Kuya jay Ako nga pala si Eunice, at ang kwentong ito… ito ang bumabagabag sa akin gabi-gabi. Ang kwentong nagpapakita sa akin kung gaano ako naging mapanghusga noon, at kung paano ako pinarusahan ng Diyos sa aking mga maling pagpili.
Labindalawang taon na ang nakalipas, high school pa lang kami ni Rene. Sa totoo lang, hindi siya kapansin-pansin noon. Payat, may makapal na salamin, at laging nakatago sa libro. Siya ‘yung tipo na ‘nerd’ sa klase. At ako naman? Ako ‘yung popular, maganda, at hinahabol ng mga gwapo. Isa na doon si Robert, ang varsity player na crush ng bayan.
Niligawan ako ni Rene. Naaalala ko pa ang araw na iyon. Pagkatapos ng klase, abot-abot niya sa akin ang isang sulat. Nanginginig pa nga ang kamay niya. Habang binabasa ko, lalong lumalaki ang noo ko. Nakalagay doon ang pangarap niyang maging isang doktor at ang pagnanais niyang ako ang maging inspirasyon niya.
Tumawa ako. Isang malakas na tawa na siguro narinig ng buong hallway. Sinabi ko sa kanya, Rene, nababaliw ka na ba? Doctor? Ikaw? Eh ni pang-lunch mo nga wala ka minsan!
Baka nasisiraan kana ng ulo, Pagkatapos, iniwan ko siyang nakatayo doon, namumula sa hiya.sabay na binato ko sa kanya ang nilamukos ko na sulat nya,
Pinili ko si Robert. Gwapo, popular, at sa tingin ko noon, dahil sa kapusukan, hindi na ako nakatapos, nabuntis ng maaga,
Fast forward twelve years na ang nakalipas, kami parin ni Robert, 12 years na rin akong nagtiis, ang dating hinabol ng tingin ng mga lalake sa akin noon, naglaho na, sunod sunod ang anak ko, gwapo ang asawa, yummy kung bago, kaya si Eunice buka agad, yun kuya jay,
At ang gwapong Robert na kilala ko noon ay isa nang lasinggero, sugalero, at iresponsableng asawa. Ginagamit lang niya ako para sa kanyang sariling kaligayahan, Hindi ko na halos kilala ang sarili ko.hanggang sa magdisisyon ako na magpaligate nya, pumila ako sa public hospital, nagtyaga ng init at baka sakaling may doctor na makuha ako na walang bayad,
Hanggang sa Nag-labor ako sa bunso ko, Sobrang sakit. Sobrang hirap. Nasa ospital ako, at habang nakahiga sa delivery room, may pumasok na doktor. Matangkad, malinis, gwapo,
Nang tiningnan ko siya, nanlaki ang mga mata ko. Hindi ko inakalang makikita ko pa siya.
Si Rene. Siya ang doctor ko, nakatingin sya sa akin, alam ko na kilala parin nya ako, dahil hindi naman ako nagpalit ng pangalan, hindi kami kasal ni Robert,
Ang panget at payat na Rene na minamaliit ko noon.
Siya ang magpapaanak sa akin. Ang lalaking binasted ko at pinagsabihan ng masasamang salita. Ang lalaking sinabihan kong hindi makakapag-doktor dahil mahirap lang.
Ngayon, nasa harapan ko siya, suot ang kanyang white coat, at nagiging tagapagligtas ko.
Nahihiya ako. Hindi ko alam kung saan ako lulugar. Gusto kong lamunin ako ng lupa. Habang ipinapanganak ko ang aking anak, nakita ko sa mga mata niya ang propesyonalismo. Walang bakas ng nakaraan. Wala syang sinabi, basta ramdam ko na iningatan nya ako at inalagaan,
Pero sa loob ko, parang may libong karayom na tumutusok.
Nagsisisi ako. Nagsisisi ako sa bawat tawa at bawat mapanghusgang salita na ibinato ko sa kanya. Nagsisisi ako na hindi ko nakita ang kanyang determinasyon, ang kanyang kabaitan, at ang kanyang pangarap. Pinili ko ang panlabas na anyo, at ngayon, narito ako
Si Dr. Rene… siya ang patunay na ang tunay na halaga ng isang tao ay hindi nakikita sa kanyang kasalukuyang estado o sa kanyang hitsura, kundi sa kanyang puso, sa kanyang pangarap, at sa kanyang kakayahang tuparin ang mga ito. At ako, nawala ko ang pagkakataong iyon. Ang pagkakataong makasama ang isang Rene, dahil pinili ko ang isang Robert.
Ang walang kuwentang lalake, nagsisi ako, sobrang paghihinayang kuya jay at hiya kay rene,
Wala siyang pinabayaran sa akin kahit magkano, nagbigay pa sya ng mga vitamins ko, pero ng bumalik ako para sa check up, doon na ako kinumusta ng personal.
Maganda parin daw ako kahit marami ng anak na, ako parin daw ang babaeng maganda noon na ligawan nya,
Gusto ko sana tanungin kung mahal parin nya ako,
Kaya lang may biglang pumasok na babae, parang doctor din, lumapit kay rene at doon pinakilala ako ni rene sa babaeng papakasalan nya,
Nakangiti ako, pero tahimik na nasaktan, kahit wala naman akong karapatan na masaktan,after noon umuwi ako at tahimik na umiiyak,
Mag iingat ka Eunice, schedule natin ang pagpapaligate mo, sabi pa ni rene kuya jay,
Nahihiya ako, parang ayaw ko ng bumalik sa kanya,
Kuya jay, isang malaking aral sa akin iyon at sana sa mga kabataan ngayon, sana mabasa nyo ito,
Hindi nakakain at nakakabuhay ang gwapo! Masarap lang sa kama, pero wala naman laman ang tiyan mo at ang masakit palul*w@gin lang ang Kepy@s nyo. Yan po ang katotohanan,