• Nobyembre 2015 sa Dagupan, Pangasinan. Dumating ng walang pasabi si Marvin Molina matapos ang ilang taong pagtatrabaho bilang Seaman. Sa halip na tumawag o magpadala ng abiso, pinili niyang surpresahin ang kanyang pamilya. Sa harap ng kanilang bahay, tumigil ang isang tricycle na kanyang sinasakyan mula sa terminal.
  • dala ang malaking maleta na punong-puno ng mga gamit at pasalubong mula sa ibang bansa. Ang kanyang ngiti ay tila ba puno ng pananabik na makita ang asawang si Bernadet Molina at ang kanilang anak na 10 taong gulang. Ngunit bago ang pagbabalik na yon, ilang linggo ring walang natatanggap na padala si Bernadette mula sa asawa.
  • Noong una iniisip niyang baka na-delay lamang ang remittance. Ngunit nang magtagal nagsimulang mag-alala si Bernadette. Kaya’t nang biglang sumulpot si Marvin sa kanilang pintuan, halo ang nararamdaman niya. Gulat, tuwa, ngunit may halong pagtataka. Ang pag-uwi ni Marvin ay naging dahilan ng muling pagtitipon ng pamilya.
  • Sa loob ng bahay, pinagsaluhan nila ang mga pasalubong, mga tsokolate, damit at ilang mga pera para sa kanilang anak. Sa unang tingin, para bang bumalik ang lahat sa normal, ang kasabikan ng mga bata sa kanilang ama at ang muling pagsasama-sama ng mag-asawa. Sa unang gabi ng kanyang pagdating, nagpasya si Marvin na maghanda ng maliit na salo-salo.
  • Inimbita niya ang ilang mga kapitbahay at ipinagmalaki ang kanyang trabaho bilang Seaman. Sa gitna ng tawanan, kantahan at inuman, pinuri siya ng mga kaanak bilang responsableng asawa at mabuting ama. Sa kabila nito, ramdam ni Bernadette ang malamig na hawak ng asawa sa kanyang kamay. Walang init, walang lambing na dati agad niyang nadarma tuwing sila’y muling nagtatagpo.
  • Habang lumilipas ang mga araw, napansin ni Bernadette ang kakaibang kilos ng kanyang mister. Sa halip na gugul oras kasama ang kanyang pamilya, mas madalas si Marphin na hawak ang kanyang cellphone. Palagi niya itong dala kahit sa pagkainan at bihirang iwanan saan man. Tila ba laging may kausap na ayaw ipakita sa kanyang asawa o anak? Sa umpisa, pinili ni Bernadette na huwag bigyan ng masamang kahulugan ang kanyang mga obserbasyon.
  • Inisip niya na marahil dala lang ito ng trabaho o baka may pinaplanong surpresa pa ang asawa. Habang siya ay nag-iisip, dumating ang balita mula sa kanyang kumari at matalik na kaibigan na si Geneva Bernardino na nakatira sa Maynila. Nagpaabot ito ng mensahe na nais niyang bumisita sa Pangasinan para sa isang maikling bakasyon.
  • Ayon kay Geneva, nais niyang makasama ang pamilya ni Bernadeth at magpahinga at mag-enjoy mula sa abalang buhay sa Maynila. Para kay Bernadeth, ito’y magandang pagkakataon upang makalimot muna sa kanyang pagod at alalahanin. Kaya naman pumayag siya sa paanyaya. Umaasang bakasyon ay makapagbibigay ng aliw at bagong sigla sa kanyang pamilya kasama si Marvin at ang kanilang anak.
  • Nagplano silang samahan si Geneva sa Bulinao. Isa sa mga tanyag na destinasyon sa probinsya. Febrero 2016. Dumating si Gin mula sa Maynila. Kasama niya ang isang pamangkin na nasa elementarya at nais ding makakita ng dagat sa Pangasinan. Dala ang tiwala ng matagal na nilang pinagsamahan bilang magkumari at magkaibigan.
  • Isinama niya si Marvin at ang kanilang anak upang magtungo sa Bulinao para sa tatlong araw na bakasyon. Pagdating nila sa Bulinao, agad na bumungad ang magandang tanawin, ang pinong buhangin at ang malinaw na dalampasigan. Ang mga bata ay nagtatakbuhan sa buhangin abala sa paglaro habang sina Marvin at Geneva ay abala sa pag-aayos ng mga gamit at pagkain.
  • Para kay Bernadeth, tila normal ang lahat, ang tawanan, ang mga pagkuha ng litrato at ang mga simpleng salo-salo ay nagbigay ng panandaliang ginhawa. Habang naglalakad sila sa baybayin, kinahapunan napansin ni Bernadette ang paraan ng pagtrato ni Marvin kay Geneva. Una, si Marvin ang kusang kumuha ng litrato ng kumari ngunit hindi niya ito binigyan ng malisya.
