Sa loob ng tahanang iyon, sapat na ang pagkakapit bisig nilang lima para sila ay maging masaya. Kahit alam nilang bukas ay panibagong laban na naman. Ngunit sa ilalim ng katahimikan ng gabing iyon, may isang tanong na bumabagabag kay Ayo. Hanggang kailan nila kakayanin ang mundo. Hindi niya alam na may paparating na unos nagugulo sa payak nilang pamumuhay.
-
Isang pangyayaring makapagpapabago sa takbo ng kanilang tadhana. Mula ng magsimula ang tag-ulan, tila mas dumalas ang pagod ni L. Kahit malamig ang hangin, tuloy-tuloy pa rin siya sa paglalabada sa tabi ng poso. Saglit siyang mauupo, hihinga ng malalim ngunit agad ring babalik sa gawain. Para kay L, hindi pwedeng tumigil dahil sino pa ang aasahan ng pamilya.
-
Napansin ito ni Ayo. Sa tuwing umuuwi sila mula sa eskwela, nakikita nilang lumulubog ang balikat ng kanilang ina. Parang unti-unting nauupos na kandila. Isang hapon, dadat na nilang nakaupo sa labas si Aling L. Parang hinanghina ngunit pilit pa ring ng humingiti. “Nay, nay, ayos lang po ba kayo?” tanong ni Sanya habang inilalapag ang kanyang bag.
-
Oo anak, napagod lang si nanay. Pero ramdam ng magkakapatid na may mali. Namumutla ang labi niya at nanlalamig ang mga daliri. Kinabukasan, nagsimula ang ulan na napakalakas. Kahit basang-basa, patuloy pa rin si Aling L sa paglalaba dahil may nagmamadaling customer. Habang pinipiga niya ang kumot, bigla siyang napahawak sa kanyang dibdib. Hingal na hingal.
-
L, ayos ka lang ba? Sigaw ng kapitbahay. Ngunit bago pa niya masagot, bumagsak si Aling L sa lupa at pagkatapos ay nawalan ng malay. Nang makita ito ng mga bata pag-uwi nila mula sa eskwela, halos mabitawan ni Ayo ang bitbit niyang bag. “Nay, nay!” sigaw niya habang tumatakbo papalapit. Si Sya nanginginig at agad na yumakap sa malamig na braso ng ina.
-
Si Ian naman hindi makapagsalita. Nagsimula ng umiyak. Tumulong ang ilang mababait na kapitbahay para maiakyat si L sa tricycle patungo sa pinakamalapit na klinika. Habang nasa biyahe, hawak ni Ayo ang kamay ng kanyang ina. “Nay, naigising po kayo. Nay, huwag po kayong baby daw.” Nanginginig ang boses niya. Pagdating sa klinika, halos hindi na nila alam kung saan kukuha ng pambayad.
-
Wala silang dalang pera, wala silang ipon. Ang tanging dala lamang nila ay kaunting pag-asa. Paglabas ng doktor, mabigat ang mga salitang binitawan nito. Malubha ang kondisyon ng nanay niyo. Kailangan siyang madala sa mas malaking ospital. Kailangan niya ng mas masusing gamutan. Kung kaya ninyo siyang dalhin sa ospital sa bayan, mas mabuti ‘yon.
-
Para silang pinagbagsakan ng mundo. Wala silang pera. Kaya naman papaano. Sabay-sabay silang naghanap ng paraan. Inipo ni Ayo ang mga pwedeng maibenta sa kanilang bahay. Si Sanya naman naglako ng kakaning minadaling ihanda habang si Ian kahit bata pa pumasok sa isang car wash bilang tagapunas para kahit papaano’y may maipon.
-
Habang abala sila, nagbulung-bulungan ang ilang mga kapitbahay. Kita niyo kung may pera ang mga ‘yan sana hindi nagkakaganyan ang nanay nila eh. Sinabi ko na ‘ ba wala talagang mararating ang mga santilan na yan. Ganyan talaga pag ipinanganak sa hirap. Masakit marinig, masakit lunukin. Ngunit ang tatlong magkakapatid hindi nila ito pinapansin.
