NAMIMIS KO ANG MGA SIGAW NI MAMA NA DATI’Y LABIS KONG KINAKAINISAN



Walang araw na hindi po ako tinatalakan ni Mama. Parang ang lahat na lamang na ikinikilos ko ay mali para sa kanya.

Wala akong katahimikan kapag nasa bahay na ako. Hindi naman nya ako pinapakinggan kapag nagrarason ako at mas lalo syang nambubuly4w.

May mga puntong umaabot din sa sukdulan ang pasensya ko at nagagawa ko syang sagut-sagutin ng pabalang.

Tanging si Mama na lamang ang katuwang ko sa buhay. Sya ang nagpapa-aral sa akin at nagtataguyod sa lahat ng aming pangangailangan. Naiisip ko pa nga minsan na “HAYST, SANA MAGKAROON NG MILAGRO AT HINDI KO NA MARINIG ANG BULYAW AT SERMON NI MAMA”

Si Papa ay may iba ng pamilya. Nagbibigay naman sya ng sustento sa amin ni Mama kahit na papaano.

Isang hapon pag-uwi ko, nanibago ako kasi hindi ako binungaran ni Mama ng kanyang talak. Medyo late na kasi akong nakauwi ng hapon na iyon dahil nagawa kong sumama sa paglalakwatsa.

Masaya akong nagpunta sa kwarto ko. Tiyak na masarap ang pahinga ko kasi wala si Mama na mag-iingay.

Pero nabulabog ang aking masarap na pagpapahinga ng may mga sunud-sunod na pagkatok sa may pintuan ng bahay.

Sinabi ko sa sarili ko “Hayan na ang sirena ng ambulansya.” at ang tinutukoy ko ay ang bunganga ni Mama.

Pero nagkamali ako kasi hindi sya ang bumungad sa akin kung hindi si Aling Mejos na kapitbahay namin.

“Bakit po Aling Mejos?” tanong ko.

“Jessa, ang mama mo! Nasagaan ng bus sa labasan! Dinala na namin siya sa ospital pero magpakatatag ka sana iha kasi wala na sya. Binawi na sya ng Panginoon.”

Hindi ako nakapagsalita. Naestatwa ako sa aking kinatatayuan. Natulala na hindi makapaniwala sa narinig na balita.

Inuwi si Mama na nasa loob na ng kabaong. Sa harap ng bahay namin sya ibinurol. Maski mag-iiyak ako ng mag-iiyak ay wala na si Mama, hindi ko na maibabalik pa ang buhay nya.

Nailibing si Mama bago ang aming graduation. Grabe ang inggit ko sa aking mga kamag-aral sapagkat may mga magulang silang kasama at nagsabit ng kanilang medalya.

May kasama silang nagpicture, nagcelebrate at nagbonding. Ako, mag-isa na lamang. Pati si Papa ay hindi umattend sa graduation ko sa kadahilanang graduation din ng kanyang mga anak sa tunay nyang asawa. Opo Kuys, kab3t si Mama at anak lang ako sa labas.

Mas naramdaman ko ang lungkot sa bahay. Ang awra ni Mama ay sobra kong namis. Ang bulyaw nya, ang sermon nya at ang palo nya. Lahat iyon ay namimis ko.

Kinuha ko ang kanyang litrato na tanging ala-ala na lamang nyang naiwan sa akin. Dito ay bumuhos ang aking luha habang yakap-yakap ang kanyang picture frame.

“Ma, patawad po. Kung hindi ko sana inuna ang paglalakwatsa ng araw na maaksindente kayo ay naabutan ko sana kayo rito sa bahay at nasamahan sa inyong pinuntahan. Mahal na mahal kita Mama at sana bigyan mo ako lagi ng lakas upang harapin pa ang mga araw na lilipas ng wala ka. Mis na mis na po kita Mama ko.”

Piliin ang maging mabuting anak
dahil hindi natin hawak ang buhay ng iyong mga magulang
baka magulat ka na lang dahil binawi na sila ng Diyos sa iyo
Sa kadahilanang hindi mo naman sila binibigyan ng halaga at importansya
At ipinapakita mong mas gusto mong mabuhay ng mag-isa