• Mainit ang sikat ng araw sa bayan ng San Lorenzo nang masimula ang araw ni Claris Villanueva. Isa siyang simpleng dalaga na may marupok munit masayahing puso. Nagtatrabaho sa maliit munit kilalang flower shop ni Tita Lenny. Araw-araw niyang inaayos ang mga bulaklak mula sa mababangong rosas hanggang sa mga marurupok na liryo.
  • Sa bawat petal na hinahaplos niya tila pinaawi ang pagod ng kanyang maghapong trabaho. Claris, siguraduhin mong maayos ang center pizza. May malaking event ang mga Felisiano mamayang hapon. Mga mayayaman ‘yon. Ayaw ng kahit anong kapintasan. Paalala ni Tita Lenny habang pinupunasan ang mesa. Ngumiti lang si Claris. Opo tita. Sisiguraduhin kong maganda.
  • Sayang din po baka madagdagan pa tayo ng suki. Hindi alam ni Claris na sa araw na iyon magbabago ang takbo ng kanyang tahimik na buhay. Bandang 2 ng hapon, dumating sila sa malaking mansyon ng mga Felisiano. Napanganga siya sa laki ng bahay, mga mamahaling kotse sa garahe, mga shandelir na tila bituin sa kisame at mga taong naka-amerikana at barutsaya.
  • Siya isang simpleng dalaga lamang na sanay sa amoy ng bulaklak at pawis tila naiilang sa ganitong marangyang kapaligiran. Habang inaayos niya ang mga bulaklak sa gilid ng entablado, biglang may boses na marahang nagsabi, “Ang ganda ng ayos mo ng bulaklak ah. Hindi ko akalain na ganito kaganda ang kombinasyon ng puti at dilaw.” Napatigil siya.
  • Paglingon niya, isang lalaking matangkad, maputi at mayaming mukha. ang nakangiting nakatingin sa kaniya. Si Adrian Feliciano, ang nag-iisang anak ng may-ari ng mansyon. “Ah, salamat po, sir.” alanganing sagot ni Claris bahagyang tumingin sa sahig dahil nahihiya. “Huwag mo akong e sir, Adrian na lang.
  • Ang galing mo pa na mag-ayos ng mga bulaklak. Ikaw ang nagdisenyo ng lahat nito.” Tanong ng binata. Nakasandal sa mesa habang pinagmamasdan ang ginagawa niya. Opo, sagot ni Claris. Pilit na kalmado. Nag-aaral pa lang po ako dati ng basic floral design pero tinigil ko para makatrabaho agad. Kailangan po kasi ni nanay ng gamot. Ngumiti si Adrian. Mukhang masipag ka.
  • Hindi lahat may ganitong tiyaga. Hindi ako mahilig sa mga event na ganito pero parang gumanda bigla ang paligid. Namula si Claris. Ay naku baka nabubulagan ka lang po sa ilaw. Tumawa si Adrian. isang tawang hindi niya malilimutan. Mula noon, hindi na natapos ang kanilang usapan.
  • Habang abala si Claris sa mga bulaklak, panay ang biro ni Adrian. Hanggang sa dumating ang gabing tapos na ang event, siya pa mismo ang tumulong magligpit ng mga gamit ng dalaga. Simula noon, laging dumadalaw si Adrian sa flower shop. Una bumibili lang ng isang bulaklak kada linggo hanggang sa unti-unting naging dalawa, tatlo at kalaunan hindi na bulaklak ang dahilan ng pagpunta niya.
  • “Claris,” sabi ni Adrian minsang bumisita. Pwede ba kitang ayain minsan sa park? Gusto ko lang makilala ka pa ha Park? Eh baka magalit po ang pamilya niyo kung makita nila akong kasama niyo. Wala silang pakialam. Tugon ni Adrian habang nakangiti. Gusto ko lang ng kasama na totoo. Hindi yung puro pormalidad lang. Hindi na nakatanggi si Claris.
  • Sa mga sumunod na linggo, naging madalas na ang kanilang pagkikita. Pinag-uusapan nila ang mga simpleng bagay, mga pangarap, pamilya at kung gaano kagulo ang mundo ng mayayaman. “Claris,” sabi ni Adrian minsang nakatingin sa mga bulaklak sa parke. “Alam mo bang hindi ko kailan man nakita si mama na ngumiti dahil sa pag-ibig? Laging pera at reputasyon lang ang nasa isip niya.
  • Nakakulong ako sa mga inaasahan niya. Pero kapag kasama kita, parang nakakalaya ako. Napatingin si Claris sa kanya tila natunaw ang kanyang puso. Huwag kang mag-alala, Adrian. Hindi mo kailangang baguhin ang sarili mo para sa kanila kung sino ka sapat na yon. Gumiti si Adrian at sa unang pagkakataon hinawakan niya ang kamay ng dalaga. Salamat, Claris.
  • Ngayon ko lang naramdaman na may nakakakita sa akin bilang tao, hindi bilang Felisyano. Sa paglipas ng mga buwan, lalong tumibay ang kanilang ugnayan. Ngunit sa likod ng mga ngiti, may mabigat na lihim si Adrian. Ang kanyang ina, si Donya Felisa Feliciano, kilala sa bayan bilang pinakamapangmata at pinakamasungit na babae sa lipunan.
  • Isang gabi habang nagkakape si Adrian sa veranda, narinig niya ang kanyang ina na kausap ang isa sa mga kaibigan nito. Hindi ko hahayaang magpakasal ang anak ko sa babaeng hampaslupa mariing wika ni Donya Felisa. Lahat ng Felisano ay karapat-dapat lamang sa kaparehong antas hindi sa mga babaeng tindera ng bulaklak. Napalunok si Adrian.
  • Ang puso niya ay biglang lumamig. Alam niyang kapag nalaman ng ina ang tungkol kay Claris, magwawala ito. Kaya kinabukasan, lumapit siya kay Claris. Mahal kita, Claris, pero kailangan nating maging maingat. Ayokong malaman ng mama ko. Tumingin si Claris. Kita sa mata ang pangunawa at takot. Hindi ko naman intensyong mapasira sa pamilya mo, Adrian.
  • Kung gusto mong itago, okay lang. Basta totoo pa rin lahat. Tumango si Adrian. Mahigpit na hinawakan ang kamay niya. Totoo, Claris. At balang araw ipapakilalain kita kapag kaya ko ng tumayo sa sarili kong paa. Mula non, lihim na namuhay sa pag-ibig ang nagkikita sa lumang simbahan. Nag-uusap sa ilalim ng mga parol tuwing gabi at nangakom walang sino man ang makakasira sa kanila.
  • Ngunit sa bawat lihim na sandali, nakatago ang anino ni Dona Felisa, isang aninong handang sumira sa tahimik na mundong binubuo nila. Maaliwalas ang umagang iyon sa bahay ni Adrian, ang mga kurtina ay banayad na sumasayaw sa hangin at ang amoy ng bagong timplang kape ay pumupuno sa sala. Si Claris suot ang simpleng puting blouse at denim skirt ay tahimik na naglalagay ng mga bulaklak sa florera.
  • Isang maliit na bagay na gusto niyang gawin tuwing bumibisita siya kay Adrian. Ang ganda talaga ng simpleng mga bulaklak no? Sabi niya habang tinatanggal ang sobrang dahon. Parang buhay. Minsan hindi kailangan ng sobrang kulay para mapansin. Lumapit si Adrian nakangiti. Kaya siguro napansin kita agad. Simple pero mo namamalayan.
  • Nakakagaan ng loob. Ngumiti si Claris at tinapik siya sa braso. Hay naku, puro ka talaga biro. Kumain ka na ba? Magluluto sana ako ng agahan para sa’yo. Hindi mo na kailangang gawin yan. Dapat ako ang nag-aalaga sa’yo. Tumawa si Adrian sabay akbay. Pero sige kung ipagluluto mo ako, baka mas lalo kitang mahalin.
  • Ngunit bago pa man mas maging masaya ang sandaling iyon, isang biglang pagkalabog ng pinto ang gumulat sa kanila. Adrian, isang malamig na boses ng babae ang nagpatigil sa lahat. Paglingon ni Adrian, halos maputla siya sa gulat. Si Donya Felisa Feliciano, ang kanyang ina ay nakatayo sa may pintuan, nakasuot ng mamahaling damit, may hawak na handbag na mas mahal pa sa sahod ng isang empleyado sa loob ng isang taon.
  • Ma, pautal na tanong ni Adrian agad na inalis ang kamay niya kay Claris. Nanlaki ang mata ni Donya Felisa nang makita ang dalaga. At sino ong babae sa bahay mo? Adrian? Anong ibig sabihin nito? Nay si Claris po. Nagsimula si Adrian ngunit agad siyang pinutol. Claris! Ah so ito pala yung babaeng pinag-uusapan ng mga kasambahay.
  • Yung dukhang tindera ng bulaklak. Tumaas ang kilay ni Donya Felicisa puno ng panlilibak. Hindi mo sinasabi sa akin na nagpapapasok ka ng ganitong klaseng babae sa bahay natin na mula si Claris sa kahihian agad niyang tinangkang magsalita. Pasensya na po ma’am hindi ko po intensyon. Tumahik ka. Mariing sigaw ng ginang sabay tingin mula ulo hanggang paa. Tingnan mo ang sarili mo.
  • Wala kang pinag-aralan, wala kang pangalan at lalong wala kang karapatang tumuntong dito. Napasapo sa ulo si Adrian. Ma, huwag kang ganyan. Claristo’y mabait siya. Responsable. Mabait? Responsableng mahirap. Putol ng ginang. Sa laki ng pamilya nating pinaghirapan ng mga ninuno mo. Ito ba ang ipapakilala mong babae sa akin? Isang tindera ng bulaklak? Lumapit si Adrian.
