-
Sa maraming pamilyang Pilipino, may mga asawang umaalis ng bansa. Bitbit ang pangakong balang araw ay magkakaroon sila ng mas maginhawang buhay. Kapalit ng pagsasakripisyo sa ibang bansa ay ang pag-asang magkaroon ng mas matatag, maginhawa at buong pamilya. Ngunit may mga pagkakataon na kabaliktaran nito ang nangyayari.
-
Dahil imbis na saya ay dumarating minsan ang pagkawasak, bunga ng pagtataksil at kapusukan. Pebrero taong 2018 nang lumapag ang eroplanong sinasakyan ni Cecil Rosario sa Ninoy Aquino International Airport. Sa loob ng anim na taon, halos wala siyang ginastos para sa sarili. Mas inuna ang pagpapadala ng pera buwan-buwan sa Batangas para sa matrikula ng anak, pambayad sa upa ng bahay, kuryente, tubig at kaunting hulog sa maliit na lote na inaasam nilang maging sariling tahanan.
-
Sa arrival area ng init ng bansa, ngunit hindi ganoon kainit ang pagsalubong mula sa asawang si Rudy Rosario. 43 anyos. Isang tricycle driver sa kanilang baryo. Wala itong dalang pasalubong ni hindi man lamang ngingiti. Nakatayo lang ito sa isang sulok. Parang may hinihintay na ordinaryong pasahero at hindi ang asawang ilang taon ng nasa malayo.
-
Lumapit si Cecil. Ngumiti at siya mismo ang nag-abot ng yakap. Ramdam niya sa saglit na pagyakap na malamig ang tugon ni Rudy. Mabilis na nawala ang braso nitong nakayapos at agad na kinuha ang isa sa maleta. Tahimik lamang si Cecil sa biyahe pauwi. Sa likod ng pagod, naroon ang matagal ng kutobit niyang inilibing noong nasa abroad pa siya.
-
Bago siya umuwi, ilang beses na niyang naisip na may iba ang asawa mula sa pagbabago ng oras ng pagre-reply, pagamit ng social media at paminsan-minsang hindi ito ma-contact. Madalas ding maikli at tila walang buhay ang mga mensahe ni Rudy sa kanya. Ngunit tuwing sumasagi iyon sa isip niya, pinipili niyang magtiwala.
-
Sinabihan niya ang sarili na baka dala lamang ng distansya at pagod sa pamamasada. Pagdating nila sa kanilang bayan sa Batangas, bumungad ang pamilyar na iskinita, ang mga kapitbahay na abala sa kani-kanyang gawain at ang kanilang inuupahang bahay. Masayang sinalubong si Cecil ng anak nilang nagdadalaga na.
-
May halong pananabik at konting ilang. Marahil dahil matagal ding nawalay sa piling ng ina. Sa kabila ng pagod, nagpakita si Cecil ng sigla. Nag-abot ng pasalubong, nagkwento at sinubukang punan ang mga taong wala siya. Ngunit mabigat ang presensya ni Rudy sa loob ng bahay. Pagkatapos magbaba ng mga gamit, agad itong umalis para muling pumasada.
-
Walang malinaw na dahilan. Basta lamang nagpaalam na may biyahe pa raw siya. Sayang ang kita. Para kay Cecil, normal na rason yon para sa isang tricycle driver. Ngunit sa pagkakataong iyon, ramdam niya na parang mas gusto nitong nasa labas kaya makasama ang bagong dating na asawa. [Musika] Nang mga sumunod na araw, sinubukan ni Cecil na buuing muli ang ritmo ng pagiging asawa at ina sa Pilipinas.
-
Siya ang nag-aasikaso ng pagkain, naglalaba, naglilinis at naghahanda para sa kanyang planong negosyo. Nais niya sanang magkaroon ng sari-sari store o maliit na ethery malapit sa terminal gamit ang naipon mula sa pagiging domestic helper. Sa isip niya kung magiging maayos ang negosyo hindi na siya mangangailangan pang bumalik sa Hong Kong.