-
Mas inuna nila ang buhay ng kanilang ina. Kinagabihan nang muli nilang dalawin ang kanilang inang si L, nakahiga ito mahina ngunit may bahagyang ngiti. Mga anak, pasensya na ha. Naging pabigat si nanay sa inyo.” Umiling si Ayo. Halos maiyak. “Hindi po, Nay. Kailangan ka pa po namin. Mahal ka po namin, Inay.
-
” Ngunit sa likod ng mga ngiting pilit ni Luz Biminda, may aninong nagsasabing hindi magtatagal ang kanyang lakas. At hindi nila alam na ang gabing iyon ay simula ng isang pagkalugmok na hinding-hindi nila malilimutan. Makalipas ang ilang linggo mula ng isugod sa klinika si Luzbiminda. Lalo pang lumupha ang kanyang kalagayan.
-
Ginawa ng magkakapatid ang lahat pati ng kanyang asawa. Nagsumikap, naghanap ng rocket, tumanggap ng kung ano-anong trabaho. Ngunit bawat sentimong kinikita nila parang isang patak ng ulan sa malawak na dagat. Kulang kapos. hindi sapat para iligtas ang kanilang ina. Isang madaling araw habang madilim pa ang paligid at tanging huni lamang ng kuliglig ang maririnig, biglang kumalabog ang pinto ng kanilang maliit na bahay.
-
Si Mang Rel, ang may-ari ng karendriyang malapit sa kanila ang nagmamadaling kumatok. Ayo, ayo gising. Kailangan niyong pumunta sa klinika. Garalgal ang boses nito. Agad na nagising ang magkakapatid. Wala ang kanilang ama ng mga sandaling iyon dahil ito ay may trabaho. Ramdam ni Ayo ang biglang panginginik ng kanyang tiyan.
-
Parang may malamig na kamay na humigpit doon. Alam niya hindi maganda ang balitang hatid ni Mang Rel. Pagdating nila sa klinika, sinalubong sila ng katahimikan. Wala ang mangiting pilit ni nanay L Peminda. Wala ang mahinang tawag na anak. Walang ingay at hindi ito gumagalaw. At sa paglabas ng doktor, tuluyan na ngang bumagsak ang mundo nila.
-
Pasensya na. Kinawa namin ang lahat pero parang biglang nawala ang hangin sa paligid. Sanya ay napasigaw ng higpik habang si Ian naman ay napaupo sa sahig. Tumutulo ang luha ng walang ingay. Parang hindi na kayang huminga. Si Ayo naman nanigas ang katawan. Hindi siya maka-react. Hindi makaiyak. Parang inagawan siya ng boses, ng damdamin at ng pag-asa.
-
Ang lamay ay simple lang. Tahimik, puno ng pait. Maraming kapitbahay ang dumalaw. Ang iba ay tunay na nakikiramay. Ang iba naman ay naroon lang upang makiusyoso. May mga bulung-bulungan na hindi man lamang itinago. Kawawa naman pero ayun kasi eh sobra sa trabaho. Hindi kinaya ng katawan. Puro hirap lang kasi ang nangyari sa kanilang buhay.
-
Walang kwenta siguro ang asawa nito. Wala silang pahinga. Pati mga bata a nagtatrabaho eh. Ano na kaya ang mangyayari sa tatlo? Wala namang pera ang mga yan. Walang kwenta ang ama. Karpentero lang ang trabaho. Baka huminto na lang sa pag-aaral ang mga yan. Sa bawat salitang iyon, parang tinutusok ang puso ni Ayo at maging ng kanyang ama.
-
Ngunit imbes na magalit, lalo silang nanahimig, mas pinili nilang bantayan ang kabaong ng kanilang ina. “Nay!” bulong niya. Pangako ko po. Hindi ko po pababayaan sina at Ian. Hindi po matatapos dito ang pangarap natin. Lumapit sa sanya. Namumugto ang mga mata. Kuya, paano na tayo?” Yumuko si Ayo. Pilit na nilalakasan ang kanyang loob.
