• A 11 ng Abril 2016 sa isang bayan sa Nueva Ecija may dumating na sumbong sa lokal na himpilan ng pulisya. Hindi ito karaniwang reklamo ng nakawan sa bahay o tindahan. Ang sinasangkot sa ulat ay isang lugar na madalas tahimik at isang trabahong bihirang mapagtuunan ng pansin ng kahit sino. Ang sementeryo at ang sepulturero nito.
  • Ayon sa impormasyong natanggap, may pagnanakaw umano na nagaganap sa loob mismo ng Memorial Park at mas mabigat sa sumbong. Ang pinaghihinalaang gumagawa nito ay hindi dayo. Ang mismong taong may access puntod at sa mga bagong libing ang itinuturong suspect. Ang nakatalagang sipulturero. Kinagabihan, naglatag ang mga rumisponding pulis ng operasyon.
  • Hindi tumalakihang raid na maingay at madaling mapansin. Dahan-dahan ang pagpasok. Sinigurong hindi halata ang galaw at maingat na nilapitan ang bahagi ng Memorial Park kung saan naroon ang tirahan ng Sepulturero. Pagdating sa mismong lugar, doon unang naramdaman ng mga rumisponde ang bigat ng sumbong. Hindi na ito usapin ng simpleng nawawalang alahas o gamit.
  • Sa loob mismo ng silid ng sipulturero, natagpuan ang katawan ng isang babae na nakahiga sa kama. Wala itong buhay. Sa parehong sandali, may isang lalaking namataan sa labas ng bahay. Nagmamadaling kumilos na tila may balak umiwas at tumakas. Kinilala ito kalaunan bilang si Domingo Sarsoza. 43 anyos ang sepulturero ng sementeryo.
  • Sinimulan agad ang paunang pagsisiasat. Kalaunan, kinilala ang bangkay bilang si Brenaldin Lopez. 26 anyos na inilibing sa Memorial Park. Tatlong araw pa lang ang nakakaraan. Habang inaayos ang crime scene at tinatawag ang mga kinakailangang forensic personnel, malinaw ang isang bagay.
  • Ang kasong ito ay hindi lang pagsuway sa batas. Isa itong pagyurak sa dignidad ng isang patay at pagwasak sa katahimikang inaasahan sa loob ng isang sementeryo. Bago pa man natagpuan ang bangkay sa gilid ng Sepulturero, may isang trahedyang una ng yumanig sa pamilya Lopez. Marso 2016. Ilang linggo bago ang operasyon ng pulisya sa sementeryo, pumanaw si Brenaldin Lopez.
  • 26 na taong gulang. Ayon sa opisyal na ulat ng ospital, siya ay binawian ng buhay dahil sa brain andurism. Isang biglaang kondisyon na hindi naagapan kahit nadala pa sa pagamutan. Kilala si Brenaldin sa kanilang lugar bilang isang babaeng may maayos na buhay at mayroong magandang kinabukasan. Likas na may magandang mukha at maayos na pangangatawan.
  • Nagtatrabaho siya sa isang bangko. May matatag na posisyon at tinitingala ng marami dahil sa talino at maayos na pakikitungo. Ilang buwan pa lamang ang nakakalipas mula ng siya ay ikasal sa kanyang asawa na si Nico Lopez. 28 taong gulang, isang negosyante. Wala pa silang anak ngunit marami silang planong binubuo bilang mag-asawa.
  • Maganda ang kalagayang pinansyal ng dalawa. Kapwa sila abala sa kani-kanilang trabaho at madalas na ikinukwento ng mga kaibigan at kamag-anak kung gaano kasaya at kaayos ang kanilang pagsasama. Kaya nang dumating ang biglaang pagpanaw ni Brenaldin, mabigat itong tinanggap ng pamilya at ng mga taong malalapit sa kanya.
  • Isinagawa ang burol sa kanilang probinsya. Tahimik ang lamay, puno ng luha, bulaklak at mga kwentong nagbabalikt tanaw sa maikli ngunit maayos na buhay ni Brenaldin. Sa huling araw ng burol, pinili ng pamilya na bihisan siya ng paborito niyang puting bestida. Isinuot din sa kanya ang kanyang custom madeade wedding ring.