  • Pilipit na kalmado. Hindi ko pinili si Claris dahil sa pera, ma. Pinili ko siya dahil siya lang ang nakaintindi sa akin. Hindi mo alam kung gaano siya kabuti? Kung ganyan ang kabutihan na hinahanap mo, malamig na sagot ni Donya Felisa, baka dapat sumama ka na lang sa kanya sa putik na pinanggalingan niya.
  • Napasinghap si Claris at hindi na niya napigilan ang pagpatak ng luha. Hindi ko po sinasadya na maging dahilan ng away ninyong mag-ina. Mahal ko lang po si Adrian. Mahal? Halos tumawa si Donya Felisa. Anak, nakarinig ka na ba ng ganitong kababaeng salita? Mahal daw. Alam kong gusto mo lang ng komportableng buhay. Lahat kayo pare-pareho.
  • Hindi po totoo yan. Nanginginig na sagot ni Claris. Hindi ko kailan man ginamit si Adrian. Hindi ko po kailangan ng pera niyo. Talaga? Umirap si Donya Felisa. Eh bakit nandito ka sa bahay niya? Hindi mo ba alam kung gaano kalaking kahihian to sa pamilya namin? Kung malaman to ng mga Felisyano, masisira ang reputasyon namin. Huminga ng malalim si Adrian.
  • Kung ganon ma, mas pipiliin ko ng masira ang reputasyon kaysa mawala si Claris. Nanlaki ang mata ni Donya Felisa. Anong sinabi mo? Totoo yan ma. Mahal ko si Claris. At kung kailangan kong lumayo sa inyo, gagawin ko. Tahimik sandali ang paligid. Tila pati ang hangin ay natigilan. Ngunit biglang lumakas ang tawa ni Donya Felisa, isang tawang puno ng pangungutya. Lumayo ka, Adrian.
  • Sa oras na gawin mo yan, tatanggalin kita sa lahat ng mamanahin mo. Pati pangalan ng Felisiano mawawala sayo. Napalunok si Adrian. nanginginig ang boses. Kung yan po ang kapalit, tatanggapin ko. Ngunit bago pa man siya makapagsalita muli, tinuro ni Donya Felisa si Claris. Ikaw, umalis ka sa bahay na to bago ko ipatawag ang mga guard.
  • Wala kang karapatang tumira dito o makalapit sa anak ko. Ma, pigil ni Adrian. Tumigil ka, Adrian. sigaw ng ina. Kung gusto mo siyang ipagtanggol, isama mo siya sa buhay mo sa kalye. Pero habang ako ang ina mo, hindi ko hahayaang magpakasal ka sa babaeng mababa sa atin. Hindi na nakapagsalita si Claris. Lumapit siya kay Adrian. Nanginginig at umiiyak. Adrian, tama na.
  • Ayokong maging dahilan ng gulo ninyo. Salamat sa lahat. Sana balang araw maintindihan ako ng nanay mo. Hinawakan ni Adrian ang kamay niya. Pilit pinigilan. Claris, huwag kang aalis. Please. Umiling si Claris. Umiiyak habang hinuhugot ang kamay niya. Mas mabuti n ako ang lumayo kaysa tuluyang mawala ka sa pamilya mo.
  • At sa mga salitang iyon, tumalikod siya at naglakad palabas ng kintuan. Habang tinatahak niya ang kalsada, ramdam niya ang bigat ng bawat hakbang, ang sakit ng panghuhusga, ang hapdi ng pagmamahal na pilit ipinaglalaban. Mula sa loob ng bahay, nakatanaw si Adrian. Luha ang bulong. Hindi ako susuko, Claris.
  • Kahit anong mangyari, babalikan kita. Ngunit sa labas ng mansyon, sa ilalim ng ulan na biglang bumuhos, si Claris ay tahimik na naglakad pauwi. Bitbit ang sugatang puso at ang mga salitang hindi na niya malilimutan. Dukha, walang pinag-aralan. Hindi niya alam iyun pa lamang ang simula ng paglalakbay na babago sa kapalaran nilang dalawa.
  • Lumipas ang mga buwan mula ng huling magharap si Claris at si Donya Felisa. Akala niya ay tuluyan ng matatapos ang lahat ngunit ang puso ay may paraan para kumapit kahit sa gitna ng panghihina. Sa kabila ng galit at pagtutol ng ina ni Adrian, hindi naglaho ang komunikasyon nila.
  • Patago sa mga oras na pinakakalma ng gabi ang mundo, dumaraan si Adrian sa lumang simbahan ng San Lorenzo, ang tanging lugar kung saan sila muling nagkikita. Doon sa ilalim ng kupas ng mga pintura ng mga santo at kandilang nagsasayaw sa hangin, nakahanap sila ng payapa. “Hindi ko alam kung tama pa’.” sabi ni Claris habang pinagmamasdan ang kumikislap na mga kandila sa altar.
  • Baka lalo lang akong maging dahilan ng gulo sa pamilya mo. “Wala kang ginagawang mali.” Sagot ni Adrian. Hinawakan ang kamay ng dalaga. Ang mali ay kung itatago ko ang nararamdaman ko. Kahit anong mangyari, Claris, ipaglalaban ko ‘to. Pangako. Kinitigan siya ni Claris. Kita sa mga mata ang takot ngunit higit ang pag-ibig. Pangako rin Adrian.
  • Hindi ko bibitawan to kahit gaano kasakit. At sa harap ng lumang krus sa altar, nangako sila sa isa’t isa. Hindi sa pamamagitan ng papeles o singsing kundi ng tiwala. Isang liim na sinelyuhan ng luha at yakap sa gitna ng dilim. Habang patuloy na lumilipas ang mga araw, pinilit ni Claris na ayusin muli ang kanyang buhay.
  • Umalis siya sa flower shop at tinangga ang alok ni Tita Melinda Suarez ang may-ari ng isang maliit na printing business sa bayan. Si Tita Melinda, isang biuda na walang anak ay agad nagustuhan ang pagiging masipag at tapat ni Claris. Anak, masyado ang tahimik nitong mga araw. An ni Tita Melinda isang hapon habang pinupunasan ng printer.
  • May bumabagabag ba sayo? Mumiti si Claris kahit halatang pagod. Wala naman po tita. Siguro lang iniisip ko kung may patutunguhan pa yung pinaninindigan ko. Pag-ibig. Napangiti si Melinda halatang nakakaintindi anak. Kapag totoo ang pagmamahal, kahit anong tagal hindi mawawala. Pero tandaan mo, dapat pareho kayong lumalaban. Hindi ikaw lang. Tumango si Claris.
  • Si Adrian po, ginagawa naman niya ang lahat para mapanatili kami. Pero minsan naiisip ko baka masyado ko siyang hinihila pababa. Hinawakan ni Tita Melinda ang kamay niya. Hindi mo kailangang baguhin kung sino ka para sa pagmamahal. Ang tamang tao, ipagmamalaki ka kahit wala kang pangalan o kayamanan. Sa mga salitang iyon, tila may tumimo sa puso ni Claris.
  • Lalong lumalim ang respeto niya sa matandang babae na unti-unti ikinuring niya ang parang pangalawang ina. Samantala, si Adrian ay patuloy na nakikipaglaban sa katahimikan ng kanyang mundo. Sa tuwing gabi, nagdadahilan siya ng mga meeting at late night errands. Ngunit sa katunayan, pumupunta siya sa simbahan upang makasama si Claris.
  • Isang gabi habang naglalakad silang dalawa palabas ng lumang kapilya, mahigpit niyang hinawakan ang kamay ng dalaga. Claris, minsan naiisip ko, ano kung tumakas tayo, lisanin natin ang lahat. Hanap tayo ng bagong buhay. Napangiti si Claris. Bagaman bakas sa mukha ang lungkot, hindi ako takot magsimula sa wala, Adrian.
  • Pero ayokong ikaw ang mawalan ng lahat dahil sa akin. Hindi naman lahat ng meron ako. Mahalaga. Sagot ng binata. Ikaw lang nagpatuloy ang mga gabi nilang ganon. Puno ng pangarap at pag-asang tila hinahamon ang tadhana. Ngunit ang mga lihim kahit gaano mo pagtakpan ay may paraan ng paglabas.
  • Isang gabi habang nasa hardin si Donya Felisa, narinig niya ang mga kasambahay na nag-uusap. Alam mo ba ma’am? Bulong ng isa. Madalas daw pumunta si Sir Adrian sa lumang simbahan tuwing gabi. May nakakita sa kanya may kasama raw na babae. Nagtitiga ng mga kasambahay. At bago pa man makapagsalita pa ang isa, lumabas si Donya Felisa mula sa dilim hawak ang baso ng alak.
  • Babae sabi mo? Malamig niyang tanong. Oo po ma’am pero baka po. Hindi ko kailangan ng baka. Putol ni Donya Felisa. Alamin niyo kung sino ang babae at kung totoo ang sinasabi ninyo, sisiguraduhin kong hindi na siya makakalapit pa sa anak ko. Simula noon, nagsimula ang lihim na pagmamanman, ang bawat kilos ni Adrian ay may matang nakasunod.
  • Hindi niya alam na sa bawat gabing inaakala niyang ligtas silang nagtatagpo ni Claris ay may anin nung nakamasid. Samantala, sa panig ni Claris, unti-unti niyang nasasanay ang sarili sa bagong trabaho. Nakikita niya ang halaga ng sariling pagbangon. Natutunan niyang mag-ipon, magplano at mangap hindi lang para sa sarili kundi para sa kinabukasan nila ni Adrian.
  • Minsan habang nag-aayos siya ng mga dokumento sa opisina, dumating si Adrian. May ngiti sa labi. Dalawang oras akong nagmaneho para lang makita ka. Sabi niya, abot ang isang maliit na kahon. Buksan mo. Pagbukas ni Claris, isang simpleng pulseras na gawa sa pilak ang nasa loob. Adrian, sobra naman to. Baka malaman ng mama mo.