-
Alam niyang kailangan niyang magpakatatag para sa kanyang mga kapatid at pati na rin para sa kanyang ama na halos bumigay na sa buhay. “Kaya natin to. Kahit wala na si nanay, narian pa rin naman si tatay. Kakayanin natin.” Sa gilid umiiyak si Ian. Ayoko pa po sanang mawala si nanay. Niyakap sila ng kanilang ama. Mahigpit. Para bang yun lang ang kaya niyang gawin upang hindi sila tuluyang bumagsak.
-
Sa unang pagkakataon, doon na rin bumigay ang luha ni Ayo. Tahimik ngunit puno ng sakit. Makalipas ang libing, nagmistulang mas tahimik ang bahay. Wala na ang halakhak ng kanilang inang si Luz. Ang takbo ng tubig sa poso. Tuwing umaga ang amoy ng bagong laba, para bang nawala ang ilaw sa maliit nilang tahanan.
-
At sa oras na yon, nagsimula silang pasanin ng mundong iniwan ng ina, ang responsibilidad, ang pangarap at ang bigat ng pag-asa. Ngunit hindi pa tapos ang dagok na darating sa kanilang buhay. Dahil kung gaano kasakit ang pagkawala ng ina, isang mas mabigat na unos ang papalapit pa lamang. Tatlong taon ang lumipas mula ng pumanaw si Aling L.
-
Sa panahong iyon, pilit na pinapatatag ni Mang Tiburso ang sarili upang mapunan ang puwang na iniwan ng asawa. Pinilit niyang maging matatag para kay Naayo, Sanya at Ian. Ngunit kasabay ng kanyang paghihirap, unti-unti ring kumukupas ang lakas ng kanyang katawan. Kada umaga, kikising si Mang Tiboro. Ng maaga kaysa dati.
-
Dala ang lumang kahon ng mga gamit pangkarpintero. Mas mabibigat na proyekto ang tinatanggap niya. Kahit masakit na ang likod, kahit nanginginig na ang kamay, ayaw niyang makita ng manganak na naghihirap siya. K pinipilit niyang itago ang pag-ubo at pananakit ng kanyang dibdib. Ngunit hindi yun lingid sa mata ni Ayo. Pa, ayos lang po ba kayo? Tanong niya isang gabi nang mapansing na payuko si Mang Deborso habang nag-aayos ng gamit, ngumiti ang ama ngunit bakas ang pagod.
-
Ayos lang ako anak. Gusto ko lang makaipon ng kaunti. Malapit na ring magkalit si San. Ito ang pangarap ni Mang Tibursio. Ang makapag-aral ang mga anak kahit sa maliit na paraan. Ngunit sa bawat araw na dumaraan, mas lalo siyang nanghina. Isang umaga habang nagtataba siya ng kahoy, bigla siyang napaupo.
-
Hawak ang dibdib tila hindi makahinga. Agad siyang dinaluhan ng mga kasamahan. Ngunit ang tanging nagawa lamang nila ay headed siya pauwi. Wala silang perang sapat upang dalhin siya sa ospital. Nang makita ni Ayo ang ama, halos malaglag ang puso niya. Maputla ito. Basagang-basa ng pawis at hirap magsalita. “Pa, dadalhin ka namin sa bayan.
-
Kailangan mo po ng doktor.” Sabi niya. Halos basag ang boses. Umiling si Mang Tiborcio. Anak, wala tayong pera para Rian. Magpapahinga lang ako. Maya-maya ayos na to. Pero hindi siya gumaling. Mas lalong lumala ang kanyang kalagayan. Sa loob ng mga linggong iyon. Halos walang tulog ang magkakapatid. Si Sanya inaalagaan ng ama.
-
Si Ian nagluluto. Si Ayo naman nagtatrabaho hanggang gabi upang makabili ng gamot. Habang lumalala ang kondisyon ni Tibursio, basta marami rin ang kismis sa paligid. Kawawa naman ang tatlo. Wala na ngang nanay eh. Susunod pa ata yung tatay. Sabi ko na hindi ba? Hindi tatagal ang katawan ni Diborso.
-
Puro trabaho at walang pahinga. Ngayon ay papaano na sila. Wala naman silang pera. Baka mapag-iwanan na lang sa kahirapan. Ang iba ay nakikisimpatya. Ang iba ay tuwang-tuwa sa kapahamakan. Isa itong sugat na mas masakit pa kaysa sa anumang pagod. Isang dapit hapon habang papalubog ang araw. Humina ang paghinga ni Tibursio. Tinawag niya ang tatlong anak.