  • Isang white gold ring na may 1.5 karat na diyamante at may ukit na inisyal nilang mag-asawa. Para sa pamilya, simbolo ito ng pag-ibig na hindi mapaghihiwalay hanggang kamatayan. Matapos ang mga dasal at huling sulyap ng mga mahal sa buhay, inihatid si Brenaldin sa isang pribadong Memorial Park sa Nueva Ecija.
  • Doon siya inilibing sa isang puntod na inakalang magiging huling hantungan niya. isang lugar na inaasahang ligtas, tahimik at may paggalang sa mga yumao. Walang sino man sa mga naghatid sa kanya ang nag-isip na ang mismong lugar na ion ang magiging sentro ng isa pa sa pinakaakagimbal na pangyayari sa kanilang buhay.
  • Sa isip ng pamilya Lopez tapos na ang pinakamabigat na bahagi ang pamamaalam. Sa mga sumunod na linggo matapos ang libing, abala ang pamilya sa pag-aayos ng mga dokumento, pagbangon mula sa pagluluksa at sa pagsubok na ibalik ang normal na takbo ng kanilang mga buhay. Walang anumang senyales na may mali sa puntod ni Brenaldin.
  • Walang nakapansin ng kahit anong kakaiba. Habang abala ang pamilya Lopez sa pagluluksa at pag-aayos ng mga papeles, matapos ang libing ni Brenaldin, may isang taong patuloy na namumuhay sa loob mismo ng sementeryo. Si Domingo Sosa 43 taong gulang. Siya ay matagal ng sipulturero sa pribadong Memorial Park sa Nueva Ecija.
  • minana niya ang trabaho mula sa kanyang ama na dating si Pulturero rin. Lumaki siya sa loob ng bakuran ng sementeryo. Sanay na siya sa amoy ng lupa, sa katahimikan ng mga puntod at sa presensya ng mga yumao. Hindi nakapagtapos si Domingo ng high school. Wala siyang asawa, wala ring anak.
  • Minsan siyang nanligaw noong kabataan ngunit dahil nabasted ay hindi na niya muling tinangkang manligaw pa sa mga babae. Dahilan upang siya’y tumandang binata. Tahimik lang siyang tao. Bihira lang na makihalubilo at halos hindi lumalabas ng sementeryo maliban kung may kailangang bilhin. Karamihan sa kanyang oras ay ginugol niya sa paglilinis ng mga puntod, paghuhukay ng libingan at pananatili sa maliit na silid na itinakda para sa mga sepulturero.
  • Sa mga nakakakilala sa kanya, wala siyang naitalang reklamo. Hindi pala away pero hindi rin pala kaibigan. Isa lamang siyang presensyang palaging narian ngunit halos hindi napapansin. Sa likod ng katahimikang iyon may isang bahagi ng kanyang buhay na walang sinumang nakakaalam. Ilang araw matapos mailibing si Brenaldin, minsang niyaya ni Domingo ang isang kabarangay na si Homer.
  • 37 taong gulang para mag-inom. Hindi ito karaniwan. Bihira si Domingo na makipag-inuman lalo na sa labas ng sementeryo. Sa gitna ng kanilang pag-iinom, napansin ni Homer ang kakaibang tono ng kwento ni Domingo. ng kalasingan. Unti-unti nitong binuksan ang tungkol sa isang jackpot umano na natagpuan niya sa loob ng sementeryo.
  • Isang mamahaling singsing na galing sa isang bagong libing. Habang tumatagal ang usapan, lalo pang naging mabigat ang mga detalye. Binanggit ni Domingo na ang babaeng pinagkunan niya ng singsing ay maganda bata. at sariwa pa umano ang katawan. Ayon sa kanya, ilang araw na raw niya itong kasama sa kanyang silid sa loob ng sementeryo.
  • Ipinahiwatig niya na hindi lamang pagnanakaw ang ginawa niya rito. Mas lalo pang nabigla si Homer nang marinig na inanyayahan pa siya ni Domingo na makita at makisangkot sa kanyang ginagawa. Sa kabila ng kalasingan, malinaw kay Homer na hindi ito biro, hindi pantasya at hindi normal. Hindi nagpakita ng reaksyon si Homer ng mga oras na yon.
