“Ipinasok kay Tiya”
“Mahal, gabi na, magsara na tayo.”
“Maya-maya na, sayang naman, may mga dumarating pa na bumibili,” sagot ko sa aking asawa.
“Eh, medyo masama ang panahon at umuulan, wala na siguro nabibili. Mahirap na, uso pa naman ngayon ang nakawan dito sa lugar natin. Nabalitaan mo ba yung nangyari sa computer shop sa kabilang kanto? Yung sa mag-asawang tomboy, pinasok pala ng akyat-bahay yun.
Kaya lang hindi na nagsumbong dahil natatakot daw, at konti lang naman daw ang perang nakuha,” ang sabi ng aking asawa sa akin.
Nang narinig ko nga ang balita, kinabahan din ako, lalo na’t malapit lang din ang shop namin sa lugar na pinasok ng mga kawatan. Pero dahil naghihinayang din naman ako sa benta,lalo na’t malakas at maraming bumibili kapag gabi—sayang din naman. Marami din naman dumadaan na mga tao at sasakyan sa lugar namin; palibhasa medyo main road, kaya maging ang mga napapadaan lang ay napapabili sa aking tindang milk tea.
Kaya lang minsan, lalo’t pagod ang asawa ko galing sa kanyang trabaho, pinapatulog ko na siya. Ako na lang ang nagbabantay saka ng isang tauhan namin na taga-deliver sa mga order ko online. Pero dahil sa paghahangad ko ng mas malaking kita, naranasan ko rin pala ang mga dinanas ng may-ari ng computer shop na pinasok ng mga masasamang elemento. Pero tulad nila, hindi na rin ako nagreklamo. Dahil kahit na may nakuha sila na pera, natikman ko naman at dinanas din ang tulad ng ibang pinasok nila.
Dahil hindi lang bahay namin at milk tea shop ko ang pinasok nila, maging ang pag-aari ng aking asawa, pinasukan din nila. Sa umpisa ay kaba at takot ang aking naramdaman, pero kalaunan ay nawala din dahil sa pagsalit-salitan na pasok ng mga magnanakaw sa pag-aari ng aking asawa.
Ako nga pala si Judy. Limang taon na kaming nagsasama ng aking asawa na si Gerson. Dati kaming nakatira sa mga magulang ni Gerson, kaya lang, medyo may edad na sila at gusto nila ng tahimik ang paligid.
“Maghanap na lang muna tayo ng mauupahan, saka maliit ang bahay. Kapag may bisita tayo, hindi man lang natin mapapunta dito,” ang sabi ng asawa ko. “Mas maganda nga siguro, saka sana kunin natin yung malapit sa kalsada saka yung maraming tao.”
“Bakit naman? Squatter area yata ang hanap mo,” biro ko.
“Hindi naman. Balak ko kasi mag-negosyo. Kung pareho lang kasi tayong empleyado, wala tayong asenso. Habang wala pa tayong anak, mag-ipon na tayo.”
Ang sabi ko sa aking asawa, “Maganda ‘yan naisip mo, pero mahirap ‘yan kung tayong dalawa. Saka ano namang negosyo ‘yun?” tanong ni Gerson sa akin.
“Alam mo, bata pa lang ako, sanay na ako magtinda. Kaya nga doon mo ako nakilala sa palengke, sa puwesto namin.”
“Ibig mong sabihin magtitinda ka ng isda?” parang pagtataka pa na tanong ni Gerson. Ang mga magulang ko kasi ay negosyo ang pagtinda sa palengke ng isda; may dalawa kaming puwesto doon, kaya bata pa lang ako, sanay na ako sa buhay na maingay tulad ng palengke.
“Hindi naman isda, iba naman. Yung uso ngayon, yung tunog sosyal,” ang sabi ko muli kay Gerson. “Milk tea shop!”
Halos magkasabay naming nasabi iyon ni Gerson. Isa lang pala ang nasa isip namin dahil ang totoo, pareho kasi kaming mahilig sa milk tea. Limang buwan nga ang nakalipas nang makakuha kami ng upahan ni Gerson na bahay. Medyo mahal nga lang dahil maayos at may ikalawang palapag; ‘yun din kasi ang naisip namin na gawin pang-umpisa sa naisip naming negosyo.