-
Isa-isa nilang hinawakan ang kanyang kamay. Mga anak, pasensya na ha. Hindi ko na kayo masasamahan pa. bulong niya halos pawala ang boses. Pero magtatagumpay kayo. Huwag kayong sumuko kahit anong pilit ng mundo na hilahin kayo pababa. Umiyak si Niyakap ang kanyang ama. Si Ian hindi halos makahinga sa pagikpi. Si Ayo naman pilit na pinapatatag ang sarili ngunit tuloy-tuloy ang luha.
-
Pa, huwag po kayong bibitaw. Kailangan pa po namin kayo. Pakiusap niya. Ngunit sa huling paghinga ni Deborso, alam nilang wala na. Ang tanging natira ay ang bigat ng responsibilidad at ang pangarap na iniwan nito sa kanila. Makailang araw matapos ang libing, napilitan silang ibenta ang maliit na lupang kinatitirikan ng kanilang bahay.
-
Ang huling ala-ala ng kanilang magulang. ‘Yun lang ang tanging paraan upang mabayaran ang utang sa ospital, sa botika at sa mga taong tumulong sa kanila. Sa huling gabi nila sa lumang bahay, tahimik silang nagtipon sa gitna ng silid. Pinagmasda ng bawat sulok, ang amoy ng kahoy, ang lumang mesa, ang dingding na may marka ng kanilang mga high chart noong bata pa sila.
-
Kuya, mahina ang boses ni Sya. Parang wala na tayong babalikan. Hinawakan sila ni Ayo sa balikat. Meron pa. Ang isa’t isa. Pag-alis nila kinabukasan, iisang pangungusap ang bumulong sa hangin mula sa mga kapitbahay. Walang mararating ang mga yan. Pinanganak kayong mahirap. Mamamatay kayong mahirap. Hindi sumagot ang magkakapatid ngunit sa loob nila may nabuong apoy.
-
Isang apoy na balang araw magiging ilaw ng kanilang pagbabalik. Lumipat ang magkakapatid sa isang mas maliit, mas lumang bahay sa kasunod na baryo. Isang bahay na halos mas maliit pa kaya sa dati nilang tahanan. Ngunit kahit masikip at halos walang laman ang loob, may isang bagay na hindi nila iniwan. ang pangarap na makaahon.
-
Si Ayo bilang panganay agad na naganap ng trabaho. Hindi na siya nakapagpatuloy pa sa pag-aaral. Dalawang araw lang matapos silang lumipat. Pumasok siya bilang construction helper. Maghapon siyang nagbubuhat ng semento, bakal at hollow blocks. Kahit mabigat, wala siyang reklamo. Tuwing gabi, halos hindi din siya makabangon sa sakit ng katawan.
-
Ngunit sa tuwing naiisip niya sina Sanya at Ian, lumalakas ang kanyang loob. >> “Kuya, magpahinga ka naman.” sabi ni Sanya habang pinupunasan ang pawis ng kapatid. Kailangan nating kumita. Sagot ni Ayo. Kailangan kong maging matatag para sa inyo. Si Sanya naman ay nagpatuloy sa pag-aaral. Kahit walang baon at kadalasan ay naglalakad ng ilang kilometro, hindi siya nagpahuli sa klase.
-
Sa tuwing uwian, nagtitinda siya ng kakaning tinuro sa kanya ng isang mabait na tindera sa palengke. Dahil mabait at masipag, napansin ito ng kanilang advisor. “Magaling ka, Sanya.” sabi ng guro niya. “Huwag mong bitawan ang pangarap mong maging guro ha.” Mula noon, mas naging porsegido si Sanya.
-
Tuwing gabi ay nag-aaral siya sa ilalim ng manipis na liwanag ng lamparang gasera. Kahit madilim, tila mas maliwanag ang pag-asa sa puso niya. Samantala, si Ian naman ay nakadiskubre ng kakaibang talento. Sa barangay hall, may nagbukas ng libreng programa para sa kabataan, basic arts at digital design gamit ang lumang computer. Dahil mahilig siyang mag-drawing, mabilis siyang natuto.
