-
Isang video ang pinagkakaguluhan ngayon online kung saan ay kitang-kita mo ang ginawang pagbaril ng isang lalaki sa kaniyang karelasyon na member din ng LGBTQA plus community. Base sa report ay selos ang dahilan na nagtulak sa suspect para paslangin ang kanyang mahigit isang taon ng karelasyon na empleyado ng isang sikat na clothing store sa isang mall sa Lucena City.
-
Dead on the spot ang 24 years old na biktimang kinilalang si Jason Suleta. Patay rin ang isang Becky matapos barilin ng kanyang ex. March 5, 2026. Isa lamang itong ordinaryong araw para sa mga mamamayan ng Lucena City. Pasado 10 ng umaga ay abala pa ang mga pamilihan sa kahabaan ng Enrique Street sa Barangay 4, Lucena City.
-
Sa lugar na ito, matatagpuan ang mga tindahan ng dry goods sa Lucena gaya ng cellphone shops, footwears, clothings at iba pa. Bandang 10:45 ng umaga habang abala pa ang mga tao sa nasabing mga pamilihan ay nagulat sila sa umalingawngaw na putok. Maya-maya pa ay nagkakagulo na ang mga tao sa labas ng isang tindahan ng mga tsinelas. Sa loob kasi ng nasabing tindahan, nagmula ang putok.
-
Bagamat’t naibaba ng roll up ay ng nasabing tindahan ay na-curious ang mga tao kung ano ang nangyari. Makalipas ang ilang minuto, ganap na 11 ng tanghali ay dumating na ang mga members ng Lucena City Police sa lugar. Nang muling buksan ng roll up ng tindahan ay doon na nga tumambad ang nakahandusay na katawan ng isang lalaki.
-
Naliligo ito sa kanyang dugo dahil sa tinamo niyang tama ng bala ng baril sa kanyang batok. Ang biktima ay agad din namang nakilala na ang 24 years old na si Jason Zuleta. May 30 taong 2021 nang isilang ang isang malusog na batang lalaki na pinangalanan ng kanyang mga magulang na Jason Suleta. Bunso si Jason sa magkakapatid kaya naman labis ang pagmamahal na natatanggap nito mula sa kanyang mga magulang at mga kapatid.
-
Lumaki si Jason na isang bibo at masiyahing bata. Kapansin-pansin din ang gwapo at maamo nitong mukha. Bagamat lihim na hinangaan ng ilang mga kababaihan nang magbinata ito ay iba ang nais ng binata. Si Jason kasi ay member ng LGBT QI plus community. Bagam’t hindi nagsusuot ng kasuotang babae ay walang interest si Jason sa mga kababaihan dahil ang kanyang puso ay tumibok sa katulad niya ding member ng LGBT QIA Plus community sa katauhan ni Fata Ismail Faisal.
-
Tulad ng iba ay sinubok din ng maraming problema ang pamilya ni Jason kasama ang financial. Kaya naman makapagtapos ng high school sa Quezon National High School ay pinili ni Jason na maghanap na ng trabaho para matulungan ang kanyang mga magulang at mga kapatid. Kalaunan ay natanggap ito bilang empleyado sa isang sikat na clothing apparrel sa isang mall sa Lucena na nagtitinda ng mga mamahaling barong at suits.
-
Taong 2024 ay nakilala ni Jason si Fata Ismail Faisal na residente ng Barangay Market View, Lucena City o mas kilala nila sa tawag na Fat. Ang pamilya ni Fat ay nagmula sa Kotabato at nabibilang sila sa mga kababayan nating mga maranao. Kilala ang mga Maranao sa kanilang husay sa negosyo ng buy and sell. Dahilan para mapadpad ang pamilya sa Lucena City.
-
Mabilis na naging malapit ang dalawa lalo na at pareho sila ng mga hilig hanggang sa tuluyan na nga nilang seryosuhin ang kanilang relasyon. Marahil sa iba ay hindi tanggap ang kanilang pagmamahalan. Pero sa pamilya ni Jason ay tinanggap nila si Fat na member ng kanilang pamilya. Minahal nila ito tulad ng pagmamahal nila sa bunso nilang kapatid na si Jason.
-
Lalo na nga at nakikita nila na masaya si Jason kay Fat. Nagagawa kasi nitong sabayan ang lahat ng trip ni Jason maging sa pagsasayaw at paggigimik. Mabait na tao at masiyahin. Ganyan ang pagkakakilala ng pamilya sa mga kaibigan at mga kaibigan ni Jason sa novong nitong si Fat. Kaya naman lahat sila nagulat na mabalitaang ito ng taong walang awang pumaslang kay Jason.