  • Wala siyang pakialam. Mahinahong sagot ng binata. Ang gusto ko lang suotin mo ‘yan para kahit saan ka magpunta, alam mong kasama mo ako. Ngumiti si Claris bahagyang pinigilan ng luha. Salamat, Adrian. Pero sana balang araw hindi na natin kailangang magtago. Balang araw ulit ni Adrian sabay yakap sa kanya. Ngunit sa likod ng yakat na iyon may paparating na unos na hindi nila inaasahan.
  • Habang mas nagiging matatag ang kanilang ugnayan, mas nagiging mapanurit si Dona Felisa. Isang gabi habang nakahupo sa veranda at hawak ang isang tasa ng tsa, tinanong niya ang sarili sa malamig na hangin. Hanggang saan mo kaya ako kayang suwayin, Adrian? At doon nagsimula ang tahimik na plano ng isang ina na gagawin ang lahat upang wasakin ang pag-ibig na kanyang hindi matanggap.
  • Hindi na maganda ang takbo ng gabi sa mansyon ng mga Filisiano. Habang tahimik na binabasa ni Donya Felisa ang ulat ng kaniyang kasambahay, kumukulo ang dugo niya sa bawat salitang naririnig. “Ma’am,” mahinang sabi ni Lety isa sa mga katiwala habang nanginginig sa harap niya. Totoo po nakita ko mismo si Sir Adrien sa lumang simbahan kagabi.
  • May kasamang babae yung tindera ng bulaklak na yon. Napahigpit ang hawak ni Donya Felisa sa hawakan ng kanyang upuan. Sigurado ka bang siya iyon? Hindi ibang babae? Siguradong-sigurado po ma’am. Ilang gabi ko na pong nakikita pero pagabi lang po akong nakalapit. Sinubukan ko pa pong kumuha ng litrato para mapatunayan. Inabot ni Lety ang cellphone niya at doon makikita si Adrian at Claris maghahawak kamay nakatingin sa isa’t isa sa harap ng altar.
  • Parang biglang namutla si Donya Felisa. Nanginginig ang kanyang mga labi sa galit at unti-unting nagdilim ang kanyang paningin. Hindi niya ako pinapakinggan. Hanggang ngayon sinusuway niya pa rin ako. Tumayo siya. Nilapag ng malakas ang tasa ng saa halos mabasag ito. Let ipagawa mo ng topya ang mga larawang ito.
  • Ipapakita ko sa anak ko kung gaano kababa ang piniling babae niya. Kinabukasan, dumating si Adrian sa mansyon. Hindi niya alam kung anong unos ang sasalubong sa kanya. Pagkapasok pa lang sa sala, sinalubong na siya ng malamig na boses ng kanyang ina. Adrian Feliciano. Tila nanigas siya sa kinatatayuan. Nasa gitna ng lamesa ang mga larawan, mga litrato niya at ni Claris sa simbahan. Ma, marahan niyang sabi.
  • Hindi mo kailangang ipaliwanag ko. Ipaliwanag? Putol ni Donya Felisa. Tumayo at tinuro ang mga larawan. Ano pa bang ipapaliwanag mo rito, Adrian? O, ikaw mismo sa harap ng simbahan yakap ang babaeng hampaslupa na ‘yon. Wala kang hiya sa apelyido nating filisyano. Hindi ‘yan tulad ng iniisip mo, Ma. Hindi mo siya kilala. Mariin niyang sagot.
  • Si Claris ay mabuting babae. Mabuting babae. Halos mapatawa si Donya Felisa sa galit. Anong klaseng mabuting babae ang nakikipagkita sa anak ng may-ari ng Feliciano group sa likod ng ina nito? Alam mo kung anong tawag diyan sa lipunan Adrian? Isandalo. Mawala akong ginagawang masama. Hindi ako bata. Alam ko kung sino ang mahal ko.
  • Lumapit si Donya Felisa. Pinigilan ng sarili ngunit ramdamang panginginig ng kanyang kamay. Mahal, sa edad mong yan. Hindi mo alam kung anong ibig sabihin ng pagmamahal. Ginagamit ka lang ng babaeng yon para umahon sa kahirapan. Isipin mo anong meron sa kanya ha? Wala siyang edukasyon, wala siyang pangalan, at lalong wala siyang karapatan sayo.
  • Mariing napapikit si Adrian. Hindi lahat ng tao umiikot sa yaman. Ma, may mga taong mas mayaman sa puso kahit wala silang pera. Sa puso, mapanuyang tugon ni Donya Felisa. Ang puso hindi pinambabayad ng bills anak. Hindi yan nagbibigay ng respeto sa lipunan. Balang araw, kapag napahiya ka dahil sa babaeng yan, huli na para magsisika.
  • Hindi ko siya iiwan. Matigas niyang sagot. Kung kailangan kong pumili, pipiliin ko siya. Napatigil si Donya Felisa at ang tingin niya kay Adrian ay puno ng galit at pagkabigo. “Sige, malamig niyang sabi. Kung ganyan ang gusto mo, ipakita mo sa akin kung gaano kalaki ang kaya mong isugal. Tawagin mo ang babaeng yan dito.
  • Sabihin mong gusto kong makipag-ayos.” Nabuhayan si Adrian. Hindi alam na may nakatagong pakana ang kanyang ina. Talaga ma? Makikipag-ayos ka? Oo. Tipid na sagot ni Donya Felisa. Pinipilit ang mapait na ngiti. Ayokong tuluyang masira ang anak ko dahil lang sa maling pag-ibig. Kinabukasan, nagpunta si Claris sa mansyon.
  • Dala ang kaba at pag-asang mareresolba na ang lahat. Suot niya ang pinakamaayos na bestidang meron siya. isang lumang kulay beige na damit at nagdala pa ng maliit na buken ng bulaklak bilang respeto. Pagdating niya, sinalubong siya ng mga kasambahay na may halong pagtataka at panunuya. Ikaw yung babae ni Sir Adriano, bulong ng isa. Magaling ka rin ha.
  • Ang lakas ng loob mong humarap sa donya. Tahimik lang si Claris. Piniling huwag pansinin ang mga bulong. Dinala siya ng isa sa mga maid sa malaking sala. Naroroon si Donya Felisa nakaupo sa gitnang malawak na kwarto. Nakatingin sa kanya na parang sinusukat ang kanyang pagkatao. Magandang umaga po ma’am. Magalang nabati ni Claris.
  • Salamat po sa pagkakataong makausap kayo. Umupo ka. Malamig na utos ni Donya Felisa. Narinig ko. Gusto mong makipag-ayos. Mabuti naman at marunong kang makiramdam. Numiti si Claris kahit halatang nanginginig. Hindi po ako nandito para makipagtalo. Ang gusto ko lang po ay ipakita na totoo ang nararamdaman ko kay Adrian.
  • Hindi ko po siya ginagamit. Ginagamit? Umangat ang kilay ni Donya Felisa. Baka ikaw pa ang unang gumamit ng salitang yan kasi alam mong totoo. Hindi po halos maiyak si Claris. Hindi po ako gann. Tumayo si Donya Felisa at lumapit sa kanya. Sabihin mo nga Claris, anong tingin mo sa sarili mo? Sa dinami-dami ng babae, bakit ikaw ang pipiliin ng anak ko? Dahil sa kabaitan mo, dahil sa mga bulaklak na inaayos mo, huwag mo akong lokuhin.
  • Napatungo si Claris ngunit pinilit niyang maging matatag. Hindi ko po sinasadya na mahalin siya. Nangyari lang po. Ang kapal ng mukha mong sabihin yan sa akin. Biglang tumalikod si Donya Felisa at tiningnan ang maruming bahagi ng sahig. Kung gusto mo talagang mapatunayan na marangal ka, ipakita mo.
  • Kuskusin mo yang sahig hanggang luminis. Gamitin mo ang kamay mo. Iyan ang bagay sa babaeng katulad mo. Nanlaki ang mata ni Claris. Ma’am, hindi naman po kailangan. Kung hindi mo gagawin, umalis ka na ngayon din at huwag ka ng magpakita sa anak ko.” Tumigil si Claris. Ramdam niya ang pahiwatig, isang pagsubok na hindi niya alam kung kahihiyan o tatibong.
  • Dahan-dahan siyang lumuhod. Kinuha ang basahan at nagsimulang kuskusin ang marmol na sahig. Pahimik ang buong silid maliban sa tunog ng tubig at basahan. Ang kamay ni Claris ay unti-unting namumula pero hindi siya tumigil. Habang pinagmamasdan siya ni Donya Felisa. Tila mayiti ng tagumpay sa labi ng matanda.
  • Ganyan dapat ang babae. Malamig na wika nito, marunong lumugar. Ngunit sa likod ng sakit at hiya, nag-angat ng tingin si Claris. Basang-basa ng luha ang kanyang pisngi ngunit may ningning sa kanyang mga mata. Oo, ma’am. Mahinahon niyang sabi. Marunong po akong lumugar. Pero tandaan niyo rin hindi ko kailangang manatili sa lugar na mali.
  • Natahimik si Donya Felisa. Ngunit bago pa siya makasagot, pumasok si Adrian. Gulat na gulat sa eksena. Ang ina niyang nakatayo sa tabi at si Claris nakaluhod sa sahig. Duguan ang kamay. Ma, sigaw ni Adrian Ano ong ginagawa mo sa kanya? Ngunit hindi na nakasagot si Donya Felisa. Ang tingin ni Claris kay Adrian ay puno ng sakit at pagod. Ayos lang ako, Adrian.
  • Mahinang wika niya. Basta pangako mo lang, huwag mo na akong ipaglaban. Hindi ko kayang makita kang nasasaktan. At sa pag-alis niyang iyon, naiwan si Adrian sa gitna ng mansion. Habang ang ina ay tahimik na nakatingin sa pintuhan. Hindi pa alam na sa araw na iyon isang pangyayaring magbabago sa kapalaran nilang lahat ang sinimulan niya mismo.
