-
Napakaraming kaso ng karasan ang madalas nating marinig. Halos lahat ng ito ay kahindik-hindik na para bang habang tumatagal ay nagiging karaniwan na lamang ito sa ating pandinig. Ngunit ang kaso natin ngayong araw ay kakaiba. Hindi sa paraan kung paano ito isinagawa kundi sa paraan kung paano ito nalutas.
-
Septyembre 2013. Isang tahimik na gabi sa Barangay sa Bayawan, Negros Oriental. Sa loob ng isang semioncrete na bahay, biglang napabalikwa si Aleya magbanwak. 27 taong gulang mula sa kanyang pagkakatulog. Basang-basa ng pawis ang kanyang likod at mabilis ang tibok ng puso. Sa panaginip niya, huling sumulpot ang mukha ng kaibigang si Jovely Fabiar.
-
25 anyos na tatlong buwan ng nawawala. Ngunit hindi iyon ang nakasanayan niyang mukha. Hindi ito masaya. Hindi ito maayos. Sa kanyang panaginip, nakakaawa ang itsura ni Jovelyn. umiiyak at humihingi ng tulong. Nakatindig si Aleya habang sariwa pa sa ala-ala ang bawat imahe. Isang puno ng mangga sa tabi ng lumang water pump at ang tinig ni Jovelyn na paulit-ulit na nagsusumamo.
-
Para bang hindi yun basta imahinasyon kundi isang pahiwatig na nag-iiwan ng bigat sa kanyang dibdib. Matagal niyang tinitigan ang dilim sa bintana. Hindi makapaniwala kung bakit ganoon kalinaw ang panaginip. Tatlong buwan na ang nakalipas mula ng huling makita si Jovelyn. Ayon sa pulisya, pauwi ito mula sa trabaho bandang 8 ng gabi nang tuluyan itong mawala.
-
Simula noon, paulit-ulit na ginagalugad ng pamilya at ilang kaibigan ang mga posibleng lugar kung saan makikita ang dalaga ngunit walang bakas na natagpuan. Ang kaso ay unti-unting nanlamig at ang pag-asa ng pamilya ay halos matabunan na ng pangungulila. Kinabukasan, hindi nakatiis si Aleya. Ikinuwento niya ang kanyang panaginip sa pamilya ni Jovelyn.
-
Marahil, para sa iba, isang ilusyon lamang iyon na dulot ng labis na pag-iisip. Ngunit sa tono ng boses ni Alea, may kakaibang katiyakan. Tila ba sigurado siyang mayibig sabihin ang ipinakita ng panaginip. Sa umpisa nag-alinlangan ang mga nakikinig ngunit ang desperasyon ng pamilya ni Jovelyn ang nag-udyok na kumapit kahit sa isang manipis na hibla ng pag-asa.
-
Pinulong ng barangay ang ilang residente at mga tanod upang muling maghanap gamit ang detalyeng mula sa panaginip. Kahit pa malabong paniwalaan. Hindi naging madali ang paghahanap. nilibot nila ang mga bakanteng lote, mga pilapil at mga gilid ng kagubatan. Ilang araw na paulit-ulit walang malinaw na resulta.
-
Ngunit sa ikatlong araw, may natuklasan ang isa sa mga kasali sa paghahanap. Isang concerned citizen ang nakakita sa isang bahagi ng lupa na kakaiba ang dating. May mga damo ngunit hindi kasing lagon ang nakapaligid nito. Malambot ito at tila hinukay ilang buwan pa lamang ang nakalilipas. Doon na nagsimulang maghukay ang grupo. Mabagal ang bawat sandali at bawat tabon ng lupa ay parang nagpapabigat sa hangin.
-
Hanggang sa may sumilip na telang kulay asul, isang piraso ng damit. Patuloy silang naghukay hanggang sa tumambad ang katawan. Halos kalansay na ngunit may suot na blusa at pantalon na kapareho ng kay Jovelyn. Nong araw na siya ay huling nakita sa gilid ng hukay naroon ang natuyuang water pump na halos pareho ng nakita ni Aliya sa kanyang panaginip.
-
Tahimik ang lahat. Walang makapagsalita. Ang ilan sa mga miyembro ng pamilya ay napaiyak. Ang iba naman ay napahawak sa kanilang mga dibdib. habang dahan-dahang tinatakpan ng telang puti ang mga labi ng matagal ng pinaghahanap na si Jovelyn. Ang panaginip ay naging gabay at sa wakas natagpuan nga ang bangkay ni Jovelyn.
-
Hindi man buhay ngunit nabigyan ng sagot ang lahat ng katanungan. Dinala sa punerarya ang katawan na natagpuan. Kahit pasigurado ang pamilya ay isinailalim ito sa DNA testing bilang kumpirmasyon. Kasabay nito ilang oras lamang ang lumipas ay isinailalim ito sa autopsy. Ilang linggo pa ang lumipas at lumabas ang resulta. Kumpirmadong si Jovelyn nga ang natagpuan at hindi lamang siya basta winakasan.
