-
Maaga pa lang ay gising na ang buong barangay sa sikaw ng mga tindero yapak ng mga naghahabol sa eskwela at ingay ng mga tricycle. Ngunit sa maliit na barong-barong sa tabi ng kanal, mas maaga pang bumabangon si Mang Joniso, isang magtataho. Ang amang bumubuhay sa pamilya sa pamamagitan ng dalawang timba at isang mahabang lakad araw-araw.
-
Madalas bago pa sumikat ang araw, pinagmamasdan siya ni Dino, ang kaisa-isang anak nila ni Aling Ignasya. Nakikita niya ang pagod sa mukha ng Ama. Ang mga pinong linya sa noo. Mga kamay na parang laging may latik at balikat na tila pa sanaang bigat ng tahanan. Kahit ganoon, hindi nawawala sa ama ang munting ngiti habang inaayos ang taho.
-
Tila ba ang bawat sandok ng Arnibal ay panibagong pag-asa para sa kanilang tatlo. Si Aling Ignasia naman ay maagang nagwawalis sa bakuran. Simpleng ginang na may maamong mukha. Pagod ngunit makikita mo ang pagmamahal sa mga mata. Kapag may tumawag na kapitbahay, nag-e-extra siyang labandera. Basta’t may maiuwi lamang siyang dagdag pambili ng kanilang makakain.
-
Ganito ang buhay ni Dino mula pagkabata. Kahit kailan hindi siya nagkaroon ng birthday na may handaan. Sa tuwing paparating ang kanyang kaarawan, isang yakap lang mula sa kanyang ina at isang daho mula sa kanyang ama ang tanging maaasahan niya. Noong siya’y nasa elementary na, sanay siyang manood lamang sa malalaking handaan ng mga kaklase may spaghetti, cake at minsan pa nga ay Jollibee pa.
-
Siya naman pasimpleng nakangiti habang pinapanood sila. Kahit sa loob niya ay merroong kirot na hindi niya maipaliwanag. Madalas merroong kumukurot sa puso ni Lino. Kailan kaya ako magkakaanda tulad nila? Pero sanay siyang manahimik. Sanay siyang tanggapin ng kakulangan. Sa eskwela, madalas siyang inaasar dahil mahirap lamang sila.
-
Ang ilan, pinanditirihan pa ang amoy ng damit niya tuwing hindi kaagad natuyo dahil sa kakulangan sa sampayan. Ngunit sa kabila ng lahat hindi siya naging reklamador. Tahimik lang siyang nakayuko, hindi lumalaban. Lalo na kapag si Amber ang nanunukso sa kanya. Ang kilalang bully. Sa kabila ng lahat, mataas ang mga pangarap ni Lino.
-
O at mahihiyain siya. Pero madalas siyang mangarap. Sa tuwing papalapit ang kaarawan niya, ikinukuhit niya sa kanyang isip ang isang munting mesa na may pansit, isang pitsal ng juice at ilang malalapit na kaibigan. Para sa kanya, sapat na yon para maging espesyal ang isang araw. Ngunit ngayong nasa high school na siya, papalapit na ang kanyang ikaingatong kaarawan.
-
Hindi niya alam na magbabago ang takbo ng buhay niya. Nasa kusina siya noon. Nag-aayos ng kanyang notebook nang biglang magsalita ang kanyang ina. Anak, gusto mo bang mag-imbitan ng mga kaibigan mo sa birthday mo? Magluluto tayo kahit simple lang. Makapagsalo-salo kayo. Para bang tumigil ang mundo ni Tino. Parang biglang gumaan ang dibdib niya at merroong liwanag na sumilay sa mga mata niyang sanay sa kakulangan.
-
Hindi niya napigilan ang kanyang iti. Hindi niya napigilan ang matagal na niyang pangarap na unti-unting nagkakahugis. Sa kauna-unahang pagkakataon, magkakaroon siya ng handa at sa una ring pagkakataon, may pagkakataon siyang maramdaman ng saya ng may kaarawan. Hindi pa niya alam na ang pangarap na ito ang magbubukas ng pinto sa sakit, kahian, paghihikanti at ang pag-angat.
-
Pagkasabi ng kanyang ina na maaari siyang mag-imbita para bang hindi makapaniwala si Tino? Sanay siyang tumatanggi, sanay siyang umiiwas, sanay siyang mangarap ng tahimik. Pero ngayon mismong mga magulang niya ang nagbibigay ng pahintulot at higit sa lahat ng pag-asa. Talaga po inay. Maganda po tayo. Ngumiti si Aling Ignasya.
-
Isang ngiting puno ng unawa at pagmamahal. Oo anak, kahit simple lang. Gusto naming maramdaman mo rin kung ano ang may handa. Si Mang Jon naman nakakarating lang mula sa paglalako ay tumango habang ibinababa ang mabigat na taho container. Pag-iipunan natin yan anak para sao. Hindi alam ni Tino kung iiyak ba siya o tatalon sa tuwa.
-
Noon lang niya naramdaman na may isang bagay sa mundong kay tagal na niyang hinihintay na ngayon ay abot kamay na niya. Kinabukasan, pagpasok sa paaralan, kumabog ang dibdib ni Dino. Hindi siya sanay na mag-imbita. Hindi siya sanay na lumapit sa mga kaklase para sa anumang sosyal na bagay. Baka pagtawanan lamang siya, baka tanggihan, at baka maliitin pa ang bahay nila. ‘Yun ang kanyang nasa isip.
