-
Tahimik ang buong pamilya nang dumating ang araw ng pagbabasa ng huling habili ni Don Francis. Ang kanilang lolo. Isa siya sa mga pinakakilalang negosyante sa kanilang probinsya. May-ari ng malalaking lupain, negosyo at pati na rin kumpanya. Maraming tao ang humahanga sa kanya at marami ring naiinggit.
-
Ngunit higit sa lahat, mahal na mahal siya ng kanyang mga apo o baka mas tamang sabihin lahat ng apo niya. Nasa sala ng malaking mansyon ang magkakapatid na sina Baron at Chester. Parehong mapagmataas at mayayabang. Sanay sa marangyang buhay, kasama nila ang kapatid nilang si Ella na kilala sa pagiging mapanlait at mayabang rin.
-
Sila ang mga apo na laging pinapaburan ng kanilang mga magulang. Sa kabilang banda naman, nakaupo sa pinakadulo ng silid si tonton. Payat, simple at tahimik lamang. Siya ang anak ng bunso ni Don Francis na maagang namatay kasama ang kanyang asawa sa isang aksidente. Dahil dito, lumaki tuloy si Tonton na tila walang sariling pamilya at madalas ay ikinukot siya ng kanyang mga pinsan.
-
Habang binabasa ng abogado ang huling habili ni Don Francis, isa-isang binabanggit ang pamana kay Baron, isang malawak na lupain na aabot sa s ektarya. Kayester naman, isang malaking negosyo na may matatag na pangalan. At kay Ella, ilang share sa kumpanya at mga bahay sa lungsod. Tuwang-tuwa ang magkakapatid lalo na’t malaking kayamanan ang nakamit nila.
-
Ngunit nang si Tonton na ang binanggit, tila natuwa ang lahat. Binasa ng abogado ang sulat. Sa aking apo naman na si Tonton, ipinapamana ko ang lumang kubo sa likod bahay. Napasinghap ang iba. Si tiya Marites, isa sa mga tiyahin, ay napailing na lamang. Sandali. Bulok na yun.
-
Hindi ba? Dapat pa bang ipamana? Natawan ng malakas si Chester. Hala, kubo lang eh. Parang kulungan ng manok yun ah. Sumingit naman si Ella. Eh bagay naman kay Tonton yun, hindi ba? Mukha rin naman siyang pulupi. Habang lahat ay abala sa pagtawa, nanatiling tahimik lamang si Tonton. Alam niyang wala siyang karapatang magreklamo. Lahat ng yaman ng lolo niya ay napunta sa iba.
-
Ang sa kanya lang isang pulok na kubo na halos gumuho na. Pero sa kaloob-looban niya may iniwang katanungan ng kanyang lolo. Bakit nga ba yon ang ipinamana sa kanya? Hindi na lang siya nagsalita. Ngunit sa kanyang isipan, alam niyang hindi basta-basta gagawa ng desisyon ang kanyang lolo.
-
At doon nagsimula ang isang lihim na walang nakakaalam. Matapos ang pagbabasa ng huling habilin, nagkalat ang tawanan at bulungan sa buong sala. Ang iba pang kamag-anak ay hindi maitago ang kanilang pagtataka. Bakit nga ba ang apo na walangwala si Tonton ay isang bulok na kubo lamang ang natanggap? Si Baron ang unang pumaling kay Tonton.
-
Hoy pinsan. Sabay tapik sa balikat niya. Congrats ha. May kubo ka na. Pwede ka ng mag-alaga ng mga kalabaw don. Tumawa si Chester. O kaya naman gawing kulungan ng mga baboy. Tutal doun ka naman nababagay eh. Hindi naman nagpahuli sa ela. Naku, baka gumuho pa ‘yun habang natutulog ka ha.
-
Baka naman pamana yan para tuluyan ka ng mawala. At sabay silang nagtawanan. Tahimik lamang si tonton. pilit na ngumingiti pero sa loob-loob niya ramdam niyang muli na siya ay binalo wala sanay na siya sa mga ganoong biro at pang-aapi mula sa kanyang mga pinsan lumaki siyang tinitignan na mas mababa na tila hindi karapatdapat sa anumang yaman habang sila ay nagbibiruan, lumapit si Icong ang matalik na kaibigan ni Tonton.
-
Isa siyang simpleng binata rin, anak ng isang magsasaka. Hindi siya kabilang sa pamilya ngunit palagi siyang narian para kay Tonton sa hirap maano ginhawa. Huwag mo na lang silang pansinin, Ton. Bulong ni Ikong. Alam mo naman na talagang ganyan sila simula bata pa tayo. Ang mahalaga may iniwan pa rin sayo ang lolo mo.