Mga dalawang linggo pa lang kaming open ng aming milk tea shop, dagsa na rin ang bumibili kaya natutuwa ako. Kaya nga kahit hatinggabi na, open pa kami. Kumuha rin ako ng isang boy na taga-deliver namin sa malalapit lang—pamangkin siya ng asawa ko. Malaking tao si Buknoy pero bata pa siya. Malalaking ulas lang talaga ang magulang ni Buknoy, kaya sa edad nito na twenty, 5’10” na ang taas. Maliit lang pa naman sanang motor ang bibilhin mo, kaya lang mukhang alanganin sa kanya, kaya sinama siya ng asawa ko at si Buknoy ang pinapili ng gusto niyang motor. Mabait naman at maasahan.
Isa pa sa gusto ko sa pamangkin ng asawa ko ay mapagkakatiwalaan siya. Kahit piso lang, ibinabalik talaga niya. “Nahihiya kasi sa akin ‘yan, eh noon may sakit ang mga magulang niyan, ako ang nagpagamot. Saka okay ‘yan si Buknoy,” ang sabi pa ng asawa ko. Kaya nga kahit hatinggabi, open pa ako, basta kasama ko yung pamangkin ng asawa ko.
Pero nang mabalitaan ko ang nangyari doon sa mag-asawang lesbian sa kabilang kanto, medyo kinabahan din ako, kaya laging nagpapaalala si Gerson sa akin, lalo na kapag ako lang mag-isa. Kapag napapadaan naman ako sa computer shop nina Ali—ang dating pinasok ng mga magnanakaw napapatingin ako sa lugar nila. Kung tutusin, safe yung puwesto nila; maliwanag ang paligid at maraming mga tao, kaya nagtaka ako. Ang lakas ng loob ng mga magnanakaw.
Noon kasing bago pa lang kami ni Gerson at inaayos pa lang ang tindahan namin, madalas ako doon sa computer shop nila Ali dahil sa mga pa-print ko na pang-advertise. Doon ko nakilala ang lesbian na may-ari. Kaya lang nang mag-umpisa akong mag-open ng shop, hindi na ako nakakapunta, saka bumili na rin kami ng sariling computer. Pero malipas lang ng apat na buwan simula nang pasukin sila ng mga kawatan, nagulat ako pero hindi ko ipinahalata sa kanila.
Bago kasi ang bahay namin, dadaanan namin ang shop nila. “Mabuti pa siya, buntis na. Ako kaya kailan?” ang sabi ko kay Gerson habang naglalakad kami at napadaan sa computer shop ni Ali.
“Anong buntis? Nakakabuntis na ba ang tomboy ngayon?” ang sagot bigla ni Gerson sa akin.
Natigilan naman ako. Tama nga si Gerson, pero bakit pansin ko, lumaki ang tiyan ni Nikol, ang live-in ni Ali? “Baka busog lang,” ang sabi ko na lang. Ang totoo, nainggit ako kay Nikol kahit na hindi ko sigurado na buntis ito. Limang taon na kasi kaming kasal ni Gerson pero wala pa rin kaming nabubuo. Hindi pa tuloy kami matatawag na isang pamilya.
“Hintayin lang natin, ipagkakaloob naman sa atin ‘yan,” ang sabi na lang ni Gerson nang sabihin ko na mabuti pa si Nikol, kahit babae na asawa, nabuntis na. Natawa lang si Gerson sa akin; alam niya na biro ko lang iyon, pero deep inside, ang totoo, gusto ko na rin mag-anak kami, lalo na’t thirty-one na ako. Isa rin ‘yun sa dahilan kung bakit ako nag-resign na rin sa aking trabaho at magtinda na lang ng milk tea; alam kasi ni Gerson kung gaano ako ka-stress sa aking trabaho.
“Buknoy, nabalitaan mo ba yung nangyari kina Ali, yung pinasok ng magnanakaw?”
“Opo ate, malapit lang dito yun sa atin.”
“Hindi na pala nagsumbong ‘yun sa mga pulis, pero paano nalaman ng mga tao na pinasok sila?” tanong ko kay Buknoy.