-
Magkakasama na sila sa iisang bubong araw-araw. Nung una niyang ipinaalam kay Rudy ang plano, malamig ang naging tugon nito. Sa halip na matuwa, agad nitong binanggit na mas mainam pa ring bumalik siya sa abroad dahil mas malaki raw ang kita roon. Ipinunto ni Rudy na may mga bayarin pa. May anak na kailangang pag-aralin.
-
Nakinig si Cecil pero ramdam niyang iba ang laman ng pakiusap ng asawa. Sa tahimik na pagtingin nito sa kanya, tila hindi pag-aalala ang gumagalaw sa likod ng mga salita nito. Kundi ka ba na baka mag-iba ang takbo ng buhay nito kung mananatiling naroon sa bahay si Cecil? Hindi agad sumagot si Cecil sa halip nagbilang siya ng mga taon.
-
Anim na taon siyang nagtiis sa malayong bansa. Tumanggap ng kung anu-anong utos. Tini ang pangungulila at halos lahat ng kinita ay diretso sa bahay. Wala siyang naipundar para sa sarili maliban sa ilang damit at gadget na kailangan sa komunikasyon. Ang plano niyang negosyo ay tanging nakikita niyang daan para hindi na siya mawalay muli sa anak.
-
Kaya sa unang pagkakataon, matatag niyang itinanim sa isip na hindi na siya aalis. Sa sarili niyang kalooban, nagpasya siyang hindi na siya babalik ng Hong Kong. Kahit gaano pa ipilit ni Rudy na mas mainam kung aalis siya. Habang lumilipas ang mga linggo, mas lalo niyang napansin ang pagdistansya ng asawa. Madalas itong maliate umuwi.
-
Laging may rason. Nasiraan, may hinatid sa malayong barangay. May inabutang kakilala sa kanto at napasarap ang kwentuhan. Kapag nasa bahay, hawak madalas ang cellphone. Minsan ay nakatalikod kapag may tina-type o binabasa. Sa kabila ng lahat, nanatiling tahimik at mapagmatyag si Cecil. Hindi na siya gaya noong mga unang taon ng pagsasama nila na konting hinala pa lang ay sinusundan na ng tanong, tampo at iyak.
-
Sa edad niyang 42’t dala niya ang mga leksyong natutunan sa pakikibaka sa ibang bansa. Mas mahalaga ang prweba kesa haka-haka. Mas mabigat ang katotohanang hawak sa kamay kesa sa hinalang binubuo lamang ng takot. Isang gabi habang nakahiga sa kama at naririnig pa rin niya ang tunog ng tricycle sa labas.
-
Kahit this oras na, pinagmasdan ni Cecil ang kisame at tahimik na nag-isip. Naroon ang tanong kung nagkamali ba siya sa pag-alis noon. Ramdam niyang may mali, may nagbago, may hindi na umaayon sa kwento ng isang asawang sabik dapat sa pagbabalik ng may bahay. Sa likod ng pagod niyang katawan, unti-unti ng nabubuo ang isang plano hindi lamang para sa negosyo kundi para sa paghahanap ng kasagutan sa matagal ng masamang kutob na pilit niyang sinisiil.
-
Isang umaga habang pinagmamasdan ang asawa sa pag-aayos sa tricycle, napansin ni Cecil ang pagdulas ng isang cellphone mula sa toolbox. Agad itong kinuha ni Rudy tila nagulat at mabilis na ibinulsa. Doon lalong tumindi ang pagdududa ni Cecil. Pinili niyang huwag magtanong. Sa halip, pinakiramdaman niya ang galaw ng asawa.