-
Saksi kasi ang pamilya at mga kaibigan sa pagmamahalan ng dalawa. Maging sa social media ni Jason na may 11,000 followers ay proud nitong fin-flex ang larawan nila at mga video kasama ng mga matatamis na mensahe. Subalit ang lahat ng ito pala ay matatapos sa isang karumal-dumal na krimen. Pagdating ng mga pulis sa lugar agad silang sinalubong ng isang lalaki na nagpakilalang bayaw ng suspect.
-
Kanila umano ang tindahan ng tsinelas kung saan naganap ang krimen. Positibo ding sinabi nito na ang bumaril sa biktima ay ang kanyang bayaw na si Fata Ismail Faisal. Nakipagtulungan din ito at ibinigay sa mga imbestigador ang kuha ng CCTV camera sa loob ng tindahan na siyang malakas na ebidensya at makakapagsabi kung ano ba talaga ang tunay na naganap.
-
Inilabas na ng autoridad ang video footage ng aktwal na pagbaril ng lalaki sa kaniyang kaibigan sa loob ng tindahan sa Lucena City kahapon ng umaga. Sa kuha ng CCTV sa loob ng tindahan ay makikitang magkasama sa loob ang biktima at suspect. Abala ang biktima na tila may sinisiasat na kulay pink na damit habang hindi naman mapakali ang suspect na nakasuot ng kulay puting long sleeve.
-
Ilang beses itong nagpabalik-balik habang may sinasabi sa kausap. Maya-maya pa ay makikita itong may dinampot na paper bag at pumasok sa loob. Paglabas nito ay pumwesto ito sa likuran ng abala pa ring biktima. Ilang sandali pa, makikita na ang kamay ng suspect na may kinuha sa kanyang likurang baywang. At dito na nga makikita sa kanyang kanang kamay ang isang baril na itinutok nito sa batok ng biktima at ipinutok.
-
Nang bumagsak ang biktima ay bumagsak din ang suspect dahil sa lakas ng putok ng baril. Nagulat naman at bumalikwas ng tayo ang lalaki na nakaupo sa labas. Maririnig sa audio ng CCTV na tinanong nito si Fat sa kanilang wika at sinabing ano yon? Sumagot ang suspect na nabaril ko siya.
-
Matapos nito ay natataranta nitong inutusan ng lalaki na ibaba ang roll up ng tindahan. Bahagya itong ibinaba ng lalaki bago inutusan ng suspect na umalis na at tumakas. Naiwan naman ang nakahandusay na katawan ng biktima sa loob ng tindahan. Base sa imbestigasyon ng PNP ay magdadalawang taon ng magkarelasyon ng suspect at ang biktima.
-
Bagam’t nito lamang mga nakaraang araw ay humingi ng space ang biktima sa suspect. Nasasakal na kasi ito sa labis na pagiging seloso ng suspect at naaapektuhan na din ang kanyang trabaho. Kaya naman hiniling nito na magkaroon ng space para makapag-isip-isip kung dapat na bang tapusin ang kanilang relasyon o dapat pang ipagpatuloy. Isa pang dahilan nito ay para makapag-focus ito sa kanyang trabaho.
-
Ang desisyon na ito ng biktima ay hindi nagustuhan ng suspect at labis nitong dinamdam. March 5, 2026 ay nakatanggap ng message ang biktima mula sa suspect. Sinabi nito na dumaan siya sa tindahan bago pumasok para ibalik ang damit na hiniram. At gaya nga ng inaasahan ay dumaan si Jason sa tindahan ng tsinelas kung nasaan ang biktima para ibalik ang damit.
-
Hinangar pa ito ni Jason at tiningnan kung may sira. Napansin umano ng biktima na may mga tastas sa laylayan ng damit. Kaya naman abala si Jason para ayusin ito. Sa katunayan, inabutan pa siya ng suspect ng sinulid at karayom. Lingid sa kanyang kaalaman na may masama pala itong binabalak. Ayon sa report ay normal lamang na nag-uusap ang dalawa, walang sagutan, hindi nag-aaway o nagtatalo ng bigla na lamang itong barilin ng suspect.
-
Matapos ang ginawa ay mabilis na tumakas ang suspect at hanggang ngayon ay hindi pa nakikita ng mga pulis. Bagamat puspusan naman ang ginagawa nilang manhunt operation. Nanawagan na rin sila maging ang pamilya ni Jason sa lahat. Kung sino ang makakita o may impormasyon sa kinaroroonan ng suspect ay agad itong ipagbigay alam sa kinauukulan.