“Isang linggo na pala ‘yun ate na pinasok sila. Kaya lang nakita pala sa CCTV ng barangay ang mga lalake na biglang pumasok sa loob ng computer shop, tapos mahigit isang oras lumabas, pero parang kahina-hinala daw ang galaw at mukhang hindi naman magrerenta dahil naka-bonnet pa raw ang mga lalake. Kaya pinuntahan daw ng mga tanod sina Ali. Doon nga nila nalaman na ninakawan sila. Pinapasama nga sa barangay sina Nikol para magreklamo, pero ayaw na daw. Wala naman daw masyadong nawala, saka hindi naman daw sila sinaktan,” kuwento pa ni Buknoy sa akin.
“Mabuti pa ikaw alam na alam mo ang balita,” sabi ko naman kay Buknoy.
“Alam mo naman ako ate, laman lagi ako ng kalsada rito. Saka marami talaga ang pumupunta diyan kina Ali, kahit wala naman sadya. Alam mo na kung ano ang tinitingnan nila,” ang sabi pa ni Buknoy.
Alam ko ang tinutukoy ni Buknoy. Maganda kasi si Nikol at mukhang bata pa. Naiinggit nga sila kay Ali kapag nakikita nilang kasama ni Nikol; paano raw napasagot ni Ali ang magandang si Nikol.
“Baka naman pati ikaw nakikisipat din kay Nikol,” ang sabi ko kay Buknoy. Napatingin lang si Buknoy sa akin at napangiti. “May lihim ka rin na paghanga kay Nikol, ha?”
“Hindi kay Nikol ate, kay Ali,” ang natatawang sagot ni Buknoy. Kung hindi mo nga naman kilala si Ali, hindi mo aakalain na lesbian ito. Mahaba ang buhok at paseksi rin kung manamit, kaya nga minsan napapaisip ako kung sino sa kanila. Kaya lang noon nakilala ko sila, na-confirm ko na si Ali na ang tomboy.
Lumipas pa ang isang buwan, lalo akong nagtaka dahil lalong lumaki ang tiyan ni Nikol. Hindi ako pwedeng magkamali; hindi lang basta busog ‘yun o tumaba.
“Buknoy, alam ko na updated ka sa tsismis sa labas. Ano sa tingin mo kay Nikol, buntis ba?” ang bigla ko na tanong sa pamangkin ng asawa ko habang nakaupo at naghihintay sa mga mag-oorder.
“Buntis ate. Yung mga lalake nga na madalas na sumusulyap kay Nikol, nagulat din. Siguro nga, sinadya ni Ali na buntisin na ‘yun, para sure na sila na talaga,” ang sabi pa ni Buknoy.
“Paano naman nangyari iyon?” tanong ko pa kay Buknoy.
“Ang sabi sa mga naririnig ko, nagbayad daw si Ali ng doktor para magka-anak sila. Pero alam mo naman ang tsismis, malawak. May nagsabi na simula daw nang pinasok ng magnanakaw ang shop nila, doon na buntis si Nikol. Saka tinatanong daw si Ali kung magkano ang binayad sa doktor, pero ayaw daw sabihin.”
“Ang mahal kaya magpagawa ng artificial na ganun,” ang sabi ko naman kay Buknoy.
“Yun nga ang sabi nila. Pero ako, may duda ako. Baka may boyfriend ‘yan si Nikol na iba, tapos nabuntis.”
“Eh kung ganun, baka nag-away na sila at pinalayas na siya ni Ali,” ang sabi ko pa sa pamangkin ng asawa ko.
“Hindi natin alam ate. Pero malay mo, maganda si Nikol, saka hindi na siya makakakuha ng tulad ni Nikol, kaya siguro tinanggap na lang,” ang sabi pa ni Buknoy.
Naging palaisipan sa akin iyon. Gusto ko lumapit kay Ali at tanungin kung sinong doktor ang kausap nila para doon din ako pumunta.
“Pwede mo naman tanungin ‘yun, ikaw kilala non, baka sabihin sa’yo,” ang sabi ni Gerson sa akin nang sabihin ko na buntis nga si Nikol at gusto ko magpa-check up doon sa doktor nila. “Kung sila nga parehong babae ay magkaka-anak na, ako pa kaya,” ang sabi ko na lang sa aking sarili. Gustong-gusto ko na silang tanungin kaya lang nahihiya ako. Isa pa, hindi naman talaga kami close friend.
Kaya si Buknoy na laging may alam na tsismis ang tinatanong ko. Kaya lang, mukhang nawalan na rin ng ganang sumulyap doon simula nang malaman na buntis na si Nikol. “Ayoko na ate, maghanap na lang ako ng ibang babae. Saka buhay nila ‘yun, mahirap makialam,” ang sagot lang sa akin ni Buknoy.
