Nagsumikap ako para itaguyod ang buhay namin ni Inay at ng bunso kong kapatid



Isang labandera ang aking Inay. Sa pamamagitan ng trabahong ito nya kami itinaguyod at binuhay ng aking bunsong kapatid. Matagal na kasing sumama sa ibang babae ang aming Itay.

Simula pa noong bata pa ako ay ganitong trabaho na ang kinamulatan kong trabaho ng inay ko.

Araw araw syang tumatanggap ng mga labahan para lamang may pambili sya sa mga pang araw araw naming mga pangangailangan sa buhay.

At siya ang ginawa kong inspirasyon upang makapagtapos ng aking pag-aaral at maipasa ang kursong aking ninanais.

Không có mô tả ảnh.

Nagawa ko naman iyon at sa edad na dalawamput lima ay isa na akong ganap na Nars. Nag-apply ako ng trabaho sa Hong Kong at nabigyan naman ako ng swerte.

Naging private Nars ako ng isang matandang lalake. Kaagad nya akong pinadalhan ng pamasahe para makalipad na kaagad papunta roon.

Nasa dalawang buwan pa lamang ako ng ma-mis ko si inay at ang kapatid ko Tinawagan ko sila para kamustahin.

“Inay, kamusta na po kayo ng kapatid ko? Ayos lang po ba kayo dyan?” umiiyak kong tanong sa nanay ko.

“Oo anak, huwag mo kaming alalahanin ng kapatid mo rito. Maayos naman kami. Ikaw dyan ang kamusta?” balik-tanong nya sa akin.

Không có mô tả ảnh.

‘Heto inay, mis na mis ko na po kayo.” tuluyan na akong humagulgol.

“Shh tahan na anak, huwag ka ng umiyak. Kami rin mis na mis ka na namin.” sagot nya.

“Huwag po kayong mag-alala, magkakasama-sama rin ulit tayo kapag nagbakasyon ako.”

“T-talaga anak, m-magbabakasyon ka?” ramdam sa boses ni Nanay ang pananabik.

“Opo inay pero hindi pa sa ngayon. Matagal pa kasi dalawang buwan pa lamang ako rito eh.”

“Ah Ganon ba?”biglang lumungkot ang kanyang boses.

“Sige na po Inay at baka mahuli pa akong tumatawag. Kabago-bago pa lamang ako sa trabaho ko eh baka kung ano pa ang sabihin nila.

“Sige anak, mag iingat ka palagi. Mahal na mahal ka ni Inay tandaan mo iyan.

“Mahal na mahal ko rin po kayo Nay!” pag-off ko ng tawag ay muli akong umiyak.

Nag ipon ako ng husto. Gusto kong surpresahin si Inay sa pag-uwi ko. Sapat lamang na halaga ng pera ang pinapadala ko sa kanila sa probinsya para magawa ko ang matagal ko ng pinapangarap.

Lumipas ang halos tatlong taon at isang buwan na lamang ay sasapit na ang buwan ng kapanganakan ni Inay. Iyon din ang araw na darating ako sa Pilipinas para magbakasyon.

Subalit sadyang mapaglaro ang panahon. Kung kailan malapit na akong uuwi ay saka nya naman ako susubukin sa aking katatagan. Nagring ang aking cellphone, kapatid ko ang tumatawag.

“Helo bunso, napatawag ka? Wala na ba kayong pera, sige bukas na bukas magpapadala ako. Si Inay nasaan sya?”

“A-ate–“

Kinilabutan ako nang umiyak ang kapatid ko mula sa kabilang linya.

“B-bunso, bakit ka umiiyak? N-nasaan si Inay?”

“Ate, si Inay–si inay! P-p4tay na po sya!”

“A-ano— h-hindi, hindi totoo yan!”

“Kanina habang yakap-yakap nya ang litrato nating tatlo, hinehele nya ito sa upuan nyang tumba tumba habang kinakanta nya ang madalas nyang kantahin kapag pinapatulog noong mga bata pa tayo. Iniwan ko sya para maghanda ng pananghalian pero pagbalik ko, iniwan na nya po tayo. Ang sabi, inat4ke daw sya sa puso.”

Hindi na ako nakaimik pa. Panay iyak ko habang pinapakinggan ang sinasabi ng bunso kong kapatid.

Malungkot kong hinintay ang araw ng aking paglipad. Pagdating ko ng Pilipinas, wala na akong inaksayang oras. Kaagad ulit akong bumiyahe. Nagrenta na lamang ako ng taxi para mas mapabilis. Wala na akong pakialam kung magkano ang renta basta ang mahalaga para sa akin ay ang makita si Inay.

Pagdating ko sa aming probinsya, burol ni Inay ang bumungad sa akin sa bahay. Nagsimula na namang umagos ang aking mga luha. Pagdating ko sa kab4ong ng nanay ko ay hindi ko na nakayanan ang emosyong nararamdaman ko.

“Inay! Inay ko! Paano na ang mga pangarap ko sa iyo, paano na ang mga inipon at pinundar ko para sana isurpresa at iregalo sa kaarawan mo bago ulit ako bumalik ng trabaho ko. Inay ko, gumising ka, gumising ka!”

Pero maski anong yugyog ko sa kabaong nya ay hindi ko na makikitang nakadilat, nakangiti at humihinga ang aking pinakamamahal na ina.

Inalalayan ako ng akint bunsong kapatid at pinatahan. Ilang araw lang ay ipinail!bing na rin namin si Inay.

Sa harap ng kanyang puntod ay dito ko sinabi ang mga huli kong sasabihin sa kanya bago ko sya iwan. Eksaktong ang araw na din iyon ay kaarawan na nya.

“inay, kamusta po, masaya na po ba kayo sa piling ng Panginoon? Kasi kung oo, pipilitin na rin naming maging masaya ni Bunsoy. Salamat po Inay dahil sa sakripisyong ginawa nyo para lamang maitaguyod nyo kami ng kapatid ko. Ngayong wala na kayo, kay bunso ko na lamang tutuparin ang lahat ng pangarap ko para sa inyo. Mahal na mahal namin kayo inay at hinding hindi ka namin kailanman makakalimutan.

Nang maayos ko ang lahat ay bumalik na ulit ako sa aking trabaho sa Hong kong. Ang naipundar kong lote, naipagawang bahay, nabiling sasakyan at naipon na pera sa aking binuksan na bank account ay iniwan ko sa aking nakababatang kapatid.

Alam ko na masaya na si Inay sa mga panahong ito sapagkat unti-unti ko ng natutupad ang pangarap kong buhay para sa kanya. Wala man sya ay ramdam ko pa rin ang kanyang pagmamahal at suporta bilang isang napakabuti at mapagmahal na ina.

wakas