-
Pero naalala niya ang ngiti ng kanyang ina kagabi at naalala niya ang pagod na pagod ngunit masayang mukha ng kanyang ama. Kaya huminga siya ng malalim at nilapitan ang mga malalapit sa kanya. Sina Mark, Benjo at Rickie. Ah ano? Birthday ko sa Sabado. Punta kayo sa bahay namin ha kung gusto niyo lang naman. Halos hindi lumabas ang boses niya dahil sa hiya.
-
Ngunit nagulat siya nang sabay-sabay na ngumiti ang tatlo. “Talaga? Pupunta kami.” Sabik na sabi ni Mark. “Uy, may handa ka? Astig yan.” Dagdag pa ni Benjo. “Aba dapat lang. Birthday mo yun eh.” Masayang sambit naman ni Trixy. Napangiti si Dino. Ito ang unang beses na may tunay na sumaya para sa birthday niya.
-
Habang nag-uusap sila, dumaan si Amber kasama sina Leon at Louis. Narinig nila ang lahat ng pinag-usapan. Ay, may birthday ka pala, Tino. Malakas na sabi ni Amber. Ngiting aso, punong-puno ng pang-aasar. Oo, sagot ni Dino ng mahina. Sama kami ha. Singit ni Amber na hindi nag-aantay ng sagot. Masarap ba ang handa niyo? Baka naman corn beef lang yan ah.
-
Sabay tawa nila yon. Baka sabaw lang ng pansit. Dagdag pa ni Louis. Napayo si Dino. Gusto na sana niyang tumanggi pero ano Dino imbitado kami hindi ba? Napangiti si Amber pero hindi ito isang ngiti ng kaibigan. Ngiti ito na naghihintay ng pagkakataong manlait. Hindi tuloy alam ni Dino ang kanyang gagawin. Nakatingin sina Mark at Benjo sa kanya.
-
Parang gustong pigilan siya. Pero nauuna ang kabaitan niya kaysa sa katotohanan. Oo, sige. At doon siya nadulas dahil sa kanyang pagpayag. Parang may malamig na dumaloy sa kanyang dibdib. Ramdam niyang mayang susunod na mangyayari. Samantala, habang pauwi ay masaya pa rin siya kahit may halong kaba.
-
Pagdating sa bahay, sinabi niyang nakapag-imbita na siya. At sino-sino ang pupunta, anak? Tanong ng mama niya. Pinanggit niya isa-isa. Nang malaman ni Aling Ignasya na pati grupo nina Amber ay darating, napaatras ito ng kaunti. Ay anak, sigurado ka ba? Hindi sila mababait sa’yo, hindi ba? Ngunit mabilis na ngumiti si Dino. Pilit ngunit puno ng pag-asa.
-
“Nay, baka magbago na po sila.” Si Mang Jonic naman habang naglilinis ng taho container ay tumingin sa kanya ng may pag-aalinlangan. Pero nanaig ang pag-unawa. Sige anak, maghahanda tayo. Gawin natin ong espesyal para sa’yo ha. At doon mas tumibay ang pangarap ni Dino na sa wakas magkakaroon siya ng araw na tunay na kanya.
-
Pero hindi pa niya alam na sa likod ng tuwang iyon may aral na magpapabago sa buong takbo ng kanyang buhay. Dumating nga ang araw ng Sabado. Ang araw na matagal ng hinihintay ni Dino. Mas maaga pa sa manok ay gising na si Aling Ignisya. Nag-iinit ng mantika para sa Shanghai. At hinihiwa na ang gulay para naman sa pansit.
-
Si Mang Jon ay naghatid muna ng ilang order ng taho bago umuwi para tulungan sila sa paghahanda. Si Dino sa unang pagkakataon ay nag-ayos ng sarili ng mayingiti na hindi matanggal sa kanyang labi. Suot niya ang pinakamaayos niyang polo. Hindi bago pero malinis at plantsyado. ilab bawat himaymay ng tela ay kumakatawan sa pangarap niyang maranasan ang isang normal na kaarawan kahit simpleng simple lang.
-
“Nay, ang bango po ng pansit.” Masayang wika niya habang lumalapit sa mesa. “Oo anak. Gusto kong espesyal ‘to kahit papaano.” sagot ni Aling Ign halatang pagod ngunit masaya. Tay, uuwi po ba kayo kaagad? Tanong ni Dino habang inaayos ang baso. Oo anak. Magpapalit lang ako ng damit ha. Gusto kong makita yung unang handa mo.
-
Tipid ngiti ni Mang Jonicio. Pagod manay punong-puno naman ng galap. Maya-maya ay unti-unti ng dumarating ang mga tunay na kaibigan ni Dino. Sina Mark, Benjo at Trixie. Uy, ang saya dito ah. Animark, masarap yung pansit nay. Ang galing niyo po. Bati naman ni Benjo kay Aling Ign. Napangiti si Dino.
