NAKI TAE AKO SA BAHAY NILA GF, SIRA PALA ANG FLUSH AYAW LUMUBOG KAYA DINAKOT AT NILAGAY KO NA LANG SA BAG

Dati nababasa ko lang yung mga ganitong karanasan ng ibang tao, Di ko aakalain na mapapabilang ako sa kanila…

Imbitado ako sa bahay nila GF dahil birthday ng lolo niya. Ang saya ng salo-salo may pancit, lumpia, lechon, at may banda pang kapitbahay na “videoke kings” daw sabi ni tito.

Tuwang-tuwa pa pamilya ni GF sa’kin. “Aba mabait pala ‘tong boyfriend mo!” sabi ng lola niya habang iniabot sa’kin ang pang-apat na kutsara ng spaghetti.

Pero habang nagkakantahan sila sa “My Way,” ako naman… unti-unti nang nakikipag-duet ang bituka ko.

Grrrrttt… grrrrt… Ayun na.

Nagpaalam ako kay GF. “Love, CR lang ako saglit.”

“Okay babe, bilisan mo ha, picture taking tayo!”

Pagpasok ko ng CR, parang nakita ko yung trono ng kaharian. Naupo ako na parang hari… pero hari na may misyon.

At doon nagsimula ang laban.

T@ngina. Parang may batang lumalabas. Parang may nakasukbit na bowling pin.

Kumakapit ako sa bowl. Nakasandal ako sa pader. Parang ako nagla-Lamaze class
.
“HHHHSSSSSHHHH— TANGINAAA AYAN NA—”

Pagkahulog… sumubsob ako sa paghinga na parang nanalo ako ng championship. Naghugas na ako, handa nang tapusin ang chapter ng buhay ko na ‘yon.

Pero nang binuhusan ko—

PLOOP! … tapos wala.

Hindi gumalaw. Hindi umikot. Hindi lumubog.
Parang proud pa sa sarili, nakalutang. Nakatingin sa’kin. Parang sinasabing, “Good luck, bro.”

Kinabahan na ako. Punong timba sabay buhos. Ayaw parin.

Mas punong timba sabay buhos ulit. pero ayaw parin.

Nabasa na pantalon ko. Nanginginig na ako. Tagaktak pawis ko na parang ako yung niluluto kasama ng lechon.

Tapos may kumatok.

“Kuyaaa… naiihi na po ako…”
PUTCHA.

Yung kaluluwa ko lumipad. Wala na akong oras! Wala na akong plan B! At ayaw kong maging “YUNG BISITANG NAGTIRA NG LAGIM SA CR”

Kaya ang ginawa ko… ANG PINAKA-MALING DESISYON SA BUONG BUHAY KO.

Dinakot ko yung… yung malaking… YUNG MALAKING ANAK NI SATANAS.

Mainit-init pa. Parang freshly baked pandesal.
Binalot ko sa panyo. Nilagay ko sa bag ko. Tapos tinaas ko ulo ko na parang wala akong ginawang kasalanan.

Paglabas ko galing CR, nagkasalubong pa kami ng batang iihi. Ngumiti ako.

“Okay na. Safe na.”

Sabay walkout ako palabas ng bahay nila mabilis pero hindi halata. Parang ninja. Parang magnanakaw. Parang kriminal na may ebidensya sa bag.

Nagchat pa si GF “Love san ka?? Picture na tayo!”

Hindi ko na nasagot. Nasa jeep na ako… naka-yakap sa bag ko… at iniisip kung paano ko ide-dispose ang anak ni Satanas sa bag ko.

At doon ko napagtanto… Ngayon ko lang tunay na naramdaman na pag-ibig ay puno ng sakripisyo.

Pero sana naman hindi literal na ganun ka … solid.