Doon ay unti-unti akong lumapit sa kanila, kunwari may ipapagawa ako na tarpaulin para sa aking milk tea shop.
“Nikol, ilang buwan na ang tiyan mo? Ang ganda mo pa rin kahit buntis ka. Siguro babae ang anak mo,” ang sabi ko kay Nikol nang minsan pumunta ako para magpagawa ng tarpaulin.
“Babae nga yata ito,” sagot ni Nikol sa akin.
Habang nagpapagawa ako kay Nikol, napansin ko na lumabas si Ali, parang may kausap siya sa labas. Para kasing ilang sumagot si Nikol sa tanong ko noong katabi niya si Ali.
“Saan ka nga palang doktor kayo nagpapa-check up, saka kailan ka pala manganganak?” tanong ko kay Nikol.
“Diyan lang ako sa may clinic nagpapa-check up. Wala naman kaming malaking pera para sa mga private na doktor.”
Sa sinabi ni Nikol, napaisip ako. Ibig sabihin, hindi talaga nagbayad si Ali sa doktor na tulad ng naririnig namin na balita.
“Alam mo Nikol, blessing ‘yan, pagbubuntis. Swerte sa negosyo ‘yan. Saka alam mo, gusto ko na nga rin magka-anak, kaya lang wala pa. Ano nga pala ang ginawa ninyo para mabuntis ka?” tanong ko muli kay Nikol na sinamantala ko na ang pagkakataon.
“Wala naman kaming ginawa,” sagot lang ni Nikol.
“Anong ibig mong sabihin?” tanong ko muli kay Nikol. Napatingin naman ito sa akin.
“Ang totoo wala naman talaga kaming plano na mag-anak, kaya lang nandito na ito,” sabi pa ni Nikol, na lalong nagkaroon ako ng interes na magtanong pa.
“Ibig sabihin ayaw mo ‘yan?” tanong ko pa muli kay Nikol. Pero hindi nagsalita si Nikol; tumango lang ito pero pansin ko na matipid talaga ang sagot niya at parang may itinago siyang lihim. Nakita ko ang mga mata ni Nikol na parang iiyak. “May problema ka ba? Sinasaktan ka ba? Baka may maitulong ako,” sabi ko kay Nikol.
“Wala ate, masaya na rin ako. Mahal ko si Ali at tanggap niya kami,” sabi pa ni Nikol sa akin.
“Ibig sabihin, anak mo lang ‘yan? Sino pala ang ama niyan?” tanong ko muli kay Nikol.
“Hindi ko alam kung sino sa kanila,” sagot bigla ni Nikol, sabay napatingin ako muli sa mata niya. Pero ilang sandali, biglang nagbago ang mukha ni Nikol, parang bigla itong sumigla at nakangiti na.
“Tapos na ba ‘ayan? Maganda pala, maraming bibili sa’yo ‘yan,” ang biglang sabi ni Ali nang lumapit sa amin.
Hindi na ako nakatanong muli kay Nikol dahil biglang iniba niya ang usapan namin nang nasa tabi na namin si Ali. Umuwi ako na nagtataka. Bakit ganun ang sagot ni Nikol? Sabi niya, hindi niya alam kung sino sa kanila—ibig ba niyang sabihin, marami sila? Tanong ko sa aking sarili. Pero kahit na ganun ang sinabi ni Nikol, lihim akong naiinggit sa kanya. Mabuti pa siya, buntis na. Saka napapangiti ako sa sabi ni Nikol; gusto ko rin ‘yun, gusto ko rin yung marami, ang sabi ko sa aking sarili.
“Mahal, mabuti pa si Nikol, confirmed na buntis na. Nakausap ko siya kahapon,” ang sabi ko kay Gerson nang nagkukuwentuhan kami isang gabi.
“Sana tinanong mo kung saang silang doktor.”
“Wala naman daw silang doktor na binayaran,” ang sabi ko kay Gerson.
Napatingin sa akin si Gerson. “Ano ‘yun, nagpabuntis sa ibang lalake si Nikol?”
“Parang ganun nga,” ang sabi ko kay Gerson. “Sana ako rin,” dagdag ko pa.
“Sige bukas, magpapa-check up tayo. Maghanap tayo ng doktor,” ang sabi ni Gerson.