-
Siguro may dahilan kung bakit yun ang pinili niya. Napabuntong hininga si Tonton. ‘Yun nga rin ang iniisip ko eh. Kasi hindi basta-basta si lolo Francis. Alam ko may laman ang bawat galaw niya. Pero kahit pilit niyang intindihin, mahirap alisin sa dibdib ang bait. Nakikita niya ang tuwa at kayabangan ng kanyang mga pinsan.
-
Si Baron ay agad na nagyayabang patungkol sa lupang natanggap niya. Si Chester naman nagpaplano na kung papaanong palalaguin ang negosyo habang sa Ella ay panay ang kwento patungkol sa mga mamahaling gamit na bibilhin gamit ang shares na napasa kanya. Samantalang siya isang bulok na kubo lamang ang iniwan. Kinagabihan habang lahat ay abalas sa kanilang kasayahan.
-
Naglakad si Tonton papunta sa likod bahay. Doon sa gitna ng mga punong kahoy ay naroon ng kubo na ikinatawan ng lahat. Madilim na. Ngunit tinanaw niya ang kubo na yari sa lumang kawayan at pawid. Halos mabubulok na ang dingding at ang bubong ay may mga butas na. Sa unang tingin, para nga itong wala ng silbi. Ngunit habang pinagmamasda niya ito, bigla siyang nakaramdam ng kakaiba.
-
isang hindi ma paliwanag na pakiramdam na para bang may nakatago sa likod ng kahinaan nito. Hanggang sa mayaamaya ay naalala niya ang mga kwento ng kanyang lolo noong siya ay bata pa na minsan hindi lahat ng nakikita ng mga mata ay siya ring totoo. At madalas ang pinakamahalagang bagay ay nakatago sa pinakawalang saysay sa paningin ng iba.
-
Ipinikit niya ang kanyang mga mata at pagkatapos ay bumulong, “Lolo, ano ba talaga ang ibig mong iparating?” Sa mga sandaling iyon, may narinig siyang tunog mula sa ilalim ng kubo. Tila ba may gumalaw dahil doon ay kinalabutan siya pero pinilit niyang hindi umalis. Ang hindi niya alam yun na pala ang simula ng malaking pagbabago ng kanyang buhay.
-
Kinabukasan, maagang nagising si Tonton. Hindi pa man sumisikat ng lubos ang araw, tinungo na niya ang lumang kubo na ipinamana sa kanya. Ang mga pinsan niya ay abala pa rin sa pagbibilang ng kanilang mga yaman. Samantalang siya ay nakayuko lamang. Bitbit ang maliit na bag na may lamang ilang gamit. Pagdating niya sa kubo, napansin niya ang kapaligaran.
-
Tahimik ang paligid. Tanging hunin ng ibon at kaluskos ng mga dahon sa hangin ang kanyang naririnig. Ang kubo ay tila matanda na ring tulad ng kanyang lolo. Marupok sa labas ngunit may nakatagong kwento sa loob. Sapagkat bata pa lamang ang kanyang lolo ay kubo na ito na lagi nitong pinupuntahan. Kung ito lang ang iniwan niya sa akin, dapat ko ong alagaan.
-
” bulong ni Tonton sa sarili. Pumasok siya sa loob. Amoy alikabok at lumang kahoy ang pumungad. Ang sahig ay yari sa kawayan. Lalatang luma na at nagkikiskisan sa bawat apak. May ilang lumang gamit na naiwan. Isang bangko na sira na ang paa, isang lumang lampara at isang baol na wala namang laman. kung hindi ang mga lumang damit.
-
Naupo siya at napabuntong hininga. Ano po bang meron dito, Lo? Maya-maya dumating si Ikong dala ang supot ng pandisal. Ton o oh. Almusal muna tayo. Napangiti si Tonton. Salamat Ikong ha. Kahit kailan hindi mo talaga ako pinabayaan. Habang kumakain sila, pinagmasda ni Ikong ang paligid. Alam mo tol, kahit bulok na kubo lang ‘to, may kakaibang pakiramdam ako dito.
-
Para bang merong itinatagong lihim. Napatigil si Dondon. Nararamdaman mo rin, tol? Tumango si Ikong. Oo, hindi lang basta kubo ito. Para bang parang may laman sa ilalim. Napaawang ang bibig ni Tonton. Naalala niya ang tunog na narinig niya kagabi yung tila may kumakaluskos mula sa ilalim ng sahig. “Alam mo T?” dagdag pa ni Ikong.
-
“Ang lolo mo hindi basta-basta magpapamana ng ganito lang. Kilala siya bilang matalino at mapagplano. Kung ito ang iniwan sao, sigurado akong meron siyang dahilan.” Napatayo si Tonton at nagsimulang tumingin-tingin sa paligid ng kubo. Sinilip niya ang sahig. Pinagmasda niya ang bawat siwang ng kawayan at doon niya muling narinig ang mahina ngunit malinaw na tunog.