-
May bakas ng paglapastangan at palatandaan ng matinding pakikipaglaban bago siya tuluyang tinapos. Nakita ang mga marka sa kanyang leeg at idineklarang pagkasakal ang sanhi ng kanyang pagkamatay. Para sa pamilya, muling bumigat ang sakit. Hindi lang basta nawala ang anak. Nilapastangan nito at nanatili sa isang malamig na hukay sa loob ng ilang buwan.
-
Nagsimula ang paghahanap ng hustisya para sa nangyari kay Jovelyn. Sa pulisya, naging mahalaga ang salaysay ni Aliya. Ang detalyeng nakita niya sa panaginip, ang water pump, ang puno ng mangga, ang mismong lugar ng hukay ay tumugma sa totoong pinangyarihan. Mahirap ipaliwanag kung paano ngunit naging gabay yon para simulan ang pormal na imbestigasyon.
-
Bumalik ang mga imbestigador sa huling araw na nakita si Jovelyn. May mga nagsabing pauwi na ito mula sa bayan ngunit hindi na nakarating sa kanilang bahay. Mula sa checkpoint ng barangay hanggang sa eskinita na dapat daraan. Walang nakapansin ng anumang kakaiba para bang biglang nawala siya sa dilim. Sa pagtutok ng pulis, nagsimulang lumutang ang mga kwentong dati hindi binigyang pansin.
-
Ilang kaibigan ng biktima ang nagsabing madalas makita si Jovelyn na malapit kay James Patrick, ang boyfriend ni Alia. Bago pa man ang pagkawala, may mga bulungan na nagiging masyado silang magkasundo. Hindi ito naging issue noon lalo’t boyfriend ito ng kanyang kaibigan kaya’t hindi binigyan ng mali siya. Ngunit ngayon ang kahit na maliit na detalye ay mahalaga sa pagresolba sa kaso.
-
Dahil dito, si James Patrick ang unang tiningnan ng mga imbestigador bilang person of interest. Pinuntahan siya, tinanong at siniasat ang mga alibay sa gabing ion. Itinanggi niya ang lahat. Ipinakita ang ilang mensahe at oras ng kanyang trabaho. Ngunit kahit wala pang matibay na ebidensya laban sa kanya. Malinaw na nagbukas ito ng linya ng imbestigasyon.
-
May mga emosyon, selos at relasyon na maaaring nag-ugat sa pagkawala ni Jovelyn. Matapos ang ilang linggo ng pagtatanong at pagsuyod sa bawat detalye, isang bagong pangalan ang lumutang sa mga tala ng pulisya. Si Ramil 32 taong gulang. Dating construction worker na matagal ng walang maayos na hanap buhay. Ayon sa isang residente, ilang beses niya raw nakitang pabalik-balik si Ramil sa lugar malapit sa water pump sa mga araw bago at pagkatapos mawala ni Jovelyn.
-
Nang tanungin daw kung bakit siya naroon, simpleng sagot lamang ang ibinigay nito. Nagpapahangin. Ngunit ngayong may natagpuang bangkay ang kanyang dahilan ay nagkaroon ng pagdududa. Agad na pinuntahan ng mga imbestigador ang bahay ni Ramil, doon natagpuan ang ilang bagay na nagpabigat ng hinala. isang lumang cellphone casing na kapareho ng gamit ni Jovelyn at isang piraso ng damit na may tila nauyong bakas ng dugo.
-
Naging sapat yon para siya ay arestuhin at dalhin sa himpilan. Sa unang interogasyon, mariin ang pagtanggi ni Ramil. Ngunit habang tumatagal ang pag-uusap, unti-unti siyang bumigay sa presyon. inamin niyang siya ang sumalakay kay Jovelyn ngunit hindi raw siya kumilos ng mag-isa. Ayon sa kanya, may nag-utos at nagbayad sa halagang PH5,000 upang tambangan at halayin niya ang biktima.
-
Hindi raw niya personal nailala ang nag-utos dahil sa telepono lamang sila nag-uusap at sa isang remittance shop lamang ipinadala ang perang kabayaran. Naging mahalagang piraso ng puzzle ang pahayag na yon. Pinatibay nito ang teorya ng mga pulis na hindi lamang simpleng krimen ng pagkakataon ang nangyari kundi may nakatagong dahilan at mas malaking taong nasa likod.
-
Sa kabila ng kanyang pag-amin, halata sa kilos ni Ramil na natatakot siya at sa kanyang dating ay tila nagsasabi naman ito ng katotohanan. Mula sa pahayag ni Ramil, isang malinaw na direksyon ang nabuo para sa imbestigasyon. Pinilit ng mga pulis na i-trace ang numero ng cellphone na ginamit upang makipag-ugnayan sa kanya.