  • Ngunit ang lahat ng ito ay magkakaroon pala ng kahulugan sa mga bagay na kanyang matutuklasahan. Sa isang hapon ng kanilang paliligo sa dagat, napansin niya ang isang bagay na tuluyang bumago sa kanyang pananaw. Habang nakatalikod si Geneva, bumungad sa kanya ang tato sa likod nito, isang guhit ng puso at disenyong sailboat. Ang mismong disenyo ay kaparehong-kapareho ng tattoo na nasa braso ng kanyang asawa.
  • Matagal ng sinabi ni Marvin na ang tatoo na yon ay simbolo lamang ng kanyang trabaho bilang Sean. Isang tandaan ng kanyang buhay sa dagat. Ngunit nang makita niya ang parehong disenyo kay Geneva, nagsimulang mabuo ang isang kutob na hindi na naalis pa sa kanyang isip. Habang pinagmamasda ng eksena mula sa malayo, nakita niya kung paano mag-usap sina Marvin at Giniba.
  • Ang kanilang mga galaw ay tila ba mas malapit pa kaysa sa isang normal na magkumpare at ang mga titig na palihim, ang mabilis na ngitian at ang paraan ng kanilang paglapit sa isa’t isa ay nagbigay kay Bernadette ng bigat sa dibdib. Sa kabila ng ingay ng alon at tawanan ng mga bata, naramdaman niya ang tahimik na pagkakanulo ng dalawang taong malapit sa kanya.
  • Sa kabila nito, pinipilit niyang ipakitang normal ang lahat. Nanatili ang mga tanong sa kanyang isip. May bahagi sa kanyang sigurado sa kanyang hinala. Ngunit may kung ano ring nagsasabing malamang ay nagkataon lamang ang lahat bag’t ito ay malabo. Kinagabihan nang lahat ay tila mahimbing ng natutulog, hindi pa rin mapakali si Bernadette.
  • Ang kanyang puso ay kumakabog. Ang kanyang mga mata ay gising na gising. Bandang madaling araw, narinig niyang bumangon si Marvin mula sa kanilang kama. Maingat ang mga yapak nito na tila ba ayaw maabala ang kanyang magina. Lumabas siya ng kwarto nang hindi lumilingon dala ang kanyang cellphone. Tahimik na bumangon si Bernadeth at sinundan ang kanyang asawa.
  • Sa dilim, nakita niyang ilang minuto lang ang lumipas ay bumukas din ang pintuan ng kwarto ni Geneva. Lumabas ito at dahan-dahan ding naglakad at tinuho nila ang parehong direksyon. Ang kaba ni Bernadette ay lalong pang lumakas ngunit nanatili siyang nagmamasid mula sa malayo. Sa kabila ng dilim ng paligid, tinahak niya ang daan patungo sa dalampasigan.
  • Doon sa likod ng malaking batuhan malapit sa dagat, nasaksihan niya ang pinakamasakit na tagpo. Si Marvin at si Geneva nakalapat ang bawat kamay sa isa’t isa. Nakatayo ng magkalapit at matapos ang ilang saglit, nagsimulang magpalitan ng halik. Ang mga sandaling yon ay nagsilbing kumpirmasyon ng lahat ng kanyang hinala.
  • Ang taong pinakasalan niya at ang kaibigang pinagkatiwalaan niya ay parehong nagtataksil. Hindi gumawa ng scandalo si Bernadette. Ang kanyang mga mata ay napuno ng luha. Ang kanyang dibdib ay halos sumabog sa sakit. Ngunit pinili niyang bumalik sa kanilang kwarto, hindi niya kayang gisingin ang kanilang anak at ilantad ang eksena sa bata.
  • Sa halip, tahimik siyang nahiga, pilit pinigil ang pag-iyak at magdamag na kinimkim ang sama ng loob. Pagsapit ng umaga, nagkunwari siyang masama ang kanyang pakiramdam. Sinabi niyang kailangan na nilang umuwi ngunit tinutulan ito ni Marvin at Geneva. Idinahilan na sayang ang bakasyon para sa mga bata. Ayaw na niyang makipagtalo pa kaya’t nagpasya siyang siya na lamang ang uuwi.
  • Nagpaiwan sina Marvin at Gena, kunwari upang bantayan ang kanilang anak at ang pamangkin ngunit malinaw na may iba silang motibo. Sa biyahe, pabalik ng kanilang bahay, halos walang tigil ang pagluha ni Bernadette. Ang bigat ng pagtataksil ay bumalot sa kanya. Ngunit sa kanyang isipan nagsimula ring mabuo ang plano.