  • Mainit at mabigat ang hangin sa loob ng mansyon habang tahimik na pinagmamasda ni Claris ang marmol na sahig sa harap niya. Nakatayo si Donya Felisa sa itaas ng hagdanan na kataas ang baba habang ang mga kasambahay ay nakapaligid nakamasid na parang mga nanonood ng isang palabas na ayaw nilang palampasin. “Kuskusin mo,” malamig na wika ni Donya Felisa itinuturo ang pasang bahagi ng sahig.
  • Yan ang sahig na tinapakan mo ng walang paanyaya. Madumi na nga. Dinumihan mo pa ng presensya mo. Nanginginig ang mga kamay ni Claris. Sa pagitan ng takot at kahihian, napalunok siya bago sumagot. Halos hindi lumalabas ang boses. Opo, ma’am. Lumuhod siya. Marahang kinuha ang basahan at sinimulang kuskusin ang sahig. Sa bawat ikot ng kanyang kamay, naririnig niya ang mahihinang bulungan ng mga kasambahay.
  • May halong awa at pang-uuyam. Grabe naman to si ma’am. bulong ng isa. Hindi ko alam kung kaya kong tiisin yan kung ako yung babae. Eh kasi naman ang kapal din ng mukha. Tugon ang isa pa. Alam naman niyang hindi siya bilong dito. Hindi na kumibo si Claris. Habang patuloy sa pagkuskos, unti-unting sumasakit ang kanyang mga kamay.
  • Ang sabon at maruming tubig ay humahapdi sa balat. Nag-iiwan ng mga gasgas at pamumula. Ngunit kahit lumuluha hindi siya tumigil. Ayaw niyang lalong magalit si Donya Felisa. Sa likod niya maririnig ang matinis na tawa ng ginang. Ayan sabi ni Donya Felisa habang umiinom ng kape para matutunan mong hindi lahat ng lalaki para sa katulad mo.
  • Hindi ka pwedeng umakyat sa antas namin kahit anong linis ng kamay mo. Napakagatlabi si Claris. pinipigil ang pag-iyak. Ang bawat salita ay tila kutsilyong tumatarak sa puso niya. Hindi niya alam kung paano siya nagkaroon ng lakas ng loob na manatili sa harap ng ganitong paghamak. Ngunit sa kabila ng lahat, nanatili siyang tahimik.
  • Habang tuloy-tuloy ang pagkuskos, naghalo na sa sabon at tubig ang kanyang dugo. Napansin iyon ng isa sa mga kasambahay. “Ma’am, dumudugo na po yung kamay niya.” Sabi ni Lety, maingat. Baka po masugatan ang tuluyan. Lumingon si Donya Felisa, ngunit imbes na maawa, lalo lamang siyang ngumisi. “Magandang senyales yan,” malamig niyang sagot.
  • Ibig sabihin may natututunan na siya. Halos bumigay na si Claris. Nanginginig na ang kanyang tuhod at halos hindi na niya maramdaman ang mga daliri. Sa kanyang isipan, paulit-ulit ang tanong, “Bakit ganito? Ano bang kasalanan ko? Ngunit sa gitna ng lahat ng iyon, isang malakas na boses ang biglang gumulat sa kanila. Maingon ng lahat ang pintuan, si Adrian, hingal, pawisan at halatang kabado ay nakatayo roon.
  • Agad niyang nakita si Claris na kaluhod sa sahig, duguan ng mga kamay at basang-basa ang mukha sa luha. Ano to ma? Galit na tanong ni Adrian. Anong ginagawa mo sa kanya? Napaatras si Claris. Tinangkang tumayo pero agad siyang pinigilan ni Adrian at inalalayan. Tama na Claris. Hindi mo kailangang gawin to. Adrian huwag.
  • Mahinang sabi ni Claris. Nanginginig. Ayokong mas lalo kang magalit ang mama mo. Ngunit hindi siya pinakinggal ang binata. Ma ano ong klaseng ginagawa mo? Anong kasalanan niya para pagdusahin mo ng ganito? Lumapit si Donya Felisa. Malamig ang tingin. Ang kasalanan niya anak ay ang maging ambisyosa. Ginamit ka niya. At kung akala mong hindi ko alam ang plano niyang papasukin ang mundo natin, nagkakamali ka. Hindi yan totoo.
  • Sigaw ni Adrian. Hindi siya ganun ma. Siya ang pinakamatapat na babaeng nakilala ko. Ikaw lang ang ayaw makikita ng totoo dahil bulag ka sa yaman mo. Tumigil si Donya Felisa at sa unang pagkakataon tila nasaling ang kanyang pride. Anong sinabi mo? Mama hindi mo siya kilala. Mariing sagot ni Adrian.
  • At hindi mo ako kayang diktahan kung sino ang mamahalin ko. Hindi pa man siya natatapos, mabilis ang pagdating ng sampal mula sa kanyang ina. Malatas, tunog na tunog sa biong sala. Napatigil si Adrian. Napahawak sa pisngi at tiningnan ang ina ng may gulat at sakit. Habang ako ang ina mo, mariing wika ni Donya Felica, “Hindi mo ipapahiya ang pangalan ng Felisiano para lang sa babaeng yan.
  • Ma, umiiling si Adrian na mumuo ang luha sa mata. Hindi mo ba naiintindihan? Hindi ko siya mahal dahil gusto ko siyang ipagmalaki. Mahal ko siya dahil siya ang bumuo ng mga pagkukulang mo. Tumigil ka. Sigaw ng ginang. Walang kulang sa pagpapalaki ko say’yo. Ako ang dahilan kung bakit may respeto ka na yon. Kung respeto ang tinutukoy mo.
  • Mariing sagot ni Adrian. Hindi mo kailangang yurakan ang dignidad ng iba para mapanatili ‘yon. Hindi na nakapagsalita si Donya Felisa. Ang lahat ay napatingin lang kay Claris na ngayo’y tahimik lang na nakatayo sa gilid, luhaan at tila nagdesisyong tapusin ang lahat. Adrian mahina niyang sabi. Huwag mo n dagdagan pa. Tama na.
  • Claris, please hwag kang umalis. Pakiusap ni Adrian. Hinahawakan ang kamay niyang duguan. Pupunta tayo kung saan man malayo sa lahat ng to. Ngunit umiling siya. Hindi mo kailangan lumayo. Ako na lang ang aalis. Pero hindi mo ako kailangang ipagtanggol, Adrian. Hindi na ako makikialam sa pagitan niyo ng mama mo.
  • Unti-unti niyang inalis ang kamay mula sa pagkakahawak ng binata. Ang mga mata niya kahit puno ng luha ay may dignidad na hindi kayang basagin ang panghahamak. Lumapit siya kay Donya Felisa, yumuko at mahinaong nagsalita. Salamat po sa oras niyo, ma’am. Pasensya na kung naging sagabal ako sa inyong pamilya. Pero sana isang araw maintindihan niyo rin na hindi lahat ng may mababang pinagmulan ay may mababang pagkatao.
  • Pagkatapos ay tumalikod siya tahimik na lumabas ng mansyon. Naiwan si Adrian na paluhod sa gitna ng sala habang ang kanyang ina ay nananatiling tuwid at malamig. Sa labas, unti-unting bumubuhos ang ulan. Tila sumasabay sa bawat patak ng luha ni Claris. Habang naglalakad siya palayo, bitbit ang sugatang mga kamay, ang durog na puso at ang pag-asang balang araw.
  • Maririnig din ng langit ang hinaing ng isang pusong minahal ng walang kasalanan. Matapos ang gabing iyon sa mansyon ng mga Filistiano, tila tuluyang kumuho ang mundo ni Claris Vilaueva. Ang sugat sa kanyang mga kamay ay mabilis na naghila ng balat. Pero ang sugat sa kanyang puso, iyon ang pinakamatagal na gumaling. Walang salita, walang mensaheng nagmula kay Adrian at walang balitang sumunod.
  • Hindi niya alam kung pinigilan ba ito ng ina o kusa na ring sumuko ang binata. Sa mga sumunod na linggo, nagpasya si Claris na umalis sa bayan ng San Lorenzo. Hindi siya nagpaalam sa kahit sino maliban kay Tita Melinda na tumulong sa kanya sa lahat ng paraan. “Anak, sigurado ka ba diyan?” tanong ni Tita Melinda habang inaayos ang mga gamit sa maliit na bag ni Claris.
  • Wala ka namang kailangang patunayan sa kanila. Pero kung gusto mong magsimula ulit, susuportahan kita. Tumango si Claris pilit na ngumiti. Kailangan ko pong lumayo, tita. Baka kung manatili ako rito, hindi ako makabangon. Gusto kong patunayan na kaya kong mabuhay kahit walang pangalan o tulong mula kanino man. Yumakap si Tita Melinda, mahigpit at puno ng pagmamahal.
  • Basta tandaan mo anak, hindi hadlang kahapon para makamit ang magandang bukas. Dalhin mo ang kabutihan mo at yun ang magiging puhunan mo. Pagkatapos ng ilang araw, lumuwas si Claris sa Maynila sa unang mga buwan. Hirap siya sa buhay. Nagtrabaho bilang part-time clerk sa isang maliit na printing shop. nagtitipid sa pamasahe at minsan ay pinipiling maglakad pauwi para lamang may pangkaing kinabukasan.
  • Ngunit sa kabila ng hirap, hindi na siya bumalik sa dating siya. Ang dating mahina at sunod-sunuran ay naging matatag. Ang dating umiyak sa gabi ay natutong ngumiti sa umaga kahit mag-isa. Sa kabilang dako, si Adrian ay halos mabaliw sa pagkawala ni Claris. Ilang linggo siyang naghanap ngunit bawat bakas ng dalaga ay parang sinadyyang burahin ng tadhana.