-
Ang simpleng papuri para sa kanya ay parang musikang gumagaan ng puso. Hindi nagtagal. Dumating na rin ang pinakakinian niyang wala sana ang grupo nina Amber, Leon at Louis. Nakangiti sila pero hindi yung masayang ngiti. Kung hindi yung ngiting may masamang binabalak. Ay ito na ba yung handa? Tanong ni Amber sabay tingin sa lamesang may pansit, shanghai, tinapay at pineapple juice.
-
Hm. Wala po bang fried chicken? Pangungutya ni Leon. Ay na nga ba yung sinasabi kong budget meal lang eh. Dagdag naman ni Louis sabay tawa. Napatigil sina Dino at mga kaibigan niya. Napakagatlabi si Dino pero ngumiti pa rin. Hindi niya hinayaan na masira ang araw na ito. Pero hindi nagpaawat si Trixy.
-
Kung ayaw niyo sa handa, umalis na lang kayo. Mataray niyang sabi. Oo nga. Dagdag pa ni Mark. Birthday ni Dino. Dapat marunong kayong rumespeto. Namilog ang mga mata ni Amber. Ang taas ng preg niyo ah. Etong si Tino. Siya ‘yung nag-imbita sa amin pero walang maayos na handa. Hindi nagtagal ay may narinig silang yapak sa labas.
-
Maya-maya pa ay pumasok si Mang Jonicio. Pawis na pawis ito. Bitbit ang lalagyan ng taho. Kakatapos lang niya sa paglalaro. “Ta manano po?” bungad ni Dino na masayang sinalubong ang kanyang ama. Pero bago pa makalapit si Mang Junicio sa mesa, rinig na rinig ang bulung-bulungan nina Amber. Yan pala ang tatay niya. Magtataho lang. Sabi ni Leon na may halakhak.
-
Kaya pala walang fried chicken dito eh. Sabat ni Louis. Yan na ang sagot sa mga tanong natin. Pangiinsultong dagdag naman ni Amber. Tumigil si Dino. Unti-unting sumikip ang kanyang dibdib. Napalingon siya sa kanyang ama. At kahit nakangiti si Mang Junicio, nakita niya ang pagkirot sa likod ng mga matang sanay sa hirap ngunit hindi kailan man sa panghahamak.
-
Tinapik ni Mang Junicio ang balikat niya. Asikasuhin mo na muna ang mga bisita mo anak. Magpapalit lang ako ha. mahina itong sabi. Pero kahit banayad ang boses, ramdam ni Dino ang sugat na iniwan ng mga salitang binitawan ng kanyang mga kaklase. Natapos ang handaan pero hindi na kasing saya. Habang nakaupo si Dino sa may bintana, tila nawala ang kinang sa kanyang mga mata.
-
“Anak, may problema ba?” tanong ni Aling Ignasya. Nay, ininsulto po nila si tatay. At doon ay tuluyan na ngang bumulwak ang luas sa mga mata ni Dino. Sana po hindi ko na lang sila inimbitahan. Hindi niya alam na sa likod niya ay naroon si Mang Jonicio. Anak, hindi nakakahiya ang pagiging magtataho.
-
Nakangiti ito ngunit may bigat sa kanyang boses. Ang nakakahiya ay yung kumakain mula sa masama. Huwag mo ng dibdibin yun anak ha. At doon ay may nabuo sa puso ng batang si Dino. Isang pangako, hindi niya nahahayaang muli silang maliitin ng kahit sino. Sa araw ding iyon, opisyal na niyang sinimulan ang paglalakad patungo sa pangarap na mag-aangat sa pamilya nila.
-
Kinabukasan mula ng matapos ang kaarawan niya. Habang tahimik na kumakain ang pamilya, ramdam ni Dino ang bigat na nakapatong sa kanyang dibdib. Kahit gaano siya kasaya na sa wakas ay nagkaroon siya ng handa. Mas malakas ang kirot ng mga salitang narinig niya. Hindi para sa sarili niya.
-
Kung hindi para sa kanyang amang buong buhay ay nagsasakripisyo para sa kanila. Pagkatapos kumain, lumapit si Dino sa bintana. Pinagmasda niya ang dilim ng labas. Ang bahagyang pag-uugang dahon ng saging sa hangin at ang mumunting ilaw ng mga bahay sa paligid. Tahimik ang gabi pero sa loob niya ay may unos na hindi niya maipaliwanag. Lumapit si Aling Ign at dahan-dahang hinawakan ng likod niya.
-
“Anak, nasaba ba ang loob mo kay tatay?” Umiling si Dino, ngunit biglang tumulo ang kanyang luha. “Hindi po sa kanya, Nay. Kung hindi siya ginawa ng mga kaklase ko. Nanginginig ang boses niya. Tinawag nila si tatay na magtataho lang, mabaho at mahirap lang. Parang walang kwenta si tatay sa harapan nila.
-
Narinig po ni tatay ang lahat ng yon at nakita ko po yung mga mata niya. Nasaktan po siya. Hinaplos ni Aling Ignasya ang buhok ng anak. Anak, hindi lahat ng tao ay marunong rumespeto pero hindi ibig sabihin non na mababa tayo. Hindi nila namalayang nasa likod pala nila si Mang Jonisho. Bitbit ang lumang tuwalya para punasan ang pawis matapos magligpit ng mga gamit.