-
Parang may piraso ng bakal na kumikiskis. Kinalabutan siya ngunit imbes na tumakbo lalo siyang naengganyo. Siguro may nakatago nga rito. Bulong niya. Lumabas siya ng kubo at tinignan ang ilalim nito. Dahil nakataas ng kaunti sa lupa ang sahig, dumapa siya para silipin. Sa kanyang pagtataka, may mga lumang kahoy na halatang hindi bahagi ng orihinal na pagkakagawa ng kubo.
-
Para bang sinadyang takpan ng isang bahagi ng lupa. “Don, mahinang tawag ni Ikcong. Parang pintuan yan ah.” Nanglaki ang mga mata ni Tonton. Totoo nga. Nakatakip lang ng lumang kahoy at pawit pero malinaw na meroong lagusan pababa. Ano kaya yun? Nagtataka ang dalawa sa kanilang nakita. Agad na tumindig si tonton.
-
Nanginginig ang kanyang kamay. Para bang gusto niyang buksan kaagad. Pero may bumubulong sa kanya na huwag munang magmadali. Napahawak siya sa kanyang dibdib. Kung ano man ito, siguro panahon lang ang makapagsasabi. Marahil kung makikita sila ng ibang tao ay matatawa ang mga ito sa kanila sapagkat para ba silang naghahanap ng gagamba sa loob ng lumang kubo.
-
Busing-by magkaibigan na para bang merroong tinutuklasan. Ang hindi nila alam mula sa hindi kalayuan ay pinagmamasdan pala sila ng kanyang pinsang si Baron. Nakangisi ito na tila ba may masamang binabala. Habang abala si Tonton at si Ikong sa pagtingin sa kubo, hindi nila napansin na may mga matang nakamasid si Baron na laging mapagmataas at mahilig manghimas.
-
Naglakad papalapit sa kanila kasama ang kapatid na si Chester at si Ella. “Uy, anong ginagawa niyo diyan ha?” Malakas na boses ni Baron. Sabay lakad papalapit. “Naglalaro kayo sa bahay ng mga daga?” Nagkatinginan sina Tonton at Ikong. Hindi nila inaasahan na may makakakita sa kanilang pagsisiyasat. Ay wala.
-
Sagot ni Tonton habang pinipilit na maging kalmado. Tinitingnan ko lang kung pwede pang ayusin ng kubo. Napahalakhak si Chester. Ayusin? Para saan pa? Hindi mo naman kayang magpatayo ng bahay na maayos. Isa pa, kahit ayusin mo ‘yan, bulok pa rin ‘yan. Si Ela naman ay nakapamewang. Tinaasan ng kilay si Tonton. Grabe ka talaga pinsan.
-
Imbes na magsaya ka kasi may kubo ka na. Mukhang problemado ka pa ata eh. Kasi naman bulok na kubo lang talaga ang bagay sa’yo. Ramdam ni Tonton ang bigat ng kanilang mga salita. Pero hindi siya sumagot. Sa halip ay umuko lamang siya at pilit na nagtimpi. Ngunit hindi nakatiis si Ikong. Wala kayong karapatang laitin siya.
-
Singhal ni Ikong. Pamayan ng lolo niyo sa kanya. Kahit bulok na kubo lang ‘yan, may halaga pa rin yan. Lalong nagtawanan ng tatlong pinsan. Narinig mo yun kuya Baron? Biro ni Chester. May halaga raw ang kubo. Siguro may kayamanan sa ilalim no. Sabay-sabay silang nagtawanan. Ngunit sa halakhak na yon tila may kakaibang kislap sa mga mata ni Baron.
-
Para bang na-curious siya. Lumapit siya sa kubo at bahagyang yumuko upang silipin ang ilalim. Napansin niya ang mga kahoy na tinakpan ni Tonton at pati na rin ni Ikong kanina. “Hmm, interesting.” bulong ni Baron. Bakit parang may tinatago nga dito? Kinabahan si Tonton. Agad niyang tinakpan ang bahagi ng sahig gamit ang mga tuyong damo at pati na rin pawid. Wala ‘yan.
-
Sira lang ang sahig kaya nagmumukhang kakaiba. Ngumisi si Baron na tumingin kay Chester at Ella. Oh, nakita niyo ‘yun? Mukhang may tinatago talaga si Tonton no. Baka naman may sikreto ang kubo. Kung meron man, sa Batna Ella. Siguradong hindi para sa kanya. Dapat ay sa atin ‘yon kasi tayo ang tunay na may karapatan sa yaman ni lolo.