-
Sa tuwing natatanggap ni Rudy ang tawag sa telepono, lumalayo ito para sagutin. Kapag tinatanong niya kung sino ang kausap, sumasagot ito ng may malamig na paliwanag. Sa tuwing bumubuo siya ng pasaring tungkol sa pagtataksil, binabaliktad siya na para bang siya ang nag-iimbento ng gulo. Sa mga gabing magkasama sila, ramdam ni Cecil ang distansyang hindi kayang sukatin ng salita.
-
Sa kabila ng sakit, nagpasya si Cecil na hindi magpapadala sa emosyon. Kung babalik siya ng abroad na hindi nalalaman ang buong katotohanan, alam niyang mananatili siyang pinapaikot. Kung haharapin niya si Rudy ng walang ebidensya, tiyak na denaya lamang ang aabutin niya. [Musika] Sa puntong iyon, nagpasya si Cecil na hindi na siya uupo bilang asawang naghihintay lamang ng paliwanag.
-
Siya ang hahanap ng sagot. Siya ang sisilip sa likod ng lihim. At sa puso niya nag-ugat ang pangako. Ano man ang masaksihan niya, haharapin niya yon ng walang takot. Marso taong 2018. Tahimik ang buong umaga sa kanilang sityo nang magsimulang magtaka si Cecil sa kilos ni Rudy. Maaga itong naligo.
-
Nagsuklay ng mas maayos kaya dati at halos inubos ang pabango bago umalis. Sanay na siyang nakikita ang mister na pagod at amoy araw dahil sa pamamasada ngunit iba ang ayos nito ngayon. Hindi nagsalita si Cecil. Sa halip, pinakiramdaman niya ang kilos ng asawa. Plano niya itong sundan gamit ang motorsiklong binili niya para dapat sa negosyo.
-
Paglipas lamang ng ilang minuto ay sinundan niya si Rudy mula sa terminal. Mula sa malayo, maingat niyang minamasdan ang tricycle ng asawa habang dahan-dahang umaandar. sa kahabaan ng kalsada. Wala itong sakay na pasahero taliwas sa dapat nitong ginagawa nong umagang ‘yon. At sa bawat minutong lumilipas ay lalo pang tumitindi ang gutob ni Cecil.
-
Ilang sandali pa, biglang lumiko ang tricycle sa isang makitid na daan na papunta sa masukal na bahagi ng sityo. Wala roon ang bahay ng sinumang kilala niya. Walang mga residente. Tanging masukal na mga damuhan at puno lamang ang naroon. Huminto si Cecil sa medyo malayo at naglakad na lamang upang hindi matunugan ng asawa ang kanyang pagsunod.
-
Ilang minuto pa ang lumipas ay napansin at narating niya ang halos dulo ng sityo. Sa pag-iikot ng mata niya, nakita niyang nakaparada ang tricycle ng asawa sa ilalim ng punong may makapal na lilim. Wala si Rudy roon. Naghari ang katahimikan sa paligid. Maririnig ang tunog ng mga kuliglig at pagaspas ng dahon.
-
Ngunit sa pagitan ng mga iyon, may umuusbong na kakaibang ingay. Mahina sa una, ngunit malinaw. May halong paghinga, ungol at kaluskos ng damuhan. Dahan-dahang sumilip si Cecil sa direksyong pinanggalingan ng tunog. Bawat hakbang ay nangangatal. hinahati ng kaba at galit. Nang tuluyang maaninag ang tanawin sa likod ng malalaking dahon, halos bumaliktad ang sikmura niya.
-
Nandon si Rudy walang saplot. Nasa likod ng isang babae na chak niyang mas bata kesa sa asawa. Mainit ang yakapan, walang bakas ng pagsisisi o pag-aalinlangan. At ang babae kilala niya. Ang dalagang iyon ay si Angeline Orlanda. Ang 23 anyos na inaanak niyang binyag noong pitong taong gulang pa lamang.
-
Anak ng dating kaklase niya at matagal ng itinuturing na parang tunay na kapamilya. Bumagsak ang mundo ni Cecil. Sobrang sakit ng kanyang natuklasan. Hindi niya namalayan ang paglapit. Sa sobrang galit, rumagasa siya papunta sa dalawa. Nagulat ang magkalaguyo. Napaatras si Angeline habang tinatakpan ang sarili. Samantalang si Rudy ay napamulagat.