  • Hindi siya papayag na mananatiling talunan sa halip siya ay lalaban para sa sariling dignidad at para sa anak. Sa mga sumunod na linggo, maingat na pinag-aralan ni Bernadette ang kilos ni Marvin. Pinilit na niyang maging normal sa harap ng asawa. ngumiti sa pagkainan at magpanggap na walang napapansin. Ngunit sa bawat oras na nakikita niyang hawak nito ang kanyang cellphone, muling bumabalik sa kanyang ala-ala ang mga nakita niya sa dalampasikan.
  • Lihim niyang sinimulan ang kanyang paghahanap ng ebidensya. Minsan nang iniwan ni Marvin ang kanyang cellphone sa sala habang naliligo, mabilis itong kinuha ni Bernadette. Doon niya natagpuan ang mga mensahe, mga pag-uusap na nagsisimula pa tatlong taon na ang nakalilipas. Mga mensaheng puno ng lambingan, mga larawan ng kanilang pagtatagpo at ang mga plano ng pagkikita sa mga panahong.
  • Nagbabakasyon si Marvin sa Pilipinas mula sa kanyang trabaho bilang Sean. Habang binabasa ang mga yon, halos hindi makakapaniwala si Bernadette na pagtanto niyang ang pag-uwi ng surpresa na ipinagmamalaki pa ni Marvin ay paraan lamang nito upang magkaroon ng ilang linggo para makasama si Geneva sa Maynila. Doon sila nagsama sa mga hotel.
  • nagpapakasaya habang siya at ang kanilang anak ay naghihintay sa bahay na walang alam. Ngunit higit pa doon ang kanyang natuklasan. Sa ibang mga chat thread, nakumpirma niyang hindi lamang si Geneva ang babae sa buhay ni Marvin. May mga babae rin sa ibang bansa, mga kababaihang nakilala niya sa Port City, mga fling sa mga bar at mga larawan ng iba’t ibang babae mula sa iba’t ibang destinasyon.
  • Doon niya napagtanto na sa tuwing lumalayag si Marvin kung sino-sinong babae ang nakakaniig niya. Para kay Bernadeth, hindi na lamang ito simpleng pagtataksil. Isa itong buong siklo ng larawan ng respeto ng kanyang asawa. Kasama rin sa kanyang mga natagpuan ang usapan kung saan bahay na nagpat sina Marvin at Geneva dalawang taon na ang nakakaraan.
  • Ang disenyo ay parehong-pareho, guwit ng puso at sailboat, simbolo raw ng kanilang ugnayan. Ang tato na minsang ipinagmalaki ni Marvin bilang tanda ng kanyang buhay dagat ay marka pala ng isang kasalanan. Lahat ng ito ay kinunan niya ng larawan upang maging ebidensya. Halos nanginginig ang kanyang mga kamay habang pinipindot ang camera.
  • Natatakot na baka bumukas ang pinto ng banyo at mahuli siya ni Marvin. Ngunit kahit nangangatog ang kanyang tuhod, tinapos niya ang bawat screenshot, bawat litrato, bawat kopya ng ebidensya na magsisilbing sandata niya sa tamang panahon. Matapos nito ay nagpasya siyang lumapit sa isang abogado. Inilahad niya ang lahat ng kanyang nalaman at ipinakita ang mga ebidensya.
  • Habang patuloy ang pakikipag-ugnayan sa attorney, sinimulan din niyang protektahan ang kanyang sarili at ang kinabukasan ng kanilang anak. Dahan-dahan niyang inilapat ang pera mula sa kanilang joint account patungo sa isang account ng isang taong mapagkakatiwalaan. Ginamit niya ang kaalaman mula sa payo ng abogado upang mailipat din ang titulo ng kanilang mga naipundar na lupa sa pangalan ng kanilang anak.
  • Ang sasakyan na nakapangalan sa kanilang mag-asawa ay ipinagbenta niya. Idinahilan kay Marvin na nais niyang bumili ng mas bago. Hindi yun inalmahan ng lalaki. Ang napagbentahan ay diretso niyang deneposito sa bagong bank account. Sa bawat kilos, tiniyak niyang hindi ito mapapansin agad ng asawa. Ang lahat ay ginawa niya ng maingat na para bang isang laro ng buhay na hindi niya dapat matalo.
  • Nagsimula ang kanyang pinakamalaking laban hindi bilang asawang iniwan kundi bilang ina at babae na hindi kailan man papayag na yurakan ng pagtataksil. October 2015. Matapos ang ilang buwang pagkonsulta sa abogado at pag-aayos ng mga papeles, pormal na nagsampa ng kasong Concubinage si Bernadette laban kay Marvin at Geneva.