  • “Ma, saan mo siya dinala?” galit niyang tanong. Minsang magharap silang mag-ina. “Alam kong may kinalaman ka rito. Sinaktan mo siya hanggang tuluyang nawala. Tahimik lamang si Donya Felicisa ngunit ramdam ang lamig ng kanyang boses. Ginawa ko lang ang nararapat, Adrian.” Darating ang panahon magpapasalamat ka sa akin.
  • Ang babaeng iyon ay hindi para sa’yo. Hindi mo ako naiintindihan. Halos mapasigaw si Adrian. Mahal ko siya ma. Hindi ko siya makakalimutan. Makakalimutan mo rin yan. Malamig na sagot ng ina. Paglipas ng panahon, matatauhan ka at kapag dumating ‘yon, ako pa rin ang malalapitan mo. Ngunit lumipas ang mga buwan at sa halip na makalimot, lalong lumalim ang sugat sa puso ni Adrian.
  • Hindi na siya lumalabas, bihira ngumiti at madalas na lang nakatingin sa bintana ng kanilang mansyon. Umaasang makikita si Claris sa kalsadang minsan ay tinahak nito. Samantala, sa lungsod, isang bagong simula ang unti-unting bumubuo sa buhay ni Claris. Sa tulong ng ipon at suporta ni Tita Melinda, nakapagpatuloy siya ng pag-aaral sa gabi, lumipas ang dalawang taon at sa wakas ay nakatapos siya ng kursong business administration.
  • isang tagumpay na bunga ng pawis at determinasyon. Anak, sabi ko na sa’yo eh. Nakangiting sabi ni Tita Melinda ng araw ng kanyang pagtatapos. Hindi mo kailangan ng mayamang apelyido para mapatunayan ang halaga mo. Ngumiti si Claris. May luha ng tagumpay sa mata. Kung hindi dahil sa inyo tita, baka wala pa rin ako rito ngayon.
  • Salamat po talaga pagkatapos ng graduation. Agad siyang nakatanggap ng alok na trabaho mula sa isang kilalang kumpanya sa Maynila. Ang Celestina Holdings Corporation, isang kumpanya na kilala sa mga proyektong pangkabuhayan at edukasyonal. Noong unang araw niya roon, hindi niya mapigilang mapahanga sa laki ng gusali, makintab na sahig, magarang lobby at mga empleyadong bihis na bihis.
  • Sa dibdib niya, nakasabit ang nameplate na Claris Villanueva, executive assistant probationary. Tahimik siyang lumapit sa mesa at huminga ng malalim. Ito na to, bulong niya sa sarili. Ito na ang simula ng bagong ako. Ang araw-araw ay naging abala. Tinuruan siya ng disiplina, propesyalismo at kumpyansa. Madalas siyang pinupuri ng mga kasama dahil sa kanyang sipag at talino.
  • Ngunit sa bawat gabi, kapag tahimik na ang opisina, sumasagi pa rin sa isip niya ang tangalan ni Adrian. Ang lalaking minsang nangakong ipaglalaban siya. Isang araw, habang naghahatid ng mga dokumento sa executive floor, napansin niyang lumabas ang mga board members sa conference room. Lahat sila ay tila may paggalang sa babaeng dumating.
  • Isang matikas at elegante na may mahinhing lakad at nangingibabaw na presensya. “Good morning, Madam Celestina.” Bati ng mga empleyado, napalingon si Claris. Ang babaeng tinatawag nilang Madam Celestina ay may maamong mukha ngunit may lungkot sa mga mata. Suot nito ang isang simpleng beige suit. May edad na ngunit halatang may mataas na antas ng dignidad.
  • Habang dumaraan ito, saglit silang nagtagpo ng tingin. May kakaibang pakiramdam na dumaloy sa dibdib ni Claris. hindi niya maipaliwanag ngunit tila may koneksyong matagal ng nakatago. “Kamukha mo siya!” bulong ng babae. Halos pabulong sa sarili bago tumuloy sa loob ng opisina. Nagulat si Claris ngunit inisip na baka nagkamali lang siya ng dinig. Hindi niya alam.
  • Iyun ang unang pagkakataong nakita siya ni Celestina del Rosario ang CEO ng kumpanya. At nang hindi pa nila alam ang kanyang tunay na ina, sa mga sumunod na linggo, napansin ni Madam Celestina ang kakaibang kasipagan ni Claris. Tinawag niya ito minsan sa opisina. Ikaw pala si Miss Villanueva. Sabi ni Celestina habang nakatingin sa kanyang resume. Ang galing mo ha.
  • Sa maikling panahon napansin ka na agad ng mga supervisor mo. Mumiti si Claris. Halatang kinakabahan. Maraming salamat po ma’am. Ginagawa ko lang po ang trabaho ko. Ginitigan siya ni Celestina ng mas matagal kaysa karaniwan. May kung anong pamilyar sa mukha nito. Sa hugis ng mata, sa paraan ng pagngiti, may ala-alang matagal ng gustong lumabas mula sa nakaraan.
  • Miss Villanueva, wika ni Celestina. Nasaan na ang mga magulang mo? Napatigin si Claris. Wala na po akong ama at ang nanay ko po matagal ng nawala. Hindi ko po alam kung buhay pa siya. Tahimik si Celestina sa sandaling iyon may bigat na bumagsak sa kanyang dibdib. Hindi niya alam kung bakit parang napakalapit ng kwento ng dalaga sa kanyang nakaraan.
  • Ang anak nawala sa kanya. Maraming taon na ang nakalipas. Nang umalis si Claris, nakatingin pa rin si Celestina sa kanya. Tila pinagmamasdan ang bawat galaw. At habang nakasandal sa kanyang upuan, mahina niyang nasambit. Kung totoo man ito, sana hindi pahuli ang lahat. Habang si Claris naman sa labas ng opisina ay huminga ng malalim at napatingin sa logo ng kumpanya sa pader, Celestina Holdings.
  • Hindi niya alam na ang pangalang iyon ay konektado sa katotohanang magbabago sa buong takbo ng kanyang buhay. Tahimik ang gabi sa opisina ni Celestina del Rosario. Sa mesa niya, nakalat ang ilang lumang folder at mga papeles na ilang taon ng hindi nabubuksan. Mga dokumentong minsan ay itinabi niya dahil ayaw niyang maalala ang nakaraan.
  • Ngunit ng gabing iyon tila may tinig na nag-udyok sa kanyang buksan ang kahon na matagal niyang tinatago sa ilalim ng drawer. Habang binubuksan niya ang takip, unti-unting bumalik sa kanya ang mga ala-ala. Ang putok ng ulan sa windshield. At ang iyak ng isang sanggol sa likod ng sasakyan bago nangyari ang aksidente. Diyos ko.
  • Mahina niyang sambit habang nanginginig ang kamay. Sa loob ng kahon ay may mga lumang dokumento, birth certificate ng isang batang babae, mga lumang larawan ng isang sanggol at isang maliit na singsing na pilak na may nakaukit na titik CV. Ilang taon na siyang naghanap. Pero sa aksidenteng iyon, nasabihan siyang patay ang kanyang anak, ang kanyang sanggol na hindi na kailanmang nakita sa ospital matapos siyang makoma ng halos dalawang buwan.
  • At dahil sa trauma at pagkawala ng ala-ala, hindi na niya muling naalalang may anak siya. Hanggang ngayon naupo siya na pahawak sa dibdib. CV, bulong niya. Claris Villanueva mabilis niyang binuksan ang laptop at hinanap ang profile ni Claris sa kanilang HR database. Initigan niya ang larawan ng dalaga, ang hugis ng mukha, ang mata, ang ngiti.
  • Hindi maitatanggi may kakaibang pagkapahawig sa sarili niya noong kabataan. Kinabukasan, tinawag niya si Marina ang kanyang personal assistant. Marina, gusto kong ipa-background check itong empleyado natin, Claris Villanueva. Pero gawin mo ito ng tahimik. Walang ibang dapat makaalam, utos niya. Opo, ma’am. Mabilis na tugon ni Marina.
  • Lumipas ang ilang araw at dumating ang mga dokumento. Habang binabasa ni Celestina ang ulat, unti-unting lumilinaw ang lahat. Walang ama si Claris. At ang nanay nito ayon sa record ay namatay sa probinsya noong siya ay walong taong gulang. May ilang inconsistencies sa birth certificate nito lalo na sa pangalan ng ospital kung saan ito ipinanganak.
  • At higit sa lahat, ayon sa ulat, may dokumentong medikal na natutugma sa blood type na rare AB minus katulad ng kanya na patayo si Celestina. Hindi mapakali. Hindi pwedeng pagkataon lang to. Kinagabihan, dumating si Claris sa opisina upang ihatid ang mga report. Good evening po, ma’am. Magalang niyang bati.
  • Narito na po yung mga summary ng financial statements. Mumiti si Celestina bagaman halata ang pag-aalala sa kanyang mga mata. Salamat Iha. Pwedeng umupo ka muna sandali? Opo, ma’am. Sagot ni Claris. Bahagyang nagtataka. Tahimik silang pareho ng ilang segundo. Tinitigan siya ni Celestina tila gustong sabihin ang isang bagay. Pero pinipigilan pa ang sarili.
  • Claris, marahang sabi ng ginang, may itatanong sana ako. Mayroon ka bang natatandaan tungkol sa pamilya mo o kahit anong kwento tungk sa pagkabata mo? Medyo nagulat si Claris. Ah hindi ko po gaanong kilala ang mga magulang ko. Ang alam ko lang po iniwan kami ni mama sa pangangalaga ni Tita Melinda bago siya pumanaw.
  • Wala po akong ibang kamag-anak. Wala ka bang kahit anong naiwan sayo ni mama mo? Tanong ni Celestina halatang hindi mapakali. Nag-isip sandali si Claris saka hinaplus ang kwintas sa leeg niya. Isang simpleng chain na may maliit na pendant. Ito lang po sabi niya. Matagal na to sa akin. Sabi ni tita bigay daw ni mama nung bata pafo.
