Sabi nila, love is sacrifice. Pero bakit walang nagbabala sa akin na ang sakripisyong ito ay may kasamang Bareta, zonrox, at amoy ng kalawang?

​Nagsimula ang lahat noong unang buwan namin bilang magka live in. Akala ko, ang “Monthly Period” ay tungkol lang sa chocolates, mood swings, at biglaang pag-iyak dahil “ang pangit ng hugis ng ulap.”

Handa ako doon. Handa akong maging punching bag ng emosyon. Pero hindi ako handa sa Red Sea Mass4cre na nagaganap sa banyo namin.

​”B-b-be… please… ayoko na…” hikbi ni Clarisse mula sa labas ng pinto ng banyo.

​”Anong nangyari?! Napano ka?” Tarantang tanong ko. Akala ko nadulas siya o may ipis.

​”Yung… yung p4nty ko… may barya…”

​”Barya? Saan galing ang barya sa p4nty mo?”

​”Hindi! I mean… may d-dug*o! Takot ako sa dug*o, alam mo ‘yan! Feeling ko hih!matayin ako! ugghhh I feel so nahihilo na.”

​At doon na nagsimula ang aking side hustle bilang Chief Laundry Officer Period Division.

​Ngayon, nakatitig ako sa isang pirasong cotton na kulay pink, pero mukhang pinagpunasan ng pinag-anuhan ng baka.

Habang si Clarisse ay nakabalot sa kumot sa kwarto, humahagulgol dahil “nauubusan na raw siya ng buh4y,” ako naman ay patuloy na naglalaba ng mga p4nty niya sa banyo.

​Tinititigan ko muna ‘yung p4nty. Baka sakaling mawala ang mantsa sa tingin lang. Hindi tumalab.
​Bawal daw ang mainit na tubig, sabi ni Google. Maluluto daw ang hemoglobin. Ayaw ko namang mag-almusal ng “Scr4mbled Blo*od Cells” sa lababo.

​Kusot dito, kusot doon. Habang nagkukuskos ako, naririnig ko ang boses ni Clarisse mula sa kabilang kwarto.

​”Hon! Buhay pa ba ako? Parang nanlalamig ang paa ko! Baka naubos na ‘yung dugo ko sa p4nty na ‘yan!” sigaw niya habang humihikbi.

​Napabuntong-hininga ako. “Clarisse, tatlong patak lang ‘to! Hindi ka mauubusan! Mas marami pang dug*o ang nawawala sa akin kapag kinakagat ako ng lamok!

​Ang pinakamalalang kalaban? Ang White Lace P4nty. Bakit ba sila bumibili ng puting underwear kung alam nilang darating ang “red days”? Para itong pagsuot ng puting t-shirt sa buffet na may spaghetti sauce. Isang malaking hamon sa sining ng paglalaba.

​Habang binubula ko ang tela, pumasok si Clarisse sa banyo, nakatakip ang mata ng isang kamay.

​”Tapos na ba? Natanggal na ang sumpa?” tanong niya, nanginginig pa ang boses.

​”Malapit na, mahal. Konting kuskos na lang, magmumukhang bago na ‘to,” sagot ko habang pawis na pawis.

​Bigla siyang sumilip sa pagitan ng mga daliri niya. Nakita niya ang mapulang tubig sa palanggana.

​”OH MY GOD! ANG DAMI! MAHIHIM4TAY NA ATA AKO!” At ayun, tumakbo ulit siya pabalik sa kama, umiiyak na parang nanuod ng ending ng Miracle in Cell No. 7.

​Matapos ang tatlumpung minuto, nakasampay na ang mga “ebidensya.” Ang aking mga kamay? Kulubot na at amoy Perla.

​Pumasok ako sa kwarto at nakita ko siyang mahimbing nang natutulog, may hawak pang balot ng chips, at bakas pa ang tuyong luha sa pisngi. Ang dula-dulaan ay tapos na para sa araw na ito.

​Napakamot na lang ako ng ulo. Sabi nila, ang tunay na lalake ay marunong mag-alaga ng babae. Pero sa kaso ko, ang tunay na lalake ay ang lalakeng hindi nandidiri sa mantsa, basta ang kapalit ay isang jowang tumitigil sa pag-iyak at ako hindi ko siya iiwan hanggat kaya pang maglaba ng mga p4nty na may red days