-
Hindi nga. Dagdag ni Chester. Bakit kaya sa lahat ng apo si Tonton lang ang binigyan ng kubo? May ibig bang sabihin yun? Narinig iyon ni Tonton at mas lalo siyang kinabahan. Ayaw niyang malaman ang kanyang mga pinsan ng patungkol sa kakaibang nararamdaman niya sa kubo. Sa ngayon hindi pa siya sigurado kung ano talaga ang laman ng ilalim nito.
-
Pero malinaw na hindi niya dapat ipaalam kaagad. Umalis na kayo. Mariing sabi nito Anton. Kung wala kayong magandang sasabihin, huwag niyo na akong istorbuhin. Tumaas ang kilay ni Baron. Aba, matapang ka na ngayon, pinsan ah. O sige, aalis kami. Pero tandaan mo to. Hindi ka magtatagal na nag-iisa dito, Ton. Kung meron kang tinatago, malalaman rin namin yan.
-
At tuluyan na nga silang umalis. Habang nagtatawanan pa rin. Naiwan sina Tonton at Iong na parehong tahimik. Hawak ang kaba sa kanilang dibdib. Doon. Bulong ni Ikong. Sigurado ako may laman ang ilalim ng kubo na to. Kaya mo ba itong itago? Napatingin si Tonton sa kaibigan. Mahigpit ang pagkakakuyom ng kanyang kamao.
-
Kung ano man ang iniwan ni lolo, para sa akin yun at gagawin ko ang lahat para hindi makuha ng iba. Sa mga salitang iyon, nagsimula ang laban ni Tonton. Isang laban na hindi niya alam kung papaano niyang mapagtatagumpayan. Kinagabihan, hindi makatulog si Tonton. Paulit-ulit sa kanyang isipan ang mga sinabi ng kanyang mga pinsan. Baka raw may tinatago ang kubo.
-
Totoo nga kaya o baka guni-guni lang nila. Humiga siya sa lumang banig sa loob ng kubo. Habang nakatingin sa kisame, sa labas malamig ang hangin at tanging tunog ng mga kuliklig ang maririnig. Ngunit sa ilalim ng katahimikan, ramdam niya ang kakaibang presensya. Lolo, bulong niya, kung may iniwan ka para sa akin, sana bigyan mo ako ng lakas para malaman po ang totoo.
-
Kinaumagahan, dumating si Ikong dala ang maliit na pala at pati na rin martilyo. “Ton, handa ka na ba?” nagulat si Tonton. Handa saan? Ngumiti si Ikong para buksan ang ilalim ng kubo. Kung may sikreto man, panahon na para tuklasin natin. Nag-alinlangan si Tonton. Takot siya pero mas nangingibabaw ang kanyang pananabik. Tumango siya sa wakas.
-
Sige, pero dahan-dahan lang ha. Baka masira ang buong kubo eh. Pumasok silang dalawa sa loob ng kubo. Maingat na iniangat ni Iko ang ilang bahagi ng kawayan sa sahig. Kumaluskos ang mga ito. Para bang matagal ng hindi ginagalaw. Habang unti-unting bumubukas ang siwang, sumalubong ang malamig na hangin mula sa ilalim.
-
Nanlaki ang mga mata ni Tonton. Ikong may lagusan nga. Ngunit hindi pa nila lubusang nabubuksan nang maya-maya ay biglang may kumatok mula sa labas. Agad nilang tinakpan muli ang sahig at nagkunwaring walang ginagawa. Pagbukas ng pintuan, bumungad ang pinsang si Ella nakapamewang at may dalang payong na mamahalin.
-
“Anong ginagawa niyo rito?” tanong nito habang nakataas ang kilay. “Parang meron kayong tinatago.” Kumunot ang noon ni Tonton. “Wala. Tinitignan lang namin kung kaya pang ayusin ang kubo. Napangisi si Ella. Huwag niyo nga akong niloloko. Narinig ko si Kuya Baron kagabi. Sabi niya baka may kayamanan daw dito.
-
At kung meron man, tandaan mo Tonton ha. Hindi mo kayang itago yan habang buhay. Pagkaalis ni Ella, parehong napabuntong hininga sina Tonton at ikong. Grabe yung pinsan mo na yun oh. Ano ba sila mga pakilamero? Meron naman na silang minana pero yung bulokmong kubo yung pinag-iinteresan nila. Grabe yung mga yon pinamana na nga ng malalaki tapos ikaw pa rin ang pinagbubuntungan.
-
Parang hindi pa sapat sa kanila yung minana nila. Naiinis na sabi ng kaibigan niyang si Iong. Alam mo Tondon? Habol pa niya. Kailangan nating magmadali. Hindi naligtas ang sikreto ng kubong ito. Kinagabihan, bumalik sila at muling iniangat ang sahig. Sa pagkakataong ito, mas malaki na ang siwang na kanilang nagawa.