  • Tinapos niya ang inuman na parang walang kakaiba. Ngunit kinabukasan, mabigat ang dala niyang desisyon. Dumiretso siya sa himpilan ng pulisya. Isinumbong niya ang lahat ng narinig niya mula kay Domingo. Ang tungkol sa singsing, ang tungkol sa bangkay, at ang tungkol sa ginagawa umano nito sa loob ng sementeryo. Ang impormasyong iyon ang naging mitsaan ng agarang paggalaw ng mga aoridad.
  • Matapos matanggap ng pulisya ang salaysay ni Homer, agad na ikinasa ang isang operasyon. Itinuring na sensitibo ang impormasyon. Kinagabihan, bandang 9, tahimik na pumasok sa pribadong Memorial Park ang mga operatiba. Sarado na ang lugar sa publiko. Iilan lamang ang ilaw at halos wala ng tao sa paligid. Sa gitna ng malalawak na puntod at madidilim na daanan, mabilis nilang tinungo ang maliit na tirahang nakalaan para sa sepulturero.
  • Habang papalapit ang mga pulis, napansin ang biglang paggalaw sa loob ng bahay. Bilang sandali pa, lumabas si Domingo Sosa sa likurang bahagi, patakbo at pilit na umaakyat sa mataas na pader sa likod na bahagi ng lugar. Hindi na siya nakalayo. Agad siyang naabutan at inaresto ng mga pulis.
  • May bakas ng putik sa kanyang damit at halatang nagmamadali siya. Walang dalang anumang gamit ngunit malinaw ang pagtatangka nitong tumakas. Nang mapasok ng aoridad ang silid ni Domingo, bumungad ang isang eksenang lalong nagpatibay sa hinala. Sa loob ng maliit na kwarto, natagpuan nga ang katawan ng isang babae na nakahiga sa kama.
  • Balot ito ng manipis na kumot. Sa unang tingin, malinaw na sa mga pulisya na ito ang babaeng tinutukoy ni Homer. Namumutla at wala ng buhay. Kinilala itong si Brenaldin Lopez. Sa paligid ng silid, may ilang bote at lalagyan ng kemikal na pinaniniwalaang ginagamit sa pansamantalang pagpreserba ng katawan. May mga damit na nakakalat at ilang personal na gamit na hindi karaniwang makikita.
  • Sa tirahan ng isang sipulturero. Agad na dinala si Domingo sa presinto at pansamantalang idinetain. Samantala, sinuri ng mga forensic team ang lugar at ang katawan. Sa paunang pagsusuri, lumabas na ang bangkay ay inalis sa libingan at inilipat sa silid. May mga palatandaan na ginalaw ang katawan matapos ang libing.
  • Ipinaalam ng pulisya sa pamilya Lopez ang natuklasan. Labis ang pagkabigla at sakit na idinulot ng balitang ito sa pamilya lalo na sa kanyang asawa. Hindi pa man natutuyo ang kanilang mga luha sa pagkawala ni Brenaldin, muling nabuksan ang sugat sa paraang hindi nila kailan man inakala. Sumugod sa presinto ang asawa ni Brenaldin na si Nico Lopez.
  • Sa gitna ng galit at dalami, hindi niya napigilan ang sarili at sinugod ang suspect bago siya napigilan ng mga pulis. Doon din unang nabanggit ng pamilya na may isang mahalagang bagay na nawawala. Ito ay ang wedding ring ni Brenaldin. Ang singsing na inilibing kasama niya ay wala na. Ang simpleng sumbong tungkol sa pagnanakaw sa sementeryo ay tuluyan ng nauwi sa isang mas mabigat at nakakagimbal na kaso.
  • Makalipas ang operasyon, tuluyang binuksan ng pulisya ang pormal na kaso laban kay Domingo Sosza. Naghain ang pamilya Lopez ng magkakapatong na kaso laban kay Domingo, Robery, Secretation of the Dead at mga kasong may kaugnayan sa sekswal na paglapastangan sa bangkay. Isa sa mga pangunahing testigo ang kabarangay na si Homer na unang pinagsabihan ni Domingo.