-
Tila hindi makahanap ng katagang makapagtatanggol sa sarili niya. Hindi na napigil ni Cecil ang sarili. Sunod-sunod ang sampal na ibinigay niya sa mga ito. Puno ng matagal na pagtitiis at galit. Sa gitna ng tensyon, pilit siyang pinipigilan ni Rudy. Nais nitong patahimikin si Cecil ngunit hindi ito nakinig. Lumakas ang sigawan.
-
Nagbanggaan ang kanilang mga katawan at sa isang iglap, sinampal siya ni Rudy ng malakas. Hindi dahil sa galit kundi dahil sa takot. Tumilapon si Cecil. Tumama ang ulo niya sa isang nakausling kahoy sa lupa. At bago siya tuluyang mawala ng malay, huling naaninag niya ang takot at pagkataranta sa mukha ni Rudy at Angeline.
-
Nang inakalang wala ng buhay si Cecil, dali-daling kumaripas papalayo ang dalawa. Iniwan ng babae sa kritikal na kondisyon habang iniisip na hindi na ito makakaligtas. Sa lakas ng impact ng nangyaring sagupaan, nanatiling nakahandusay si Cecil Rosario habang unti-unting namumuo ang dugo sa batok.
-
Tahimik ang paligid maliban sa mahinang ihip ng hangin at kaluskos ng mga tuyong dahon. Wala ni isang bakas ng galaw mula kina Rudy at Angeline na mabilis na tumakas sakay ng tricycle matapos sa kalaing wala na siyang buhay. Habang papalayo ang ingay ng makina, isang magsasakang pauwi mula sa bukid ang nakarinig ng mga sigaw sa di kalayuan bago tuluyang tumahimik ang paligid.
-
Sa paglapit niya, nakita niya ang nakahandusay na katawan ni Cecil. Walang malay. Naramdaman niyang may mahinang pulso pa ito. Dahilan upang agad siyang humingi ng tulong sa mga kamag-anak. Ilang kapitbahay at kaanak ang sumama sa lalaki at sa improvisadong garong ay dahan-dahan nilang isinakay si Cecil. Habang tinatahak ang mabatong daan.
-
patungo sa barangay road. Halata ang pagkabigla at pag-aalala ng mga nakasaksi. Dinala siya sa pinakamalapit na ospital sa bayan. Agad siyang isinailalim sa pagsusuri at masinsinang gamutan. Sa ulat ng doktor, kritikal ang unang yugto ng kanyang kondisyon at ang pagkakasugod sa kanya sa ospital ng maagap ang siyang dahilan upang hindi siya tuluyang mapahamak.
-
Samantala, sa kanilang barangay, ikinalat ni Rudy ang kwento na nagkaroon lamang sila ng tampuhan ni Cecil. Pinalabas niyang umalis ito dahil sa labis na sama ng loob at wala siyang ideya kung saan ito nagpunta. Malinaw sa kanyang kilos ang pagtatakip ngunit wala siyang kamalay-malay na may nakasaksi ng buong pangyayari at ang asawang akala niya’y patay na ay nagpapagaling pala sa ospital.
-
Habang nagpapagaling si Cecil sa kama ng ospital, nagsimula ng magkwento ang magsasakang nakakita sa kanya. Ibinahagi niya sa mga tauhan ng barangay ang eksaktong lugar at oras na narinig niya ang sigawan. Sa ulat na ito, unti-unting nabuo ang larawan ng isang grimeng sinubukang pagtakpan. Pagkalipas ng ilang araw mula ng matagpuan si Cecil, kumalat ang balita sa kanilang barangay na buhay ito at kasalukuyang nagpapagaling sa ospital sa tanawan.