-
Nagulat sila ng tumambad ng isang lumang bakal na pinto. May hawakan na kalawangin. Humugot si tonton ng lakas ng loob. Dahan-dahan niyang hinawakan ng malamig na bakal. Kinakabahan siya. Tila ba may mabigat na kwento ang nakapaloob doon. Ton! Mahina ang tinig ni Ikong. Sigurado ka ba na bubuksan mo ‘yan? Tumango si Tonton.
-
Ito ang iniwan sa akin ng lolo at kung ano man ang nasa loob nito ay kailangan kong malaman. Habang binubuksan nila ang bakal na pinto, biglang umalingaw ang matinis na kaluskos na para bang nagmumula sa kailaliman. At bago pa nila tuluyang mabuksan, isang malakas na tinig ang umalingawangaw sa labas. “Hoy, anong ginagawa niyo diyan?” Si Baron kasama si Chester at Ella.
-
Nakatayo sa pintuan ng kubo. Nakakunot ang no at nakangisi. “Huli kayo no? May tinatago kayo diyan no?” Napatigil sina Tonton at Ikong. Hawak-hawak pa rin ng hawakan ng lumang pinto sa ilalim ng kubo. Nanlaki ang kanilang mga mata nang makita si Baron. Nakapamewang pa ito kasama sina Chester at Ella.
-
Pare-pareho silang may mapang-asar na ngiti halatang nag-aabang. “Ehy na nga ba ang sinasabi ko?” wika ni Baron at mayabang pa rin ang tono. May tinatago ka, Tonton. Akala mo ba maloloko mo kami? Lumapit si Chester tumingin sa siwang sa Sade at napatawa. Aba, may pinto nga. Ano to? Treasure chest ng pirata? Siguro yan ang dahilan kung bakit iniwan sa kanya ni lolo ang kubong ito.
-
Singit ni Ella. Hindi siya dahil mahal ka niya kung hindi dahil may iniingatan siyang sikreto at ngayon makukuha na rin namin. Maring isinara ni Tonton ng pinto sa sahig. Hindi. Ito ay iniwan sa akin ni lolo at wala kayong karapatang makialam. Ngunit tumawa lamang ang kanyang mga pinsan.
-
Aba, marunong ng lumaban ang pulubing to. Kantsaw ni Baron. Pero sa tingin mo ba kaya mo kaming pigilan? Kami ang mayaman. Kami ang may kapangyarihan at ikaw wala ka naman eh. Kubo lang ang minana mo. Nag-init ang dugo ni Tonton. Ngunit bago pa siya makapagsalita humakbang si Ikong pasulong. Hindi kayo dapat na nandito kung talagang mayiniwang sikreto si Don Francis kay Tonton lang yon.
-
Respeto naman sana. Ano? Respeto. Sarkastikong sagot ni Chester. Huwag mo nga kaming tinatawanan ha. Kung mayaman sa ilalim na yan, parte rin kami ng pamilya. Karapatan naming makuha ‘yun. Ano ba kayo? Sigaw ni Tonton. Nanginginig ang tinig. Hindi lahat ng bagay ay kayamanan. Hindi niyo ba naisip na baka ala-ala lang ni lolo ang iniwan niya? Baka hindi pera at baka hindi ginto? Ngunit ngumisi si Baron at dahan-dahang umakyat ng kubo.
-
Kung ala-ala lang, mas lalo naming gustong makita. Kasi baka ginto ang ala-ala. Hinawakan ni Baron ang hawakan ng bakal na pinto. Pilit itong binubuksan. Agad namang lumapit si Tonton at tinulak siya papalayo. Ako ang may karapatan dito. At wala kayong karapatan. Nagkasagutan sila. Halos magkasuntukan na.
-
Si Chester at Ella ay nagalakhakan at pinapanood ang kaguluhan. Tignan mo nga naman. Oh, tawa ni Ella. Ang pulubin nating pinsan nagmamalaki na. Ngunit bago pa tuluyang magkasakitan, biglang bumigay ang lumang kahoy sa sahig. Kumalabog ito at bahagyang bumukas ang bakal na pinto. Sa isang iklap, umalingawngaw ang malamig na hangin mula sa kailaliman.
-
Kasabay nito isang mahinang tunog ng mga bagay na metal na tila nagkikiskisan. Dahil doon ay natikilan silang lahat. Walang naglakas loob na gumalaw. Ton. Mahina ang tinik ni Ikong. Hindi lang basta ala-ala ang nasa ilalim nito. Nanlamig ang pakiramdam ni Tonton. Tumibok ng mabilis ang kanyang puso. Sa wakas, nagbukas ang lagusan na iniwan ng kanyang lolo.