-
Napansin siya ng instructor nila. “Magaling ka, Ian. Malayo ang mararating mo.” Sabi nito habang pinagmamasdan ang unang digital artwork ng bata. At doon nagsimula ang panibagong direksyon sa buhay ni Ian. Sa kabila ng hirap, may mga taong nagbigay sa kanila ng tulong. Tulad ni Mang Elmer, ang foreman sa construction na lagi ng nagbibigay ng extra advice kay Ayo.
-
Ayo, matalino kang bata. Hindi ka habang buhay na magiging helper lang. Pag-aralan mo ong blueprint. Kapag natutunan mo yan, pwede kang umangat. Sabi nito habang iniaabot ang lumang manual. Si Ayo naman pagod ay nag-aral sa pagitan ng puyat at pangungulila sa mga magulang. Natutunan niya ang technikal na kaalaman na kalaunan ay magiging pundasyon ng kanyang tagumpay.
-
Ngunit hindi pa rin nawawala ang panlalait ng ilan. Ayan, nagpupumilit umangat kahit alam ng mahirap lang sila. Sigaw ng isang babae sa labas ng tindahan. Pinanganak sa putikang mga yan. Doon din babagsak ‘yan, dagdag pa ng isa. Ngunit ngayong mas matanda na sila, ibang klase na ang pananahimik nila.
-
Hindi na ito dahil sa takot. Kung hindi dahil alam nilang hindi na nila kailangang magpaliwanag, mas kailangan nilang patunayan sa gawa hindi sa salita. Isang gabi habang magkakatabi silang kumakain ng nilagang kamote, tumingin si Ayos sa dalawang kapatid. Balang araw babalik tayo sa dating baryo.
-
Hindi para magyabang kung hindi para ipakita na hindi tayo sumuko. Ngumiti si Sanya. At para ipakitang mali sila, tumango naman si Ian. At para ipagmalaki sina nanay at tatay. Sa sandaling iyon, nabuo sa puso nila ang pangakong babalikan ng lugar kung saan sila pinagkaitan at hinusgahan. Dala hindi ang galit kung hindi ang tagumpay na itinanim nila mula sa putik.
-
Labimang taon ang lumipas mula noong huling araw na iniwan nina Ayo, Sanya at Ian ng baryo na minsang nagdala sa kanila ng sakit at pait. Ang lugar kung saan sila lumaking nilalait, minamata at hinuhusgahan. Ngunit sa mahabang panahon, mas nag-iba ang ihip ng hangin at higit na nagbago ang buhay ng tatlong magkakapatid.
-
Si ayo na noon ay umiiyak sa ilalim ng sirang bubong tuwing tumutulo ang ulan. Ngayon ay may-ari na ng Dion Engineering and Construction, isa sa pinakamalaking pribadong kumpanya sa bansa. Sa edad na 4 na, kilala siya sa pagiging mababa ang loob, mahusay magpatakbo ng negosyo at higit sa lahat marunong tumanaw ng pinanggalingan.
-
Marami ng gusali, tulay at paaralan ang naisa katuparan ng kumpanya. Isang pangarap lamang niya na nagsimula sa lumang martilyo ng kanilang ama. Si Sya na noon ay naglalakad ng ilang kilometro para pumasok sa paaralang minamalidya. Ngayon ay isa ng kilalang guro at tagapagtatag ng Sanya Learning Institute, isang review center na nakapagpatapos na ng libo-libong estudyante.
-
Tinawag pa nga siya ng marami bilang ang guro ng bayan. Hindi lang siya nagtagumpay, naging ilaw siya sa madilim na landas ng iba. Habang si Ian na noon ay nagdo-drawing lamang sa likod ng mga lumang karton na iniuwi ng kanyang ina. Ngayon isa ng award winning digital artist at founder ng Pintura Motion Studios. Ang mga likha niya’y nakarating sa ibang bansa at ang studio niya ang utak sa likod ng ilang sikat na animated films at commercials.