-
Anak, malumanay na tawag ni Mang Junicio. Nagulat si Dino agad na nagpunas ng luha. Tay, pasensya na po. Nadamay pa po kayo. Ngumiti ang ama. Isang ngiting puno ng pag-unawa kahit may bakas ng sakit. Walang nakakahiya sa trabaho ko, anak. Ang nakakahiya eh ‘yung nangmamaliit ng kapwa kahit wala namang napapatunayan pa.
-
Hindi ako nasaktan dahil magtataho ako. Nasaktan ako kasi ikaw ang nasaktan para sa aking anak. At doon parang may nabasag sa loob ni Dino. Isang kahinaan na pinaghalo ng galit, hiya at pangarap. Tay, nay! Huminga siya ng malalim parang may pinaon sa kanyang puso. Nangako po ako sa sarili ko na mag-aaral po ako ng mabuti. Hindi ko po hahayaan na lagi na lamang nila tayong mamaliitin.
-
Gagawin ko po ang lahat para maipagmalaki niyo ako at para hindi na rin po kayo hinahamak ng iba.” Napatigil si Mang Jono. Pinigil niya ang kanyang pag-iyak. na matagal ng nakabaon sa kanya. Barahang lumapit ang ama na may buong pagmamahal at hinawakan ng balikat ng kanyang anak. Hindi mo kailangang patunayan sa mundo anak kahit ngayon pa lang proud na kami sao.
-
Pero kung yan ang pangarap mo ay susuportahan ka namin hanggang sa dulo. Tumulo ang luha ni Tino. Pangako po tay. Nay, hindi ko po kayo bibiguin. Kinabukasan, ibang tino ang nagising. Hindi na siya ‘yung batang tahimik na tumatanggap ng pangasar. Hindi man siya palaway, alam niyang may kailangang magbago. Pumasok siya sa eskwela na may bagong determinasyon habang ang iba ay nagkekwentuhan pa patungkol sa birthday niyang pinagtawanan ng ilan.
-
Tumahimik lang siya pero sa puso niya ay may apoy na hindi nila kayang apulahin. Sa klase, mas mabilis siyang nagtaas ng kamay, mas matyaga siyang makinig at mas determinado siyang gumawa ng takdang aralin. Mas nagtatagal na siya sa library. Humihingi na siya ng tulong sa kanyang mga guro at mas nag-focus siya sa kanyang pag-aaral kaysa sa mga taong nanlalait.
-
Napansin ito ng mga kaibigan niya. Tino, grabe ka na ngayon ah. Puna ni Trixy. Level up. Biro ni Benjo. Mukhang nag-iiba ka, pre ah. Sabat naman ni Mark na kitang-kita ang pagka-proud sa mukha nila. At mula noon, araw-araw siyang umuuwi kin Mang Junicio na may kwentong bago patungkol sa kanyang pag-unlad. At sa bawat maliit na tagumpay, doon niya inaalala ang araw ng kaarawan niya.
-
Ang araw na sinaktan siya. Oo. Pero doon rin niya natutunang tumayo. Hindi niya alam na ang pangakong iyon ang magiging susi ng kinabukasan niyang hindi niya inakalang mararating. Simula kasi noong gabing narinig ni Dino ang mga panlalait na salita para sa kanyang ama, hindi na yun nawala sa kanyang isip. Habang nakahiga siya, tanging isang bagay ang paulit-ulit na umiikot sa kanyang isipan.
-
Ang pagod, pawis at ang itin ng kanyang tatay na kahit halata ang sakit ay pinili pa ring maging matatag para hindi siya madamay. At doon sa katahimikan ng gabing iyon, nagsimula na naman ang isang pangarap na ni minsan ay hindi niya naisip noon. Ito ay ang makabawi, ang makatulong at ang magtagumpay para sa kanyang pamilya. Kinabukasan pagdilat pa lamang ng mga mata ni Dino.
-
Sinalubong niya ang mahinang ingay ng pag-iling ng balder ng taho. Pinagmasta niya ang kanyang amang si Mang Jono. Payat maitim ang balat dahil sa araw at may mga kunot sa noo dahil sa taon-taong pagpasa ng mabigat na taho sa kalsada. “Anak, gising ka na pala.” bati ni Mang Joniso. Pawis na pawis dahil maaga nitong inihahanda ang paninda.
-
Tay, sasama po ako. Biglang sabi ni Tino. Nagulat ang kanyang ama. Eh bakit naman, anak? Maaga pa ‘ baka mapagod ka. Magaan ang tono nito pero halatang may pagtataka. Umiling si Dino. Gusto ko pong maintindihan kung gaano po kahirap ong ginagawa niyo para sa amin. Natigilan si Mang Junicio. Ilang segundo siyang hindi nakaimik pero solly ngumiti ito.
-
Yung iting may puno ng pagmamahal at pagmamataas sa anak. Sige anak pero sa likod ka lang ni tatay ha. Huwag mong bubuhatin ng mabigat. Habang naglalakad sila sa kahabaan ng kalsada, unti-unting nabuksan ang mga mata ni Dino sa hirap ng trabaho ng kanyang ama. Mainit ang sikat ng araw, mabigat ang dala-dala nito at halos walang pahinga.
