• Enero 2 sa isang gated subdivision sa Quezon City isang dalagang probinsyana ang halos mawalan ng pag-asa. Payat, maputla at halos walang lakas. Nakasilip siya mula sa maliit na bintana ng bodega kung saan siya ikinulong. Ang kanyang mga kamay ay nanginginig habang pilit iniaabot ang malamig na hangin mula sa labas.
  • Ilang linggo na siyang nakakulong, pinipilit na magtiis sa gutom, pananakit at pang-aabuso ng kanyang mga amo. Ang dalagang ito ay si Jane Oopeesa, B anyos, tubong, Quezon. Nagtungo siya sa lungsod dala ng pangarap na makaahon sa hirap at matulungan ang kanyang pamilya. Ngunit ang inakala niyang trabaho bilang simpleng kasambahay ay naging bangungot.
  • Bago pa dumating sa Quezon City ay nabuhay na si Shane sa hirap. Ang kanyang mga magulang ay pawang mga magsasaka. Sa murang edad, natutunan niyang makibaka sa gutom at kakulangan. Hindi siya nakapagpatuloy ng pag-aaral matapos ang elementarya dahil sa kawalan ng pera. Ang tanging alam niya ay magbanat ng buto upang kahit paano’y maitaguyod ang tatlong nakababatang kapatid at masuportahan ang inang may iniindang karamdaman sa baga lalo pa nang pumanaw ang kanyang ama.
  • Sa kanilang baryo may isang babaeng nagngangalang Solidad Rodriguez na matagal ng nakapagtrabaho sa Binondo, Maynila. Malakas ang loob nito at laging nagkukwento ng oportunidad sa siudad. Siya ang nag-udyok kay Shane na subukan ang magtrabaho at inalok ng isang pamilyang may lahing Chinese sa Quezon City.
  • Malaki raw ang sahod, maayos ang tirahan at tiyak na makakatulong. upang makabangon ang kanilang pamilya. Habang pinapakinggan ang mga pangakong ‘yon, naramdaman ni Shane ang halong kaba at pananabik. Sa bawat salitang binibitawan ni Solidad, mas tumitibay ang desisyon niyang lisanin ng baryo. Kahit pa mabigat ang iwanan ng kanyang ina, pinilit niyang kayanin.
  • Ang isipin lamang na may maipadal siyang pera ay sapat na upang takpan ng takot na bumabalot sa kanya. Agosto 2013. Sa araw ng kanyang pag-alis, nagtipo ng kanilang pamilya sa may kalsada. Walang maraming gamit. Walang dala kundi isang bag na may lamang ilang piraso ng damit at isang puso na puno ng pag-asa. Ang huling tanaw niya ay ang payat na balikat ng kanyang ina na nakatayo sa may pintuan.
  • Hawak ang dibdib at pilit na ngumingiti sa kabila ng ubo at panghihina. Habang umaandar ang bus patungong Maynila, ramdam ni Shan ang kaba. Sa labas ng bintana, mabilis na naglaho ang mga palayan at bundok na kinasanayan niya. Sa isip niya, malinaw ang dahilan. Magsasakripisyo siya para makakain at makapag-aral ang kanyang mga kapatid.
  • Hindi niya alam kung ano ang naghihintay sa likod ng pintuan ng kanyang papasukin. Ngunit ang pangarap na makaahon ng kanyang pamilya ang naging gabay sa kanyang pagtahak sa isang landas na hindi na niya mababalikan. Pagdating ni Shane sa Quezon City, sinalubong siya ng malalaking gusali at maingay na lansangan.
  • Malayo ito sa katahimikan ng baryo kung saan siya lumaki. Sa isang subdivision, huminto ang sasakyan ni Solidad at tumapat sa malaking bahay. Sa gate pa lamang daman na ni Shane ang lamig ng paligid tila parang hindi para sa mga tulad niya. Sa loob nito, sinalubong siya ng among babae na si Madam Lily Tan. Matalas ang mga mata nito.
  • Parang laging may hinahanap na mali. Sa unang araw pa lamang ipinakita na ang pamantayan. Kailangang maging masipag. Bawal ang pakikipag-ugnayan sa iba. At higit sa lahat, bawal gumamit ng cellphone. Kinuha agad ang mumurahing cellphone Shane na pinabaon pa ng ina niya sa kanya. Sabay sabamantala lamang yon. Ngunit sa dibdib ni Shane, ramdam niya na parang kinuha rin ang ugnayan niya sa pamilya.
  • Si Mr. Enrico Tan. Ang among lalaki naman niya ay tila magaanang pakikitungo. Laging mayiti at tila interesado kung kumusta siya. Wala naman ang nag-iisang anak ni Mr. and Mrs. Stand dahil naka-base ito umano sa Singapore. Mabilis namang lumabas ang tunay na takbo ng buhay sa bahay ng mga tan. Ang trabaho’y sunod-sunod halos walang pahinga.
