SA SOBRANG PAGKAMAHIYAIN NG KA-LIVE IN NG ANAK KO, PATI SA MGA GAWAING BAHAY AY HINDI NIYA AKO NATUTULUNGAN


Yung anak kong lalaki, bigla na lang nagsabi na “Ma, makikitira muna kami dito ha, nagli-live in na kasi kami.” Syempre ako, bilang mabait na ina (at medyo curious din), pumayag naman agad. Sabi ko pa, “Sige, para makilala ko na rin yang girlfriend mo.”

Unang araw pa lang, napansin ko na agad… sobrang tahimik nung girl. As in hindi lang tahimik—PARANG HANGIN. Minsan hindi ko alam kung nasa bahay ba o multo na lang.

Nag “hello” ako, ngumiti naman siya… pero yung ngiti niya parang 2 seconds lang, tapos diretso na agad sa kwarto. Sabi ko, “Okay… mahiyain lang siguro.”

Pero teh… hindi pala “mahiyain”…

LEVEL 100 SHYNESS NA ITO

Napansin ko, tuwing wala yung anak ko, hindi siya lumalabas ng kwarto. As in kahit kakain, walang paramdam.

Isang beses, nagluto ako ng adobo,yung tipong amoy pa lang, mapapalabas ka na talaga ng kwarto.

Sumigaw pa ako:
“Inday! Kain na tayo!”

Walang sumagot.

After 5 minutes:
“Inday, lumamig na oh!”

Tahimik pa rin.

Sabi ko sa sarili ko:
“Baka tulog?”

Pero nung dumaan ako sa tapat ng kwarto nila… may narinig akong kaluskos. Tapos biglang tumahimik. Parang may nag-freeze sa loob.

Kinabukasan, nagtataka ako kasi may mga plastic ng pagkain sa basurahan,yung galing sa labas.

Doon ko nalaman…

BUMIBILI PALA SIYA NG PAGKAIN SA LABAS PARA LANG HINDI KUMAIN KASAMA AKO

As in lalabas siya ng bahay nang sobrang tahimik, parang ninja. Tapos babalik, diretso sa kwarto, doon kakain.

Ako naman:
“Anak… kinakahiya ba niya ako o multo ba ako sa paningin niya??”

Yung anak ko naman, tawa lang nang tawa:
“Mahiyain lang talaga yun Ma.”

Sabi ko:
“ANAK, HINDI NA ‘TO MAHIYAIN… PARANG MAY MISSION NA HUWAG AKONG MAKITA”

Tapos sa gawaing bahay… jusko po.

Hindi naman ako nag-eexpect na siya ang gagawa lahat, pero kahit konting galaw man lang—wala talaga.

Yung walis, nakatayo lang sa sulok.
Yung basahan, parang nagtatampo na kasi walang gumagamit.
Yung plato, ako pa rin.

Minsan naglinis ako sa sala, sinadya kong medyo maingay para marinig niya,baka sakaling lumabas at mag-offer tumulong.

Nag “tsk tsk” pa ako, sabay sabi:
“Ang daming gagawin sa bahay oh…”

Alam mo nangyari?

MAS LALO SIYANG HINDI LUMABAS

Parang lalo siyang nag-camouflage sa loob ng kwarto!

Isang beses, nagulat pa ako—biglang bumukas pinto nila, tapos sumilip lang siya saglit, parang turtle na nagche-check ng paligid…

Tapos nung nakita niyang nasa sala ako…

BUMALIK ULIT SA LOOB

Doon na ako natawa at naawa.

Sabi ko sa sarili ko:
“Paano na ‘to… hindi ako natutulungan, pero parang ako pa yung kinakatakutan.”

Ngayon tuloy, nag-aalala ako.

Hindi dahil tamad siya… kundi baka sobrang nahihirapan lang siya makisama.

Minsan nga gusto ko na siyang kausapin ng masinsinan, kaso baka lalo siyang mahiya at tuluyan nang maging permanent fixture ng kwarto nila.

Kaya ngayon, ang ginagawa ko na lang…

Pag nagluluto ako, kumakatok ako sa pinto nila sabay sabi:
“Inday, may pagkain sa mesa ha… hindi ako nangangain ng tao, promise.”

Minsan may mahina akong maririnig na:
“Opo…”

At yun na yung pinaka-mahabang conversation namin.

Ewan ko ba… natatawa ako pero nag-aalala rin.

Sabi ko nga sa anak ko:
“Anak, pakisabi sa jowa mo… hindi ako multo. Pwede siyang lumabas. Hindi ko siya kakagatin.”

FROM SENDER