-
Ngunit ilang beses mang tangkaing kontakin ang numero ay hindi na ito aktibo. Walang malinaw na pangalang lumabas kaya’t lumipat ang imbestigasyon sa isang posibleng ebidensya. Ang remittance center ang naging susi. Nakita sa tala ang eksaktong transaksyon ng halagang 5,000 na ipinadala sa pangalan ni Ramil sa parehong araw na nabanggit niya.
-
Natunton na ang bayad ay ipinadala mula sa isang branch na kalapitbayan. Humingi ng kopya ng CCTV ang mga imbestigador. Umaasang may makikitang pahiwatig. Sa kabutihang palad hindi pa ito nabubura. Habang pinapanood ang footage, unti-unting lumitaw ang imahe ng isang babae na nakasuot ng simpleng blusa at may dalang maliit na sling bag.
-
Sa anggulo ng CCTV habang pinipirmahan ang remittance form ay nakilala agad siya ng mga imbestigador. Si Aliya ang matalik na kaibigan ng biktimang si Jovelyn at siyang unang nagbigay ng lead sa pagkakahanap sa nawawalang katawan ni Jovelyn. Sa mga sandaling iyon, tahimik ang mga imbestigador.
-
Ang taong itinuring na tulay para mabigyang hustisya ang kaibigan ay siya ring lumilitaw na nagbukas ng daan tungo sa trahedyang nangyari dito. Hindi agad ibinunyag ang natuklasan. Sa halip, sinimulan nilang obserbahan ang kilos ni Aya, ang kanyang mga paglabas, ang mga taong nakakasama at ang mga simpleng galaw na dati walang kahulugan.
-
Ngunit ngay’y nagiging bahagi ng larawan ng motibo. Dahan-dahang nagsimulang mabasag ang imahe ng isang kaibigang nagdadalamhati. Habang mas pinapalim ang imbestigasyon, unti-unting lumabas ang kasaysayan ng sigalot sa pagitan nina Alya at Jovelyn. Sa parehong linggo bago mawala ang biktima, may mga nakasaksi ng matinding pagtatalo sa pagitan ng dalawa.
-
Ayon sa mga malapit na kaibigan, nagsimula ang aalitan ng pagbintangan ni Alia si Jovelyn na nilalandi si James Patrick, ang kanyang nobyo. Bagamat walang matibay na patunay, nagsimula roon ang pagkasira ng kanilang samahan. Isa pang anggulo ng CCTV mula sa isang ATM machine ang malinaw na nagdiin kay Alia.
-
Dito siya nag-withdraw ng pera bago nagtungo sa remittance center at nagpadala ng kabayaran kay Ramil. Nang kolektahin ang lahat ng impormasyon, mas malinaw na ang larawan. Si Ramil ang pisikal na gumawa ng krimen ngunit ang direksyon at utos ay nagmula sa mismong taong itinuring na kaibigan ng biktima. Ang motibo ay halatang nakaugat sa selos at galit.
-
Isang bagay na matagal ng kinimkim ni Alya hanggang sa humantong ito sa trahedya at sumabog. Dito na nagsimulang kumilos ang mga autoridad upang iharap siya sa hustisya. Sa ilalim ng mga ebidensya, ang imahe ni Aliya bilang kaibigang nagdadalamhati ay tuluyang naglaho. Ang natira ay isang babaeng piniling sirain ang buhay ng matalik na kaibigan para lamang mapawi ang sariling galit.
-
Umabot sa halos dalawang taon ang naging pagdinig ng kaso ni Aliya at noong Marso 2015, itinakda ang pagbibigay ng pinal na hatol. para sa kanya. Habang hiwalay namang dinidinig ang kaso ni Ramil, sa lahat ng ebidensyang nakalap ng prosecution ay hindi na nakalusot pa ang alinmang paliwanag ni Aliya. Dumalo ang pamilya ni Jovelyn sa bawat pagdinig.
-
nakaupo sa likuran ng korte na halos hindi makapaniwala na ang taong minsang tinuring nilang anak-anakan ay siya ring dahilan upang mangulila sila sa sariling anak. Hindi man nila maipaliwanag ang bigat ng kanilang dinadala, naging lakas nila ang paniniwala na sa bandang huli ay mananaig ang katotohanan. Si Alia ay napatunayang guilty bilang mastermind ng krimen at hinatulan ng reklusyon perpetua para sa kasong murder kasamang dagdag na parusa para sa kasong rape by inducement.