  • Napatitig si Celestina sa Pendant. Doon niya napansin ang ukit na titik CV. Kaparehong-kapareho ng nasa singsing sa kahon niya. Parang biglang naghalo ang emosyon sa loob ni Celestina. Tuwa, takot at pag-asa. Claris, mahinang sambit niya. Pwede bang pahiram ko lang sandali ang kwintas mo? Medyo nagulat si Claris. Ah sige po.
  • Kinuha ni Celestina ang kwintas inilagay sa tabi ng singsing sa kanyang mesa at halos manginig ng makitang magkapareho ang mga letra pati ang pagkakaukit. Hindi na niya mapigilan ang luha. Diyos ko, Claris. Ma’am, gulat na tanong ni Claris. Bakit po kayo umiiyak? Claris nanginginig ang boses ni Celestina. May hihilingin ako.
  • Sana hayaan mong magpa-test tayo. Gusto pong malaman kung ikaw nga yung matagal ko ng hinahanap. Ma’am, hindi ko po maintindihan. Hindi mo kailangang maintindihan ngayon, Iha. Pero kung papayag ka lang, gusto kong malaman kung totoo ang kutob ko. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin pero baka ikaw ang anak ko.
  • Napatigil si Claris na tulala. Anak, ako po. Tumango si Celestina luhaang umumiti. Oo, Iha. Matagal na kitang hinahanap. Akala ko patay ka na. Pero simula ng makita kita dito sa kumpanya, may kung anong naramdaman ako. Parang may koneksyon tayo. Hindi makapaniwala si Claris. Halos mapahawak siya sa dibdib.
  • Ma’am, baka naman po nagkakamali lang kayo. Baka nga sagot ni Celestina. Pero hayaan mong mapasiguro ako. Makalipas ang ilang araw, isinagawa nila ang DNAS ng palihim. Habang hinihintay ang resulta, halos hindi mapakali si Celestina. Halos gabi-gabi ay nagdarasal. Umaasang tama ang kanyang hinala. At dumating na ang araw ng katotohanan.
  • Sa isang sobre, nakasulat ang sagot na magpapabago sa buhay nila pareho. Binuksan ito ni Celestina. Nanginginig ang kamay. Positive match. 99.98% mother and daughter. Napaupo siya. napaiyak. Sa loob ng maraming taon akala niya ay wala ng pag-asa. Pero heto ngayon, ang anak na inakala niyang nawala magpakailan man, nakaupo lang sa kabilang desk ng kanyang kumpanya.
  • Agad niyang pinatawag si Claris. Nang dumating ito, hindi pa man nakakapagsalita ay niyakap na siya ng matanda, mahigpit at puno ng emosyon. “Anak! Anak ko talaga!” sigaw ni Celestina. Halos hindi makapaniwala. Hindi ako nagkamali. Ikaw nga. Nanlaki ang mata ni Claris. Nanginginig. Ma’am, totoo po ba to? Totoo anak.
  • Ako ang ina mo. Si Celestina del Rosario ang matagal mo n hinahanap. Pareho silang napaiyak. Walang pakialam sa mga taong nakatingin sa labas ng opisina. Sa sandaling iyon, dalawang kaluluwang matagal ng pinaglayo ng tadhana ang muling pinagtagpo ng pagkakataon. Mula noon, ipinakilala ni Celestina sa buong kumpanya at sa media si Claris bilang kanyang nag-iisang anak at tagapagmana ng Celestina Holdings.
  • Naging malaking balita ito sa buong bansa ang kwento ng babaeng dating ordinaryong empleyado na pala anak ng isang multimilyonaryang negosyante. Sa mga pahayagan, lumabas ang mga headline. Ang nawawalang tagapagmana, empleyado anak pala ng CEO ng Celestina Holdings. Claris Villanueva, kinilalang lehitimong anak ni Celestina Del Rosario.
  • Ngunit para kay Claris, higit pasayaman ang natagpuan niya, ang isang yakap ng ina na matagal niyang hinintay at ang pagkakataong patunayan sa mundo na kahit gaano kababa ang iyong pinagmulan, maaaring dumating ang araw na ikaw mismo ang titingalain ng mga taong minsang yumurak sa dangal mo. Maliwanag ang umaga nang dumating ang sasakyan ni Claris sa bayan ng San Lorenzo.
  • Sa loob ng dalawang taon, malayo siya sa lugar na minsang naging saksi ng kanyang kabataan at sakit. Ngayon, bumalik siya bilang ibang tao. Hindi na ang simpleng tindera ng bulaklak kundi ang anak at tagapagmana ng isang higanteng kumpanya. Ngunit sa puso niya hindi siya bumalik para magyabang. Bumalik siya para pasalamatan ang nag-iisang taong tumulong sa kanya noong wala pa siyang kahit ano si Tita Melinda.
  • Pagbaba niya ng kotse, sinalubong siya ng pamilyar na amoy ng mga bulaklak at ng banayad na hangin ang probinsya. Nasa labas ng maliit na tindahan si Tita Melinda. May hawak na baso ng kape at halos hindi makapaniwala sa nakikitang larawan. Claris, diyos ko ikaw ba yan? Halos pasigaw na sabi ni Tita Melinda. Agad nilapitan ang dalaga. Ngumiti si Claris.
  • Mahigpit na niyakap ang matanda. Tita Melinda, kayo agad ang naisip ko pag-uwi ko. Salamat sa lahat ng ginawa niyo para sa akin. Napaluha si Tita Melinda. Anak, hindi ko inasahan na ganito ka na ngayon. Noong una kang umalis, parang bitbit mo lang ang buong mundo sa balikat mo. Ngayon, tingnan mo. Hindi ko po mararating to kung wala kayo, Tita.
  • Kung hindi dahil sa inyo, baka wala pa rin akong direksyon. Nagkwentuhan sila sa loob ng shop. Inilatag ni Claris ang mga plano niya para sa mga kababaihang kagaya niya noon at kung paano siya natutong tumindig para sa sarili. Habang nagsasalita siya, bakas ang bagong anyo ni Claris. Mas mahinahon pero matatag.
  • Mas magalang pero may dignidad sa bawat salita. Ngunit hindi lamang si Claris ang bumalik sa bayan ng araw na iyon. Sa kabilang kalye, may bumabang kotse rin isang pamilyar na pigura na matagal niyang hindi nakita. si Adrian Feliciano. Hindi pa rin nagbago ang tindig nito. Ngunit halatang mas payat at mas seryoso kaysa dati.
  • Hawak niya ang isang maliit na buking rosas. Pagpasok niya sa tindahan, natigilang ang lahat. Tahimik si Adrian. Nakatingin kay Claris na parang muling bumalik sa isang ala-ala. Claris, mahina niyang tawag. Napalingon si Claris. nagulat pero hindi na ang dating nanginginig. Adrian! Lumapit si Adrian nanginginig ang boses. Salamat at pinayagan mo akong makapasok.
  • Matagal kitang hinanap. Nang nalaman ko ang tungkol sao sa balita, doon ko lang na-realize kung gaano ako kasala sa ginawa ng pamilya ko.” Tahimik si Claris, pinipigan siya. kita sa mukha niya ang isang halo ng awa at distansya. Matagal na yon, Abrian. Alam ko mabilis yangang tugon.
  • Pero hindi ako tumigil sa pag-iisip sa’yo. Nalaman ko lahat ng ginawa ni mama sa’yo. Hindi ko alam kung paano ako makakabawi. Hindi mo kailangang bumawi. Mahinahon niyang sabi. Matagal na akong nakabangon sa sarili ko. Huminga ng malalim si Adrian. Saka inilatag ang Rosa sa mesa. Claris, handa akong itakwil ang lahat para makasama ka.
  • Iniwan ko na ang negosyo ni mama. Wala na akong pakialam sa mana o sa pangalan. Ikaw lang ang gusto kong kasama. Natigilan si Claris. Noon siguro ay matutunaw na siya sa ganitong pangungusap. Pero hindi na siya ang dating Claris na masunurin at nangangarap lang ng pagmamahal. Ngayon, siya ang Claris na marunong pahalagahan ang sarili at hindi na basta pumapayag sa sakit. “Ari!” Mahinahon niyang sagot.
  • “Natutuwa ako na nandito ka. Pero hindi ko na alam kung kaya ko pang ibalik ang dati. Masaya na ako kung nandiyan ka bilang kaibigan.” Kaibigan. Halos mangiyak si Adrian. Hindi ko kayang maging kaibigan mo lang. Huwag mo akong intindihin. Sagot niya. Bahagyang tumalikod. Marami na akong natutunan sa buhay.
  • Ang pagmamahal hindi lang basta salita. Paninindigan yan. At minsan kailangan ding palayain para gumaling. Tumango si Adrian. Bagaman halatang nasasaktan. Kung yan ang desisyon mo igagalang ko. Pero tandaan mo Claris nandito pa rin ako kapag kailangan mo. Tumango rin si Claris bahagyang ngumiti. Salamat. Sa gitna ng tensyon, pumasok si Tita Melinda at nilapag ang dalawang tasa ng kape sa mesa.
  • Anak, sabi niya kay Claris, huwag kang magtanim ng galit. Ang mahalaga ngayon, maayos na ang buhay mo. Hayaan mong lumapit siya sa tamang paraan. Tumango si Claris. Inabot ang kamay ni Tita Melinda. Hindi po ako magagalit, Tita. Pero hindi na rin ako babalik sa dati. Pagkalipas ng ilang oras, dumating ang tawag mula kay Celestina del Rosario.