  • Inilahad niya sa sinumpaang salaysay kung paano ikinuwento ni Domingo ang tungkol sa singsing at sa bangkay na itinatago nito sa silid. Ang kanyang pahayag ang naging batayan ng operasyon na nagresulta sa pagkadiskubre ng katawan. Tumistigo rin ang forensic specialist ng Memorial Park at ang mga pulis na rumisponde sa operasyon.
  • Iniharap sa korte ang mga larawan ng crime scene, ang mga kemikal na na-recover at ang dokumentasyon ng paghuhukay at paglipat ng bangkay. Habang umuusad ang kaso, unti-unting lumabas na hindi pala ito ang unang beses na may kahin-hinalang insidente sa sementeryo. May mga naunang reklamo noon tungkol sa nawawalang personal na gamit ng ilan pang mga bangkay ngunit hindi na ito umabot sa pormal pang imbestigasyon.
  • Sa gitna ng masinsinang pagtatanong at ebidensyang inihain, napilitang umamin si Domingo sa kanyang nagawa at sinabing hindi yun ang unang beses. Labis na ikinagulat ng lahat ang pahayag na ito ni Domingo. Nanghingi ng pulisya ang kinaroroonan ng wedding ring ni Brenaldin, hindi na ito naibalik.
  • Lumitaw sa record na maaaring naipagbili na ito o naipasa na sa ibang tao at hindi na muli pang na-recover. Ang paglilitis ay naging mabigat hindi lamang para sa pamilya Lopez kundi pati sa komunidad na matagal ng nagtiwala sa katahimikan ng kanilang sementeryo. Pebrero 2018. Matapos ang halos dalawang taon ng pagdinig at pagsusuri ng ebidensya, ibinaba ng korte ang hatol laban kay Domingo Saroza.
  • Batay sa bigat ng mga kasong napatunayan at sa lawak ng mga ebidensyang iniharap, hinatulan siya ng 20 taong pagkakabilanggo. Sa desisyon ng hukuman, malinaw na itinuring ang kanyang mga ginawa hindi lamang bilang krimen laban sa ari-arian kundi bilang matinding paglapastangan sa dangal ng mga yumao at sa tiwalang ibinigay sa kanya bilang tagapag-ingat ng sementeryo.
  • Pinagtibay ng korte ang testimonya ng mga testigo, ang forensic findings at ang mga nakuhang gamit sa silid ni Domingo bilang sapat na patunay ng kanyang pagkakasala. Kasabay ng hatol, agad na kumilos ang pamunuan ng Memorial Park. Pinalitan ang mga namamahala. Sinuri ang lahat ng records at nagpatupad ng mas mahigpit na patakaran.
  • Naglagay rin ng 24 oras na CCTV. Nagtalaga ng mga bagong gwardya at nakipag-ugnayan sa lokal na pulisya para sa regular na inspeksyon upang matiyak na hindi na mauulit pa ang ganitong uri ng krimen. Sa panig ng pamilya Lopez, piniling ilipat ang labi ni Brenald din sa ibang memorial park.
  • Isinagawa ang muling paglibing sa mas maayos at mas ligtas na himlayan. Malayo sa lugar na naging sentro ng kanilang pinakamabigat na bangungot. Tahimik ang naging seremonya. Wala ng malalaking pahayag. Tanging pamilya at piling kaibigan lamang ang naroon. Isang huling hakbang upang maibalik ang dignidad na naagaw sa kanilang mahal sa buhay.
  • Sa komunidad ng Nueva Ecija, nanatiling bakas ang insidente. Ang sementeryong dati itinuturing na tahimik na lugar ng pahinga ay naging paalala na kahit sa mga espasyong iniuugnay sa katahimikan at respeto, maaari pa rin palang maganap ang matinding kasamaan. At sa likod ng mga nitso at pader ng sementeryo, nanatiling saksi ang lugar sa isang katotohanang hindi na mabubura.
  • na ang tiwala kapag napunta sa maling kamay ay maaaring humantong sa mga kriming higit pa sa inaakala ng sinuman