-
May mga batang tuwang-tuwa pag naririnig ang salitang taho. Pero may mga tao ring hindi man lamang lumilingon. Habang pinagmamasda niya ang kanyang ama na walang sawang nakangiti sa mga suki, unti-unti niyang nararamdaman ang diin ng panglalait ng grupo nina Amber. Magtataho lang pala ang tatay ni Tino. Kaya pala walang fried chicken eh.
-
Mga salitang paulit-ulit sa kanyang isipan. Pero imbes na ikahiya iyon, iba ang naging epekto sa kanya. Tumaas ang respeto niya sa kanyang ama. Tumibay ang loob niya at nagkaroon siya ng malinaw na direksyon sa buhay. Pauwi na sila ng biglang napahinto si Dino. Naramdaman ni Mang Jonisho na hindi sumusunod ang anaket lumingon nito.
-
Ayos ka lang ba anak? Tanong nito. Tay. Bumuntong hininga si Dino. Hindi ko po hahayaang masayang ang lahat ng pagod niyo. Mag-aaral po ako ng mabuti, tay. Magtatapos po ako. Gagawin ko po ang lahat para hindi niyo na po kailangan mag-ikot-ikot at magtinda ng taho. Napatingin si Mang Joniso kay Dino. Una’y nagulat siya pero agad na napalitan ni Ion ng matamis na ngiti.
-
Ngiting may halong luha. Anak, hindi mo kailangang magmadali pero kung yan ang pangarap mo eh susuportahan ka namin ng nanay mo. Ngumiti si Dino. Simula ngayon tay, hindi ko na po ikakahiya ang trabaho niyo dahil dito po nagsimula ang pangarap ko at dito niyo po kami binubuhay ni Inay. At sa unang pagkakataon, sabay silang umuwi hindi lamang bilang mag-ama, kung hindi dalawang taong mayiisang pangarap at layunin.
-
Ang pangarap na naitanim dahil sa pagtataho at tutubo hanggang sa tagumpay. Mula ng araw na sinamahan ni Tino ang kanyang ama sa paglalako ng taho, nagbago ang takbo ng kanyang pag-iisip. Hindi na siya katulad ng daddy natahimik, nahiya at madaling masaktan sa panglalait. Ngayon ay tila may apoy sa kanyang dibdib.
-
Mas determinado, mas porsigido at mas buo ang loob kaya sa daddy. At napansin iyon ang kanyang mga magulang. Pagpasok sa eskwela, kinabukasan, pakiramdam ni Tino ay mas magaan na. Ngunit nang makita niya si Amber at mga barkada nito sa pasilyo, muling bumalik sa kanya ang bigat ng nangyari sa kanyang kaarawan. Nakatingin ang mga ito sa kanya sabay pabulong na nagtatawanan.
-
Yan ang anak ng magtataho. Anny Amber na may halong pang-aasar ang tono. Pero ngayon hindi na umiwa si Dino. Ngumiti lang siya ng bahagya hindi dahil sa pangalipusta nila kung hindi dahil alam niyang hindi na siya tulad ng dati. Wala ng kahit sino mang makakabili sa pangarap niyang itinanim ng tatay niya. Pag-uwi niya sa bahay, nadatnan niya ang kanyang inang si Aling Ignasia na naglalaban ng mga damit ng mayayaman nilang kapitbahay.
-
Basa ang kamay nito, pagad ang mga mata. Ngunit nang makita si Dino, bigla itong ngumiti. “Oh anak, kamusta ang school?” tanong ni Aling Ignasya. “Ayos lang po, nay.” sagot ni Lino. “Nay, salamat po ha. Salamat po sa ginagawa niyo para sa akin. Napahinto ang ina. Kita niya sa mukha ni Dino ang seryosong pagtanaw ng utang na loob.
-
Pasensya ka na anak ha kung ito lang ang buhay natin. Malungkot na tugon ng kanyang ina. Pero umiling si Dino. Nay, masaya po ako dahil kayo po ang naging magulang ko. Hindi naman po natin kailangan ng mas magandang buhay. Basta po’t magkakasama tayo. Sapat na po yon at sa susunod na lang po ang mas maayos na buhay para sa atin. Magsisikap po tayo, Inay.
-
Lalo na po ako. Niyakap siya ni Aling Ignasia. Mahigpit, mainit. Yung yakap na matagal ng gumagabay sa kanya. Lumipas ang mga linggo at naging abala si Dino sa pag-aaral. Tuwing madaling araw, gumigising siya upang tulungan ang tatay niyang maghanda ng taho. Kahit simpleng pag-abot ng tasa, pags-segregate ng arnibal at pagpupunas ng lalagyan ay nakakatulong na sa kanila.
-
Mukhang handang-handa ka na anak na magtinda. Biro ni Mang Jonicio. Ngumiti si Dino. Tay, gusto ko pong malaman ang lahat. Lahat ng hirap para alam ko pong sulit po ang pangarap ko. Tandaan mo, anak, sagot ng ama. Walang masama sa trabaho natin ha. Pero mas maganda kung gagamitin mo ‘to para umangat ka.
-
para hindi mo maranasan ang mga hirap namin. At tuwing maririnig ni Dino iyon, mas lalo siyang ginaganahang mag-aral. Isang gabi, habang nag-aaral si Dino gamit ang dim na ilaw ng kanilang lumang lamp, pumasok si Mang Joniso at tahimik na naupo sa tabi niya. “Anak!” Mayong sabi ng ama. “Napansin kong madalas kang puyat baka napapagod ka na.