-
Ang batang dating kinukutya dahil sa kahirapan ngayon ay hinahangaan sa husay at talento. Bawat isa sa kanila ay may sarili ng pamilya. Mga anak na pinalaki sa pagmamahal. Hindi sa takot kung hindi sa pag-asa. Hindi sa pangungutya. Kung hindi sa matatag na buhay, payapa at may layunin. Ngunit sa kabila ng lahat ng tagumpay, iisa ang tinig na nananatiling malinaw sa kanilang mga puso.
-
Ang sabi ng kanilang ina, “Kapag dumating ang araw ng pag-angat ninyo mga anak, bumalik kayo hindi para magyabang kung hindi para magbigay ng liwanag.” Kaya naman heto sila ngayon. Isang mahabang convoy ng sasakyan ang dahan-dahang pumasok sa makipot na daan ng baryo. Mga SUV na kulay itim. May tintad na bintanang nagpakaba at nagpataka sa mga kapitbahay.
-
Kumalat ang bulung-bulungan. Ang ilan ay nagtanong. Ang iba ay napatigil sa ginagawa nila. Oy, sino yong mga yan? Parang may mga pulitiko na dumating. Naku, baka artista. Ngunit nang bumukas ang unang sasakyan, nang bumaba si Ayo, nakangiti, may hinahon. Nakasuot lamang ng simpleng polo. Parang huminto ang hangin.
-
Sumunod si Sanya, maliwalas ang mukha at si Ian, malumanay na tumingin sa paligid. Para bang may hinahanap na ala-ala. Nagkatinginan ng mga residente. May mga kumurap, may mga natulala. Hindi maaari. Pwede bang ganito ang mangyari sa kanila? Bulong ng isang matandang kapitbahay. Sila na ba yon? Yung tatlong batang lagi nating hinahamak noon.
-
Yung naghahabulan lang sa putika noon. Hindi galit ang dala ng magkakapatid. Hindi pagmamayabang. Hindi paghiganti kung hindi kapayapaan. At sa unang pagkakataon matapos ang dalawang taon, muli silang huminga ng maluwag sa lupang minsang pinag-iyakan nila. Tahimik nilang nilakad ang makitid na daan patungo sa dating kinatatayuan ng kanilang barong-barong na bahay.
-
Ang kanilang dating tinitirhan na kahoy at yero lamang ngayon ay wala na. Lote na lang. Pero kahit wala ng bakas ng kanilang lumang bahay, naroon pa rin ng bigat ng ala-ala. Ang yakap ng kanilang ina noong sila’y nagugutom. Ang haplos ng kanilang ama matapos ang mahabang araw sa trabaho at ang ulan na tumutulo sa kanilang bubong sa bahay na naging minsang kanlungan nila.
-
Naalala ko ‘to bulong ni Ian. Dito ako madalas umupo kapag umiiyak ako dahil pinagtatawanan ako sa eskwela. Tumango si Sanya. At dito tayo pinapagalitan ni nanay kapag late na tayong nakakauwi. Ngumiti si Ayo, may kirot sa puso at dito rin tayo pinangaralan nila na kahit mahirap tayo may mararating tayo basta’t hindi tayo mawawalan ng bait at pag-asa.
-
Habang nagmamasid, may ilang lumapit sa kanila. Ang ilan ay nakayukong kila nahihiya. Ayo saan niya Ian? Pasensya na kayo ha. Alam mo naman noon mga masasakit na salita ang mga nasabi namin sa inyo. Walang preno ang bibig namin. Pasensya na kayo ha. Humihingi kami ng tawad. “Pasensya na sa inyo kung nasaktan namin kayo.” Sabi naman ng isa.
-
Ngunit ang magkakapatid ay ito lamang ang sinabi sa kanila. Matagal na namin kayong napatawad lahat. Sagot ni Ayo. Wala kaming galit na bitbit. Ngunit hindi lahat ay ganon. Mayan pang matalas pa rin magsalita. Marahil dala pa rin ang inggit o hindi matanggap ang nakita. Sinwerte lang kayo sabi ng isa. Hindi lahat ng mahirap ganyan ang ending.
