SINUGOD SA ER ANG MOTHER IN LAW KO NUNG BIRTHDAY NIYA DAHIL SA REGALO KO, NGAYON PINAPABAYAD NILA ANG HOSPITAL BILL SAKIN PERO AYAW KO…..

Hi Ambenture. Please help me. Wala naman akong kasalanan sa totoo lang.

Ako si Arvin, 29 years old, factory worker sa Cavite.. Dalawang taon na kaming kasal ng asawa kong si Arianne. Ako nagta-trabaho sa production line, siya Office Staff sa private school.

Idagdag natin sa kwento ang mother in law ko.
Siya ay Principal.
Hindi lang basta teacher principal talaga. May title. May authority na parang laging may faculty meeting kahit nasa dining table lang.

Kapitbahay lang namin ang bahay ng mga inlaws ko. At simula pa lang nung niligawan ko yung anak nila, ramdam ko na hindi niya ako bet. Hindi niya ako tinaboy outright, pero pakiramdam ko sinusukat ako mula ulo hanggang paa.

Nung first time ko pumunta sa bahay nila, tinanong niya agad kung anong trabaho ko.

Sabi ko factory worker ako.

Tumango siya, pero may kasunod na,
“Ah… ganun ba. Akala ko engineer.”

Yung tono niya parang may red mark na agad ako sa record niya.

Minsan pa nga, narinig ko siya kausap yung kapatid ng asawa ko,

“Ang talino ng anak ko. Sayang.”

Hanggang ngayon, plastikan kami pag may family gathering.

“Arvin, kain ka pa, baka hindi kapa busog.”

“Salamat po, Ma. Wag din kayong mahiya na humirit ng karne.”

Pag alam kong sinisimplehan niya yung insulto niya sakin, nirerebatan ko din siya ng simple.
Pero pag nakatalikod ako, alam kong hindi pa rin ako pasado sa standards niya.

Principal siya.
Factory worker lang ako.

Hindi ako mayaman. Wala akong title. Pero mahal ko anak niya, at maayos ang trato ko sa kanya. Yun lang ang puhunan ko.

Kaya nung birthday niya last week, naisip ko sana peaceful lang. Nag-celebrate kami sa isang buffet sa Tagaytay. Buong pamilya present. May cake na may gold topper na “Happy Birthday Ma’am.”

Nagprepare din ako ng simpleng regalo para sa kanya.
To be honest, ang original plan ko dress ang ireregalo ko. Simple pero classy. Para walang issue.

Pero naalala ko yung huling beses na ininsulto ako. May family dinner noon. May usapan tungkol sa career. Bigla niyang sinabi sa harap ng lahat,

“Factory worker ka lang, Arvin? Wala ka bang balak mag-level up?”

Doon ko naisip na baguhin yung plano ko.
Alam ko isa pa sa pet peeve niya ayaw niya kay BBM. As in allergic. Kahit marinig lang ang pangalan sa TV, may commentary agad.

At doon ko naisip, minsan lang naman ako makabawi.
Dinner went well at first. Kain, kwentuhan at selfies. Pagdating sa gift giving, isa-isa na.
Pagbukas niya ng gift ko, nakita niya ang mug.
Tiningnan niya ako.

“Ano to Arvin?”

Sabi ko,
“Souvenir lang po, Ma.”

Walang tawa.
Hinawakan niya yung mug at ibinagsak sa table. Natumba ang water glass. Kumalat ang tubig sa tiles.
Tumayo siya nang padabog na parang hindi Principal.

Sa pagmamadali niya, natapakan niya yung basang sahig. Nadulas. Sumabit sa paa ng upuan. Bagsak.

Napahiyaw siya. Hindi siya makabangon agad.
Biglang panic mode ang lahat pati yung ibang staff.
Sinusubukan niyang tumayo pero hindi niya kaya. Sinugod nalang namin siya sa ER kasi hindi na siya makatayo. Check up at X-ray. Buti sprain lang. Walang surgery. Pahinga at pain meds lang ang advice.

Pagbalik namin sa bahay, syempre ang next topic bill ng ospital at galit sakin.

Sabi ng asawa ko,
“Arvin, ikaw kasi nag-trigger.”

Sabi ko,
“Halla bakit ako? Hindi ko siya tinulak. Hindi ko siya pinadulas. Siya ang nagwala.”

Hindi ako nag-offer mag-ambag ng bill sa ospital, wala rin akong extra na pera. Factory worker lang ako. Hindi ako principal na may malaking sahod. Ang ambag ko lang ay mag-sorry.

Ang Happy birthday niya naging emergency day.
Ginawa niya yun sa sarili niya.
Siguro mas lalo niya akong kinamumuhian ngayon.

Pero basta masaya kami ng asawa ko, yun ang importante. Pinagalitan naman ako ng asawa ko, pero wala na akong magagawa nangyari na e.
Nakauwi na ngayon yung mother in law ko at medyo okay okay na. Salamat sa Diyos okay na siya kung hindi wala na akong kalaban sa pamilya nila.