-
At doon, nagsimula ng lumantad ang isang lihim na matagal ng nakatago. Sumabog nga ang katahimikan sa loob ng kubo. Ang kaninang pagtatalo ay natigil. Ang malamig na hangin mula sa ilalim ng bakal na pinto ay tila dumampi sa kanilang mga balat. Nagbigay ng kilabot at kaba. Lahat sila’y natigilan. Si Baron, Chester, Ella pati na rin sina Tonton atong.
-
Dahan-dahang hinawakan ni Tonton ang hawakan ng bakal na pinto. Nanginginig ang kanyang mga daliri. Hindi sa takot kung hindi sa bigat ng responsibilidad na kanyang nararamdaman. Alam niya ito na ang sagot sa lahat ng tanong. Lolo, bulong niya. Ito ba talaga ang iniwan mo para sa akin? Maingat niyang hinila ang pinto at unti-unting bumukas ang daan pababa.
-
Kasabay nito, bumungad ang hagdanang gawa sa sementong luma na natatakpan ng alikabok at sapot ng gagamba. “Hindi ako makapaniwala,” bulalas ni Ikcong. May tagong lagusan pala sa ilalim ng kubo. Ngunit bago pa siya makababa, biglang sumingit si Baron. “Ako na ang mauuna. sigaw niya at agad na bumaba sa hagdan. Sumunod naman si Chester at Ella.
-
Sabay tawa ng may pangungutya. “Tonal ka na!” Anaya ni Ikong. Wala na silang pagpipilian kung hindi ang sundan ng tatlo. Pagbaba nila sa ilalim ng kubo, bumungad ang isang malaking silid na tilabay lihim na bodega. Ang mga pader ay gawa sa matibay na semento at sa gilid ay nakahilera ang ilang lumang ba’t kahon. Ang bawat isa ay may nakatatak na mga initial.
-
Df tanda ng pangalan ng kanilang lolo na si Don Francisco. Nanglaki ang mga mata ni Ella. OMG, baka puno ng ginto at alahas yan. Agad na lumapit si Chester sa isang baol at pilit itong binuksan. Pag-angat ng takip, tumambad ang mga lumang sobre, makakapal na mga dokumento at ilang kahon ng bariang pilak at kintong mga alahas. Napaiyaw si Chester.
-
Kayamanan nga. Hindi ako makapaniwala. Isa-isang binuksan ng magkakapatid ang iba pang kahon. May mga lumang titula ng lupa, mga sertipiko ng ari-arian, mga mamahaling gamit na antik at higit sa lahat mga sobr na punong-puno ng pera. Nagsimula silang mag-agawan. Akin to. Sigaw ni Baron habang pilit na inaangkin ng isang kahon ng alahas.
-
Hindi akin ‘ sigaw naman ni Ella. Hawak ang isang bandal ng pera. Sa gitna ng kaguluhan, nanatiling nakatayo si Tonton. Hindi makapaniwala sa kanyang nakikita. Totoo nga ang bulok na kubo na pinagtatawanan ng lahat ay siyang taguan ng pinakamatinding yaman ng kanilang lolo. Ngunit sa kanyang puso, may bumigat na tanong.
-
Kung ganito kalaki ang kayamanan, bakit sa kanya ipinamana? Bakit hindi ipinamana ni Lola Francis ang mga ito ng pantay-pantay? Habang nagaagawa ng kanyang mga pinsan, napansin ni Tonton ang isang maliit na kahon na naiwan sa isang sulok. Hindi ito pinansin ng iba. At dahil mas abala sila sa mga kumikislap na ginto at pera, lumapit siya rito at dahan-dahan nitong binuksan.
-
Sa loob ay may nakalagay na lumang sobre. May sulat kamay ng kanyang lolo. Nanginginig ang kanyang mga kamay habang binabasa ito. Mahal kong tonton. Kung binabasa mo ito, ibig sabihin ay natagpuan mo na ang lihim ng kubong ito. Alam kong pagtatawanan ka ng ating buong angkan. Dahil sa kanilang mga mata.
-
Ang bulok na kubo ay walang halaga. Ngunit ikaw apo alam kong may kakayahan kang makita ang tunay na halaga ng mga bagay. Ang lahat ng yaman na ito ay hindi ko ipinamanas sa iba dahil alam kong maubos lamang ito sa luho at yabang. Sayo ko ito iniiwan dahil alam kong ikaw ang tunay na may pusong nagpapahalaga. Hindi sa ginto kung hindi sa sakripisyo at pawis na pinuhunan ko para dito.