  • Anak, may charity event tayo sa bayan ngayong hapon. Maganda sigurong pumunta ka. Nasa listahan din si Donya Felisa. Isa to sa mga proyekto para sa kababaihan at edukasyon. Sandaling natahimik si Claris, si Donya Felisa. Oo. Sagot ng ina sa kabilang linya. Hindi ko alam kung komportable ka pero importante ang presence mo bilang bagong tagapagmana.
  • Huwag kang mag-alala. Nandito lang ako sa tabi mo. Huminga ng malalim si Claris. Sige po mama. Pupunta ako. Pagtapos ng tawag lumapit si Adrian. Claris, narinig ko ang usapan niyo. Si mama naroon din. Hindi ko siya maiiwasan. Sagot ni Claris. Kalmado ang boses pero ramdam ang bigat. Pero ngayon hindi na ako ang dating Claris na kayang tapakan ng kahit sino. Nagkatitigan sila.
  • May halo ng pag-aalala at paghanga sa mata ni Adrian. Sasamahan kita kung gusto mo. Alok niya. Ngumiti si Claris. Marahang umiling. Kaya ko na to mag-isa. Pagdating ng hapon, nakasuot ng eleganteng kulay ginto na bestida si Claris. Hawak ang maliit na clutch bag. Nasa gilid niya ang kanyang ina, si Celestina na tahimik ngunit proteksyon ang presensya.
  • Habang papasok sila sa event hall, naririnig niya ang bulungan ng mga tao. Iyan ba yung dati lang empleyado? Siya pala yung anak ni Celestina del Rosario. Ngunit hindi na siya nagpaapekto. Ang dating dalagang yumuyuko at nagtatago ay ngayon nakangiti at tuwid ang tindig. Sa kabilang dulo ng hall, nakita niya si Donya Felisa.
  • Nakasuot ng dark blue na gown. Nakatingin sa kanya na parang may halong pagkagulat at kaba. Lumapit si Celestina sa anak. Handa ka na ba? Ngumiti si Claris. Handa na, mama. At sa pagpasok nila sa gitna ng hall, nagsimula ang isang tagpong magiging susi ng matagal ng pagtatagpo ng mga sugat at lihim. Sa araw na iyon, isang bagong Claris ang humaharap hindi bilang biktima kundi bilang taong natutong bumangon at pumili ng sariling landas.
  • Punong-puno ang grand ballroom ng mga kilalang negosyante, mga personalidad at mga tagapamuno ng bayan. Sa gitna ng mga ilaw at mamahaling chandelier, nakatayo si Claris Villanueva del Rosario na yon ay pormal ng itinakikilala bilang tagapagmana ng Celestina Holdings. Suot niya ang isang puting gown na kumikislap sa bawat galaw.
  • simbolo ng bagong yugto ng kanyang buhay. Malayo sa alikabok ng flower shop at sa sahig na minsang pinakuskos niya hanggang dumugo ang mga kamay. Kasama niya ang kanyang ina si Celestina del Rosario na ngayon ay proud na proud habang hinahawakang magaan ang braso ng anak. Ngayon sabi ni Celestina sa kanya habang papalapit sila sa entablado makikita nila kung sino talaga ang anak ko. Ngumiti si Claris.
  • Hindi ko po ito ginagawa para ipamukha mama. Ginagawa ko to para ipakita na kahit sinong tinapakan pwedeng bumangon. Sa gitna ng palakpakan, inakyat ni Celestina ang entablado at kinuha ang mikropono. Magandang gabi po sa inyong lahat. panimula nito. Ngayong gabi ay hindi lang tungkol sa mga proyekto o sa mga parangal.
  • Naayon ay tungkol sa pagbabalik ng biyaya ang pagkakamit muli ng bagay na matagal kong hinanap. Napatingin ng mga bisita. Nag-uusap-usap hindi alam kung ano ang tinutukoy ni Celestina. Pagkatapos ay ngumiti ito at hinawafan ng kamay ni Claris. Mga kaibigan, nais kong ipakilala sa inyo ang anak kong matagal kong nawalay sa akin, si Claris Villenueva del Rosario ang tunay na tagapagmana ng Celestina Holdings.
  • Sumabog ang bulungan sa buong hall. Ang mga mata ng mga tao ay napako kay Claris. Ang iba’y nakanga, ang ilan namay napapangiti sa gulat at paghanga. Ngunit sa likod ng crowd, isang babae ang tila napako sa kinatatayuan hindi makapaniwala sa nakikita. Si Donya Felisa Feliciano, hawak niya ang baso ng shampa na halos mabitawan sa pagtagulat.
  • Hindi niya alam kung ano ang nararamdaman. kaba, hiya o pagsisi. Ang babaeng nakikita niyang nakatayo ngayon sa gitna ng yaman at danggal ay siya ring babaeng minsan niyang pinahiya, pinagsalitaan ng masakit at pinakuskos ng sahig gamit ang sariling kamay. Parang bumalik sa kanya ang lahat ng eksena.
  • Ang pawis, luha at dugo sa kamay ni Claris. habang pinagtatawanan niya ito ang mga salitang hindi kakarapat-dapat sa anak ko. Ngayon tila bumaliktad ang mundo dahil si Claris ay mas mataas pa kaysa sa kahit anong antas ng lipunan na pinagmamalaki niya non. “Ma’am, ayos lang po ba kayo?” tanong ng isang bisita sa tabi niya dahil halatang nanginginig ang kanyang kamay.
  • “Ah oo, pilit niyang sagot ngunit ramdam ng lahat ang pagkaputla ng kanyang mukha. Habang nagsasalita si Claris sa entablado, malinaw ang bawat salitang lumalabas sa kanyang bibig. May tapang ngunit may kababa ang loob. Ang buhay ay parang bulaklak. Sabi ni Claris, minsan nadudumian, natatapakan pero hindi nito ibig sabihin ay hindi na muling mamumulaklak.
  • Lahat tayo may pagkakataong bumangon mula sa pagkakadurog. Ang mga tao ay pumalakpak ngunit si Donya Felisa ay nanatiling tahimik. Tila bawat salita ni Claris ay kutsily muling nagbukas sa sugat ng kanyang konsensya. Hindi na niya mapigilan. Dahan-dahan siyang tumayo. Lumakad papalapit sa entablado habang ang mga tao ay napapatingin sa kanya.
  • Nagtataka kung anong balak ng matandang babae. Claris. Mahina niyang tawag habang papalapit. Napalingon si Claris. Nagulat ng makita si Donya Felisa na papalatit. May nanginginig na mga labi at mga matang puno ng pagsisisi. Sa tabi niya, inapik siya ni Celestina. Anak, siya ba ‘yung? Tumango si Claris. Oo, mama. Siya ang ina ni Adrian.
  • Tahimik na nanood ang mga tao habang lumapit si Donya Felisa sa gitna ng entablado. Hawak niya ang kanyang handbag. Pero nang makalapit na siya kay Claris, bigla niyang ibinaba iyon at lumuhod sa harap ng lahat. “Claris!” umiiyak na sabi ni Donya Felisa. Halos hindi makatingin. Patawarin mo ako.
  • Hindi ko alam kung paano ko haharapin ang ginawa ko sa’yo. Pinahiya kita, sinaktan kita, tinrato kitang parang walang halaga. At ngayon nakikita ko kung gaano kamangmang, nanginig ang bulwagan. Ang mga bisita ay hindi makapaniwala na ang dating makapangyarihang Donya Felisa Felisiano ay luluhod sa harap ng madla. Ang ibang mga babae ay napahawak sa bibig. Ang ilan namaiyak sa eksena.
  • Lumapit si Celestina halatang nagpipigil ng emosyon. Tumayo kayo, senora Felisa. Hindi ito lugar para magmakaawa. Ngunit umiling si Donya Felisa. Hindi po ako makakatayo hangga’t hindi niya ako pinapatawad. Ginawa ko sa kanya ang isang bagay na hindi dapat ginagawa kahit kanino. At ngayon habang nakikita ko siyang narito, may danal at karangalan na pagtanto kong ako pala ang tunay na mahirap.
  • Mahirap sa puso, mahirap sa kababaang loob. Tahimik si Claris na katingin lamang sa babae sa harapan niya. Sa kanyang isipan, bumalik lahat ng ala-ala, ang sahig na marumi, ang mga tawanan ng mga kasambahay, ang tinig ni Donya Felisa na puno ng pang-uuyam. Ngunit kasabay noon, bumalik din ang mga aral na natutunan niya sa kanyang pagbangon.
  • Dahan-dahan siyang lumapit kay Donya Felisa. Marahang itinayo ito. “Tumayo po kayo ma’am.” Sabi niya sa mahinaong tinig. Hindi ko kayo kailan man kinabuutan. Oo, nasaktan ako sobra. Pero kung hindi dahil sa inyo, marahil hindi ko matutunang ipaglaban ang sarili ko.” Umiyak si Donya Felisa. “Claris, patawarin mo ako, ana, hindi ko alam.
  • ” Ngumiti si Claris, puno ng kabaitan ngunit may lakas sa tinig. Ang sugat sa kamay ko gumaling na. Pero ang sugat sa puso ko, yun ang nagturo sa akin kung paano magmahal ng tama. Hindi para sa ibang tao kundi para sa sarili ko. Tumahimik ang buong bulwagan. Sa sandaling iyon, parang huminto ang oras. Si Claris, ang babaeng minsang pinahiya, ay nakatayo ngayon bilang simbolo ng kapatawaran at dignidad.
  • Lumapit si Celestina at niyakap ang anak. Ian ang anak ko,” bulong niya. Halos humihigbi. Ang babaeng may pusong marangal. Higit pa sa anumang yaman, si Donya Felisa ay patuloy na umiiyak. At sa wakas, lumapit si Adrian na tahimik lang kanina sa gilid. “Ma!” wika niya. Hinawakan ang balikat ng ina.