  • Gigising ng madaling araw, magluluto, maglilinis at maglalaba. at muling uutusan hanggang hating gabi. Ang pagkain lagi ay tira-tira. Kapag nagkamali ka, mura ang aabutin mo kay Madam Lily. Sa bawat araw na lumipas, ramdam ni Shane ang bigat ng kanyang kalagayan. Ngunit hindi siya nagpadaig. Sa isip niya, bawat pisong kinikita, bawat araw na pagtitiis ay para sa gamot ng kanyang ina at pagkain ng kanyang mga kapatid.
  • Isang gabi matapos ang maghapong paglilinis, nakahiga si Shane sa maliit na kwartong ipinagkaloob sa kanya sa likod ng bahay. Doon ay walang bintana at amoy kahoy ang paligid. Tahimik ang buong bahay maliban sa mahihinang yabag na dahan-dahang lumalapit sa kanyang pinto. Nang bumukas yon, bumungad ang anino ni Mr. Tan.
  • Mabigat ang amoy ng alak na pumasok sa kanyang silid. Sa kabila ng pagtutol at panginginig ng kanyang katawan, siya’y nilapastangan. Kinabukasan, naglakas loob si Shane na lumapit kay Madam Lily. Ngunit imbes na pagkalinga ang matanggap, siya pa ang pinagbibintang ng aakit. Tiningnan siya na para bang siya ang may kasalanan. Kaya naman mula noon, lalo lamang lumala ang kanyang kalagayan.
  • Paulit-ulit na bumabalik si Mr. T sa kanyang silid tuwing gabi lalo na kapag wala ang asawa. Ang mga pangakong akala niya’y simula ng magandang buhay ay nauwi sa paulit-ulit na takot at panggagahasa. Kapag nagtangka siyang lumaban o magsumbong, sinasaktan siya at pinagbabanta na mas lalong magdurusa ang kanyang pamilya kung siya’y magsasalita.
  • Hindi lamang piskal ang kanyang mga sugat. Binawasan ang kanyang pagkain. Pinagtrabaho ng lampas sa kaya ng katawan at hindi pinapayagang magpahinga kahit may lagnat o sakit. Dumating ang mga araw na halos hindi na siya makatayo sa sobrang panghihina. Samantala, patuloy pa rin ang pakikipag-ugnayan ng kanyang ina sa pamamagitan ng text na akal mula sa kanya.
  • Ngunit ang mga mensahe, ang perang padala at ang mga kunwaring kumustahan ay kontrolado ni Madam Lily. Sa baryo, walang nakakaalam sa kalagayan ni Shane. Sa bahay ng mga tanan, siya’y bihag na walang tinig habang tumatagal. Unti-unti siyang nawalan ng pag-asa. Sa mga gabing nakapikit siya, iniuusa lamang niya sa isip ang pangalan ng kanyang ina.
  • At mga kapatid, pilit hinahanap ang dahilan para patuloy na mabuhay. Ngunit ang dilim sa loob ng bahay ay tila parang walang katapusan. Isang hapon nang makakita ng pagkakataon habang wala si Madam Lily sa paglabas ng bahay, sinubukan ni Shane na tumakas. Nanginginig ang kanyang mga kamay habang binubuksan ang gate.
  • Pilit na pinipigil ang kaba. Ngunit bago pa man siya makalayo ay nakita siya ni Mr. Tan at agad na kinaladkad pabalik sa bahay. Dinala siya ni Madam Lily sa isang maliit na bodega. Doon siya ikinulong. Walang bentilasyon, walang maayos na ilaw at halos hindi siya pinakain o pinainom araw-araw. Kaya naman araw-araw ay binibigyan siya ng babala na papatayin kung muling magtatangka.
  • Sa dilim ng bodega, nagmistula siyang bilanggo na walang kasiguraduhan kung makakalabas pa. Ngunit may mga matang nakamasid mula sa labas. Si Grace Zareliano, isang kapitbahay na matagal ng nagtataka sa kakaibang kilos ng mga tan ay napansin ang nangyayaring pagtatangkang tumakas at pagkahuli kay Shane.
  • Alam ni Grace na kailangan niyang kumilos bago mahuli ang lahat. Kaya naman palahim siyang nagmasid at bumuo ng plano. Isang araw, sa maliit na siwang ng pader sa pagitan ng dalawang bahay ay nakausap niya si Shane. Nag-alok ito ng tulong para makatakas ang dalaga. Sinabi nito ang planong i-distract ang mag-asawa sa pamamagitan ng pagbisita at ito ang magiging pagkakataon ni Shane para makalabas at makatakas sa gate.