“Bakit, meron ka bang isang milyon?” tanong ko kay Gerson.
“Wala, pero mag-iipon ako.”
“Kailan pa?” ang sagot ko na lang sabay talikod ko sa kanya.
“Huwag ka nang magtampo. Wala nga akong ganun na halaga pero sige, mag-suggest ka ng ibang paraan, yung hindi tayo masyadong gagastos,” ang sabi ni Gerson.
Ang totoo, may ideya na ako kung ano, pero ayoko naman sabihin kay Gerson. Ang gusto ko siya ang magsabi sa akin.
“Ikaw ang bahala, may naiisip ka ba?” ang tanong ko kay Gerson.
“Wala nga, baka ikaw may alam ka, share mo sa akin. Baka magkasundo tayo,” ang sabi pa ni Gerson.
“Tulad na lang noong kay Nikol,” ang sabi ko, na nagtaka rin ako kung bakit ko nasabi iyon.
“Anong paraan ba ‘yun na ginawa niya?”
“Hindi ko alam, ayaw naman nila sabihin,” sabi ko kay Gerson.
“Sige, magtatanong ako kay Buknoy bukas. Alam ko maraming alam na tsismis ‘yun,” sabi pa ni Gerson sa akin.
“Ganun ba? Ilan sila?” tanong ni Gerson kay Buknoy na narinig ko. Pero biglang tumigil sa pag-uusap ang dalawa nang makita ako na lumapit sa kanila. Hindi ko na lang pinansin. “Ano sabi ni Buknoy?” tanong ko kay Gerson. Si Buknoy kasi ay biglang umalis na dahil may delivery pa raw ito.
“Wala raw siyang alam,” ang sagot ni Gerson sa akin. Hindi na lang ako nag-usisa pa pero pansin ko na parang malungkot si Gerson. Nakita ko na biglang nagbago ang reaksyon niya sa sagot ni Buknoy kanina kahit hindi ko narinig.
Kung hindi siya gagawa ng paraan, ako ang gagawa, ang sabi ko sa aking sarili. Kaya nag-search ako ng mga doktor at iba pang paraan kung paano ang aking gagawin. Lalo akong nainggit kay Nikol kapag nakikita ko siyang naglalakad na kasama ni Ali at malaki na ang tiyan.
“Alam ko na excited ka na rin na maging ina. Pero kahit na mahal ang babayaran, gagawa ako ng paraan. May kausap na ako na doktor para diyan. Mga espesyalista talaga sila, kaya huwag ka nang mag-alala,” sabi ni Gerson sa akin.
Sa narinig ko naman, napangiti talaga ako. Kahit na gumastos kami, okay lang, ang sabi ko sa aking sarili.
“Kailan tayo pupunta sa doktor?” tanong ko kay Gerson.
“Baka next week, hinihintay ko lang ang loan ko.”
“Magagawa po natin lahat ‘yan, maghintay lang tayo ng tamang timing. Saka may risk dito: una, malaking halaga ang kailangan natin. Pwedeng maging successful, pwede rin namang failed. Kapag nabigo tayo, hindi na natin mababawi ang nagastos,” sabi ng doktor nang kausapin kami.
Parang akong nalula sa laki pala ng perang ilalabas namin. “Huwag ka nang mag-alala, kaya natin ‘yan,” ang sabi naman ni Gerson sa akin.
“Pag-isipan muna namin doktor,” ang sabi ko na lang, lalo nang nalaman ko na si Gerson mismo ang may deprensya sa amin. Saka maghahanap pa raw ng donor. Nagtanong si Gerson kung siya daw ba ang maghahanap ng donor; pwede naman daw ‘yun at mas makakatipid kami kung kami ang kukuha. Pwede raw kamag-anak ni Gerson para ka-bloodline din niya.
“Sino namang kayang kamag-anak ko ang pwede?” sabi ni Gerson sa akin.
“Sa mga kapatid mo,” sabi ko kay Gerson.
“Matatanda na ‘yun sila, saka mahirap na. Sa iba na lang,” sabi ni Gerson.
Pero nang makabalik na kami sa bahay, naabutan namin si Buknoy na abala sa paglilinis ng shop namin. Umulan kasi ng buong araw na iyon kaya may mga dahon at basura na nagkalat sa labas. Doon ay nakita ko si Buknoy na basang-basa ng pawis; nakahubad pa ito habang nagwawalis. Napatitig talaga ako sa pamangkin ng asawa ko. Si Gerson naman ay pumasok na sa loob ng bahay habang ako ay inayos ko ang aming paninda.