-
Apo, ikaw ang tagapagmanaan ng lahat ng ito. Ingatan mo at higit sa lahat, gamitin mo para makatulong sa iba lalo na sa mga kagaya mong minsang iniwan at pinagtawanan ng mundo. Nagmamahal, Lolo Francis. Nanlaki ang mga mata ni Tonton. Napaluha siya habang hawak ang sulat. Ngayon ay malinaw na ang lahat.
-
Hindi basta kubo ang iniwan sa kanya kung hindi ang buong pusod ng yaman ng kanyang lolo. Ngunit hindi ito basta-basta. Ito’y isang pagsubok. “Ton, ano yan?” tanong ni Ikong. Ipinakita niya ang sulat. Nanlaki ang mga mata ng kanyang kaibigan. Ibig sabihin lahat ng to ay para sa’yo. Tumango si Tonton.
-
Ngunit bago pa man sila makapagsalita biglang nagsigawan ang mga pinsan niya. Hindi pwede! sigaw ni Baron. Hawak ang sulat na pilit na inaagaw kay Tonton. Kami rin ay may karapatan dito. Hindi lang ikaw. Ngunit maring itinulak siya ni Tonton. Hindi niyo naintindihan. Ang iniwan ni lolo ay hindi para sa inyong kasakiman.
-
Ito’y para sa akin at para sa mga taong nangangailangan. Nagpintig ang tenga ni Baron. Walang pulubin na magmamay-ari ng yaman na ito habang nabubuhay pa ako. At tinangka niyang suntukin si Tonton. Pero bago pa siya makagalaw, dumating ang kanilang mga tsuhin atin kasama ang abogado. Nalaman nila ang kaguluhan at agad na bumaba sa ilalim ng kubo.
-
Anong ibig nitong sabihin? Tanong ng abogado habang hawak ang isa pang kopya ng sulat ni Don Francis. Ayon sa huling habili ni Don Francis, ang lahat ng kayamanang nakatago sa kubong ito ay eksklusibong pagmumamay-ari ni Tonton at wala kayong karapatan doon sapagkat binigyan na kayo ng lolo niyo.
-
Natigilan ng lahat si Baron, Chester at Ella. Napasigaw silang sabay-sabay. Imposible. Hindi patas. Kung magmamatigas kayo ay kayo rin ang mahihirapan dahil pinal. Pinal na ang testamento at wala na kayong magagawa sa bagay na yan. Kaya tigilan niyo na ang pagkamkam ng mga ari-arian ni Tondon. Malinaw na malinaw sa mga dokumento na ito nga ay pagmamay-ari na ni Tonton at wala silang magagawa.
-
At doon sa harap ng lahat ipinahayag na si Tonton ang tunay na tagapagmana ng yaman ng kanilang lolo. Lumipas ang ilang buwan sa halip na ibili ng luho, ginamit ni Tonton ang kanyang yaman upang ayusin ang kubo at gawing tahanan para sa mga batang ulila. Nagtayo siya ng paaralan para sa mga kabataang mahirap at nagtulungan sila ni Ikong upang magpatayo ng negosyo na makapagbibigay ng trabaho sa mga kapwa nila tagaprinsya.
-
Samantalang ang kanyang mga pinsan naman ay unti-unting nalugi ang mga negosyo dahil sa kanilang kasakiman at mga luho at higit sa lahat dahil na rin sa kanilang kapabayaan. Ang dating marangya nilang pamumuhay ay napalitan ng pagkakabaon sa utang. At sa bawat pagkatalo nila, hindi kailan man gumanti si Tonton ni minsan ay hindi sila kinutya o pinagsabihan ng masakit na salita.
-
Isang araw, lumapit si Baron dala ang hiya at pagsisisi. “Tonton, patawarin mo kami ha. Hindi namin nakita ang tunay na halaga ng iniwan ni lolo.” Ngumiti si Tonton. “Pinatawad ko na kayo noon pa. Ang mahalaga ay natutunan natin na hindi lahat ng nakikita ng ating mga mata ay tunay na kayamanan. Sa likod ng bulok na kubo na pinagtawanan ng lahat, natagpuan ang tunay na aral ng buhay na ang yaman ay hindi nasusukat sa ginto o pera kung hindi sa pusong marunong magpahalaga, magpakumbaba at magmahal sa kapwa.
-
At mula noon, hindi na muling tinawag na bulok na kubo ang ipinamana ni lolo Francis. Bagkos, ito na ang naging kubo ng kayamanan at pag-asa para sa ibang mga tao na nangangailangan. Masaya si Tondon sapagkat alam niya na natutuwa ang kanyang lolo sa mga oras na ito sapagkat napunta sa maganda at maayos na kamay ang pamamahala ng kayamanang iniwan sa kanya.