  • “Mayon, naiintindihan mo na siguro kung bakit ko siya minahal.” Tumango si Donya Felisa. Hinawakan ang kamay ng anak at tiningnan si Claris. Ngayon ko lang nakita ang halaga ng kababaang loob. Salamat Claris sa pagturo m. Ngumiti si Claris. Marahang inabot ang kamay ng ginang at niyakap ito. Palakpakan ang sumunod mula sa mga bisita.
  • Hindi dahil sa yaman o kapangyarihan kundi sa tagbo ng dalawang babaeng pinaglayo ng galit at pinaglapit ng kapatawaran. Habang nagsaraang gabi, nakatingala si Claris sa chandelier na tila mga bituin sa kisame. Sa kanyang isip, naririnig niya ang tinig ng sarili niyang ina. Anak, minsan hindi mo kailangang gumanti para mapatunayan ang halaga mo.
  • Ang tunay na tagumpay ay ang kakayahan mong magpatawad. At sa gabing iyon, habang pumapalakpak ang mga tao, napagtanto ni Claris, tapos na ang kabanatan ng kaniyang sakit. Ang sugat na minsang nagdugo sa kanyang mga kamay ay tuluyang naghilom at ngayon ay nagsisilbing marka ng kung sino siya. Isang babae na marunong bumangon, magmahal at magpatawad ng may dangal.
  • Pagkatapos ng lahat ng nangyari, nanatiling tahimik ang mga sumunod na buwan sa buhay ni Claris Villanueva del Rosario. Sa kabila ng mga parangal, mga balitang tumatak sa pahayagan at mga imbitasyong dumating sa kanya mula sa mga kilalang tao. Nanatiling simple ang pamumuhay niya kasama ng kanyang ina na si Celestina del Rosario.
  • Hindi niya kailan man nakalimutan kung saan siya nanggaling at hindi rin niya ginamit ang kanyang bagong pagkatao para ipaghiganti ang nakaraan. Isang hapon habang magkasamang nagkakape sina Celestina at Claris sa veranda ng mansyon na patingin ang ginang sa anak at ngumiti. Anak, alam mo ba kung bakit ako pinili ni Lord na mabuhay pa hanggang sa makita kita ulit? Sabi ni Celestina. Mumiti si Claris.
  • Bakit po mama? Para turuan ako ulit magmahal. Sagot ng ginang hinaplos ang buhok ng anak. At para makita kung kaya mong baguhin ang mundo sa sarili mong paraan, iyon ang naging simula ng bago nilang misyon, ang pagtatatag ng Villanueva del Rosario Foundation. isang organisasyong tumutulong sa mga kababaihang nakaranas ng pang-aapi kawalang katarungan at kahirapan.
  • Gusto kong yung mga babaeng kagaya ko noon maramdaman na may mararating pa sila. Wika ni Claris sa unang pagpupulong ng foundation. Hindi mo kailangang mayaman para maging karapat-dapat. Ang kailangan mo lang ay tapang at isang taong maniniwala sa’yo. Maraming kababaihan ang natulungan ng kanilang proyekto.
  • Mga dating kasambahay na ngayon ay nagtatrabaho sa kanilang livelihood center. Mga ina na nakatapos ng skills training at mga batang babae na binigyan ng libreng edukasyon. Si Celestina naman kahit may edad na ay aktibong tumutulong. Proud sa anak. na lumalakad sa landas ng Tabutihan. Habang si Claris ay unti-unting nagiging simbolo ng inspirasyon, tahimik namang bumalik sa bayan si Adrian Feliciano.
  • Hindi na siya ang dating binatang mayabang o arogante. Simula ng mangyari ang lahat, iniwan niya ang marangyang pamumuhay sa Maynila at naglakbay sa iba’t ibang bayan upang pag-isipan ang lahat. Hanggang sa isang araw, lumapit siya sa opisina ni Claris sa Celestina Holdings hindi bilang bisita kundi bilang aplikante.
  • Pagpasok niya sa HR department, halos mapahinto si Claris sa nakita. Nakasuot si Adrian ng simpleng polo at maong. May dalang folder at isang mahinhingiti. Adrian, mahina niyang sabi. Hindi mapapaniwala. Claris, sagot ni Adrian. May halong kaba at kababaang loob. Nandito ako hindi para humingi ng isa pang pagkakataon.
  • Nandito ako para magsimula ulit. Kung may trabaho na pwede mong ibigay, kahit simpleng posisyon tatanggapin ko. Tahimik si Claris. Kita sa mga mata nito ang tapat na pagbabago. Hindi mo kailangang gawin ‘to. Wika niya. Hindi mo kailangang patunayan ang sarili mo sa akin. Ngumiti si Adrian bahagyang tumungo.
  • Hindi ito tungkol sa pagpapatunay, Claris. Ito’y tungkol sa pagtanggap na minsan kailangan nating matutong magpakumbaba. Tinitigan siya ni Claris. May ngiting, may halong lungkot at respeto. Kung ganon, may bakanteng posisyon sa marketing team. Hindi mataas ang sahod pero marangal ang trabaho. Tinanggap ni Adrian ang papel na ibinigay sa kanya.
  • Maraming salamat. Sabi niya sabay ngiti. Isa onong pagkakataon na hindi ko sasayangin. Lumipas ang mga linggo at totoo nga, nakita ni Claris ang pagbabago ni Adrian. Naging masipag ito, magalam sa lahat at hindi kailanmang ginamit ang apilyido niyang Felisiano para makakuha ng pabor. Sa opisina, tinatrato siya ng lahat bilang isa lamang sa mga empleyado.
  • Si Claris naman ay nanatiling propesyal. Ngunit sa loob ng kanyang puso may bahagyang ginhawa sa pagkakakita niyang nagbago na nga ang lalaking minsan niyang minahal. Isang gabi matapos ang board meeting, lumapit si Celestina kay Claris. Anak, sabi nito, nakita ko si Adrian kanina sa labi. Hindi ko akalaing ganon siya kasipag. Tumamo si Claris.
  • Nagbago na siya, mama. Pero hindi na rin ako ang dating ako. Ngumipi si Celestina. puno ng pagmamalaki. Iyan ang dahilan kung bakit ako humahanga sa’yo. Marunong kang magpatawad pero marunong ka ring humawak ng hangganan. Samantala, si Donya Felisa ang dating matigas na ginang, ay unti-unting humina. Dahil sa edad at stress, nagkasakit siya at naospital.
  • Ang mga Felisano ay nalugi sa ilang negosyo at madalang na ang dumadalaw sa kanya maliban kay Adrian. Isang araw, dumating si Claris sa ospital. Tahimik siyang pumasok sa kwarto kung saan nakahiga si Donya Felisa. Payat, maputla, ngunit may buhay pa ang mga mata. Nang makita siya ng matanda, halos mapaiyak ito.
  • “Claris!” Mahina niyang sabi. “Bakit ka nandito?” “Dinalaw ko po kayo.” Mahinahon niyang sagot. Nabalitaan ko po ang kalagayan ninyo. Tumulo ang luha sa pisngi ni Donya Felisa. “Hindi kita farapat dapat makita Claris. Lahat ng ginawa ko sa’yo hindi ko na mababawi. Lumapit si Claris hinawakan ng kamay ng ginang. Wala na po yun ma’am.
  • Lahat ng sakit ay natutunang tanggapin. Hindi para kalimutan kundi para mapatawad. Nanginig ang kamay ni Donya Felisa. Hindi ko alam kung paano mo nagawa yan. Ako hanggang ngayon pinaparusahan pa rin ng konsensya. Ngumiti si Claris. at marahang pinisil ang kamay nito. Ang kapatawaran hindi po regalo sa nakasakit.
  • Regalo po yon sa sarili para makalaya. Sa unang pagkakataon, nakita ni Adrian ang dalawang babaeng pinakamahalaga sa kanyang buhay na magkasama. Ang isa, simbolo ng kanyang nakaraan. Ang isa simbolo ng pag-asa. Sa mga mata niya, nakita niya ang liwanag ng pagtubos. Lumipas ang mga buwan at unti-unting bumalik ang sigla ni Donya Felisa.
  • Sa tulong ng foundation ni Claris, nagpatayo sila ng isang women center sa San Lorenzo na pinangalanang Casa Claris. Isang kanlungan para sa mga kababaihang biktima ng karahasan. Si Adrian ay tumulong bilang volunteer habang si Claris at ang kanyang ina ang pangunahing tagapangalaga ng proyekto. Isang araw habang tinitingnan ni Claris ang bagong gusali, lumapit si Celestina sa kanya, “Anak,” sabi nito, “Nayon mararamdaman mo na kung ano ang tunay na kayamanan.
  • ” Mumiti si Claris tumingin sa mga batang kababaihan na natutong mangarap muli. Oo mama. Ang kayamanan ay hindi nasusukat sa yaman ng pamilya kundi sa kabutihang ipinamamana sa iba. At sa ilalim ng liwanag ng araw, habang naririnig ang tawanan ng mga babaeng muling nakabangon sa tulong ng kanilang foundation, napangiti si Claris sapagkat alam niyang ang sugat ng kahapon ay naging dahilan ng paggaling ng marami.
  • Sa wakas, natapos ang kwento ng isang dalagang minsang pinakuskos at pinahiya. Ngunit na iyon ay simbolo ng dignidad, kapatawaran at pag-asa. Isang paalala na ang tunay na ginto sa tao ay hindi nakikita sa pangalan o kayamanan kundi sa kabutihang naiiwan sa puso ng iba. Kung nagustuhan mo ang kwento ni Claris at ang aral na iniwan nito, mag-comment ka ng dignidad sa ibaba upang ipakita na isa ka rin sa mga naniniwala sa kabutihan at pagpapatawad.
  • Huwag kalimutang i-like, i-subscribe at i-click ang notification bell para hindi mo ma-miss ang mga susunod pang kwento ng inspirasyon, aral at pagbabago dito sa ating channel. Maraming salamat sa panonood. Hanggang sa susunod na kwento ng buhay, puso at dignidad