-
Hindi na sila sumagot pa. Hindi pare iwasan. Kung hindi dahil hindi nila kailangang patunayan ang kanilang mga sarili, ang katahimikan ay hindi kahinaan. Ito ay tanda ng pag-angat. At doon nagkonyapit ang tunay na mensahe. Pagkatapos ng ilang oras, ipinaabot ni Sanya ang magandang balita sa mga tagabaryo. Nagpapagawa kami ng community learning center dito, Anya at magbibigay kami ng scholarship program para sa mga batang gustong mag-aral pero walang kakayahan.
-
Napatanga ang mga tao. Ang iba ay napaluha. Ang iba ay napayuko at hindi makapaniwala. Si Ayo naman ay nagpaabot ng tulong para sa pagpapaayos ng ilang kalsada at tulay sa kanilang paligid. Si Ian ay nangako ng libreng art workshops para sa mga kabataan. Hindi lamang sila bumalik. Bumalik silang may pagmamahal.
-
Hindi pag giganti. Bakit tumutulong pa rin kayo? Kayong hindi naman maganda ang ginawa namin sa inyo noon. Tanong ng isa. Ngumiti lamang si Sya. Kasi hindi kami bumalik para maalala ang sakit. Bumalik kami para ipaalala na pwede tayong magbago. Pwede tayong umangat sa buhay kahit gaano kahirap at pwede nating iangat ang isa’t isa.
-
At sa araw na yon lumalim ang pag-unawa ng marami. Hindi kahirapan ang magtatakda ng kapalaran ng isang tao kung hindi ang tibay ng puso. Sipag at kababa ang loob. Sa wakas habang lumulubog ang araw, tumayo silang magkakapatid sa bakanteng lote na minsang naging tahanan nila. Hindi na sila umiiyak.
-
Hindi na sila natatakot. Hindi na sila inaabi. Sila na ang nagbibigay liwanag. At doon nagtapos ang kwento. Hindi sa tagumpay lamang kung hindi sa pagbabalik upang maging pag-asa sa iba. Tumingin ng tatlong magkakapatid sa langit. Habang sila ay nasa dati nilang tahanan na ngayon ay bakanteng lote na lamang. Nay, tay, salamat po.
-
Alam ko pong ginagabay niyo kami hanggang sa ngayon at alam po naming nakikita niyo na kami ay nagtagumpay na sa buhay. Maraming salamat po sa inyong mga payo noon sa amin, Nay, Tay. Mahal na mahal po namin kayo. May mga luha sa kanilang mga mata. Luha lamang ng lungkot ngunit luha ng pasasalamat at pagmamahal sa kanilang mga yumaong magulang.
-
Sa kwentong ito ay marami tayong mapupulot na aral. Ang tunay na tagumpay ay hindi nasusukat sa yaman, posisyon o karangyaan. Ito ay nasasusukat sa tibay ng loob sa kakayaang bumangon mula sa pagkakadapa at sa pagpili ng kabutihan kahit minsan ang mundo ay naging malupit. Ipinapakita ng kwento ni Ayo, Sanya at Ian na hindi kahirapan ang magtatakda ng kapalaran natin kung hindi ang sipag, pananalig sa Diyos at paninindigang abutin ang pangarap.
-
At higit sa lahat, ang pinakamataas na anyo ng tagumpay ay hindi ang pag-angat ng mag-isa kung hindi ang pagbabalik upang magbigay liwanag sa iba. Ang pagtulong kahit minsan hindi ka tinulungan at ang pagpapatawad kahit minsan ikaw ay sinaktan. Ito ang paalala. Kung ipinanganak kang mahirap, hindi mo kasalanan ‘yon.
-
Pero kapag namatay kang walang pangarap, ayaw mo ng kumilos o puno ng galit, yun na ang naging hadlang sa sarili mong pag-angat. Ang mabuting puso, pagpupursiki at kababaang loob, yan ang tunay na susi sa pag-angat at tagumpay. At higit sa lahat ay ang paniniwala sa Diyos na gagawin niya ang lahat ng ito para sa ating kapakanan. Dito na po nagtatapos ang ating mahigsing kwento sa araw na ito.