-
” Umiling si Dino. Tay, kahit puyat po ako sulit naman po. Para po sa pangarap natin to. Tumitig si Mang Junicio sa anak. Kita ang pagkades ditido sa mga mata nito. Alam mo anak, ang pangarap namin ng nanay mo ay ang makita kang nakatoga na hindi naaasa sa paglalako ng taho. Sa sandaling iyon, napangiti si Dino at do niya naintindihan.
-
Ang pangarap niya ay hindi lang para sa kanya kung hindi ito’y bunga ng lahat ng sakripisyo ng kanyang pamilya. At mula ng gabing iyon wala na siyang inaksayang oras. Bawat pag-aaral ay sineryoso niya. Bawat pagod ng kanyang mga magulang ay sinuklian niya. At bawat patak ng arnibal sa taho ay naging paalala na hindi siya pwedeng sumuko.
-
Lumipas ang mga taon at unti-unting nagbago ang buhay ni Dino. Sa bawat araw na dumaraan, mas lalo siyang pinauunlad ng kanyang pagtitiyaga, determinasyon at pagmamahal sa kanyang mga magulang. Hindi naging madali ang lahat. May mga araw na halos gusto niya ng sumuho. May mga gabing umiiyak siyang mag-isa dahil sa pagod at hirap.
-
Pero kapag naaalala niya ang tatay niyang lumalakad ng ilokilometro, bitbit ang mabigat na taho. At ang nanay niyang inuubos ang lakas sa paglalaba para makabili lamang ng pang-print ng kanyang school project. Naiisip niyang hindi siya pwedeng tumigil at doon ay muli siyang nagkakaroon ng lakas. Graduating na si Dino ng high school at siya ang nangunguna sa kanilang batch.
-
Marami ang humahanga sa kanyang talino at kasian. Ang dati niyang maliit na grupo ng kaibigan na sina Mark, Trixy at Benjo ay mas nagningning ang suporta sa kanya. Ngunit habang tumataas ang tingin sa kanya ng iba, mas napapansin rin niya ang unti-unting pagkalayo ng grupo nina Amber. Si Amber, Leon at Louis na dati laging maingay at mapangmata, ngayon ay madalas ng wala sa klase.
-
Palagi silang ipinapatawag ng guidance counselor at minsan ay nababalitaan niyang nalalasing ang mga ito kahit may pasok. Minsan sa salid aklatan, narinig niya ang dalawang guro. Hay naku si Amber. Sayang ang talino ng batang yon. Simula nung napasama sa barkada yun, puro bisyo na lang. Parang nawalan ng direksyon ng buhay.
-
Lagot talaga yan sa mga magulang niya. Hindi man niya gustong makaramdam ng awa, naroon pa rin ng kirot. Ito ang mga taong umapis sa kanya. Pero ngayon, tila sila naman ang unti-unting nalulunot sa sarili nilang mga desisyon. Araw ng graduation. Punong-puno ang gym. Naroon ang mga magulang ng bawat estudyante.
-
Nakakiti, proud at sabik na sabik. Kasama rin doon sinang Joniso at Aling Ignasia. Pareho ang nakapambihirang damit pero halata pa rin ang pagod na mukhang pinagdaraan araw-araw. Nang tawagin ang pangalan ni Dino bilang with highest honor, halos mabingi siya sa palakpakan ng marami. Tumayo siya. Nangingig ang kamay at habang naglalakad papunta sa entablado, unti-unti siyang nabalot ng damdamin.
-
Don niya nakita ang tatay niya sa gilid. Hawak ang cellphone na lumang-luma na. Nanginginig habang kinukuhanan siya ng litrato. Tahan ng mga mata ni Mang Jonio pero puno ng luha. Ang nanay naman niya nakatayo. Hawak ang kanyang dibdib. Umiiyak ng tahimik pero masayang-masaya. pagakyat niya sa entablado at matanggap ang medalya na patingin insidino sa mga magulang niya at sa mata nila naroon ng lahat ang pagod, ang sakripisyo, ang pagmamahal at ang pag-asa.
-
Alam na alam niya sa kanyang sarili na ito ang bunga ng pagtataho ng kanyang ama at paglalabadan ng kanyang ina. Sa gitna ng palakpakan, may napansin siyang tatlong estudyanteng nagmamadaling pumasok sa huling row. Sina Amber, Leon at Louis. Ngunit hindi sila para magdiwang. Mukhang kakagaling lang nila sa inuman.
-
Pulang-pula ang mga mata, magulo ang buhok at halos hindi makatayo ng diretso. Nakita siya ni Amber. Walang bahid ng pagmamataas sa mga mata nito ngayon. Tila may unti-unting pagbagsak, parang dumating na sa kanila ang karma na dapat ay noon pa. Nagtagpo ang tingin nila sandali pero si Tino ay nginitian lamang sila bago muling humarap sa entablado.
-
Hindi para manginsulto kung hindi para ipakitang hindi niya kailan man kailangang apakan sila para umangat siya. Siya ang patunay na pwede kang magtagumpay nang hindi nananakit ng iba. Pagkatapos ng graduation, lumapit si Mang Jonic sa anak at niyakap siya ng mahigpit. Anak, simula ngayon hindi mo na kailangang mag-alala.