-
Si Ramil naman ay nanatili sa kulungan bilang pangunahing gumawa ng karahasan. Matapos ang desisyon ay muling dinalaw ng pamilya ang labi ni Jovelyn na nakahimlay sa gilid ng simbahan. Pinagsindihan ang kandila at iniharap ang balita na nakamit na ang hustisya sa nangyari sa kanya. Sa huli, naging kabalintunaan ang lahat na ang mismong panaginip ni Aliya ang nagsilbing tulay para mabunyag ang krimen na siya rin naman pala ang nagplano.
-
Sa mga naniniwala, maaaring galing nga kay Jovelyn ang mga tinig sa panaginip ni Aliya o ‘man. Ito ay mula sa sigaw ng sarili niyang konsensya at multo ng sarili niyang takot. Ang hatol ng korte ay naging huling sagot sa panaghoy ng pamilya na kahit hindi na maibalik si Jovelyn, ang katotohanan ay lumabas at ang may sala ay nagbayad.
-
Sa kwentong ito, nananatiling buhay ang isang aral. Ang galit at selos kapag pinairal ay kayang gawing bulag ang tao at ilapit siya sa kasamaan. Ngunit ang katotohanan, gaano man katagal nakatago ay laging may paraan para lumabas. At sa kaso ni Jovelyn, ito ay sa pamamagitan ng isang panaginip
News
Isang linggo bago ang kasal, sinabi sa akin ni Cody na ipahiram ko ang aking wedding gown sa kanyang “Great Love” o First Love.
Isang linggo bago ang kasal, sinabi sa akin ni Cody na ipahiram ko ang aking wedding gown sa kanyang “Great Love” o First Love. “Unang beses na lalakad si Lianne sa red carpet pagkauwi niya ng Pilipinas, kailangang maging napakaganda niya. Pagkatapos ng event, ibabalik…
BIGLA AKONG S!NAMP4L NG GF KO NANG MAGISING SIYA ISANG UMAGA HABANG MAGKATABI KAMI SA KAMA. SABI NIYA MAY BABAE DAW AKO SA PANAGINIP NIYA. AT ANG MGA PANAGINIP DAW MGA SIGNS DAW YUN AT IBIG SABIHIN DAW AY TOTOO YUN, KAYA IYAK NA SIYA NG IYAK DAHIL MERON DAW AKONG BABAE KAHIT SABI KO WALA
BIGLA AKONG S!NAMP4L NG GF KO NANG MAGISING SIYA ISANG UMAGA HABANG MAGKATABI KAMI SA KAMA. SABI NIYA MAY BABAE DAW AKO SA PANAGINIP NIYA. AT ANG MGA PANAGINIP DAW MGA SIGNS DAW YUN AT IBIG SABIHIN DAW AY TOTOO…
INIWAN KO SILA SA HAPAG-KAINAN DAHIL SA BASTOS NA JOKE NI TITO
INIWAN KO SILA SA HAPAG-KAINAN DAHIL SA BASTOS NA JOKE NI TITOMinsan talaga, kung sino pa ang kadugo mo, sila pa ang unang tumatama sa pride mo.Nagtipon-tipon ang buong pamilya para sa isang masayang reunion—yung tipong maraming pagkain sa mesa,…
PINALAYAS KO ANG SIL(Sister-in-Law) KO SA BAHAY NAMIN DAHIL HINDI SIYA TUMUTULONG SA GAWAING BAHAY
PINALAYAS KO ANG SIL(Sister-in-Law) KO SA BAHAY NAMIN DAHIL HINDI SIYA TUMUTULONG SA GAWAING BAHAYMay mga pagkakataon talaga na kahit gaano ka kapasensyoso, darating ang punto na mapupuno ka rin.Lalo na kapag ang isang tao ay nakikitira na nga lang…
HINDI AKO FREE-TAKER NG ANAK NG IBA KAYA KAHIT NAKATUNGANGA LANG AKO SA BAHAY AYAW KONG MAG-ALAGA NG PAMANGKIN
HINDI AKO FREE-TAKER NG ANAK NG IBA KAYA KAHIT NAKATUNGANGA LANG AKO SA BAHAY AYAW KONG MAG-ALAGA NG PAMANGKINMinsan, ang hirap kapag ang tingin ng pamilya mo sa “rest day” mo ay “extra time” para sa kanila.Akala nila dahil wala…
BIGLA NA LANG NASA SALA NAMIN ANG KAPITBAHAY NAMIN—KAYA NAPABILI AKO NG DOBERMAN PARA MATUTO SIYANG KUMATOK
BIGLA NA LANG NASA SALA NAMIN ANG KAPITBAHAY NAMIN—KAYA NAPABILI AKO NG DOBERMAN PARA MATUTO SIYANG KUMATOKMay mga kapitbahay talagang parang may invisible pass sa bahay mo kahit wala naman talaga.Tawagin niyo na lang akong Lena.Tahimik lang sana ang buhay…
End of content
No more pages to load