NILOCKAN AKO NG ASAWA KO KAHIT UMUULAN AT BUNTIS PA AKO DAHIL DAW HINDI AKO NAKIKINIG SA KANYA……

Hi Ambenture. Please call me Nova, 27. Married, may dalawang anak at kasalukuyang buntis.

May asawa ako si Jeffrey, 29, Data analyst.
Hindi naman maselan ang pagbubuntis ko kaya nakakagalaw galaw parin ako.

Hormones + pagod + dalawang batang makukulit sa bahay = combo meal.

Work from home ang asawa ko, ako naman juggling sa kids at small online selling. Halos hindi na nakakalabas ang mga bata. Puro tablet, Roblox at away sa remote.

Kaya nung Saturday. Perfect yung weather walang ulan, medyo maulap lang pero presko ang hangin. Hindi mainit, hindi rin malamig. Perfect para maglaro sa labas ng gate ang mga bata.

Sabi ko kay Jeffrey habang nagkakape siya at nagwowork:

“Palabasin ko lang sila sandali. Para hindi lang sa loob nakatambay.”

Sumagot siya agad,
“Huwag na. Baka mapagod at baka magkasakit pa sila.”

Sabi ko, “Saglit lang. Sa tapat lang ng bahay natin. Ang mga bata kailangan din nilang lumabas para maglaro.”

Hindi siya sumagot at ayaw makipagtalo sakin.
Binihisan ko ang mga bata. Inihanda yung scooter nila at bike.

Wala pang sampung minuto, lumabas si Jeffrey sa pinto.

“Pasok na kayo.”

Kinuha niya yung dalawang anak namin pinapasok sa loob. Ako ang naiwan, may inayos lang ako yung scooter at bike nila. Sinarado ko din ang maliit naming gate.

Pagbalik ko sa main door…
Naka-lock na.

Una kong reaction, baka hindi niya lang sinadya o napansin.
Kumatok ako at alam kong naririnig ng asawa ko yun.

Walang sagot.
Tinawagan ko phone niya.
Ring lang.

Tinext ko siya.
“Buksan mo.”
Seen.

Dagdag ko pa, “Jeffrey, buksan mo ang pinto.”

Seen ulit.

Habang nakatayo ako sa labas, biglang pumatak ang ulan. Naiirita na ako sa asawa ko dahil sinabihan na siya ng anak namin na.

“Si Mommy nasa labas.”

(Rinig ko kasi ang boses ng anak ko)

Pero pinigilan niya na buksan nila ang pinto.

Nabasa ang buhok ko. Yung damit ko dumikit na sa balat ko. Naiihi pa ako.

Mga 20 minutes, dun palang siya lumapit sakin at binuksan ang pinto.

Pagbukas niya, nakatingin siya sakin.
Sabi niya,

“Lesson yan. Sumunod ka kasi next time.”

Hindi ako sumagot. Diretso ako sa banyo. Naligo ako at nagpalit ng damit. Sobrang naiinis ako sa ginawa ng asawa ko pero hindi ako umiiyak.

May nag-lock lang sa utak ko.
After ko mag-ayos, sinabi ko sa kanya,

“Jeffrey, naiwan yung laruan sa labas. Paki-kuha naman para sa mga bata.”

Sinunod niya ako, lumabas siya.
Pagkalabas niya, dali dali akong lumapit sa pinto sinara ko ang pinto.
Nilock ko din, umuulan pa yun.

Hindi ako sumagot sa katok niya. Hindi ko sinagot ang tawag niya. Nagtatrabaho pa siya that time. May meeting pa siya.

Dalawang oras ko siyang hindi pinagbuksan.
Naririnig ko siya sa labas. Galit na galit sakin. Nagmumura na hindi niya usually ginagawa.
Pero hindi niya naisip na ginawa din niya sakin yun.

Pagbukas ko ng pinto, basa na siya. Galit na galit sakin na parang sasamp4lin. Hindi na niya ako kinakausap hanggang ngayon.

Wala na akong pake.

Kung kaya niyang i-lock ang buntis niyang asawa sa labas para turuan ng “lesson,”
kaya ko ring ipaalala sa kanya kung ano ang pakiramdam ng nasa labas.

At kung may dapat intindihin sa bahay na ‘to, hindi ang ugali niya kundi yung babaeng may dinadalang anak sa sinapupunan