-
Sana po ay nagustuhan niyo at sana po ay kinapulutan niyo ng maraming aral. Kayo mga kabarangay, anong masasabi niyo sa ating kwento? I-comment niyo naman sa baba ang inyong mga reaksyon at babasahin natin ang lahat ng yan. I-comment niyo na rin kung taga saan kayo para naman malaman ko kung hanggang saan nakaabot ang video na ito.
-
Paki-like and share na rin po ang ating kwento para mapakinggan rin ang iba. At kung bago ka pa lamang sa ating channel, baka naman pwedeng paki-hit ang subscribe button at bell notification button para palagi kang updated sa mga bago nating upload na katulad nito. So paano mga kabarangay? Hanggang sa muli. Thank you so much and peace out
News
Isang linggo bago ang kasal, sinabi sa akin ni Cody na ipahiram ko ang aking wedding gown sa kanyang “Great Love” o First Love.
Isang linggo bago ang kasal, sinabi sa akin ni Cody na ipahiram ko ang aking wedding gown sa kanyang “Great Love” o First Love. “Unang beses na lalakad si Lianne sa red carpet pagkauwi niya ng Pilipinas, kailangang maging napakaganda niya. Pagkatapos ng event, ibabalik…
BIGLA AKONG S!NAMP4L NG GF KO NANG MAGISING SIYA ISANG UMAGA HABANG MAGKATABI KAMI SA KAMA. SABI NIYA MAY BABAE DAW AKO SA PANAGINIP NIYA. AT ANG MGA PANAGINIP DAW MGA SIGNS DAW YUN AT IBIG SABIHIN DAW AY TOTOO YUN, KAYA IYAK NA SIYA NG IYAK DAHIL MERON DAW AKONG BABAE KAHIT SABI KO WALA
BIGLA AKONG S!NAMP4L NG GF KO NANG MAGISING SIYA ISANG UMAGA HABANG MAGKATABI KAMI SA KAMA. SABI NIYA MAY BABAE DAW AKO SA PANAGINIP NIYA. AT ANG MGA PANAGINIP DAW MGA SIGNS DAW YUN AT IBIG SABIHIN DAW AY TOTOO…
INIWAN KO SILA SA HAPAG-KAINAN DAHIL SA BASTOS NA JOKE NI TITO
INIWAN KO SILA SA HAPAG-KAINAN DAHIL SA BASTOS NA JOKE NI TITOMinsan talaga, kung sino pa ang kadugo mo, sila pa ang unang tumatama sa pride mo.Nagtipon-tipon ang buong pamilya para sa isang masayang reunion—yung tipong maraming pagkain sa mesa,…
PINALAYAS KO ANG SIL(Sister-in-Law) KO SA BAHAY NAMIN DAHIL HINDI SIYA TUMUTULONG SA GAWAING BAHAY
PINALAYAS KO ANG SIL(Sister-in-Law) KO SA BAHAY NAMIN DAHIL HINDI SIYA TUMUTULONG SA GAWAING BAHAYMay mga pagkakataon talaga na kahit gaano ka kapasensyoso, darating ang punto na mapupuno ka rin.Lalo na kapag ang isang tao ay nakikitira na nga lang…
HINDI AKO FREE-TAKER NG ANAK NG IBA KAYA KAHIT NAKATUNGANGA LANG AKO SA BAHAY AYAW KONG MAG-ALAGA NG PAMANGKIN
HINDI AKO FREE-TAKER NG ANAK NG IBA KAYA KAHIT NAKATUNGANGA LANG AKO SA BAHAY AYAW KONG MAG-ALAGA NG PAMANGKINMinsan, ang hirap kapag ang tingin ng pamilya mo sa “rest day” mo ay “extra time” para sa kanila.Akala nila dahil wala…
BIGLA NA LANG NASA SALA NAMIN ANG KAPITBAHAY NAMIN—KAYA NAPABILI AKO NG DOBERMAN PARA MATUTO SIYANG KUMATOK
BIGLA NA LANG NASA SALA NAMIN ANG KAPITBAHAY NAMIN—KAYA NAPABILI AKO NG DOBERMAN PARA MATUTO SIYANG KUMATOKMay mga kapitbahay talagang parang may invisible pass sa bahay mo kahit wala naman talaga.Tawagin niyo na lang akong Lena.Tahimik lang sana ang buhay…
End of content
No more pages to load