“Magkano raw ba kung may nakuha na tayong donor?” tanong ko kay Gerson.
“Malaki pa rin pero mababawasan lang daw ng kaunti,” sabi ni Gerson. “Tapos magbabayad pa tayo sa donor kahit paano.”
Doon ay napansin ko na napatitig din si Gerson sa kanyang pamangkin sabay tumingin sa akin. “Meron na tayong donor,” sabi ni Gerson sa akin habang nakangiti ito.
“Sino?” tanong ko agad. Hindi nagsalita si Gerson, bagkus ininguso lang niya si Buknoy.
Napatingin ako sa aking asawa. “Sigurado ka? Pumayag naman kaya ‘yan?”
“Ako na ang bahala na kuma-usap, basta wala kang sasabihin sa kanya,” sabi pa ni Gerson sa akin.
Masaya ako sa aking narinig. Magkakatotoo na ang pangarap ko, sabi ko sa aking sarili.
“Hello? Magkano lang pala ang ibibigay ninyo na loan sa akin? Kulang ‘yan!”
Medyo nagulat ako sa aking narinig na boses ni Gerson. Parang may kausap siya sa telepono. Kaya mula sa aking milk tea shop, sinilip ko si Gerson. Nakita ko na nakaupo ito sa sofa at nakakunot ang noo. Parang may problema siya sa kanyang kausap. Hindi ko na lang nilapitan dahil maraming bumibili ng milk tea ng oras na iyon.
Napansin ko ang lungkot sa mukha ni Gerson nang araw na iyon. Naawa ako sa kanya. Alam ko na na-pressure siya sa gusto kong mangyari; alam ko na naghahanap siya ng pera na kakailanganin namin. Maging kinabukasan, ganun pa rin ang nakita ko sa aking asawa—balisa ito at parang hindi mapakali.
“May problema ba?” tanong ko kay Gerson.
“Wala, okay lang ako,” sabi nito sa akin.
“Alam ko at ramdam ko kapag may dinadala kang problema. Asawa mo ako, mauunawaan kita, baka matulungan kita,” sabi ko pa kay Gerson sabay lapit ko sa kanya.
Umiling lang ito. “Sorry, pero hindi ako titigil hangga’t hindi natutupad ang gusto mo,” sabi ni Gerson sa akin.
“Anong ibig mong sabihin?” tanong ko agad dahil nakita ko talaga na nag-aalala siya at nag-sorry sa akin.
Doon ay unti-unti niyang sinabi, kahit na ayaw sana niyang sabihin. Hindi pala na-approve ang loan niya sa kompanya dahil may existing loan pa siya. Bibigyan naman siya pero maliit lang. Ang iniisip pala ni Gerson ay ang pambayad namin sa doktor. Nakita ko na pursigido si Gerson sa gusto ko, pero naawa naman ako sa kanya.
“Kaya huwag mo nang isipin ‘yan. Saka na lang kapag may pera na tayo, saka makakapaghintay naman ako.
Huwag ka nang ma-stress kakaisip diyan,” sabi ko kay Gerson.Napatingin naman ito sa akin. “Ikaw lang naman ang iniisip ko, pero sana maunawaan mo,” sabi ni Gerson sa akin.Lumapit ako kay Gerson sabay yumakap. “Kalimutan mo na ang bayad sa doktor. Malay mo isang araw magkaroon ng pagbabago, huwag lang tayong mawawalan ng pag-asa,” ang sabi ko ulit kay Gerson.
Nakita ko naman na biglang sumigla ang asawa ko. Para bang nabunutan siya ng tinik. Ramdam ko kasi na pressure siya sa sinabi ko, pero ngayon ako na mismo ang nagsabi sa kanya na huwag na naming ituloy ang plano sa doktor. Muling sumigla si Gerson.
Pero ang hindi nila alam, may plano talaga ako. Kung hindi kami pwede at wala kaming pambayad sa artificial, mas maganda kung sa natural na paraan na lang at iyon ang gagawin ko na hindi ko ipapa alam sa asawa ko sa tulong ng kanyang pamangkin na si buknoy
ITUTULOY…..