LUMAKI akong si Tatay Rudy ang nakagisnan kong magulang. Opo, isa po syang B4kla at hindi ko po iyon ikinakahiya.

Nasa pitong t40n ako noon, natatandaan ko pa kung paano ako iwan ng nanay ko sa kalsada.

Binilhan nya ako ng ica cream at iniwan para daw mag cr. Umupo ako sa tabi ng kalye habang kinakain ang ice cream ko pero naub0s ko na iyon, wala pang Nanay na bumalik.

Nag ump!sa akong maglakad-lakad na umiiyak habang tinatawag si Nanay pero wala na talaga sya hanggang sa may lumapit sa akin na isang lalake pero ang paglalakad nya ay parang babae.

Tinanong nya ako kung bakit ako umiiyak. Hindi ko na alam ang kumpletong pinag usapan namin kasi nakalimutan ko na sa tagal.

Basta niyaya nya akong umuwi sa kanilang bahay at pinakain. Binihisan at binigyan ng bagong damit.

Nireport nya sa mga pulis ang pag iwan sa akin ng aking inay pero wala pa ring nangyari, hindi pa rin ako naibalik sa amin.

Bago pala iyon ay natatandaan kong bumyahe kami ni Inay. Malayo din yata kasi matagal ang byahe naming iyon at sa bus kami sumakay.

Kuya Ed, simula nang hindi mahanap ng mga pulis ang mga tunay kong magulang, kinupkop na po ako ni Tito Rudy.

Binuhay at itinaguy0d po nya ako sa pagtitinda nya ng balut sa gabi. Sa umaga naman ay pumapasok sya sa isang parlor bilang beautician.

Pinag aral din nya ako hanggang sa paglaki ko ay sya na ang kinikilala kong ama at ina.

“Pinapalaki lang nya yan pero sa huli, sisingilin din nya iyan kapag pwede ng pakinabangan”

Yan ang isa sa mga masasakit na salitang naririnig ko sa mga mapanghusgang mga tao kuya Ed.

Pero ni minsan, alam ko po sa sarili ko na hindi pa ako pinakitaan ng ganon ni Tatay Rudy.

Puro kabutihan lang ang pinaparamdam nya sa akin bilang isang tunay nyang anak kahit alam kong amp0n lang nya ako.

Nang matapos na ako sa pag aaral, gusto ko sanang ibigay sa kanya ang medalya at parangal na natanggap ko subalit hindi sya dumalo sa graduation ko.

Inisip ko na lamang na baka bz sya sa trabaho o baka may mas importante syang pinuntahan.

Subalit pag uwi ko ay ako ang nasurpresa sa aking nalaman. Dinala daw sa 0sp!tal si Tatay na kaagad kong pinuntahan noong ito’y aking nalaman.

Naabutan ko syang nakarat4y sa k4ma, halatang mahina na sya. Doon ko nalam4n na may itinat4go pala sya sa akin na isang kar4mdaman na noo’y malubhang malubha na.

Umiyak ako, kinuha ko ang isang kamay nya saka inilagay doon ang aking medalya. Sinabi ko sa kanya na para sa kanya iyon.

Nagpasalamat sya sa akin. Ilang oras din kaming nagkwentuhan hanggang sa maramdaman kong unti-unti ng lumuluwag ang pagkakahawak nya sa kamay ko.

Muling umagos ang aking mga luha hanggang sa tuluyan na syang pumik!t at b!n4wian ng buhay.

Niyakap ko sya at niyugyog. “Tatay, tatay! Huwag mo akong iwan ‘Tay!” pero wala na kahit anong tawag ko sa kanya. Hindi na nya ako masasagot pa. Wala na ang taong itinuring akong tunay na kadugo.

Sa harap ng kanyang punt0d ay nangako ako sa kanya na tutuparin ko ang pangako ko na hahanapin ang tunay kong pamilya kapag may kakayanan na ako.

Puro pagmamahal, kabutihan, pagpapatawad ang itinanim ni Tatay Rudy sa aking isipan.

Tunay ngang kahit ano pa ang kasarian ng isang tao ay huwag natin itong husgahan dahil katulad ni Tatay Rudy, daig pa nya ang ibang tunay na babae at lalake sa larangan ng pagiging mabuting tao at may puso sa kapwa.

Ako po si Red at proud po akong ipakilala ang isang B4kla na naging magulang ko sa iisang katauhan pero kanya namang nagampanan.

Salamat po sa matyagang pagbabasa ng ibinahagi kong kwento ng aking buhay bago ko nakamit ang kinalalagyan ko ngayon bilang isang Engineer na kasama na ang tunay kong mga magulang.

Muli, godbless sa ating lahat at Thank you. -wakas-