-
Nagtamon ng tama ng bala si Jason sa kanyang batok na siyang naging dahilan ng agara niyang kamatayan. Sa ngayon ang kanyang katawan ay nakalagak sa kanilang tahanan sa Lucena City. Labis ang pagdadalamhati ng pamilya Suleta sa pagkawala ni Jason o mas kilala nila sa tawag na ison.
-
Ayon sa pamilya ay mabait ito at walang tinatapakang tao. Napaka-family oriented. Sa katunayan ay lagi nitong iniisip ang kanyang pamilya at mga kapatid. Sa tuwing mamimili ito ng grocery ay sinasabay na rin nito ang mga pangangailangan ng kanyang pamilya. Labis na pagmamahal umano ang dahilan kaya nagawa ito ng suspect sa biktima. Subalit tandaan na kailan man ay hindi magiging sapat na dahilan ng pagmamahal para manakit o pumatay.
-
dahil ang tunay na pagmamahal ay hindi marahas at hindi mapanakit. an
-
palag Maraming salamat po sa inyong patuloy na pagtangkilik ng atin pong mga videos. Huwag niyo pong kalimutang mag-iwan ng inyong salouin at suggestion sa atin pong comment section.
News
Isang linggo bago ang kasal, sinabi sa akin ni Cody na ipahiram ko ang aking wedding gown sa kanyang “Great Love” o First Love.
Isang linggo bago ang kasal, sinabi sa akin ni Cody na ipahiram ko ang aking wedding gown sa kanyang “Great Love” o First Love. “Unang beses na lalakad si Lianne sa red carpet pagkauwi niya ng Pilipinas, kailangang maging napakaganda niya. Pagkatapos ng event, ibabalik…
BIGLA AKONG S!NAMP4L NG GF KO NANG MAGISING SIYA ISANG UMAGA HABANG MAGKATABI KAMI SA KAMA. SABI NIYA MAY BABAE DAW AKO SA PANAGINIP NIYA. AT ANG MGA PANAGINIP DAW MGA SIGNS DAW YUN AT IBIG SABIHIN DAW AY TOTOO YUN, KAYA IYAK NA SIYA NG IYAK DAHIL MERON DAW AKONG BABAE KAHIT SABI KO WALA
BIGLA AKONG S!NAMP4L NG GF KO NANG MAGISING SIYA ISANG UMAGA HABANG MAGKATABI KAMI SA KAMA. SABI NIYA MAY BABAE DAW AKO SA PANAGINIP NIYA. AT ANG MGA PANAGINIP DAW MGA SIGNS DAW YUN AT IBIG SABIHIN DAW AY TOTOO…
INIWAN KO SILA SA HAPAG-KAINAN DAHIL SA BASTOS NA JOKE NI TITO
INIWAN KO SILA SA HAPAG-KAINAN DAHIL SA BASTOS NA JOKE NI TITOMinsan talaga, kung sino pa ang kadugo mo, sila pa ang unang tumatama sa pride mo.Nagtipon-tipon ang buong pamilya para sa isang masayang reunion—yung tipong maraming pagkain sa mesa,…
PINALAYAS KO ANG SIL(Sister-in-Law) KO SA BAHAY NAMIN DAHIL HINDI SIYA TUMUTULONG SA GAWAING BAHAY
PINALAYAS KO ANG SIL(Sister-in-Law) KO SA BAHAY NAMIN DAHIL HINDI SIYA TUMUTULONG SA GAWAING BAHAYMay mga pagkakataon talaga na kahit gaano ka kapasensyoso, darating ang punto na mapupuno ka rin.Lalo na kapag ang isang tao ay nakikitira na nga lang…
HINDI AKO FREE-TAKER NG ANAK NG IBA KAYA KAHIT NAKATUNGANGA LANG AKO SA BAHAY AYAW KONG MAG-ALAGA NG PAMANGKIN
HINDI AKO FREE-TAKER NG ANAK NG IBA KAYA KAHIT NAKATUNGANGA LANG AKO SA BAHAY AYAW KONG MAG-ALAGA NG PAMANGKINMinsan, ang hirap kapag ang tingin ng pamilya mo sa “rest day” mo ay “extra time” para sa kanila.Akala nila dahil wala…
BIGLA NA LANG NASA SALA NAMIN ANG KAPITBAHAY NAMIN—KAYA NAPABILI AKO NG DOBERMAN PARA MATUTO SIYANG KUMATOK
BIGLA NA LANG NASA SALA NAMIN ANG KAPITBAHAY NAMIN—KAYA NAPABILI AKO NG DOBERMAN PARA MATUTO SIYANG KUMATOKMay mga kapitbahay talagang parang may invisible pass sa bahay mo kahit wala naman talaga.Tawagin niyo na lang akong Lena.Tahimik lang sana ang buhay…
End of content
No more pages to load