  • Kalakip na rin ng reklamo sa ilalim ng Violence Against Women and Children Act, ang mga dokumento, mga litrato at mga mensahe sa cellphone ay nagsilbing matibay na ebidensya at batayan. Nagulat si Marvin ng matanggap ang Subpwena. Sa halip na magpakumbaba, ipinilit niyang gawa-gawa lamang ni Bernadeth ang lahat at sinabi niyang siya ang may problema sa kanilang pagsasama.
  • Ngunit nabasag ang kanyang pagtatapang-tapangan ng isa-isang inilahad sa korte ang mga patunay ng kanyang pagtataksil. Si Geneva na minsang itinuring na kapatid ni Bernadette ay ipinatawag din. Sa simula, nagpalamas lamang ito ng tapang at ipinahayag na kaya niyang ipamukha kay Bernadeth na siya ang mas nararapat sa pagmamahal ni Marvin.
  • Ngunit unti-unting naglaho ang kanyang kumpyansa nang maramdaman niyang dehado siya sa laban ng legal. Nag-file din ng separation si Bernadette na agad namang pinirmahan ni Marvin. Yun na ang pagkakataong hinihintay niya ngunit wala siyang kaaalam-alam na pinaghandaan na ni Bernadeth ang lahat bago niya ito harapin.
  • Huli na ng malaman ni Marvin na nalipat na sa ibang pangalan ang kanilang financial assets. Wala ng laman ang kanilang joint bank account at wala na rin siyang habol sa Conjugal. properties dahil nabenta na rin ang kanilang sasakyan at naipangalan na sa kanilang anak. Ang ilang lupang naipundar nila bilang siya ay nagtatrabaho bilang si bawat hearing, malinaw ang desperasyon ni Marvin.
  • May mga sandali siyang sumisigaw sa korte at minsan namy nagmamakaawa ngunit lahat ng iyon nabalewala. Isang araw sa korte, sinubukan ni Marvin na lapitan ang anak at magmakaawang mayakap siya. Ngunit tinabig siya ng bata. Tumakbo, palayo at lumapit kay Bernadette habang umiiyak. Nagpahayag siya ng galit at pagtanggib sa Ama. Kaya naman angsenang yon ay tila lalong nagpabagsak sa pagkatao ni Marvin.
  • Hindi naging madali kay Bernadet ang proseso. Madali siyang kutyain ng pamilya ni Marvin. Binansagan siyang maluho, mapagpanggap at sinisisi bilang dahilan ng pagkawasak ng kanilang pagsasama. Sa bawat bulo at mapanuyang tingin na natatanggap niya sa loob at labas ng korte, mas lalo siyang tumitibay. Ang bawat insulto ay nagsilbing gasolina upang ipagpatuloy ang laban.
  • Marso 2017. Sa huling session ng paglilitis, binasa ng hukom ang desisyon. Si Marvin ay hinatulan ng 10 taong pagkakakulong sa kasong Concubinage at VWC. Si Geneva naman ay tumanggap ng anim na taong pagkakakulong bilang kasabwat at karelasyon sa labas ng kasal. Ang lalaking minsang nangarap ng komportableng buhay sa barko ay ngayo’y bilanggo ng sariling kasalanan.
  • Hindi lamang kalayaan ang nawala kay Marvin kundi pati ang pamilya. At kinabukasan dahil habang dinidinig ang kaso, ipina-blocklist na rin siya ni Bernadette sa mga ahensya ng pamahalaan at sa mga international maritime Agency. Hindi na siya makakabalik sa barko kahit kailan. Ang propesyong minsan niyang ipinagmamalaki ay tuluyan ng naglaho.
  • Si Geneva na dati itinuring na matalik na kaibigan ay tuluyang nalugmok sa kahihian. Ang kanyang pamilya ay napahiya. Ang kanyang pangalan ay nadungisan at ang kanyang buhay ay nabago magpakailanman. Sa anim na taon niyang pagkakakulo, tila nakaukit na parang tato ang kanyang reputasyon.
  • bilang babaeng naging dahilan ng pagkawasak ng isang pamilya. Sa huli, isang kabalinto naang maituturig na ang dagat na dahilan ng pagkakaroon sana ng maginhawang buhay ng pamilya Molina ay siya ring lugar kung saan niya matutuklasan ang kalokohan ng asawa. Ang tattoo na simbolo ng isang bawal na relasyon ay siya rin palang guguhit ng hustisya.
  • Nawala man ang asawa ni Bernadette ngunit nanatiling buo ang kanyang dignidad bilang isang babae at isang ina at iyon ang mahalaga sa kanya