-
Mabilis itong umabot kay Rudy na noon ay kampanteng pinaniniwalaan ng mga kapitbahay na naglayas ang asawa matapos ang umano’y matinding pagtatalo. Nang makumpirma ni Rudy na nakaligtas ang asawa, agad siyang nagdesisyong tumakas kasama si Angeline. Sa halip na humarap sa sitwasyon, pinili nilang magtago at iwasan ang anumang posibleng imbestigasyon.
-
Habang nagpapagaling si Cecil, sinimula ng Women and Children’s Protection Desk ang dokumentasyon ng kanyang kaso. Ikinwento ni Cecil ang kanyang pinagdaanan at ang bawat detalye nito ay tugma sa naging salaysay ng saksi na nagdala sa kanya sa ospital. Doon na niya isinampa ang mga kasong vow serious serious physical injuries at concubinage laban kina Rudy at Angeline.
-
Sa tulong ng barangay report medical findings at testimonya ng saksi, mabilis na kumilos ang mga imbestigador. Ilang buwan ang lumipas, nakatanggap sila ng tip mula sa isang residente sa Lemery, Batangas. Ayon dito, may magkasintahang bagong lipat na tila iwas sa tao at bihirang lumabas. Ang deskripsyon ay tumugma kay Rudy at Angeline.
-
Sa pagsalakay sa inuupahang kwarto, natagpuan nila ang dalawang magkalaguyo. Lalo pang ikinagulat ng mga aoridad nang makita si Angeline na buntis. Ipinagpilitan ng dalawa na aksidente lamang ang lahat at walang sinadyyang pananakit ngunit hindi nakapagsalba ang kanilang paliwanag. Masyado ng mabigat ang ebidensya at masyadong malinaw ang mga salaysay ni Cecil para baliktarin ang katotohanan.
-
Pagsapit ng araw ng paglilitis noong Nobyembre taong 2018, malinaw ang direksyon ng kaso. Nang humarap si Cecil sa hukuman, mahinaho niyang ipinaliwanag ang mga buwan ng pagdududa ang pagtuklas ng extra cellphone at ang araw na sinundan niya si Rudy hanggang sa lugar na iyon. Ipinakita ng prosekusyon ang mga litrato ng pinangyarihan ng insidente at ang salaysay ng magkakasunod na pangyayari mula sa oras ng pagtugma ng testigo hanggang sa pagkakatagpo sa kanya na wala ng malay.
-
Nailatag ang malinaw na pattern. pagtataksil, pagtatago at pagtatangkang pagtakpan ang krimen sa pamamagitan ng pagpapakalat na naglaya si Cecil. Sa kabilang panig, paulit-ulit na iginiit nina Rudy at Angeline na aksidente ang lahat. Nabanggit nila ang umanoy pagdulas ni Cecil ngunit hindi nakaalpas ang depensa nila sa mga ebidensyang teknikal at testimonya ng testigo.
-
Nadagdagan pa ang bigat ng kaso ng mapatunayang buntis si Angeline na lalo pang nagpatingkad sa motibo ng kanilang pagtataksil at pagtatangka nilang pag-alis kay Cecil sa landas nila. Sa huli naglabas ng hatol ang hukuman. Reklusyon temporal na ling taong pagkakakulong para kay Rudy mula sa kasong VO C.
-
Serious physical injury at concubinage. At s taon naman para kay Angeline bilang kabahagi ng krimen. Naipatupad ang sentensya matapos timbangin ang lahat ng ebidensya at testimonya. Walang bakas ng pagsisisi sa mukha ng dalawa habang inaakay palabas ng courtro. Subalit malinaw ang takbo ng hustisya at yon ang pinakamahalaga para kay Cecil.
-
[Musika] Sa paglabas niya sa korte, dala niya ang papel ng desisyon. Magkahalong saya at lungkot. Marami pa ring sugat na kailangang paghilumin. Tuluyan niyang isinara ang kabanata ng kanilang pagsasama. Sa tulong ng naipon sa abroad at sa bagong suporta ng pamilya, nagsimula siyang muli.