  • Bagam’t kabado ay pumayag si Shane sa plano. Dumating ang pagkakataon noong Marso 2014 ng dapit hapon, nagtungo si Grace sa bahay ng mag-asawang Tan para maghatid ng pagkain at makiusap para sa isa sa umanong pabor. Habang abala ang mag-asawa sa pakikipag-usap kay Grace ay palihim na tumaka si Shane. Dahan-dahan, puno ng takot at kaba na baka siya ay mahuli.
  • Ingat na binuksan ni Grace ang bakal na gate upang hindi makagawa ng ingay. Sa ilang minutong tensyon, nakalabas si Shane mula sa impyerno at nagtungo sa lugar na sinabi ni Grace kung saan sila magkikita. Pagkatapos ng pagpapanggap ni Grace ay umalis ito sa bahay ng pamilyang Tan at nagtungo kay Shane.
  • Agad siya nitong sinakay sa kanyang kotse at binagtas nila ang kalsada patungo sa himpilan ng hustisya. Samantala, sa mga oras na iyon ay nadiskubre ng pamilyang Tan Shane. Agad nilang inalerto ang guard ng subdivision ngunit huli na ang lahat. Sa himpilan ng hustisya ay halos hindi makapagsalita si Shane. Ngunit sa tulong ni Grace at sa presensya ng isang social worker, unti-unti niyang nasabi ang kanyang madilim na pinagdaanan.
  • Ang paulit-ulit na panggagahasa, ang pananakit, ang pagkakakulong at ang pagkakaiit ng kanyang kalayaan. Mabilis na kumilos ang mga aoridad kasabay ng pagdudokumento ng testimonya ni Shane. Dinala siya sa ospital. Doon nakumpirma ng mga doktor ang mga pasa, sugat at ang ebidensya ng paulit-ulit na pang-aabuso.
  • Ang bawat resulta ng pagsusuri ay nagsilbing matibay na patunay sa kanyang sinapit. Kinabukasan, isang operasyon ang isinagawa. Pinasok ng mga pulis ang bahay ng mga Tan. Hinanap si Mr. Tan at Madam Lily at dinala ang mga ito sa presinto. Habang nasa ospital, nakahiga si Shane na katitig sa puting kisame. Sa unang pagkakataon na matapos ang mahabang panahon, naramdaman niya na hindi na siya nag-iisa.
  • Sa tabi ng kanyang kama, naroon si Grace nakabantay na parang tunay na pamilya. Matapos ang masusing imbestigasyon, sinampahan ng patong-patong na kaso ang mag-asawang Tan. Nagtangka silang magpiyansa ngunit hindi ito pinahintulutan dahil sa bigat ng kanilang kaso. Samantala, unti-unti namang naka-recover si Shane sa ospital.
  • Pansamantala siyang kinupkop ni Grace dahil ayaw niyang malaman ang kanyang pamilya ang masamang sinapit at makadagdag sa alalahanin ng kanyang ina. Mabilis namang umusad ang kaso. Sa unang pagharap sa korte, mariing itinanggi ng dalawa ang lahat. Pinilit nila na ipinta si Shane bilang magnanakaw at sinungaling na nag-iimbento ng kwento para lamang makakuha ng pera.
  • Ngunit hindi sila nagtagumpay. Isa-isang inilatag ng prosekusyon ang mga ebidensya. Ang medical report na nagpapatunay ng pang-aabuso, ang salaysay ni Grace at higit sa lahat ang matapang naimonya ni Shane na sa kabila ng takot ay nanindigan sa harap ng mga hukom. Hindi lamang siya ang lumantad sa kalagitnaan ng paglilitis.
  • Isang dating katulong ng mga tan ang nagsalaysay din. Muntik na rin itong mabiktima noon ngunit nakaalis agad. Matapos maramdaman ang kakaibang kalupitan sa pamilya. Habang tumatagal ang paglilitis, unti-unting bumagsak ang depensa ng mga tan. Dumating ang araw ng hatol. Taong 2016, idineklara ang pagkakasala ng mag-asawa na parehong nasentensyahan ng habang buhay na pagkakabilanggo at danyos naabot sa 500,000.
  • Sa sandaling yon, tila naalis sa dibdib ni Shane ang mabigat nitong pinapasan. Sa pagbalik niya sa probinsya, ginamit niya ang kabayaran upang makapagsimula. Unti-unting itinayo ang isang tindahan sa gilid ng kanilang bahay na kalauna naging pangunahing kabuhayan ng kanyang pamilya. Sa bawat customer na dumaraan, ramdam niya ang bagong direksyon ng kanyang buhay.
  • Malayo sa tanikala ng pang-aabuso. Nanatili rin ang ugnayan niya kay Miss Grace mula sa pagliligtas hanggang sa muling pagbangon. Dahil kay Grace, naniwala si Shane na hindi lahat ng tao ay masama at mapangabuso. Ang kasong ito ni Shane ay isang patunay na kahit sa pinakamadilim na yugto ng ating buhay, maaari pa rin tayong makabangon at magkaroon ng bagong simula.