-
Hindi na naghihirap ang kanyang kaibigang si Iong sapagkat binigyan niya ito ng parte sa kanyang kayamanan. Si Ikong nakasayang itinuring niyang kapatid sapagkat napakabuti sa kanya nito kahit pa man noong mga bata pa lamang sila. Kaya ngayon ay masaya si Tonton sapagkat nagkaroon ng saysay ang kanyang buhay na malungkot.
-
Naintindihan niya sa kanyang sarili na ito pala ang purpose ng kanyang buhay. Ang maging tagapagmana at tagapamahala ng mga kayamanan ng kanyang lolo para ipamahagi at itulong sa iba. Dito na po nagtatapos ang ating maiksing kwento sa araw na ito. Sana po ay nagustuhan niyo mga kabarangay at sana po ay kinupulutan niyo ng maraming aral.
-
Kayo mga kbarangay, ano po ang masasabi niyo sa ating kwento? I-comment niyo naman po sa baba ang inyong mga reaksyon at babasahin natin ang lahat ng yan. I-comment niyo na rin kung taga saan kayo para naman malaman ko kung hanggang saan nakaabot ang video na ito. Paki-like and share na rin po ang ating kwento para mapakinggan rin ang iba.
-
At kung bago ka pa lamang sa ating channel, baka naman po pwedeng paki-hitang subscribe button at bell notification button para palagi kang updated sa mga bago nating upload na katulad nito. So paano mga kbarangay? Hanggang sa muli. Thank you so much and peace out
News
Ginamit ko ang aking school meal card na niloadan ng mga magulang ko ng ₱60,000 para bumili ng isang steak meal na nagkakahalaga ng ₱500 sa canteen ng unibersidad./hi
Ginamit ko ang aking school meal card na niloadan ng mga magulang ko ng ₱60,000 para bumili ng isang steak meal na nagkakahalaga ng ₱500 sa canteen ng unibersidad. Biglang tumayo ang boyfriend ko sa gitna ng maraming tao at…
Pero nang mabalitaan ko ang nangyari doon sa mag-asawang lesbian sa kabilang kanto, medyo kinabahan din ako, kaya laging nagpapaalala si Gerson sa akin//
“Ipinasok kay Tiya” “Mahal, gabi na, magsara na tayo.” “Maya-maya na, sayang naman, may mga dumarating pa na bumibili,” sagot ko sa aking asawa. “Eh, medyo masama ang panahon at umuulan, wala na siguro nabibili. Mahirap na, uso pa naman…
Nahuli ko $! m!$!$ na kasama sa kama @ng Ex ny@
Nahuli ko si misis na kasama sa kama ang Ex nya Gabi ng Biyernes sa aming bahay sa Sampaloc, Manila. Katatapos lang namin mag-dinner nang mapansin kong nagmamadaling mag-empake si Clara. Seryoso ang mukha niya at parang balisa. “Hon, tumawag…
UMIYAK ANG ANAK NG MILYONARYO GABI-GABI… AT WALANG SINUMAN ANG GUSTONG MALAMANG KUNG BAKIT.
Pinapagana ng GliaStudios Hindi nakatulog si Clara nang gabing iyon. Naupo siya sa maliit na silid na nakatalaga sa kanya sa pakpak ng mga katulong, inuulit ang bawat tunog, bawat salita, bawat kilos na ginawa ng batang lalaki. Pinalaki niya…
Ipinagbili ako bilang asawa sa isang lalaking “paralisado”… at noong gabi ng aming kasal, kinailangan ko siyang tulungan na makaupo sa kama. Nang hawakan siya ng aking mga kamay, napagtanto kong may hindi akma.
Ipinagbili ako bilang asawa sa isang lalaking “paralisado”… at noong gabi ng aming kasal, kinailangan ko siyang tulungan na makaupo sa kama. Nang hawakan siya ng aking mga kamay, napagtanto kong may hindi akma. Ipinagbili ako bilang asawa ng isang…
NAG-TEXT ANG ASAWA KO: “HAPPY ANNIVERSARY, BAE. STUCK AKO SA TRABAHO.” PERO NASA OPISINA NA NIYA AKO AT PINAPANOOD SIYANG MAY KAHALIKANG IBA. BIGLANG MAY BUMULONG SA LIKOD KO: “WAG KANG MAINGAY. MAGSISIMULA NA ANG TUNAY NA PALABAS.”
Ang Simula: Ang Sorpresa at Ang Kasinungalingan Ikalimang anibersaryo namin ng asawa kong si Eric. Dahil alam kong naging sobrang busy siya sa kanyang trabaho bilang Finance Director sa isang malaking kumpanya, nagdesisyon akong i-surprise siya. Nagluto ako ng paborito…
End of content
No more pages to load