-
Ang pangarap natin ay unti-unti ng natutupad. At sa araw na yon, nagsimula ang panibagong yugto ng buhay ni Lino. Isang paglalakbay papunta sa kolehiyo sa mas matayog na pangarap at sa tagumpay na hindi niya inakalang darating. Ngunit ang pinakamagandang bahagi ng lahat ay dahil sa tah nagsimula ang lahat. Lumipas ang ilang taon mula ng graduation ni Dino.
-
Hindi na siya yung batang tahimik at madaling masaktan sa pangasar ng iba. Ngayon siya na ay isang medical student, masikasik sa pag-aaral at buong puso ang dedikasyon sa kanyang pamilya. Ang bawat hakbang niya ay paalala ng pawis ng tatay niyang si Mang Jonisho at na walang sawang suporta ng nanay niyang si Aling Ignacia. Dahil sa talino ni Dino, nagisang businessman student, nagnenegosyo habang nag-aaral.
-
Kaya naman kahit papaano ay nasusuportahan niya ang kanyang pag-aaral. Ngunit ganun pa man, si Mang Joniso ay patuloy pa rin sa kanyang paglalako ng taho sa kalsada. Pero ngayon, hindi na yun ang dahilan ng hiya. Ang kanyang pawis ay naging simbolo ng sakripisyo at pagmamahal na walang kapantay. Sa tuwing tinitignan ni Tino ang kanyang ama, nakikita niya ang tunay na kahulugan ng dignidad.
-
Hindi ito nakabatay sa estado ng buhay kung hindi sa puso at pagkatao. Si Aling Ignas naman sa kabila ng pagod ay mas lalo pang naging inspirasyon sa anak. Ipinakita niya na ang pagmamahal at tiyaga ay pwersang mas malakas pa kahit sa anumang pangalipusta. Samantala, ang grupo ni Amber maging si Amber. Tulad ng hula ni Dino noon, ang buhay nila ay unti-unting bumagsak.
-
Sa huli, nalulong sila sa bisyo. Hindi nakapagtapos ng pag-aaral kahit sa high school. At nahirapan sila sa hinaharap. Hindi nila natutunan ang leksyon ng maaga at ngayon sila mismo ang nakaranas ng pangalipusta na dati nilang ginagawa sa iba. Ngunit si Dino hindi siya nakialam. Hindi niya ginamit ang tagumpay para saktan ng iba.
-
Sa halip, ipinakita niya ang tunay na kahulugan ng tagumpay. Ang mapagpakumbabang pagkilala sa mga taong nagmahal at nagsakripisyo para sa’yo. Sa isang simpleng seremonya sa barangay, isang maliit na selebrasyon ang inihanda para kay Mang Juniso at Aling Ignasia. Naroon si Dino, bitbit ang medalya at diploma at ngumiti sa mga mata ng kanyang mga magulang.
-
Oo, nakapagtapos na nga siya sa kanyang pag-aaral. Maraming salamat po, tay, salamat po sa inyo. Mahinawo niyang sabi. Dahil po sa inyo, nandito po ako ngayon. Hindi sa yaman o sa handa kung hindi sa aral sakripisyo na itinuro niyo po sa akin. Tumulo ang luha ng kanyang mga magulang ngunit hindi dahil sa lungkot. Ito ay luha ng pagmamalaki at sobrang kagalakan.
-
Di kalaunan ay nakapagtrabaho na nga si Tino. Siya ngayon ay isang ganap ng doktor. Ipinagmamalaki sa kanilang bayan sapagkat siya ang kauna-unahang doktor sa kanilang lugar. Matalino, magalang, mapagmahal sa kanyang mga kabarangay at may malasakit sa kapwa. Malaki na ang kanyang kinikita sapagkat siya ay nagtatrabaho sa isang pribadong ospital.
-
At buwan buwan ay hindi nawawala ang kanyang medical mission para sa mga mahihirap na walang kakayahang ipagamot ang kanilang sarili. Tinupad ni Dino ang kanyang pangako sa kanyang mga magulang. Binigyan niya ang mga ito ng maayos na buhay. Ipinagawa ng maganda at malaking bahay na tinitirahan nila ngayon sa kasalukuyan.
-
Kung dati ay sa barong-barong lamang sila nagsisiksikan, ngayon ay nae-enjoy na nila ang kanilang napakalaking bahay na ipinagawa ni Dino sa pamamagitan ng kanyang pagsisikap. Sa tulong ng kanyang mga minamahal na magulang, kapag may selebrasyon sa kanilang pamilya, hindi na siya nahihiyang mag-imbita sapagkat hindi na lamang pansit at tinapay ang kanilang handa kung hindi napakainggrante na.
-
At dahil sa pagtataho sila binuhay ng kanyang ama, hindi ito nawala sa kanilang buhay. Sa katunayan, ipinagpatuloy nila ang negosyong ito. Sila ang supplier ngayon ng tahos sa napakaraming lugar. Marami na rin silang mga trabahador na pinamamahalaan ng kanyang amang si Mang Jicio. Kung noon ay makikita ang pagod sa mukha ng kanyang mga magulang, ngayon ay kitang-kita.