-
Mas tahimik, mas maingat at mas matatag kasama ang kanyang anak na dalaga. Sa kanyang muling pagbangon, napatunayan niya na ang pinakamalakas na sandata ng isang asawang nasaktan ay ang manatiling matatag at lumaban para sa hustisya. At sa katahimikang muling bumabalot sa kanyang tahanan, natagpuan ni Cecil ang tunay na anyo ng tagumpay.
-
Ang kalayaan mula sa taong sumira sa kanyang tiwala at ang panibagong simula na siyang magtatakda ng panibagong pahina ng kanyang buhay.
News
Ginamit ko ang aking school meal card na niloadan ng mga magulang ko ng ₱60,000 para bumili ng isang steak meal na nagkakahalaga ng ₱500 sa canteen ng unibersidad./hi
Ginamit ko ang aking school meal card na niloadan ng mga magulang ko ng ₱60,000 para bumili ng isang steak meal na nagkakahalaga ng ₱500 sa canteen ng unibersidad. Biglang tumayo ang boyfriend ko sa gitna ng maraming tao at…
Pero nang mabalitaan ko ang nangyari doon sa mag-asawang lesbian sa kabilang kanto, medyo kinabahan din ako, kaya laging nagpapaalala si Gerson sa akin//
“Ipinasok kay Tiya” “Mahal, gabi na, magsara na tayo.” “Maya-maya na, sayang naman, may mga dumarating pa na bumibili,” sagot ko sa aking asawa. “Eh, medyo masama ang panahon at umuulan, wala na siguro nabibili. Mahirap na, uso pa naman…
Nahuli ko $! m!$!$ na kasama sa kama @ng Ex ny@
Nahuli ko si misis na kasama sa kama ang Ex nya Gabi ng Biyernes sa aming bahay sa Sampaloc, Manila. Katatapos lang namin mag-dinner nang mapansin kong nagmamadaling mag-empake si Clara. Seryoso ang mukha niya at parang balisa. “Hon, tumawag…
UMIYAK ANG ANAK NG MILYONARYO GABI-GABI… AT WALANG SINUMAN ANG GUSTONG MALAMANG KUNG BAKIT.
Pinapagana ng GliaStudios Hindi nakatulog si Clara nang gabing iyon. Naupo siya sa maliit na silid na nakatalaga sa kanya sa pakpak ng mga katulong, inuulit ang bawat tunog, bawat salita, bawat kilos na ginawa ng batang lalaki. Pinalaki niya…
Ipinagbili ako bilang asawa sa isang lalaking “paralisado”… at noong gabi ng aming kasal, kinailangan ko siyang tulungan na makaupo sa kama. Nang hawakan siya ng aking mga kamay, napagtanto kong may hindi akma.
Ipinagbili ako bilang asawa sa isang lalaking “paralisado”… at noong gabi ng aming kasal, kinailangan ko siyang tulungan na makaupo sa kama. Nang hawakan siya ng aking mga kamay, napagtanto kong may hindi akma. Ipinagbili ako bilang asawa ng isang…
NAG-TEXT ANG ASAWA KO: “HAPPY ANNIVERSARY, BAE. STUCK AKO SA TRABAHO.” PERO NASA OPISINA NA NIYA AKO AT PINAPANOOD SIYANG MAY KAHALIKANG IBA. BIGLANG MAY BUMULONG SA LIKOD KO: “WAG KANG MAINGAY. MAGSISIMULA NA ANG TUNAY NA PALABAS.”
Ang Simula: Ang Sorpresa at Ang Kasinungalingan Ikalimang anibersaryo namin ng asawa kong si Eric. Dahil alam kong naging sobrang busy siya sa kanyang trabaho bilang Finance Director sa isang malaking kumpanya, nagdesisyon akong i-surprise siya. Nagluto ako ng paborito…
End of content
No more pages to load