-
Ang saya at ang ginhawa sa mga mata nila. Sino nga bang mag-aakala na ang isang anak ng magtataho na inalipusta ang ama dahil sa trabaho nito? Ngayon ay isa ng matagumpay na buhay. Hindi mapagmataas, hindi nagmamalaki kung hindi may kababa ang loob at pagmamahal sa kapwa lalo na sa kanyang mga magulang. Sa kwentong ito ay marami tayong mapupulat na aral.
-
Walang mahirap sa mga mata ng Diyos. Lahat tayo ay pantay-pantay. Ang tunay na yaman ay nasa ating mga puso at character hindi lamang sa mga materyal na bagay. Ang bawat pawis at sakripisyo ng mga magulang ay pundasyon ng pangarap ng anak. Hindi ito dapat na ikahiya kung hindi dapat ipinagmamalaki. Huwag mong hayaang alipustahin ka ng iba at pigilan nito ang iyong pangarap.
-
Ang tamang aksyon ay pagtitiyaga at pagsisikap. Ito ang magdadala sao sa rurok ng iyong tagumpay. Ang tunay na tagumpay ay hindi paninira sa iba. Hindi kailangang apakan ng iba para ikaw ay umangat. Ang tagumpay ay magiging matamis kung ito’y katuwang ang pagmamahal at respeto sa kapwa. Sa huli, si Dino ay naging simbolo ng pag-asa at dignidad.
-
At ang maliit na baso ng taho na minsang naging simula ng pangalipusta ay naging simbolo rin ng simula ng isang pangarap na hindi kailan man sumuko. Kaya naman mga kabarangay, dito na po nagtatapos ang ating kwento at sana po ay marami kayong napulot na aral at sana rin po ay nagustuhan niyo ang ating kwento.
-
Kayo mga kbarangay, anong masasabi niyo? I-comment niyo naman po sa baba ang inyong mga reaksyon at babasahin natin ang lahat ng yan. I-comment niyo na rin po kung taga saan kayo para naman malaman ko kung hanggang saan umabot ang video na ito. Paki-like and share na rin po ang ating kwento para mapakinggan rin ang iba.
-
At kung bago ka pa lamang sa ating channel, baka naman pwedeng pakita ang subscribe button at bell notification button para palagi kang updated sa mga bago nating upload na katulad nito. So paano mga kabarangay? Hanggang sa muli. Thank you so much and peace ou
News
Binato Niya ng Pera ang Dalaga sa Café—Pero Nang Dumating ang Lalaking Naka-Suit, Siya ang Nanigas sa Hiya/hi
Pagkasabi ng lalaking naka-itim na suit ng, “Chairwoman, hinihintay na po kayo ng mga stockholder,” para bang may kung anong bumagsak sa dibdib ng babaeng kanina lang ay punung-puno ng paghamak. Hindi agad siya nakagalaw. Ang kamay niyang nakataas pa…
Sumigaw ang ama: “Patay na ang mama mo!” — Pero ang pagpukpok ng bata ang naglantad ng isang nakakatakot na lihim/hi
Buong silid ng punerarya ay tila napatigil sa oras matapos bumukas ang kabaong. Walang laman. Walang bangkay. Ang ama ay nakatayo pa rin sa harap nito, nanginginig ang kamay, tila hindi makapaniwala sa nakikita ng kanyang mga mata. Ang mga…
Naghagis Siya ng Barya sa Isang Server — Pero Naputla Siya Nang Malaman Kung Sino Ito/hi
Pagkatapos ng mabigat na “Opo… ako nga po.”, parang huminto ang buong fine-dining restaurant sa isang hininga. Yung malayong piano sa lounge, biglang naging tunog na parang nasa kabilang mundo. Yung mga baso, kubyertos, at bulungan—lahat nabawasan ng lakas, parang…
“Nakita ko ang picture mo sa yearbook ni Rica. Hinanap ko ang pangalan mo online… hanggang nakita ko ang LinkedIn mo.”/hi
Tatlong Taon Akong Kumakain ng Tanghalian sa Banyo Dahil sa Nambully sa Akin – Makalipas ang Dalawampung Taon, Tinawagan Ako ng Asawa NiyaMay mga nagsasabing nakakalimutan daw ang mga nangyari noong high school.Pero para sa akin, malinaw pa rin ang…
Kapag tinatanong ako kung pinatawad ko ba ang anak ko… Isa lang ang sagot ko:/hi
Dalawampung Taon Siyang Nawala, Iniwan Ako sa Utang at Sakit — Isang Araw, Kumatok Siya sa Pinto Ko kasama ang Isang Bata Dalawampung taon na ang lumipas mula nang mawala ang anak ko. Iniwan niya ako—may sakit, baon sa utang,…
KAYA PALA MAASIM ANG TUWALYA ANG NASA CR NG GIRLFRIEND KO…./hi
Hindi ko talaga makakalimutan ‘tong araw na ‘to… kasi dito ko napatunayan na minsan, hindi lahat ng tuwalya dapat pinagkakatiwalaan. So eto na nga,one random day, pinuntahan ko girlfriend ko kasi sabi niya may gagawin daw kami na “fun content”…
End of content
No more pages to load